Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 57

Tiningnan ko si Kean na ngayon ay madilim na ang mukha. Kweni-kwentuhan siya ni Yannie pero 'di niya naman pinapakinggan. Kung mahal niya kasi dapat ipinaglaban niya, stupid. Ngayon ganiyan siya? Acting like hurt? Wow!

Nagalit ako kay Kean dahil sa pang-iiwan niya kay Zeal, pinagkatiwala ko siya sa kaniya pero sinaktan niya lang. Nagpapalamig lang ako ng ulo para makausap ko siya ulit. We're bestfriends I can't be mad at him to the point that our friendship will be over. That is immature.

Lumapit si Clench sa akin.

"Lagi mo siyang pabaunan ng pagkain. Ikaw na ang gumawa no'n" mapait siyang ngumiti.

Kawawa rin ang isang 'to bestfriend zone lang talaga.

"Baka mapatay mo ko next time na lumapit ako sa kaniya" bumuntong hininga si Clench.

"Seriously?"

Natawa ako sa iniisip niya.

"Bakit hindi ba? Ngayon pa nga lang galit ka na sa akin" sabi ni Clench.

"No, I'm not. At saka teka nga! Bakit ang dami niyong binibilin sa akin? 'Di pa nga kami "

"Mahal ka na niya" halos pabulong lang na sabi ni Clench at saka tumalikod.

Huh? Ako? Mahal na niya?

Gusto kong habulin si Clench at ipaulit ang sinabi niya pero 'di ko na ginawa.

I hate assuming things. I never expect to avoid disappointment. Maybe in the end, bumalik siya kay Kean.

Gumuhit ang kirot sa dibdib ko.

I don't want that to happen pero kung 'yon ang mangyayari. May magagawa pa ba ako?

Walang kasiguraduhan na mamahalin niya rin ako.

Umupo lang ako sa gilid at kumuha ng alak at ininom 'yon.

Tatayo na sana ako nang makitang palapit si Diamond. Mang-haharot nanaman 'yan!

"Just want to talk to you, Jave" seryosong sabi ni Diamond.

"Okay" bumalik ako sa pagkakaupo.

"I like you" panimula niya.

"I don't like you" gano'n nalang kaprangka kong sinabi 'yon. That's true, I want to be loyal with Cherish kahit hindi pa kami. Siya lang.

"Kahit bilang tao?" malungkot na tanong ni Diamond.

Napabuntong hininga ako.

"I like you as a friend"

Tumawa siya.

"You hurt me and thank you sa pagiging prangka" sabi niya.

"Sorry"

"Sige, love each other huh? Kapag sinagot ka na niya" tumayo na siya at lumapit sa tainga ko hinayaan ko lang siya. "Bye, bebe boy"

At saka siya humalik sa pisngi ko! What the fuck?

Napapunas ako sa pisngi ko! I hate her! Gago talaga!

Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Zeal matalim ang tingin. Kinabahan ako bigla.

Fuck, I'm dead!

Parang wala pa man lang ay kinakabahan na ako. Yari ako!

Hinabol ko siya.

"Cherish" pagtawag ko pero dire-diretso lang ang lakad niya.

Hinawakan ko ang braso niya. Galit siyang tumingin sa akin. Shut!

"Cherish mo mukha mo!" sigaw niya.

"Wala lang 'yon 'di ko naman alam na gagawin niya--aray" napahinto ako dahil sinuntok niya ang bibig ko.

Ang sakit! Napakasadista niya talaga.

"Bitawan mo nga ko. Do'n ka sa Diamond mo!" marahas niyang hinila ang braso niya.

Hays.

"Cherish naman!"

"Yuck impakto! Tigil-tigilan mo nga kakatawag mo sa akin ng ganiyan!"

"Anong gusto mo baby?" ngumiti ako sa kaniya.

"Baby your face!"

Nanlaki ang mata ko ng pakyuhan niya ako pero hinalikan ko ang daliri niya.

"Ugh! Bacteria!" sabi niya habang pinupunas pa ang middle finger sa damit niya.

Ngumisi ako para asarin siya.

"Samantalang 'yong labi ko hindi mo sinabihan ng may bacteria?" tinaas ko pa ang dal'wang kilay ko, nagyayabang.

"Sinasabi mo?" kunwaring 'di niya alam.

"Sus, baka nag-enjoy sa malambot at masarap kon--aray!" sinuntok niya nanaman ang bibig ko.

Ugh! Nakakairita na talaga ang babaeng 'to pero love ko. Hihi.

"Ano, magsasalita ka pa?!" sigaw niya.

"Bakit ka ba sumisigaw? Nagseselos ka ba?" malambing na sabi ko at humawak pa sa baiwang niya pero kinurot niya ang kamay ko. Sadista!

"Wag mo nga akong mahawak-hawakan huh? Sisipain na kita!" sigaw niya.

Napabuntong hininga ako. Ang lala niya pala magselos.

"Sorry, sorry na" malambing kong sabi pero inirapan niya lang ako at naglakad palayo.

Hinabol ko siya.

"Baby Cherish naman e!" sabi ko at naka-pout pa. I don't care kung magmukha akong bading basta para sa kaniya.

"What?" asik niya.

"What a beautiful face" hinaplos ko pa ang pisngi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at itinapon.

"Cherish, sorry na" pagma-makaawa ko. "Ano bang dapat kong gawin?" malambing kong sabi. "Please?"

