Elleina Zeal's POV
"Elleina!"
'Di ko narinig 'yong binulong ni Flair kasi may tumawag agad sa akin. Nilingon ko yo'n at gulat akong nakita si Taxon Ken, Taxen Kil at Diamond.
Tumakbo palapit sa amin si Taxen Kil.
"Taxen Kil!" Masaya kong bati.
"Kil nalang, anong ginagawa mo dito? Siguradong matutuwa si lolo kapag nakita ka dito!" Dire-diretsong sabi ni Kil na kumikinang pa ang mata.
"Bakasyon lang" maikli kong sagot.
Tiningnan ni Kil ang katabi ko. "Boyfriend mo?"
"Ah hindi 'no, si Jave, frienemy ko" mapangasar kong tiningnan si Flair.
"Frienemy? " ang lakas ng tawa ni Kil.
Nilingon ko naman si Taxon Ken at Diamond. Si Diamond ay nakangisi kay Jave at si Taxon Ken ay mabagal na naglalakad palapit. Pinakilala ko lang sila kay Jave.
"Hey! How are you?" tanong ni Taxon Ken sa akin.
"I'm good, nice to see you here" sabi ko.
"Hi, Jave!" sabi ni Diamond sa malanding boses at yumakap pa sa braso ni Flair.
Inis na inis si Flair at bakas sa mukha ang pandidiri. Siniko ko siya.
"Baka siya na ang first and last love mo" bulong ko sa kaniya.
"Ugh! Kadiri ka!" sabi ni Flair sa akin habang inis na inis na inaalis ang hawak ni Diamond.
What's wrong with him?
Kaunti nalang at iisipin ko na talagang bading siya. Ang ganda kaya ni Diamond, para siyang supermodel 'di na ako magtataka kung one day makita ko siya sa TV.
"Dito muna tayo" sabi ni Kil at umupo sa buhanginan.
"K, pero saglit lang baka hanapin tayo nila lolo" sabi ni Taxon at umupo rin sa tabi ni Kil.
"Ugh lumayo ka nga! Para kang linta!" sigaw ni Flair kay Diamond at hinihila pa ang braso niya.
Tawa naman nang tawa si Diamond.
"You're so pogi!" sabi niya at akmang hahalik pa sa pisngi ni Flair pero hinawakan ni Flair ang mukha nito at inilayo.
"Yuck!" sabi ni Flair.
"Diamond, stop that!" inis na sabi ni Taxon.
Lumayo naman si Diamond kay Flair at padabog-dabog na umupo sa tabi ni Kil.
"Buti nga saiyo napagalitan!" sabi ni Kil at dumila pa kay Diamond, kinurot naman niya ito sa baiwang.
Umupo din ako sa tabi ni Taxon pero sapilitang sumingit si Flair sa gitna.
"Aray! makasingit ka naman wagas!" Asik ko at hinampas pa siya sa braso.
"Bakit may pangalan mo ba? Saiyo 'tong buhangin huh?" sabi ni Flair.
"You're acting childish, Impakto! Gosh!" sabi ko at nasapo pa ang noo.
Lahat kami ay nakaupo na sa buhanginan, nakalinya, ang pwesto ay si Diamond, Kil, Taxon, Flair at ako.
"Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ko sa kanila.
Lumingon naman ang magpipinsan sa akin.
"May mansyon kami dito" matipid na sabi ni Taxon.
"Halos buong lugar ay pag-aari namin" mataray na sabi ni Diamond.
"For vacation, you want to visit our mansion?" tanong ni Kil.
"Ay nako, hindi na"
"Sige na! Lolo will be happy kung pupunta ka do'n" pamimilit ni Kil.
"Ahm sige, saan ba 'yon? Malapit lang ba dito?"
"Oo, lakad lang" masiglang sabi ni Kil.
"Sasama ako" sabi ni Flair.
"Bawal ang impakto do'n!" sabi ko.
Maya maya pa ay tahimik na kaming nanonood lang sa alon ng dagat.
"Kung nandito lang si Shine siguro naglalaro na yo'n sa tubig" malungkot na sabi ni Diamond. "Remember that Taxon takot siya sa malalim kasi akala niya kukunin siya ng tsokoy! "
Nagulat ako nang biglang tumayo si Taxon.
"Let's not talk about this, Let's go" lumingon siya sa akin. "Bye, Elleina"
Nagpaalam sila sa amin dal'wa ni Flair, pinanood ko nalang ang pagtalikod nila. Kahit saan sila magpunta ramdam nila ang pagkawala ni Shine. Nacu-curious talaga ako kung nasaan siya?
"Sino si Shine?" tanong ni Flair sa akin.
"Nawawalang apo ni Mr. Baider" sabi ko at saka muling umupo sa buhangin.
"May nawawala pala siyang apo, magpipinsan 'yon?"
Tumango lang ako.
Muling nangibabaw ang katahimikan.
"Dito nalang tayo matulog" sabi ni Flair at naglatag pa ng sapin sa buhangin. "Higa ka"
Humiga naman ako. Siya naman ay umupo lang sa tabi ko habang nakatingala.
"You can lay beside me?" sabi ko sa alanganin pang tono.
"Really?" malaki ang ngiti sa labi niya at saka mabilis na humiga pero may distansya kami sa isa't isa. "Mamaya magbago pa isip mo haha"
Nakatingin lang ako sa mga bituin. Noon nasabi ko na sila ang witness sa pagmamahalan namin ni Kean pero ngayon sila rin ang witness sa pagdurog sa puso ko.
"Ang ganda nila 'no?" sabi ni Flair.
"Sobra, sa sobrang ganda nila pinaniwalaan ko na totoo ang pagmamahal ni Kean sa akin" malungkot kong sabi na pinipigilan nanaman ang mga luha.
"Wag mong ipagkatiwalang tanungin ang damdamin ng iba kung totoo iyon o hindi sa mga bagay na wala namang sinasabi saiyo. You're assuming things. Let your heart decide" nilingon ko siya pero ang mata niya ay nasa bituin pa din.
"I think, I can't fall in love again baka magmadre nalang ako" biro ko.
Tumawa naman siya.
"Di ka bagay do'n sa pagpakyu mo palang sa akin bagsak ka na agad" ang pagtawa niya ay hindi na matigil.
"Nakakainis ka kasi!" naiirita kong tugon.
"Wow huh? Ikaw lang naman ang pikon na pikon sa akin kahit ngising aso ko nga lang galit ka na!" Mas nairita ako dahil sa mukha niyang kitang-kita ang pangaasar.
"Eh kasi 'yang mukha mo mapangasar!" Inis na inis na ako sa kaniya.
"Ako pa ngayon? Ikaw unang nangaway sa akin!"
"Kapal ng mukha mo kahit kailan epal ka talaga!" Sa kainisan ko ay sinipa ko siya.
"Kabayo ka ba? Sipa ka nang sipa diyan!"
"Ugh! Umalis ka nga dito!" Inis na inis na ako sa impaktong 'to!
"Wow! Over Melanin pag-aari mo? Lakas ng loob mo lagi magpa-alis e 'no?" Sarkastiko niyang sabi.
Gusto ko na siyang pagsusuntok-suntukin.
Nakakainis ka talaga, Impakto!
"Ugh! Paki mo!"
Nagkainitan kami kaya nanahimik nalang ako. May time na okay siya pero madalas may sapak ang ulo niya! Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit siya ang kasama ko ngayon!
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin, ang sarap matulog sa labas. Hanggang sa makatulugan ko iyon.
"Zeal, gising na malapit na magpakita ang haring araw" tinapik-tapik niya ang pisngi ko.