"Naalala ko na daddy"
Ngumiti si daddy.
"No'ng gabing nakuha ka namin ng mommy mo 'yon ang pinakamasayang araw sa buhay namin kahit gusto ka naming ibalik parang 'di na sumang-ayon ang panahon" humugot siya ng hangin bago magsalita ulit. "Nag-bakasyon lang kami no'n sa Bicol nakita ka namin sa gitna ng kalsada, nahimatay at ang taas ng lagdan. Inalagaan ka namin ng mommy mo. Isang linggo kang halos tulog lang 'pag magmumulat ng mata ay iiyak ka lang at 'di makausap. Tinatanong ka namin kung nasaan ang mga magulang mo pero hindi ka nagsasalita. Lumipas pa ang dal'wang linggo para kang pipi, ayaw makipag-usap at 'di na talaga nagsalita. Hanggang isang araw yumakap ka sa mommy mo at sa akin. Tinawag mo kaming 'mommy and daddy' pero wala kang sinabi tungkol sa pamilya mo nakalimutan mo 'yon. Nag-desisyon kaming ampunin ka nalang at naghintay na maalala mo muli ang pamilya mo at ngayon naalala mo na nga"
"Sana 'wag ka magalit sa mommy, Princess" umiiyak na sabi ni mommy. "Mahal na mahal kita, anak. No'ng dumating kayo ng mga kuya mo sa buhay ko hindi na ako nalungkot pa. Binuhay niyo muli ako"
"Bakit naman ako magagalit mommy? Nagpapasalamat ako sainyo dahil napaka-perpekto ng pamilyang ito para sa akin"
Muli kaming gumawa ng isang malaking group hug.
"We're still a family no matter what!" sabi ni Kuya Zeke.
Masaya ang gabing 'yon. Kasama namin si Flair dahil saktong dinner kumain kami.
May kung anong humagod sa dibdib ko. Napakasaya ko dahil pakiramdam ko nakita ko ang isang puzzle sa buhay ko.
"Grabe, bigtime pala ang pamilya mo, Princess?" tanong ni kuya Zeke habang kumakain.
"Oo, kuya. Sila ang may-ari ng Laurente at marami pa silang pag-aari"
"Baka bukas 'di mo na ko pansinin?"
Natawa ako sa sinabi ni Kuya Zeke.
"Ikaw pa, kuya!"
"What's the score between you and Jave?" nakangising tanong ni Kuya Zeke.
Nasamid si Flair kaya kumuha ako ng tubig at ibinigay sa kanya.
"Dahan-dahan" hinagot ko pa ang likod niya.
Nang lingunin namin sila ay ang mapang-asar na ngisi ang nakita ko.
"Yiiiieee" pang-aasar nila.
"Haba ng hair" sabi ni Kuya Zeke at hinagod pa ang buhok ko. "Mukhang may pag-asa na ang manok ko" saka dumila pa siya kay kuya Zen at Zaimon.
"Kumusta si Kean?" singit ni Kuya Zen.
"He's okay. We're friends" nakangiti kong sabi.
"So, is that Jave who owns your heart now?" seryosong tanong ni Kuya Zen.
Napasulyap naman ako kay mommy at daddy na ngayon ay may mapang-asar na tingin.
Ahm? Gusto ko na ba si Flair? I'm confuse now. I can't answer it.
"We'll see" ngumiti pa ako kay Flair bago ibinalik ang mata sa pag-kain.
Ipinakita niya ang malapad na ngiti at umingay na upang asarin kami ni Flair.
Tumayo si Kuya Zeke at pinagpapalo si Flair sa balikat.
"Ang galing ng manok ko "
Natawa ako.
"Talagang manok huh?"
"Pogi mo!" pinang-gigilan pa ni Kuya Zeke ang pisngi ni Flair at kunwaring hahalik pa sa pisngi.
Tawa kami nang tawa sa reaksyon ni Flair dahil maasim na ang mukha niya pero 'di makapalag kay Kuya.
"Bading ka Kuya Zeke" pang-aasar ni Kuya Zaimon.
"Kung ganito ba naman ka-pogi, Fafa!" pang-aasar ni Kuya Zeke kay Flair.
Umalingaw-ngaw ang malakas na tawanan.