Ngumisi siya. Parang kinabahan ako bigla ah. Anong iniisip ng Over Melanin na ito?

"Shirt's off" nakangisi niyang sabi.

Shut! Seryoso ba siya? She wants to see my hot and sexy body? Over Melanin talaga.

Nakangiti kong hinubad ang t-shirt ko pero laking gulat ko nang itulak niya ako sa mga baklang malapit sa kinatatayuan namin.

"Ugh!" inis na inis ako nang saluhin ako ng mga bakla at hinaplos ang dibdib ko.

Wahhhhhh!!! Over melaninnnnn!!!!!!!

Yuckkkkkkk!!!!!!!!!!!!!

Nakita ko ang mukha ni Zeal na namumula na sa sobrang lakas nang tawa niya habang nakaturo pa sa mukha ko.

Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak ng mga bakla pero dahil lima sila medyo 'di ako makagalaw. Fuck! Re-rapin pa ata ako! Ughhhhhh!!

"DON'T TOUCH ME!"

Pinipigilan kong masuntok ang mga bakla dahil ayaw ko naman manakit.

"Pogi!"

"Shalap mo pogi!" na hinaplos pa ang abs ko.

Shut! Nangilabot ako bigla tumaas ang mga balahibo ko. Oh fuckkkkkk!!!!

"Ugh! Bitiwan niyo ko!" sigaw ko nanaman.

" easy pogi saglit lang" sabi ng isa pa.

"Fuck! Ugh!" inis na inis na ako.

Akmang hahalik pa sa akin ang isa pero ginumos ko ang mukha niya. Kadiri!!!!

Nang maka-alis ako ay tumakbo ako papuntang dagat. Naglinis ng katawan, masama ang tingin ko kay Zeal. Yari ka sa akin, iba ang ganti ko.

"Did you enjoy? Impakto?" malanding tanong niya.

Ngumisi ako.

"Wait a minute. You're going to pay for this"

"Oh! Takot ako" umasta pa siyang parang natatakot at nanginginig.

"You're playing with me" inis kong sabi.

"Why not? You're always teasing me" sabi niya na nakangisi pa rin.

"Well, I love you"

'Di siya nakasagot sa akin at umiwas ng tingin. Now, I know how to stop you, my Cherish.

"Halika" alok ko sa kaniya habang nakalahad pa ang kamay.

Tinitigan niya lang ang kamay ko.

"Baka matunaw" pangaasar ko.

"Is it an ice? Tsk!" inis siyang nag-roll eyes.

"Halika na baby" pinalambing ko pa ang boses. Well, naglalambing talaga ako dahil nainis ako sa ginawa niya.

Kung itapon niya ako do'n kanina parang gusto niya pang pag-piyestahan ako ng mga ugh! baklang 'yon.

'Di naman sa galit ako sa mga bakla ayaw ko lang na umaasta silang gano'n. Masaya naman kasama ang ibang gano'n, minsan lang talaga mabilis akong mainis kapag nilalandi ako pero kung si Zeal ang gagawa no'n magpapalandi ako .

'Di ko na napigilan ang sarili ko lumapit na ako kay Zeal at binuhat siya gano'n nalang ang inis niya ng ibato ko siya sa tubig.

"Nakakainis ka talaga!" pinalo niya ako sa balikat.

Ang sakit niya mamalo palagi kong tinitiis 'yon.

Lumapit ako at yumakap sa baiwang niya. I'm too clingy, masarap sa pakiramdam ang yakap siya.

Basta mahal ko siya period

I want to kiss her but I stop myself. The next time I kiss her we're officially in a relationship.

My first and last love.

Elleina Zeal's POV

"Kailan mo ko sasagutin?"

Natigilan ako sa tanong niya. Seryoso ba talaga siya?

"Anong sinasabi mo diyan?" nakakunot kong tanong.

"Na mahal kita"

Natigilan ako ulit at tumitig sa akin.

Dug.dug.dug.

Don't be like this, Flair. I hate it.

"Iniisip mo nanaman ba binibiro kita?" hinawakan niya ang pisngi ko.

Hinayaan ko lang siya dahil 'di ako makagalaw.

Nilapit niya ang noo niya sa noo ko.

Dug.dug.dug.

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.

"Heart can't lie, baby" malambing niyang sabi.

Parang nagulo ang sistema ko nang maramdaman ang tibok ng puso niya.

Nakatitig lang siya sa akin habang tila kumikislap ang mga mata niya. Is he really in love with me?

Ang mga mata ko ay nagtatanong kung totoo ba?

"Don't ask, just let me love you" ngumiti siya sa akin tila nahulaan ang iniisip ko.

"You're confusing me" sabi ko.

"It's okay. Hindi natin kailangan madaliin" sabi niya sa malambing na tono ang mga mata at nakatingin pa rin diretso sa mata ko.

Naginit ang pisngi ko ng ma-alalang wala nga pala siyang damit pang-itaas at nakahawak pa ang kamay ko sa dibdib niya.

Dug.dug.dug.

Naguguluhan na ako. Kahit noon pa naman ginugulo niya na talaga ako. Inaamin ko 'yon 'di lang sa pang-aasar niya kung hindi dahil sa presensya niya mismo.

"Just tell me kung tinitibok na ako ng puso mo"

Tinitibok na nga ba siya ng puso ko? May nararamdaman na ba ako sa kaniya?

Basta ang alam ko...

'Di malabong magustuhan ko siya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.