Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 65

Elleina Zeal's POV

Huminto kami ni Flair sa isang mataas na lugar matalahib pero ang ganda ng paligid ay tila isang paraisong babalik-balikan ng sinumang makarating.

Makikita ang mga ilaw na nagmumula sa mga bahay, ang dampi ng hangin ay nakakapag-pakalma, ang katahimikan sa paligid ay nakaka-enganyo at ang gabi ay nagsasabing 'okay lang 'yan, ang buhay ay ganiyan talaga. Laban lang'

Pag-baba namin ng kotse agad na yumakap si Flair. Hindi na ako umiyak pa kalmado na ako.

"Tell me, what's the problem?"

Nagulat siya no'ng humawak ako sa braso niya at yakapin iyon. Bakit kinakalma ako ng katawan niya? Hindi ko alam.

"Ako ang nawawalang apo ni Mr. Baider"

Nakita ko ang gulat na gulat niyang mukha.

"Paano nangyari 'yon?"

At kwenento ko sa kaniya ang lahat. Kitang-kita ko kung gaano siya kaseryoso sa pakikinig at sobrang interesado.

"Shut! So, ang girlfriend ko pala ay isang Baider" namamangha niyang sabi.

Hinampas ko siya.

"Anong girlfriend?"

"Girlfriend, as in 'yong babaeng mahal--aray!" napahawak siya sa braso niya dahil hinampas ko nanaman.

"Nakakainis ka talaga!"

"Sagutin mo na kasi ako" nakanguso niyang sabi.

"Ayaw ko nga!" pag-tataray ko.

"Ayaw mo ba sa akin?"

Ang cute ng mukha niya parang ibang Flair 'yong kaharap ko ngayon. Malambing na Flair.

"Ahm--gusto"

Lumaki ang ngiti niya.

"Yiee, gusto mo pala ako huh? Ikaw huh?" nakangisi siyang nang-aasar.

"I mean-- ugh! Tigilan mo nga ako!"

Nag-iinit ang pisngi ko. Buset talaga 'to.

"Kinikilig ka? " pang-aasar niya. "Pogi ko talaga. Swerte mo nga sa akin e ikaw lang talaga ang nagustuhan ko kahit Over Melanin ka tapos nakikigamit ng tooth--aray!"

Hinampas ko nanaman siya sa braso.

"Kakainis ka na! Bakit 'di ka maka-move on sa paggamit ko ng toothbrush mo 'di ko naman sinasadya!"

"Kunwari pa ang baby ko"

Baby ko? Ugh! Nag-iinit ang pisngi ko. Nakakainis siya. Parang biglang nag-pantig ang tainga ko at tumalon ang puso ko sa sinabi niya.

"Tara na nga! Uwi na tayo!"

"Mamaya na! Inaasar pa kita, eh"

"Halika na!" Mabilis akong naglakad at pumasok ng kotse.

"Anything for you, my Cherish" poging-pogi siya sa pag-kakangiti niya ngayon.

Parang natutulala ako sa kagwapuhan niya. Ngayon ko lang siya na-appreciate ng sobra.

Flair, I hate you! Ugh!

Na-iinlove na ata ako! Aish!

"Umuwi na tayo ng Makati" sabi ko.

Natigilan siya.

"Gusto kong kausapin sila mommy. Itetext ko nalang sila Carme na mag-enjoy pa muna sila dito"

Ngumiti siya nang sobrang laki.

Dug.dug.dug.

"Okay"

Hinawakan niya ang kamay ko at nilaro muna iyon. Mahabang byahe nanaman ito pero kahit ga'no pa katagal ang byahe basta siya ang kasama ko ligtas ako. Alam ko.

Ginising ako ni Flair.

Ngayon ay nasa tapat na kami ng bahay namin pagpasok ko nakita ko kaagad si Kuya Zeke.

"Mommy!!!!!! Umuwi na si Princesss!!!!!" malakas na sigaw ni kuya Zeke.

Tumakbo siya at niyakap ako.

"Ano kayo na ni Jave?" bungad niya, inirapan ko siya.

Lumapit siya kay Jave at tinapik ito sa braso.

"Ano na Jave? Ang bagal mo! Daig mo pa ang pagong"

Nakita kong nahiya si Flair at nagkamot pa ng ulo.

Lumabas na sila mommy, daddy, kuya Zen, Zaimon at nay Purita.

Hindi ko alam paano ako magsisimulang sabihin sa kanila. Yumakap sila at masayang-masaya.

"May sasabihin po sana ako e" nahihirapan kong sabi.

Awtomatiko silang nagulat at parang kinabahan pero naghihintay ng sasabihin ko.

"Dude! Binuntis mo kapatid ko?" sigaw ni Kuya Zeke kay Flair.

Biglang napa-nganga sila at gulat na gulat, ang mga mata ay nagtatanong kung totoo.

Si Flair naman ay awtomatikong napa-sagot ng "Hindi, grabe. Sagutin niya muna ako" at saka siya kumindat.

Hinampas ko nga siya.

Nakita kong nakahinga sila nang maluwag. Gusto ko mang tumawa dahil sa mga hitsura nila pero 'di ko magawa.

"Ano ba kasi 'yon, Princess?" naiinip na tanong ni Kuya Zen.

Tumingin ako kay daddy and mommy.

"Nahanap ko na.. ang totoo kong pamilya" nahihirapan kong sabi.

Gano'n nalang ang gulat nila at ang pag-tataka ay nasa mga mata.

Si mommy ay biglang yumakap kay daddy at umiyak na.

"What are you saying?" nagtatakang tanong ni Kuya Zaimon.

"Hindi ako tunay na anak nila mom and dad. Isa akong Baider, na-alala ko na kung sino talaga ang pamilya ko" nakayuko kong sabi hindi ko na napigilan na tumulo ang luha ko.

Lumapit si Flair at yumakap nanaman.

"It's not true. Anak kita, anak ka namin ng daddy mo" sabi ni mommy.

Umiiyak na siyang lumapit sa akin.

"Anak kita. Tandaan mo 'yan. Kailan mo ba narandaman na hindi kita anak huh?" sabi ni mommy habang humihikbi. "Galit ka ba sa mommy?"

Umiling ako.

"Hindi ako kahit kailan magagalit sa iyo mommy. Mahal na mahal ko kayo"

Yumakap siya sa akin.

Lumapit silang lahat at nag-group hug kami.

"Patawarin mo kami, Princess. Kung 'di namin sinabi saiyo" sabi ni daddy at hinaplos pa ang pisngi ko. "Sobrang dilim kasi ng pinang-galingan mo baka hindi makabubuti saiyo 'yon"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.