"Mommy na-bading na si Zeke boy" - kuya Zaimon.
"Omo! Dal'wa na ang baby girl ko" tatawa-tawang sabi ni mommy. "Gusto mo ng dress Zeke girl?" Pang-aasar pa ni mommy.
"Seryoso niyo 'no? Ugh! Isusumbong ko kayo kay Ariela inaasar niyo ko ng bading" inis ng umupo si Kuya Zeke.
"Baka iwanan ka no'n? " sabi ni kuya Zaimon.
Nanlaki ang mga mata ni kuya Zeke at nag-sign of the cross pa.
"Jusko, 'wag naman ikamamatay ng puso ko" humawak pa siya sa dibdib at hinaplos iyon.
Tinawanan lang namin siya dahil halatang kinabahan siya.
Nang matapos kami ng pagkain ay uuwi na rin si Flair.
"Gusto mong sumama?" nakangising tanong ni Flair.
"Ayaw ko"
"Ikaw kasi pinauwi mo ko kaagad ang lungkot sa bahay laging wala si daddy" nakasimangot na sabi niya.
"Dito ka nalang matulog" biro ko.
"Talaga?" nagliwanag ang mukha niya.
"Joke lang"
Bigla siyang pumasok sa loob. Sinundan ko siya.
"Tita dito daw ako matutulog sabi ni Zeal" nakangiti niyang sabi kay mommy.
"Sure, hijo, pero do'n ka sa guest room huh?"
"Yes!" tumalon pa si Flair at sumulyap sa akin. "Narinig mo 'yon?"
Inirapan ko nalang siya.
Umakbay siya sa akin nang tinahak namin ang daan papunta sa guest room.
"May mga damit diyan kumuha ka nalang"
"Katabi lang pala ng kwarto mo 'to. Silipin kita " biro niya.
"Tsk"
"Sungit mo, kiss kita diyan, eh" humawak siya sa baiwang ko.
Gano'n nalang ang pag-layo ko ng mukha ko dahil baka halikan nga ako ng kupal pero humalik siya sa noo ko.
"Wag kang assumera" tatawa-tawa niyang sabi.
Inirapan ko lang siya at sinipa papasok ng kwarto.
"Di masakit huh? Sana mag-mukha kang kabayo kakasipa mo" sarkastiko at mapang-asar niyang sabi.
Tumalikod na ako at papasok na sana sa kwarto nang sumilip pa siya sa pinto.
"Goodnight, my Cherish"
"Goodnight, impakto"
Pumasok na rin ako sa kwarto ko.
Maya maya ay kumatok si mommy.
"Princess" ngumiti siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Ikaw ang pinaka-magandang dahilan ko para mabuhay ulit. Galing ka sa madilim na parte ng buhay mo pero binigyan mo ng pag-asa ang buhay namin" hinaplos niya ang buhok ko.
Masarap sa pakiramdam ang haplos na iyon ni mommy. Mararamdaman ang sobrang pag-mamahal niya sa anak.
"Elleina means light and Zeal means eagerness. Elleina Zeal means Eagerness to light. Iyon ang pangalan mo, anak. Simula no'ng maging parte ka ng pamilyang ito naging determinado kang bigyan ng liwanag ang buhay namin at nagawa mo nga iyon"
Ngumiti ako at hinawakan ang pisngi ni mommy.
"I never doubt myself as a Suarez because I never feel different" tumulo ang luha ko. "I grew up viewing our family as a perfect and nothing else I wish for"
Tumulo na rin ang kapirasong luha sa mga mata ni mommy.
"I'm still your mommy, right?"
"Of course, you're my only 'mommy' and I have 'mama' also" tumawa ako. "I wish you met each other"
"I also wish that you met your oldest sister, Mel Zecka" mapait siyang ngumiti.
"It's okay mom. She's always there" nilagay ko ang hintuturo ko sa dibdib niya. "And here" tinuro ko ang dibdib ko. "I may not saw her, but I love her as my really own sister"
"Thank you for your love, anak" niyakap na ako ni mommy.
"Thank you for everything, mommy. I love you"
"I love you so much. All of you" lalong tumulo ang luha ni mommy. Tinanggal niya ang yakap at hinawakan ako sa pisngi.
"You're the best mommy in the world"
"You're the best daughter in the entire universe" - mommy