Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 45

"Maliligo ka o ako magpapaligo saiyo?" Pag-uulit niya at saka manyakis na pinakita ang ngiti sa akin.

"Yuckkk!!" sabi ko at itinulak siya. "Fine! Maliligo na ako! Get out of--ahm your room" sabi ko.

At saka siya naglakad palabas ng kwarto. Good boy!

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili.

Nang makababa ako ay nakita ko siya sa kusina. Nagluluto. Wow!

Tumakbo ako sa may hapagkainan, kahit 'di ko tingnan ay naamoy ko na adobo ang niluluto niya. My favorite!

"Bilisan mo, impakto! Gutom na ako" sabi ko at saka humawak pa sa tyan ko.

Nilingon niya ako, 'di niya man lang namalayan na nandito na ako.

"Heto na" sabi niya habang inaabot sa akin ang adobo at saka siya kumuha ng plato, tinidor, kutsara at tubig.

Napatitig ako sa isang basong tubig na nasa harap ko. Naalala ko si Mr. 8 glasses of water. My Kean, my handsome. Wala na nga pala kami.

"Di lahat ng bagay ay para sa kaniya. Learn to deal with things na hindi siya naa-alala" sabi ni Flair.

Bago pa ako mag-emote ay itinuon ko nalang sa pagkain ang atensyon habang sarap na sarap sa adobo.

"Ang sarap! Ang galing mo magluto ng adobo!" masigla kong sabi at saka ngumiti kasama pati mata.

"Nasan si tito?" sabi ko kay Flair.

"Maaga umalis, busy as always" sabi niya at saka sumubo ng karne.

"May nagbago ba after the day that you saved him?" tanong ko ulit.

Ibinaba ni Flair ang kutsara at ngumiti.

"Yeah, pinaramdam niya sa akin pa'no maging ama ulit. 'Di na niya 'ko kinalimutan pa" sabi niya at saka muling ibinalik ang mata sa pagkain.

"Buti naman"

Pagkatapos namin kumain ay nag-agawan kami kung sino ang maghuhugas, sa huli ay nanalo ako.

Paglabas ko sa kitchen nakita ko siya na nakaupo sa sofa.

"Tara na?" sabi niya at saka tumayo.

Sumunod lang ako sa kaniya hanggang makalabas kami ng bahay.

"Where are we going?" sabi ko.

Binuksan naman ni Flair ang pinto ng kotse sa tabi ng driver's seat.

'Di siya agad sumagot hanggang sa makaupo siya.

"Sa mundong para sa ating dal'wa lang" sabi ni Flair at saka kumindat sa akin.

Huh? Anong trip mo? Duh!

"Saan nga?" hinampas ko siya sa braso.

"Sa mundong 'di uso ang masaktan" kumindat ulit siya sa akin.

"Ako ba gino-good time mo nanaman huh?" inis kong sabi at saka pinag-cross ang braso ko.

"Hindi, I'm just telling you that we're going to the place wherein you cannot remember how miserable you are" sabi niya at saka pina-andar ang makina.

"Di na diretsahin! Ang dami pang sinasabi!" naaasar na talaga ako.

"Sa Camarines Norte"

"Huh? Nababaliw ka na ba?"

Pero 'di niya na ako pinansin at nagsimula ng paandarin ang kotse.

Sa bagay, kailangan ko nga ito.

Tumingin nalang ako sa labas upang aliwin ang sarili.

Minahal mo naman ako, Kean diba?

Sinabi ko iyon na parang masasagot ng tanawin ang tanong ko.

I need to move on. There's no other way but to remove the spot of him in my heart...

It's hard, It's hurt but I have no choice.

He left me in pain, he left me with my countless tears, he left me with my heart unbeaten and he'll never come back,

Anymore.

'When it rains I'll hold you even tighter'

I remember the lyrics of the song. I don't know but I feel something that Flair wants to say those words to me.

Elleina Zeal's POV

"Nandito na tayo" may mahinang tumapik sa pisngi ko.

Pag-mulat ko ng mata ay gabi na pala. Ang tagal naman ng byahe?

