Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 68

Tinitigan ko ang mukha niya. Noon laging nakakunot ang noo niya makita niya lang ako at puro pang-aasar lumalabas sa bibig niya. Gano'n pa rin naman kahit ngayon pero pagkatapos no'n babanatan niya ako ng tipong kikiligin ako. 'Yong totoo? Impakto ba talaga siya?

"Everything about you is beautiful" halos pabulong na sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. 'Yon 'yong sinabi niya sa akin no'ng sumayaw kami sa Rosa Restaurant. Diba biro niya lang 'yon? Totoo na ba ngayon?

Hinampas ko siya para hindi ako kiligin. Haha

"Good time?"

Umiling siya pero ang ngiti ay hindi mawala sa labi.

"Inaasar kita palagi pero kapag ganiyan na ang banat ko umasa kang hindi ako nagbibiro. I'm not gonna fool your feelings" nakagat niya ang labi niya. "I'm serious when it comes to my love for you, Cherish"

Pinakita niya nanaman sa akin ang gwapo niyang ngiti. Kung hindi ko siya kilala iisipin kong hindi siya totoong tao kung hindi goddess siya.

"Can we dance?"

Do'n ko lang napagtanto na abala na pala ang ibang tao sa mga ginagawa nila. May nagkwe-kwentuhan, umiinom ng wine, nagkukulitan at sumasayaw.

Pumunta kami sa gitna. Ang mga mata ng tao ay nasa amin, ang iba ay nakangiti pero may mga babae din namang naka-irap. Malamang! He's Javen Flair Imperial! The hottest, handsome, smart, mapang-asar and mayabang!

"Why are you so beautiful? They look at you" bulong niya.

"Duh! It's you who catch the attention of the girls!" umirap ako.

"Why are you look insecure? Don't worry they can't steal me from you"

"Who said your mine?"

"Kakasabi ko lang diba?"

Ugh! Nage-start nanaman siya mang-asar. Hindi ko nalang siya kinausap.

Nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at sa baiwang ko naman ang kamay niya. Nakatitig lang siya sa mukha ko. Naiilang ako.

Romantic ang kanta pero nagulat kami nang mag-switch 'yon into 'savage love by Jason Derulo'

Ngumisi kaming dal'wa ni Flair. We love dancing kaya naman kahit 'di akma ang suot namin ay sumayaw pa rin kami ng mala-Laurente movers.

"Savage love " sabi ni Flair habang swabeng sumasayaw at sinasabayan ang kanta.

Ngayon ko lang siya napanood kung pa'no siya gumalaw at talagang humanga ako sa kaniya. Napahinto pa nga ako para panoorin siya.

"Hey! My Over Melanin. Don't fall, you can't go up when you start loving me. My love is different I can't let go of you even if you wish for" at saka siya umikot ng swabe. Kume-kembot siya pero ang astig para sa isang lalaki. "Savage love " sabi niya.

Wow! Hanga talaga ako sa hitsura niya kahit mukhang pinapawisan nangingibabaw pa din ang kagwapuhan niya.

Nang matapos ang kanta ay umakbay siya sa akin pero tinawag naman ako ni lolo. Lumapit ako, si Flair naman ay pumunta muna kala Kean.

"This is my granddaughter, Shine" pakilala ni lolo sa akin sa tingin ko ay mga kaibigan niya. 'Di na siguro mawawala ang saya sa puso ni lolo no'ng bumalik ako.

"Hello po" nakipag-kamay ako.

"She looks like Laurenz 'di maitatanggi kahit saang angulo"

Napangiti ako. Ngayon ko lang natanggap ng buong-buo ang mga katagang 'yon. Kamukha ko si papa.

Nagtawanan sila do'n iniwan ko sila para pumunta kala Carme.

"O..M..G. Bebs! Isa kang Baider!" 'Yon agad ang sinabi ni Carme nang makalapit ako. Ngumiti lang ako pero yumakap siya at nagtatalon.

"Halika, Elle. Kumain ka na ba?" sabi ni Clench.

"Hindi pa"

Inabutan niya ako ng cake at salad. Alam niyang 'yon ang paborito ko. Nang makuha ko 'yon ay nagulat ako ng mabilis na hinawakan ni Flair ang kutsara at sumubo sa pagkain ko.

"Ano ba!" hinampas ko siya.

"Indirect kissing" sabi niya at saka kumindat.

"Sa baso lang 'yon, Jave!" binatukan siya ni Rev.

"Parehas lang 'yon. Iiwan mo lang naman 'yong saliva mo just like kissing"

"Palusot ka pa!" this time si Kean ang bumatok.

Masama na ang tingin ni Flair sa kanila tawa ako nang tawa. Tinitigan ko muna ang pag-kain na kinainan ni Flair. Sa bagay, wala naman siguro siyang sakit kaso puno ng bacteria ang bibig! Pero kinain ko pa rin.

"Masarap ba ang laway ko?" halos mabulunan ako sa tanong na iyon ni Flair.

Kumuha siya agad ng tubig at binigay sa akin. Hinaplos niya pa ang likod ko.

"Siguro masarap 'no?" ngumisi siya.

"Tigilan mo nga ako"

"Boom bars! Busted si lover boy" pangaasar nanaman ni Rev at saka umapir pa kay Kean.

Si Lance ay tahimik lang na umiinom ng wine. Palagi naman. Lumapit ako sa kaniya.

