Napatingin kami sa isang batang lalaki tumakbo ito at kumalong kay Flair.
"Buknoy!" ginulo niya ang buhok nito. "Namiss mo ba ako?" Sabi niya at saka ngumiti pa sa bata.
"Buknoy, kumakain pa ang kuya mo" saway ni manang Cora.
"Okay lang po, manang. Namiss ko si Buknoy" kumuha si Flair ng plato at kutsara. "Kumain ka na rin" at saka niya ito kinunan ng pagkain at ulam.
Mabait naman pala ang kuya mo Flair.
Habang kumakain kami ay kwento nang kwento ang bata tungkol sa saranggola niya daw na ginawa ng tatay niya. Hanggang sa napatingin ito sa akin at bumulong kay Flair.
"Hindi pa" iyon ang sagot ni Flair.
"Anong binulong niya?" Tanong ko.
"Kung naligo ka na daw? Sabi ko hindi pa" nangaasar na sabi ni Flair at parehas silang tumawa ng bata.
Wow! Hanap kampi!
Sinamaan ko lang siya ng tingin, mamaya ka sa akin.
"Bukas ko na kayo ililibot dahil gabi na, pupunta ako bukas sa mansyon ninyo, Jeb" sabi ni manang Cora habang inihahatid kami sa kotse.
"Sige po, manang salamat po" at saka ako nagbeso sa kaniya.
"Ingat kayo ng nobya mo" sabi ni manang Cora.
Sasabihin ko pa sanang hindi niya ko nobya pero nagpaalam na agad si Flair.
"Alis na kami, manang"
Tinahak namin ang daan papunta sa mansyon daw nila.
'Papa, punta ulit tayo sa Bagasbas Beach!'
Na-alog ko ang ulo ko nang biglang may boses ng bata ang narinig ko sa isip ko.
Ano 'yon? May multo ba dito?
'Oo naman, Princess!'
May narinig ulit ako na boses ng isang lalaki. Hala minumulto yata ako?
Napahawak ako sa braso ni Flair na nagda-drive.
"Hey! Ano ba! Ang clingy mo 'di pa tayo 'wag kang hawak nang hawak d--aray!"
Hinampas ko siya sa braso. Ang daming sinasabi.
"Bakit ba?" tanong ni Flair habang nakatingin sa daan.
"I think I heard voices from my head"
"What? nababaliw ka na agad, kailan lang kayo naghiwalay ni Kean, symptoms 'yan ng mental disorders" sabi niya.
Nag-roll eyes ako. Bakit ba ako sumama sa siraulong impakto na ito?
"Nahawa ka na sa bunganga ni Rev" bulong ko.
"Sabi mo?" - Flair
"Sabi ko pogi mo"
"Thank you" - Flair
"Kahit joke lang?" sabi ko.
Patuloy kaming nag-asaran hanggang makarating kami sa pinag-mamalaking mansyon nito.
Malaki, malinis, maganda, relaxing, at masasabi kong tahimik ang mansyon nila.
Sinalubong kami ng isang 'di naman katandaang babae at lalaki.
"Jave!" Niyakap sila ni Flair.
"Kumusta po kayo, Manang Pinsing, Mang Rome?"
"Nako heto tumatanda na, bakit ngayon ka lang?" sabi ni Mang Rome at saka tumingin sa akin. "Ito na pala ang nobya mo?"
Ngumiti ako sa kanila.
"Magandang gabi po, ako po si Elle" sabi ko at saka inabot ang kamay ko. "Kaibigan niya po" gano'n nalang ang pagdidiin ko sa salitang kaibigan.
"Ang bagal mo, Jave! Ligawan mo na, ang torpe" sabi ni Mang Rome at saka tinapik pa ang balikat ni Flair, agad namang namula ang pisngi niya at napakamot sa ulo.
"Halika, Elle. Kumain na ba kayo?" sabi ni Manang Pinsing.
"Opo" sabi ko at saka muling ngumiti.
"Magpapahinga na kami Manang kasi pagod kami sa byahe" -Flair
"Nako sandali ayusin ko lang ang kwarto" - Manang Pinsing.
Umupo kami sa sofa do'n. Si Flair naman ay nakikipag-kwentuhan lang kay Mang Rome.
"Kung gusto mo tutulungan kita manligaw" rinig kong sabi ni Mang Rome.
"Nako, hindi na, dahil dragon 'yang babaeng 'yan" napatingin ako kay Flair, ngisi ang sukli niya.
"Mamamatay muna ako bago ko ligawan 'yan " sabi ni Flair kay Mang Rome.
"Talaga ikaw bata ka, ewan ko ba kung bading ka oh ano?" - Mang Rome.
Napalakas ang tawa ko sa sinabi ni Mang Rome.
"Mang Rome naman!" sabi niya habang kinakamot ang tungki ng ilong niya.
Maya maya pa ay bumaba na si Manang Pinsing.
"Magpahinga na kayo"
Umakyat kami sa taas. Magkatabi ang kwarto namin ni Flair.
