Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 52

Elleina Zeal's POV

Pagkagising ko wala na ang mga kaibigan ko sabi ni Mang Pinsing ay nasa beach daw.

Nag-ayos lang ako at bumaba din, hinanap ko sila.

Nasa isang cottage silang lahat pero si Flair ay nakatingin sa dagat, malungkot at malalim ang iniisip. May nakita akong isang lalaking kasama niya nang makalapit ay agad kong nakita kung sino.

"BossRill?"

"Elle, tamang-tama nandito ka" tinapik ni BossRill sa balikat si Flair at bumaling sa akin.

"Sige po, Tito Rill" sabi ni Flair.

Tito? Kamag-anak niya?

Nagtataka ko silang tiningnan pero si Flair ay sa dagat pa din ang tingin.

Lumayo kami ni BossRill at tinawag si Lance. Mukhang may misyon nanamang mahalaga.

"Death Anniversary ngayon ng mama ni Jave, si Rose" sabi ni BossRill ng makalayo kami. "Hindi mo siya mapapa-alis sa tabi ng dagat ngayon"

"Paano niyo po sila nakilala?" 'Di ko na mapigilang magtanong.

"Si Rose ay ang aking matalik na kaibigan at partner sa HTH parang kayong dal'wa ni Lance"

Ah, kaya pala kilala niya ang mga Imperial.

"Kaya rin ako nandito dahil sa kaniya at sa iuutos ko sa inyo ni Lance"

"Ano po 'yon?" - Lance

"May unfinished mission kasi si Rose" bumuntong hininga si Bossrill bago magsalita. "Tungkol sa nawawalang apo ng mga Baider"

Nagulat ako sa sinabi niya. Matagal ko na rin gustong malaman kung ano ang nangyari parang si Bossrill ang sagot.

"No'ng gabing namatay ang pamilya ni Laurenz Baider iyon ang misyon ni Rose, ang iligtas sila pero nahuli siya ng dating dahil 'di niya maiwan si Jave, nilalagnat kasi"

Mas lalo pang tumalas ang pandinig ko at lalong naging interasado.

"Dahil nahuli siya ng dating namatay ang mga ito, dala ng pagiisip sa anak niya 'di niya nagawa nang maayos ang misyon. Nailigtas niya na sana ang dal'wang batang babae pero nabigo siya. Namatay ang isang bata at ang isa ay 'di na nahanap pa hanggang ngayon. Sinubukan kong hanapin pero bigo din ako dahil may mga kultura ang mga Baider na nagtatago sa identity ng bawat isang miyembro"

"Katulad po ng ano?" tanong ko.

"Tulad ng itago ang mga larawan ng mga namatay na miyembro ng pamilya kaya nahihirapan akong hanapin ang bata. Ang misyon niyo ngayon ay hanapin ang nawawalang apo ni Mr. Baider"

"Pero parang imposible 'yon, Bossrill. Ang tagal na panahon na ang lumipas siguradong dalaga na ang batang 'yon noon" sabi ni Lance.

"Yon na nga, eh. Ang hirap nilang tulungan dahil marami silang sine-sekreto" tinapik ni Bossrill ang balikat namin ni Lance. "Kaya niyo ba ito? Baka kayo ang makalutas sa kasong 'di namin nagawa ni Rose"

"Kakayanin po" buong lakas na loob kong sinabi.

May parte sa pagkatao ko na gusto ko itong malaman dahil napalapit na rin ako sa mga Baider. Gusto kong malaman kung ano bang nangyari, anong hitsura no'ng Laurenz at kung bakit sila pinapatay noon? May atraso ba sila or what? Bukas na bukas din ay pupunta ako sa mga mansyon ng mga Baider.

"Ngayon din ang Death Anniversary ng pamilya ni Laurenz. Isang taon bago namatay ang pamilya ni Laurenz at saka naman namatay si Rose kaya 'di na niya nagawa pa ang misyon"

Ewan ko pero gumuhit ang kirot sa dibdib ko. Parang bumigat ang pakiramdam ko at tutulo ang luha ko. Dala siguro ng awa para sa kanila. May kung ano sa akin na parang gustong makiramay sa pagkawala nila.

Tulala lang ako hanggang makabalik sa cottage. Tiningnan ko si Flair na nasa tabi pa rin ng dagat, kasama na niya ang tatay niya. Parehas silang nakatingin lang sa malayo at malungkot. Kumuha ako ng pagkain at dinalhan sila.

"Tito, kumain muna kayo" sabi ko.

Kumain si tito pero si Flair ay doon pa din nakatingin parang nasa ibang mundo. Sabi ni tito ay babalik muna siya sa cottage kaya naiwan kaming dal'wa ni Flair.

I know how much he loves her mom kahit ako ay sobrang mahal ang mommy ko pero ang nakakalungkot kay Flair ay 'di na niya ito makikita kahit kailan.

"Want hug?" sabi ko.

Doon niya lang ako nilingon at nagmadaling yumakap sa akin. Gulat man ay hinaplos ko ang likod niya.

"Ilang taon na pero namimiss ko pa rin siya" sabi niya sa kabila ng pagkakayakap namin sa isa't isa.

Alam kong umiiyak siya dahil nararamdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa likod ko.

"Salamat" sabi niya pagkatapos bumitaw sa yakap ko.

Lumapit ako at pinunasan ang luha niya. Natigilan siya at tumitig sa akin. Gustuhin ko mang mailang ay 'di ko magawa.

"Kung nasaan man ang mommy mo siguradong masaya siya" sabi ko habang hawak pa din ang pisngi niya. Ngumiti ako sa kaniya, gano'n nalang ang pagkislap ng mga mata niya nang makita ang ngiti ko.

"Mahal ka niya, kayo ng daddy mo wala kang dapat ipag-alala dahil kung nandito man siya ngayon siguradong masaya siya dahil lumaki kang mabuting tao.. mapang-asar nga lang haha" sabi ko.

Doon ko nakita ang ngiti sa labi niya.

Dug.dug.dug.

Parang gusto kong pagalitan ang puso ko dahil iba nanaman ang tibok niya no'ng masilayan ko ang ngiti ni Flair.

"If I said I love you, would you believe?"

Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Ano daw? Mahal niya ako? O good time nanaman ito?

Pinakatitigan ko ang mukha niya. Ang mga mata, ilong, bibig parang 'di nagsisinungaling pero baka nang-aasar lang ito. Sa ganitong sitwasyon, seriously?

"Over Melanin, natulala ka na diyan " bumalik lang ako sa katinuan ng marinig ko iyon. "Don't mind what I said if your brain can't process what I mean"

Huh? 'Di ko siya maintindihan. Ano bang sinasabi niya?

Tiningnan ko siya, ang mga mata niya ay muling nakatingin sa dagat.

"Are you serious?" 'di ko na napigilang magtanong.

"I'm not" sabi niya.

Sabi ko na nga ba eh! Good time nanaman! Kahit kailan talaga ang impakt--

"I'm madly serious" dagdag niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Are you asking or directly telling me--ahm you love me?" Halos mabilaukan ako sa tanong ko.

"Ang low gets mo" inis niyang sabi.

Naginit ang mukha ko at hinampas ko siya nang hinampas.

"Sinong low gets huh?! Nakakainis ka na kahit--" natigilan ako nang ilapit niya ang hintuturo sa bibig ko para patigilin.

"Bawal magingay dito, chupi!" ginaya niya ang palagi kong sinasabi.

Kakainis talaga siya!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.