"8 hrs ang byahe galing makati papunta dito" sabi ni Flair. Nahulaan niya ang iniisip ko?

Bumaba ako ng kotse at gano'n nalang ang pagka-mangha ko sa lugar.

"Ang ganda!" nakanganga kong sabi.

Nasa beach kami, kahit gabi na ay lumiliwanag pa din ang kagandahan ng lugar.

"Welcome to Bagasbas Beach, Over Melanin, Zeal. Siguradong dadami ang melanin mo sa katawan dahil magbe-beach ka" sabi niya habang nakabuka pa ang mga braso at nakalahad ang mga kamay na parang may yayakap.

Imbes na mainis sa kaniya ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar. Maririnig mo ang hampas ng tubig sa dagat, buhanging sa tingin ko ay masarap lakaran, malinis na tubig na kulay asul, malamig na hangin, at sobrang sarap sa pakiramdam.

Ewan ko pero I have this feeling na I want to hug Flair. He really do what makes me comfortable.

Tumakbo ako sa kaniya at niyakap siya. Naiyak nanaman ako pa'no ba naman kasi ginagawa niya lahat para makalimot ako.

"Saan tayo matutulog nito? Gabi na?" tanong ko sa kaniya matapos bumitaw sa yakap.

"Edi sa kotse" sabi niya.

Hinampas ko ang braso niya.

"Kahit kailan ka talaga impakto! Saan nga?"

"May mansyon kami dito pero dadaan muna tayo sa bahay ni manang Cora" sabi niya at saka hinawakan ang kamay ko at naglakad na kami.

"Yong kasambahay niyo?" sabi ko habang nakasunod lang sa kaniya.

"Di siya kasambahay! Halos ituri ko na siyang pangal'wang ina" sabi niya.

So sweet?

Nakarating kami sa isang 'di kalakihang bahay pero sapat na. Pinagmasdan ko ang mga bahay na nadadaanan namin, puro gawa sa kahoy at iilan lang ang semento.

"Jeb! Nako ikaw bata ka dae ka man lang nagsabi na darating ka" sabi ng isang matandang babae. At saka niya lang ako napansin. "Kasama mo pa ang nobya mo" sabi niya at saka ngumiti sa akin. "Ganda ng nobya mo"

"Magandang gabi po" sabi ko.

Lumapit sa akin si Manang Cora at hinawakan ako sa braso.

"Magandang gabi, siguradong magugustuhan mo dito, hija. Ano nga palang pangalan mo?" sabi ni Manang Cora habang pinapatuloy niya kami sa bahay nila.

"She's Ze--I mean Elle" sabi ni Flair.

"Jeb, nagpaalam ka ba sa iyong ama?"

"Yes, manang" luminga-linga si Flair. "Nasaan po si Buknoy?" tanong niya.

"Nandon naglalaro sa kapitbahay" pinaupo kami ni Manang Cora sa isang simpleng upuan na may lamesa.

Simple lang ang bahay nila. Medyo maliit pero maayos naman.

"Kumain muna kayo"

At saka naglapag si manang Cora ng pagkain, plato, kutsara, tubig at baso.

"Bicol express ang tawag diyan" turo ni Manang Cora sa karne na maraming sili at may gata.

Nanlaki ang mga mata ko! Ang sarap, ma-anghang!

"Pasensya na at 'yan lang ang ulam namin. 'Di naman nagsabi itong si Jeb"

"Jave, manang. Bata pa ako ay nasa bahay ka na tapos 'di mo pa rin alam pa'no banggitin ang pangalan ko" sabi ni Flair na nakakunot pa ang noo.

"Sus! Parehas lang 'yon"

Kumain kami ni Flair natatawa ako dahil inom siya nang inom ng tubig. Naa-anghangan siya.

"Di naman ma-anghang ah?" sabi ko at sumubo pa ng malaki.

"Yabang mo" sabi ni Flair na halos ilabas na ang dila dahil sa anghang.

"Pasensya na Jeb 'yan lang niluto ko dahil paborito ni Buknoy"

"Okay lang po, manang"

"Kuya Jeb!"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.