Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 56

Javen Flair's POV

"Okay! Let's do this" masiglang sabi ni Rev at ini-strum pa ang gitara.

Nasa tabing dagat kaming lahat ngayon at naka-palibot sa apoy.

Ang pwesto ay Kean, Yannie, Rev, Ali, Clench, Carme, Lance, ako, Zeal, Taxon (kakainis), Kil at Diamond. Oo nandito ang tatlong magpipinsan, nawiwili na. Masaya daw kaming kasama. Pogi si Taxon at malakas ang dating dahil isang Baider pero 'di niya pa rin matatalo ang karisma ng isang Imperial. Shut!

"Sinong kakanta?" tanong ni Ali.

"Me" napa-o ang bibig ko nang makitang si Zeal daw ang kakanta.

Dug.dug.dug.

Nagwawala nanaman ang puso ko.

Napangiti ako nang ma-alala ang halik. Ugh! Kabadingan ko. Ang sharap! ha

I never had experienced kissing the girl I love. Gano'n pala ang pakiramdam. It's like the earth stopped to rotate for a minute. Ayaw kong bitawan and I want to explore pero baka nababastos ko na siya kaya labag man sa loob binitawan ko at nakaramdam ako ng hiya. Shut!

Nagsimula na mag-strum si Rev. Nag-ready si Zeal para sa pagkanta.

Bakit Ganyan Ka by: Gracenote x Chito Miranda

Shut! Parang lalabas ang puso ko sa unang lyrics na binitawan niya. Ang boses niya ay sobrang ganda na gugustuhin mong marinig araw araw! Shhh!

Pero tiningnan ko siya kung para kanino ang kanta. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakaharap siya sa akin.

Nailang ako sa titig niya kaya naman nagiwas ako ng tingin. Nakita ko ang mga mukha nilang nang-aasar, nakangisi at para bang kulang nalang magsalita sila ng 'ayie'. Ba't parang ako pa ang pinapakilig niya? Diba dapat ako ang gumagawa no'n.

'Di ako nakatingin sa kaniya pero nanlaki ang mga mata ko nang iharap niya sa mukha niya ang mukha ko. Ang lapit niya! Shut!

At muling pinagpatuloy ang pagkanta niya habang nakangisi sa akin.

So, Is she telling me that the song is dedicated for me?

Pinipigilan ko ng ngumiti. Grabe ang init dito!

I'm not familiar with the song but I think I'll listen to that every day!

Pakiramdam ko kaming dal'wa lang ang tao dito. Pakiramdam ko nababading na talaga ako dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko. Ang ganda ng boses niya, may pagka-mataas pero malambing. Napaka-talented niya, matalino, maganda, mapagmahal, matapang at higit sa lahat ang sarap mahalin.

Nang matapos ang kanta ay tumitig siya sa mukha ko.

"Bakit ka ganiyan--hik?" sabi ni Zeal at mapungay pa ang mga mata.

Doon ko lang napagtanto ang hawak niyang baso na may lamang alak. Kaya pala? Lasing na!

"Yohoooo! Bakit ka daw ganiyan, Jave? Grabe! Kinikilig ako" kantyaw ni Rev.

'Di ko siya pinansin dahil nakatitig lang ako kay Zeal, kumapit pa siya sa leeg ko. Hays. Lasing na amputa!

"Sagutan mo na? Bakit ka daw ganiyan?! " sigaw rin ni Carme.

"Ang pagsibol ng unang pag-ibig ni Jave. Tangina ganda ng title " sabi ni Rev na tipong nakatingala pa at nag-iimagine.

Nagtawanan naman sila.

"Gago!" sigaw ko.

Tingin ko mas bagay sila ni Carme. Malakas mang-alaska.

"Hoy! Nitatatanong kita impakto! Bakit ka ganyan?" iniwas ko ang tingin ko dahil ang lapit niya amoy ko na ang alak sa bibig niya.

