Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 53

Tinalikuran ko nalang siya at iniwan doon.

Hanggang magabi na.

"Ang tagal mag-emote ni Jave" sabi ni Carme.

"Sweetheart, hayaan mo siya" sabi ni Lance at saka humawak sa baiwang ni Carme.

Napaiwas ako ng tingin, gano'n ang ginagawa sa akin ni Kean.

Wow! Achievement! Ngayon ko nalang ulit siya naisip. Ibig bang sabihin nito naka-move on na ako?

"Barbecue?" Binigay sa akin ni Clench ang bagong ihaw na barbecue.

Kahit kailan talaga itong lalaking ito 'di ako pinabayaang magutom. Tumabi siya sa akin.

"If you love Jave, then go" nahampas ko siya sa sinabi niya.

"Ano bang sinasabi mo?!"

"You're obviously inlove with him. You two are in love with each other! Bakit ba dine-deny niyo pa!" parang nanenermon niyang sabi.

"You're assuming things, Clench" depensa ko.

"Why are you afraid? Dahil na-trauma ka na kay Kean? They're different person" - Clench

"Bakit ba pinag-sisiksikan niyo ko sa impaktong 'yon! 'Di ko nga siya gusto!" inis kong sabi.

"Okay, deny it until you regret baka maunahan ka ni Diamond" - Clench

Nabuhay ang inis ko lalo sa dibdib.

"Edi sila! Don't care!"

Bakit ba pare-parehas silang sinasabing inlove ako sa impaktong 'yon kahit wala naman talaga akong maramdaman! Isa pa bestfriend siya ni Kean. Ni hindi ko nga makita ang sarili ko na boyfriend ang impaktong 'yan! Nakakainis siya, bully, mapang-asar, nakakainit ng ulo tapos minsan may sapak sa ulo 'di mo maintindihan pero may mabuting puso.

Dug.dug.dug.

Did I say he has a good heart? Oh no! No way!

Natagpuan ko nalang ang sarili na nasa harapan na niya.

"Tell me, what do you want to say?" tanong ni Flair na nasa dagat pa din ang tingin.

"Nothing, I just want to join you here"

Nagulat siya pero tumingin lang din ulit sa dagat.

"She is the loveliest women I have" nakangiting sabi ni Flair na parang nakikita niya sa dagat ang mommy niya. "Di siya nagkulang sa pag-mamahal at pag-aalaga kahit minsan"

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"I can't feel the happiness when she died but now..." lumapad ang ngiti niya. "I found the reason to be happy again" tinitigan niya ako sa mga mata.

What does it mean?

Pinalo ko ang balikat niya.

"Bakit dahil tuwang-tuwa kang inaasar ako?! Huh?" Sabi ko habang hinahampas siya.

"I didn't say its because of you"

Natigilan ako sa sinabi niya. oo nga! Wala namang sinabing ako ang dahilan ng pagiging masaya niya! Assuming talaga ako!

"Ah hihi" nahihiya akong nagkamot ng ulo.

"Assumera"

Naginit ang ulo ko at hinampas ko siya ulit. Buset na 'to! Pero hinuli niya ang kamay ko, hinawakan ang baiwang ko at binuhat papunta sa tubig. Oh no! Gabi na! Ayaw ko mabasa.

"Ugh!" inis ko siyang pinagpapalo ng maramdaman ang tubig sa katawan ko.

"Hampas ka nang hampas maga na ang katawan ko saiyo! 'Pag 'di mo hahampasin, sisipain naman. Grabe ka na!"

Natawa ako sa sinabi niya.

Humawak ako sa kaniya nang maramdamang nasa malalim na kami.

"I like this" nakangiti niyang sabi.

Hinubad niya ang damit niya at itinapon sa buhangin. Oh fuck! He's topless now!

Naginit ang mukha ko kahit 'di ko naman nakikita dahil nakalubog sa tubig ang katawan niya at balikat lang ang nakalabas.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa baiwang ko.

"Ang sarap dito!" sigaw niya at inayos pa ang buhok.

Tinitigan ko ang mukha niya. Ngayon ko lang pagtanto na talagang pogi siya 'no? Kaya nga palaging tinitilian ng mga babae kaso bading yata .

"Masaya na ako sa ganito, Over Melanin" sabi niya na inayos pa ang buhok ko dahil nakaharang sa mukha ko. "Ikaw ba, naka-move on ka na kay Kean?"

Kinapa ko ang sarili ko kung naka-move on na talaga ako parang 'di na ako nasasaktan.

"How would I know if I can't see him? Malalaman mo daw na move on ka na 'pag nagkita ulit kayo ng ex mo" sabi ko.

"But you're not crying siguro naman move on ka na?" - Flair

"Bakit ba tanong ka nang tanong?"

"Kasi gusto ko sanang manligaw" - Flair

Dug.dug.dug.

Loading...

What? Wait.

Loading..

Manliligaw siya?

Natauhan lang ako nang tumawa siya nang sobrang lakas.

Hays, good time nanaman! Hinampas ko siya sa balikat.

"Bakit ba lagi mo kong gino-good time?!"

"I found it cute!" ngumiti siya nang malapad.

Hays. Biro talaga ang lahat para sa kaniya.

"Kapag handa ka na magmahal ulit--ahm I mean when you're ready to love again just tell me"

Ano bang sinasabi niya? Naninibago ako sa ibang paraan ng pagbanat niya.

"Why would I tell you?"

"Because I'm waiting... moving on is a difficult process" - Flair

Waiting saan?

"Why are you telling me this?"

Narinig ko ang buntong hininga niya.

"LG mo talaga" - Flair

Hay nako...

"E sa hindi talaga kita maintindihan e!"

"Because your heart is not yet open!" Lalo niya akong inilapit sa kaniya at unti-unting lumapit sa mukha ko.

'Di ako makagalaw.

Hanggang sa humalik siya sa tungki ng ilong ko at umakyat sa noo.

What does it mean? Naguguluhan ko siyang tiningnan.

"Wag kang manhid"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.