Elleina Zeal's POV
"Get your frog!" sabi ni ma'am Danita.
Nasa laboratory room kami ngayon at ang subject ay zoology.
"Study the parts of the frog"
Kinuha ko ang garapon na nilalagyan ng palaka. Naka-gloves ako at naka-mask. May formaline, to preserve the frog. 'Di naman masyadong delikado ang formaline pero kailangan pa din mag-ingat dahil delikado din ito sa respiratory, nagko-cause ng coughing and irritation.
Nilagay ko iyon sa tray na may tinunaw na kandila at pinakatitigang mabuti.
"Ang cute!"
Naku-cutan ako. Siguro nga kapag Gen. Sci. ka talaga ma-appreciate mo ang mga bagay bagay katulad nito.
Nag-discuss lang si Ma'am Danita at nakikinig lang ako. Ang galing niya kahit paminsan sobrang lalim ng salitang gamit niya na science student lang ang makakaintindi.
'Di ko na kaklase sina Kean at Flair ngayon dahil tapos na ang Gen. Psych. Another set of courses nanaman ang i-enroll namin.
"Kumusta ang bakasyon niyo? Nag-summer job kasi ako kaya 'di ako nakasama" nakangusong sabi ni Arah.
"Okay na okay, Arah. May isa nga diyan lumandi agad, eh" sumulyap pa sa akin si Carme.
Nahihiya akong nagbaba lang ng tingin. Nasa canteen kami ngayon dahil break time.
"Weh? Move on na agad?" parang nakuha naman ni Arah agad ang ibig sabihin ni Carme.
"Wala ng move on, move on, landi na agad kung kasing-pogi lang naman ni Jave. Edi gora!" kinikilig pang sabi ni Carme.
Nanlaki ang mga mata ni Arah.
"You mean si Jave?" natutop niya pa ang bibig niya at saka parang kinilig pa. "Wah!"
Hinampas ako ni Arah sa sobrang kilig niya.
"Outdated ka, girl" sabi ni Carme.
"Kaya pala may pag-kanta sa party!" kumikinang pa ang matang sabi ni Arah.
Nilingon ko si Clench sa tabi ko. Bakit busing-busy naman yata ito sa cellphone? Minsan ngingiti pa siya at parang kinikilig.
"Sinong katext mo huh?"
Tumingin siya sa akin na gulat ang mukha.
"Ah hihi wala" sabi niya at nagkamot pa ng noo.
"Nagse-sekreto ka na ngayon?" kunot-noo kong tanong.
"Wala nga"
Inirapan ko siya. 'Di ko 'to papansinin 'pag 'di ito nagkwento pero 'di ko siya matitiis. Haha
Nagulat ako nang biglang tumayo si Clench at lumapit sa isang babae. Siya 'yong nurse sa hospital.
"I think she's the girl" bulong ni Carme na ngayon ay nakatingin din sa babae.
"Sweetheart, 'wag kang chismosa. Hayaan mo siya" sabi ni Lance habang kumakain.
Kahit kailan talaga 'to walang paki sa mundo.
Ibinalik nalang namin ang atensyon sa pagkain. Maya maya pa ay bumalik na si Clench at tumabi sa akin. Kumakain lang kami nang biglang umingay na. Alam ko na ito e.
"Lalong pumogi si Jave!"
"Nakangiti na siya ngayon"
"Tapos 'di niya tayo sinisigawang 'wag magingay"
"Ang puso ko! Wahh!!"
Rinig kong sigawan nila. Pogi huh? Kung alam niyo lang manliligaw ko siya. Duh! Wala sila sa beauty ko .
"My Cherish" tawag sa akin ni Flair.
Lumapit sila sa amin kasama niya si Kean, Ali, Rev at Yannie.
Irap agad ang salubong sa akin ni Yannie. Si Kean ay ngumiti sa akin kaya tumango lang ako.
"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Flair nasa harapan ko na siya ngayon, biglang lumapit sa akin at walang pasabing sumingit sa gitna namin ni Clench.
"Di pa" sabi niya habang sumisingit at tinuon pa ang kamay sa balikat ni Clench.
"Aray!" asik ni Clench.
"Umusog ka kasi kapag alam mong darating ako" sabi ni Flair habang inuusog pa lalo si Clench.