Pinagmasdan ko ang kwarto ang ganda! Lumabas ako at napa-wow ako sa Veranda dahil kitang-kita doon ang kagandahan ng Beach.
Lumabas na si Manang Pinsing. Akala ko ay lumabas na rin si Flair pero nandito pa pala siya.
"Maganda ang lugar" tiningnan ko siya.
Nasa tabi ko na siya ngayon at nakatingin lang siya sa malayo.
"Wag kang iiyak, gusto ko mag-enjoy ka sa pag-stay mo dito" sabi niya at saka siya tumingin sa akin. Hinawi niya ang buhok na humaharang sa mukha ko dahil sa lakas nang hangin.
"If you need me just call my name and I'll be here" ngumiti siya sa poging paraan. Did I say pogi? Nah!
"Please don't cry dahil ang pangit mo kapag umiiyak" tumaas ang gilid ng labi ko sa sinabi niya.
"Lakas mo mang-alaska dapat 'di Flair ang pangalan mo kung hindi alaska!" inis kong sabi sa kaniya.
"Tatawa na ba 'ko?" nangaasar niyang sabi na nakataas pa ang dal'wang kilay.
"Ugh!" pinagsusuntok ko ang dibdib niya. Tawa lang siya nang tawa.
"Epal mo! Labas ka na matutulog na ako!" sabi ko at saka siya sinipa palabas.
"Wow! Mansyon mo?" sarkastiko niyang sabi. "Alam mo ikaw kapag mang-papalabas ka sisipain mo? Anong klase ka?" sabi niya na hawak pa ang pwet niyang sinipa ko.
Tumawa lang ako nang malakas.
"Ge! Labas na ko! Bangungutin ka sana!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. 'Di niya alam na may kinatatakutan akong panaginip kaya sumeryoso ang mukha ko at itinaboy na siya palabas.
Humiga na ako sa kama at natulog.
"Ang ganda ng araw, halika na at pupunta tayo sa Bagasbas Beach" sabi ng isang lalaki.
"Yehey!" nagtatalon ang batang babae.
Biglang nagbago ang eksena at napunta sa isang madilim na kwarto.
"Wag kang umasang makakaligtas ka dahil hindi biro ang pamilyang ito. Pagsisihan mo isang araw ang ginawa mo!"
Habang nakatago ako sa ilalim ng kama ay narinig ko ang sigaw na iyon. Anong nangyayari? Anong ginagawa ko sa ilalim ng kama?
Hanggang sa may yabag na palapit sa akin kaya agad akong tumakbo palabas ng kwarto at nagtago sa lamesa.
Nang makita ako ng lalaki ay humihikbi na ako.
"Mama, papa, ate huhu"
Ngumisi ang lalaki pero 'di ko ma-aninag ang buo niyang mukha at itinutok sa akin ang baril.
"Huwag!" sigaw ko pero pumikit nalang ako at inintay ang tama ng baril pero may humampas na babae sa likod ng lalaki.
Nakita ko ang isang babae pero malabo ang mukha niya.
"Halika na" inakay niya ako.
Doon ko nakita ang isa pang mas matandang batang babae na hawak niya rin sa kabilang kamay.
Itinago niya kaming dal'wa sa kakahuyan at saka niya kinalaban ang lalaking iyon. Sa sobrang lakas ng ulan ay sobrang dilim ng paligid.
Takot na takot kami ng batang kasama ko. Ngunit mas natakot pa ako nang makitang natumba na ang babaeng nagligtas sa amin.
"TAKBO!" sigaw ng babae sa amin.
Tumakbo kami ng batang kasama ko na magkahawak kamay pero na-abutan kami ng lalaki. Nahawakan niya ang batang babaeng kasama ko.
"Tumakbo ka na! TAKBO!" sigaw sa akin ng bata.
Napako ang paa ko at patuloy pa rin ang pagluha. Hanggang sa itinulak ako ng batang babae.
"Mahal ka namin nila mama at papa! Iligtas mo ang sarili mo! TAKBO!"
Kahit labag sa loob ko ay tumakbo ako. Takbo lang ako nang takbo hanggang marating ko ang kalsada. Muntik na akong mabangaan ng isang kotse. Lumabas ang tao doon at 'di ko na kinaya pa natumba na ako. Sa ulanan at sa gitna ng kalsada.
*Black
"Zeal, wake up. Please!" narinig ko ang pamilyar na boses na iyon at saka naramdaman ang pagyakap sa akin. May luhang pumatak sa mismong pisngi ko.
Iminulat ko ang mata ko.
Flair...
Niyakap ko siya nang mahigpit.
Napanaginipan ko nanaman, this time may mga nadagdag at kasama na doon ang Bagasbas Beach.
Anong role mo sa buhay ko, Camarines Norte? Anong totoong nangyari? Totoo ba talaga ang panaginip kong iyon o gawa lang ng utak ko?
Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko.
I don't understand.