Javen Flair's POV
Nang makita kong papasok na si Zeal sa kwarto niya kasama ang mommy niya ay itinuon ko ang tingin sa apat na lalaki sa harapan ko. Si tito Mel, Kuya Zen, Zeke at Zaimon.
Lahat sila ay gustong magpaliwanag ako kung ano ang nagyari pero 'di ko kayang magsalita dahil wala akong alam.
Basta ang nararamdaman ko lang ay kung gaano kasakit ang nararamdaman ni Zeal ay higit na mas masakit ang nakikita ko siyang ganito.
"I don't know what happened" napasapo ako sa noo ko at saka ko naramdaman ang tapik sa balikat ko.
"Salamat, hijo. Magpahinga ka na rin" sabi ni tito Mel sa akin.
"Salamat" sabi ng tatlong kuya ni Zeal.
At saka ako nagpaalam na aalis na.
Gusto ko siyang iuuwi sa bahay dahil alam ko na pag-nandito siya ay lalo siyang masasaktan dahil magkatapat lang ang bahay nila ni Kean pero wala akong lakas ng loob na gawin 'yon dahil alam kong may mapagmahal siyang pamilya at hindi siya pababayaan nito.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay doon na pumatak ang luhang pinigilan ko na makita ni Zeal.
Fuck you, Kean.
Paulit-ulit ko iyong sinasabi sa utak ko. Galit na galit ako sa kanya pero 'di ko siya magawang sugudin sa bahay nila at saktan dahil bestfriend ko siya.
Ang sakit sakit na gano'n niya lang itapon ang babaeng pinaubaya ko sa kaniya.
Sabi ko ingatan mo at alagaan, Asshole!
Lahat ng mura ay nabanggit ko sa isip ko. Kung alam ko lang na magkakaganito fuck edi sana inagaw ko na siya!
Tinawagan ko si Kean at nang sagutin niya.
"Fuck you!" bungad ko sa kaniya.
At saka ko ibinaba ang cellphone.
I wish, I could get the pain to you. Gano'n kita kamahal, Cherish.
Maya-maya ay nag-ring ang phone ko.
"Sir, nandito 'yong babae mong kaibigan nagsasayaw sa dance floor lasing na lasing"
Fuck! Zeal!
Inihatid ko na siya ah! Paano siya? Ugh!
Nagmadali akong nag-drive papunta sa The Rose.
Nakita ko si Zeal, ang iksi ng suot, nakatakong at pinalilibutan ng maraming lalaki na halos halikan na siya sa sobrang lapit.
Agad pumunta sa ulo ko lahat ng dugo ko! Naginit ang mukha ko at galit na galit na sumigaw.
"GET THE FUCK OFF YOUR HAND TO HER!!!" Sigaw ko sa mga lalaking nando'n napahinto ang lahat sa pagsasayaw at tumingin sa akin.
"PUTANGINA!" 'Di ko na napigilan ang sarili ko at pinag-susuntok ang mga lalaking nasa palibot niya at saka ko marahang kinuha ang braso niya.
"Anong problema, pare?" Maangas na hinarang ako ng mga lalaki.
Nagdilim ang paningin ko.
"Tabi! Kung ayaw mong patalsikin kita sa BAR ko" pagkakadiin ko pa sa salitang bar pero 'di siya natinag.
"Girlfriend mo ba 'to huh?" akmang lalapit pa siya kay Zeal pero nasuntok ko na agad siya.
Hanggang dumating ang guard at inawat kami.
"Layas! Wag ka ng babalik dito!!" sigaw ko do'n sa lalaki at saka tinuro ang mga kasama niya. "NEXT TIME, I SAW THOSE FACES HERE, YOUR NEXT DESTINATION IS TO HELL!" sigaw ko.
Buong buhay ko hindi ako nagalit nang ganito. Palagi akong nagtitimpi at 'di nalang nagsasalita. 'Di ako sumisigaw ng sobrang galit at lakas pero ng dahil kay Zeal nagawa ko.
Tiningnan ko siya. Ang kapal ng mukha ang iksi ng suot kailan pa siya natutong magdamit ng ganito?
Hinubad ko ang jacket ko at ibinigay sa kaniya. Mapungay ang mga mata niya na tumingin sa akin, ngumiti at saka tumulo ang luha niya.
"I guess, you're Flair? " sabi niya sa tonong lasing at nababaliw. "Kasi hu si Kean 'di ako mahal hu" iyak nanaman niya.
Hinila ko siya palabas ng bar.
"Si Flair ka? " tawa siya nang tawa pero lumuluha ang mga mata niya.
Itinikop ko ang hita niya. Bwisit na babae 'to hinatid ko na nga lumabas pa ng bahay at ang ganda pa ng suot! Nice! Over Melanin! Pinapakulo mo ang dugo ko!
"Ang ingay mo" sabi ko sa kaniya.
Lumapit siya at niyakap ako.
"My handsome, 'wag na tayo magaway" umiiyak na bulong niya sa akin.
"I'm not Kean"
Tinitigan niya ang mukha ko. Hays. Bakit ba 'pag lasing siya 'di niya nakikilala ang mga tao?
Tinawagan ko si Tito Mel at sinabing kasama ko siya. Gulat na gulat siya dahil katabi daw ni Zeal ang mommy niya kaya 'di nila inisip na lalabas pa ito. Pinaalam ko kung pwede sa bahay nalang siya matulog, pumayag naman.
Inalalayan ko papasok ng bahay namin si Zeal.
"What happened?" tanong ni daddy.
"Long story, dad"
Pinasok ko sa kwarto ko si Zeal. Sa guest room nalang ako.
No'ng inihiga ko siya sa kama ay 'di ko inaasahang yayakapin niya ang leeg ko.
"Dito ka lang hu" sabi niya habang tumutulo pa ang luha. "Don't leave me. Please Stay"
Tumulo din ang luha ko sa pisngi niya. Ang hirap mong makitang ganito. Ang sakit!
Gumuhit ang kirot sa dibdib ko at nagwawala sa sakit ang buong sistema ko.
"I'm always here but you can't see me" sabi ko sa kaniya nang makitang nakapikit na ang mga mata niya.
Kumuha ako ng towel na basa at ipinunas sa mukha niya, lalo na sa mata niya.
Siguradong mugto ang mata niya bukas pagkagising.
"Wag ka ng umiyak, ang pangit mo umiyak" saka ako ngumiti sa kaniya.
Tulog na siya. Mas mabuti na 'yon para 'di niya maramdaman ang sakit.
Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Tumulo ang luha ko. Kabadingan man pero totoong umiiyak ako at nasasaktan din.
Akin ka nalang, Cherish...
Kean...