"Mukha ka ng singit sa kakasingit mo, bro" sabi ni Clench.
"Hindi ako maitim, Clench"
"Ibig sabihin maitim ang singit mo?" - Clench
"Anong maitim huh?" napipikon ng sabi ni Flair.
"Singit mo" - Clench.
Natawa kami nang malakas. Usapang singit! ha singitero! Bastos!
Umupo sila sa table namin at nag-order na rin.
"Si Taxon!"
"Grabe! Ang pogi! Si Kil din!"
"Sinabi mo pa, wahh!"
Rinig kong sigawan nanaman ng mga babae. Ang ingay naman! Easy girls, mga pinsan ko lang 'yan.
Nakita kong pumasok ng canteen si Taxon kasunod si Kil. Diretso siyang pumunta sa akin.
"Kumain ka daw sabi ni Lolo" sabi ni Taxon pagkalapit-lapit.
"Kumakain na nga diba?" mataray kong sabi.
"Sinusungitan mo na ngayon ang kuya mo?" pinitik niya ako sa noo.
Wow! May pinagmanahan pala talaga ako sa papitik-pitik na 'yan.
"Hey!" saway ni Flair.
Tiningnan siya nang masama ni Taxon.
"Sige pitikin mo lang" 'yon nalang ang nasabi ni Flair.
Takot pala siya sa pinsan ko e . Kawawa!
"Ang landi naman niya!"
"Ex niya si Kean? Diba?"
"Tapos ngayon si Jave naman?"
"Pati si Taxon"
Rinig kong bulungan nanaman. Duh! Kung alam niyo lang.
Hindi ko sinasabi sa buong university na apo ako ni Mr. Baider dahil ayaw kong magkaroon ng ibang trato lalo na sa mga Professor. Tahimik lang na buhay ang gusto ko.
"Shin--" tawag ni Kil.
"Don't call me that way. I'm Elleina" sabi ko nakuha niya naman ang pinupunto ko.
"Okay. Elleina'" pagdidiin pa ni Kil. "Kailan ka pupunta sa bahay. Swimming tayo?" yaya niya.
"Pasama!" sigaw agad nitong impakto. Nauuna pa huh?
"Bawal pumunta do'n ang 'di imbitado" asik ko.
"Edi imbitahin mo" nag-papacute pa siya.
"Sige"
Tumayo pa siya at nagtatalon. Nababaliw na siya.
Ilang araw ang lumipas at pumunta nga kami sa mansyon ng mga Baider. Hindi ko siya matawag na masyon 'namin' hindi ako sanay.
Nagsuot ako ng white two-piece bikini. Nandito lahat ng mga kaibigan namin. Pag-labas ko sa pool area at nabulunan si Flair, umiinom kasi siya ng orange juice. No'ng makita niya 'ayon nabulunan. Gandang-ganda sa akin huh?
"Hoy bakit nakaganyan ka nanaman?" inis na sabi ni Flair.
"What now?" tinaas ko ang kilay ko.
"Tingnan mo si Kean" itinuro niya si Kean at katulad niya ay nabulunan din ito sa kung anong iniinom.
Si Yannie ay 'di nagsasalita pero matalim ang tingin sa akin. Buti na 'yang 'di siya nagsasalita pero kawawa naman at walang pumapansin sa kaniya maliban kay Ali at Rev.
"See?" sabi ni Flair ng nakataas pa ang kilay. "Tapos magsusuot ka ng ganiyan? Wala man lang cover up? Gustong-gusto mo talaga tinitingnan ka 'no? Akala mo naman maganda! Magbihi--"
'Di na niya natuloy dahil inirapan ko siya at nilampasan lang. Anong gusto niyang suotin ko? Gown? Nasa swimming pool kami!
"Hi" nakangiti kong bati sa kanila at umupo sa table nila.
Si Kean ay nakatitig pa rin sa akin kaya tumaas ang kilay ko.
"What?"
Do'n lang siya nag-iwas ng tingin.
Tiningnan naman ako ni Carme mula ulo hanggang paa.
"Natuto ka ng magsuot ng bikini? Samantalang dati takip na takip ka?" pinang-singkitan pa niya ako ng mga mata.
"People change" saka ako umirap pero saktong nagtama ang paningin namin ni Kean.