Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 48

'Yong linya no'ng birthday niya. Tatawa-tawa kaming tinaas ang kanang kamay at sumigaw din.

"Hulihin!" - kaming apat.

Hinabol namin si Flair, nahuli siya ni Lance at pinagtulungan namin siyang dalhin sa tubig.

Inis na inis siya nang itapon namin siya sa dagat.

"Ang lamig!" inis niya kaming tinapunan ng tubig.

Lumapit ako sa kaniya at tinapunan siya ng tubig sa mukha.

Hanggang sa mahuli niya ang kamay ko.

Dug.dug.dug.

Parang nag-slow motion ang mundo.

"Ahhh" nagising lang ako sa sigaw na iyon ni Carme.

Nilingon ko siya at nakita kong buhat- buhat siya ni Lance papunta sa malalim. Galaw siya nang galaw habang natatakot pero sa huli ay wala ng nagawa kung hindi ang yumakap nalang kay Lance.

They look happy. Sana ako rin.

Bigla nalang akong iniwan ni Kean at sinabihan na 'di niya minahal.

Nakatingin lang ako kay Lance at Carme sa mga sandaling ito at malungkot na nakangiti.

I wasn't enough for Kean. Baka hindi talaga siya ang para sa akin. Baka may darating pa na mas better.

Ngayon siguro ay mamahalin ko muna ang sarili ko. Nandito naman sila para samahan ako.

Isang matunog na buntong hininga ang pinakawalan ko. I can't believe that love is cruel.

"Trust me, you'll find the right person for you" sabi ni Flair na ngayon ay nasa tabi ko.

Isang mapait na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya.

"Miss mo ko?" nilingon ko naman ang palapit na si Clench.

"Of course! Wala akong baon na pagkain" sabi ko.

Umakbay sa akin si Clench.

"May pag-asa na ba ako?" sabi niya sa tonong nangaasar.

"Palabiro ka talaga!" pinalo ko ang braso ni Clench na naka-akbay sa akin.

"Sorry, 'di ko nasagot ang tawag mo no'ng gabing kailangan mo ako. Tulog na ako no'n" sabi niya sa akin.

"Okay lang"

No'ng magabi na ay nasa beach pa din kami. Nakapalibot sa gitna ng apoy.

"I really don't know how to face Kean dahil sa nangyari kahit 'di ako marunong makipag-suntukan baka masuntok ko siya" sabi ni Clench habang nagtatangis ang bagang.

"Maybe he has his own reasons, Clench" sabi naman ni Lance.

"Kahit ano pang rason niya galit pa din ako sa kaniya! Hindi ko kailanman matatanggap ang ginawa niya kay Elle!" inis ding sabi ni Carme.

Si Flair naman ay nakatingin lang sa apoy parang malalim ang iniisip.

"Alam mo ba nabalitaan ko na bumili daw ang family ni Kean ng bahay nila no'ng babae niya around makati?" sarkastikong sabi ni Carme at umirap pa.

Napalingon ako sa kaniya.

"Anong babae? Sinong babae? Hindi 'yon ang rason niya sa akin!" sigaw ko habang pinipigilan ang luha ko.

"Ikakasal si Kean, Zeal" malungkot na amin sa akin ni Flair.

Napanganga ako sa sinabi niya at dire-diretsong tumulo ang luha ko.

"What are you talking about?" napatayo na ako habang nakatingin kay Flair.

Nasa tabi ko si Flair, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paupo.

"Ikakasal si Kean after niyang maka-graduate" humugot ng oxygen si Flair bago muling magsalita. "Bata palang siya, 9 years old, I guess, nang ipakilala sa kaniya ang pamilya ng bestfriend ng tatay niya. Nagkagustuhan daw sila no'ng batang babae na anak ng bestfriend ng tatay niya at dahil nakita ng mga magulang nila na okay ang dal'wang bata, nagkasundo silang ipapakasal sa tamang panahon pero hindi 'yon tinutulan ni Kean hinintay niya 'yong babae na makabalik dahil sa America ito nakatira, yo'n ang first love niya, masaya si Kean na naghihintay lang hanggang sa makilala ka niya" iniwas ni Flair ang tingin sa akin at humugot muli ng oxygen. "Hindi ko alam kung bakit nagbago ang tibok ng puso niya at niligawan ka niya we're bestfriend that's why I support him"

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko hindi ko alam kung paniniwalaan ba ang sinabi ni Flair.

"So, una palang talaga huhuhu hindi na dapat naging kami!" inis na inis ako at sinabunot ko ang kamay sa buhok ko saka tinakip iyon sa mukha ko at humagulgol.

"I'm sorry, Zeal" sabi ni Flair na malungkot ang mga mata.

Naramdaman ko ang paglapit nila sa akin at niyakap ako.

"Nandito lang kami, dadamayan ka namin kahit saan ka man dalhin ng sakit na 'yan" sabi ni Carme habang umiiyak na rin.

Si Lance at Clench ay tahimik na yumakap din. Ramdam ko rin ang pagdamay ni Lance kahit na alam kong ang ugali niya ay parang walang pakialam sa mundo.

"Mahal ka namin, may mga taong nagmamahal sa'yo kaya 'wag ka magsu-suicide huh?" sabi ni Clench sa akin at hinampas ko naman ang balikat niya.

"Iyakin, tsk" iyon lang ang sinabi ni Lance.

Si Flair ay tahimik lang na nakatingin sa akin. Malungkot ang mata niya pero parang malalim ang iniisip.

"Tara na" yaya nila.

Pero nagpaiwan ako.

"Sige na, akyat na kayo do'n sasamahan ko siya" sabi ni Flair sa kanila.

Tiningnan nila si Flair ng nagtatanong pero agad din namang sumunod at naglakad na pabalik ng mansyon.

"We can watch the stars shine" sabi ni Flair at saka tumingin sa kadiliman ng langit.

Tahimik lang na tumulo ang luha ko. Ramdam ang sakit sa dibdib pero alam kong balang araw mawawala din ito. Just deal with it.

"I thought he's the man" ramdam ko ang dahan-dahang pagtulo ng mainit na luha sa pisngi ko. "Hindi pala, sinungaling ang ulan" at saka ako tumawa, nababaliw na ako. "Minahal ko lang siya pero wala akong pinagsisisihan dahil iyon ang pinakamasayang pakiramdam" ngumiti ako sa langit at pinagmasdan lang ang pagkinang ng mga bituin.

"Maybe you're blind with your feelings now. You can't see people loving you unexpectedly" sabi ni Flair habang nakatingin din sa mga bituin.

"We can also watch the sun rise or nature tripping?" ngumiti siya.

Para siyang lalaking kumikinang kahit sa dilim.

"You don't know how much I like you..." -Flair

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.