"Di kita ramdam, partner" sabi ko.

"Kailan ba ako nagparamdam?" nakakunot niyang tanong. Ang sungit!

"Wala ka na bang ibang gagawin kung hindi ang mag-sungit?"

"Sinong nagsabi saiyong nagsusungit ako? It's natural"

Tumawa ako sa sinabi niya. Oo nga pala, si Lance 'yan. Ganiyan talaga siya. Masungit!

"By the way, congrats! you found your family" walang emosyon niyang sabi.

"Salamat"

"Bebs!" nilingon namin si Carme habang tumatakbo.

Naghahabulan nanaman sila ni Clench. Kinuha niya ang cellphone niya kaya siya hinahabol nito. Tumawa ako dahil 'di akma sa hitsura nila ang maghabulan dito. Nakagown si Carme. Si Clench ay naka-suit. Seriously?

"Tingnan mo! May girlfriend na si Clench!" Ipinakita niya sa akin ang message.

'Ingat ka palagi' 'yon ang nakalagay.

"Diba sabi ko saiyo! Kaya pala ang bilis mag-move on!" sabi ni Carme habang tumatawa pa.

"Akin na nga!" inis na hinablot ni Clench ang cellphone niya. "Pakialamera!"

Tawa lang ako nang tawa dahil inaasar ni Carme si Clench at sinusundot pa ang tagiliran nito.

"Wag mo na akong aagawan ng pagkain. Nakakahiya naman sa girlfriend mo!" binatukan pa niya si Clench. "Nurse huh?"

Nurse? Sino 'yon? Ah! Parang alam ko na! 'Yong nurse sa hospital!

"Pakilala mo naman kami" pangaasar ko din kay Clench.

"Di ko pa girlfriend"

"Aba ligawan mo na mamaya maunahan ka pa ng iba!" mataray na sabi ni Carme.

"Edi ligawan mo!" asar na sabi ni Clench.

"Sige! Tumanda kang binata!" - Carme

"Talaga?" sarkastikong sabi ni Clench.

Nagkwe-kwentuhan lang sila nang may umakbay sa akin.

"My Cherish"

Dug.dug.dug.

"Nagpaalam na ako kay lolo hihi" sabi ni Flair.

"Anong paalam?"

"Na nanliligaw ako saiyo"

"Ang sweet ni fafa Jave!" pangaasar nanaman ni Rev.

Iniwanan ko muna sila at pumunta sa veranda.

Napakasaya ng bawat sandali. Sana laging masaya.

"Bakit 'di mo ko kayang mahalin?" rinig ko ang iyak na iyon ng isang babae. 'Di ako nagkakamali si Yannie 'yon.

"Stop that. We need to go home" rinig kong sabi ni Kean.

Nagtago ako sa may pader. Nakakahiya kung makikita nila ako.

"Bakit Kean? Mahal mo pa rin siya?" - Yannie.

"Stop Yannie. Please?" - Kean

"Sabihin mo sa akin!" - Yannie

"Oo! Masaya ka na? Halika na!"

'Di na ko nagulat nasabi niya na sa akin 'yon. Ramdam ko ang mga yabag na umalis na sila.

Kawawa naman si Yannie. Ang sakit siguro ng pakiramdam na iyon. Ako ang nasasaktan para sa kaniya.

'Di ko napansin na may tao pala sa gilid ko, si Flair. Siguro sinundan ako. Walang emosyon ang mukha niya at diretsong nakatingin lang sa akin. Ngumiti rin naman pagkatapos.

"If you still love him okay lang naman" pilit ang ngiti niya.

Ganito ba talaga siya mapag-paraya?

Umiling ako pero 'di nagsalita.

"Wag mo akong isipin" nakita kong parang nasaktan siya sa sinabi niya. "Just follow your heart"

Tinalikuran niya ako at naglakad na pero hinabol ko siya. Napatapilok ako dahil sa taas ng takong kaya nasalo ako ng dibdib niya.

Rinig ko ang matunog na buntong hininga niya.

"Be careful, please?"

Tango lang ang isinagot ko.

"Flair.. don't go" sabi ko.

Hawak pa rin niya ang braso ko. Nasa gano'n pa rin kaming sitwasyon at nakaalalay lang siya sa akin.

"Remember that as long as I love you don't worry about me. I never expect you to love me too" ngumiti siya.

"What if.." nahihirapan akong magsalita. "Ah--wala wala"

What if mahal na rin kita? Mag-wowork kaya tayo? I'm just scared to be hurt again.

Hinaplos niya ang pisngi ko.

"I" hinalikan niya ang noo ko. "Love" hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.

Pumikit ako para intayin ang isa pang halik. Hindi ako tatanggi gusto kong maramdaman para maliwanagan ako.

Ang tagal niya kaya minulat ko ang mga mata ko.

"Are you expecting me to kiss you on--ahm your lips?" nahihiya niyang sabi.

Nahiya rin tuloy ako. Ugh! Ano bang iniisip ko? Ugh!!!!!

"Ahm-no. Inaantok na ako" tumalikod ako at naglakad na pero hinila niya ako sa braso. Sana nakalusot!

"Sorry" hinawakan niya ang pisngi ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

5

4

3

2

1

*kiss

Dug.dug.dug.

Isang matamis na halik na nagmula sa impaktong si Flair.

Nag-init ang pisngi ko at nagiwas ng tingin.

"I love you" - Flair

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.