Sino ba ang siraulong nagpainom dito ng alak?

"Hey, you're drunk" tumayo ako at inalalayan siya.

"I'm not" ngumiti siya nang sobrang laki.

"Tara sa tubig" sabi ko at binuhat siya ng pangkasal.

"Woah!" sigawan nila.

Ayaw kong saktan si Kean, ayaw kong makita niya kaming ganito pero tanga niya e. Ibinigay ko na sa kaniya binitawan niya pa! Naiinis ako sa kaniya! Kagaya ng sabi ko 'di na siya makakalapit pa kay Zeal!

"Wahhh!" sigaw ni Zeal nang maramdaman ang lamig ng tubig.

Nilamig din ako e.

Yumakap siya lalo sa leeg ko.

Dug.dug.dug.

I will always love you, Cherish.

Tinitigan ko ang mukha niya. Nanlaki ang mata niya mukhang nawala ang ang tama ng alak.

"Ang lamig!" sabi niya.

Niyakap ko siya to give her a body heat.

"Ngayon mo itanong sa akin ang gusto mong itanong" sabi ko sa malambing na boses.

Binitawan ko ang yakap namin at humawak ako sa baiwang niya halos mapatalon siya nang maramdaman iyon kaya naman natawa ako.

"Ano ba!" hampas niya sa balikat ko.

"Tanong mo sa akin 'yong tinatanong mo kanina"

"Ang alin?" nagmamaang-maangan pa. ha kaya ang sarap niyang asarin eh.

"Anong bakit ako ganito?" nakakunot kong tanong.

"Ah hihi-ahm--lasing lang ako 'wag mo kong intindihin" sabi niya na nahihiya pa.

Her expression is cute! Baka 'di ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan ko siya buti matino pa ako ngayon.

"Don't doubt about my feelings to you. Totoo 'yon" ngumiti ako nang sobrang lapad.

Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Can we go back to them?" sabi niya.

"Okay, Cherish"

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang 'Cherish' napakunot-noo naman ako.

"Why?" tanong ko.

"Ikaw 'yong nagsulat ng letter!" hinampas niya ako at kitang-kita ko na namumula na ang pisngi niya.

Oo nga pala, I wrote letter for her just to inform her that there's a person who love her unconditionally.

"Yeah, are you mad?" ngumiti ako sa kaniya.

Shut! 'Di ko maitago ang ngiti ko. Bading!

"No, nagulat lang. Tara na?"

Inalalayan ko siyang maka-ahon sa tubig at gano'n nalang ang pang-aasar ng mga kasama namin.

"Nandito na si lover boy! Yaaah!" pangaasar ni Rev.

"Bebs! I'm so happy for you!" tumakbo si Carme kay Zeal at yumakap.

"Mas magiging masaya kami kung sasagutin niya na ako" sabi ko st kumindat pa kay Zeal, pinandilatan niya naman ako ng mata.

Can't wait to call her 'my girlfriend'

"Hoy!" turo sa akin ni Kil. "Elleina is like a cousin to us. Don't hurt her! Papatayin kita" seryosong sabi ni Kil pero tumawa rin naman.

"Shh! I can't do that"

"Good" sabi niya.

Nakita ko naman si Diamond na masama ang tingin at umiinom ng alak. Oh sorry, dear. I found my great love. sabi ko sa isip ko.

Masaya ang puso ko ngayon basta nandiyan si Zeal masaya naman talaga ako hawak ko man siya o hindi.

Mahal ko siya sa paraang kahit hindi niya ako mahalin basta mahal ko siya. That's enough.

Gano'n ako kabaliw sa kaniya. Kabadingan, oo! pero ito ang alam kong paraan ng pagmamahal.

Mahalin ang taong mahal mo ng higit pa sa pagmamahal nila saiyo. Mommy taught me to be not selfish when it comes to love.

Love them, just love them.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.