Elleina Zeal's POV
"Faster, girls!" sigaw ni Mamsh.
Another day of practice for the pageant.
Bihira kaming mag-kita ni Flair dahil sobrang busy niya sa case study niya daw kaya naman hinayaan ko siya para sa oras niya.
From: Poging Flair
Ingat ka sa pag-uwi, baby. Miss na miss na kita.
Napangiti ako nang mabasa 'yon. Yes, we're not seeing each other pero minsan sumasaglit siya sa room para humalik lang sa noo ko.
Nag-type din ako.
To: Poging Flair
Ingat ka din
Pakipot lang ako kaya 'yan lang ang reply kahit ang totoo namimiss ko din siya.
"Ano mag-tetext ka nalang diyan, Elle?" nag-angat ako ng tingin. Nakita ko si Mamsh na nakapa-maiwang na sa harap ko kaya tumayo na ako. Hays.
Nakakapagod ang practice. Mamaya ay sayaw naman at kanta ang pra-praktisin ko para sa talent.
"Duck walk! Show your curves! Chin up and smile!" sabi ni Mamsh.
Nag-lakad kami ng pakembot-kembot at pinapakita ang curves. May naka-ipit na lapis sa bibig namin para ma-maintain daw ang ngiti. Naka-duck churva kami para daw straight body. Ganito ba talaga 'yon? Ang sakit sa likod, balakang at binti. Ang heels ay sobrang taas, ilang beses akong natapilok bago matuto.
"Good job, girls!" pumalakpak pa si Mamsh.
Kaniya-kaniya na silang pumunta sa area nila para mag-paractice naman para sa talent show.
Binuksan ko ang speaker at nag-simula ng sumayaw pero napatigil ako nang may isang lalaking napahinto at sumilip sa bintana pero agad ding umalis.
Baka nanonood lang?
"Elle? 'Di ka pa tapos?" sabi ni Cecelia, isa sa mga candidate.
"Di pa. Saglit lang" sabi ko habang sumasayaw.
"Sabay na tayo pauwi" sabi niya.
"Sige"
Gabi na nang matapos ako, uminom lang ako ng tubig at inayos ang gamit ko. Nag-lakad kami ni Cecelia papunta ng parking lot pero natigilan nang mapa-sulyap sa bandang kanan.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang maraming taong nag-kukumpulan.
"Tingnan natin" nag-mamadaling sabi ni Cecelia at tumakbo na palapit sa mga tao.
Wala akong nagawa kung hindi sundan siya.
"Gosh, nandito nanaman sila" sabi ni Cecelia habang nanlalaki ang mata.
Sino 'yon? Sinong sila?
Tumingkayad ako para makita kung ano 'yon pero wala akong makita sa dami ng tao. Ano ba kasi 'yon?
Nanlaki ang mata ko nang makita ang grupo ng mga lalaki na naka-maskara ng itim na nasasakop ang kalahati ng mukha nila kaya 'di mo makikilala kung sino. May binubugbog silang isang lalaki.
Sino sila?
Napatigil ako sa pag-silip nang sumulyap ang lalaking nasa unahan. Anong tinitingin-tingin niya? Dukutin ko mata niya, eh.
Gusto kong tumulong! Kawawa naman 'yong lalaki.
'Mahigpit na pinagbabawal ng organisasyon na manood lang sa taong humihingi ng tulog'
Pumasok sa isip ko ang HTH.
Akmang lalapit ako at hahawiin ang mga tao pero hinawakan ako ni Cecelia.
"Wag! Mapapahamak ka lang. Walang sinasanto ang gang na 'yan kahit babae" sabi niya.
Tiningnan ko lang siya at hinawi ang mga tao, narinig ko pa ang buntong hininga niya.
Lumapit ako at humarang sa gitna ng mga lalaking nang-bubugbog at lalaking binubugbog.
"Tigilan niyo nga ito. Ano bang kasalanan niya para bugbugin niyo?"
Tiningnan ako ng lalaking nasa unahan at saka ngumisi.
Nakakakilabot ang ngising 'yon pero 'di ako nag-patinag. Maangas akong tumayo at hinarap siya.
"Master mukhang 'di ka kilala nitong babae" sabi ng isang naka-mask din.
Ramdam ko ang diretsong tingin ng lalaki sa akin at saka malamig na emosyon.
"Anong gagawin natin sa pakialamera, master?" tanong ng isa.
Akmang lalapit sila sa akin pero pinigilan ng master nila.
"I like you" sabi ng master.
Napa-kunot ang noo ko. I like you? What the fuck?
Tumawa ako nang malakas.
"Fuck you" sambit ko sa kabila ng pag-tawa.
"Master, ano?" singit ng isa. "Bugbogin na ba namin ang babaeng 'yan?"
Diretsong nakatingin lang sa akin ang master.
"Ang tapang mo. Ikaw lang ang nagsalita sa akin ng ganyan" walang emosyong sabi ng master.
"Should I celebrate?" nginitian ko siya.
"I like you" pag-uulit niya. "Di mo ba ako gusto?" ngumisi siya.
Gago ba siya? Ni hindi ko nga siya kilala! Ang corny niya!
"Hindi"
Tumalikod ako at inalalayan ang lalaking binugbog nila.
Nang maitayo ko ang lalaki ay agad akong sumugod sa tinatawag nilang master pero nakailag siya.
Napatitig ako sa kaniya. Ngayon lang may naka-ilag sa suntok ko. Sa suntok ng isang babaeng Suarez at Baider.
Ngumisi siya.
"You want to be my girlfriend?" tanong niya.
Lalong kumunot ang noo ko.
"What the hell?"
Sinugod ko ulit siya pero nakakailag siya.
"The fuck!" inis ko siyang tiningnan.
Pa'no niya nagagawang ilagan ako? Himala 'yon!
"Mas bilisan mo pa, binibini" pang-aasar niya sa akin.
Inis ko siyang sinipa pero yumuko lang siya at nailagan nanaman.
Delikado ito parang nakita ko na ang katapat ko. Sinugod ko siya at pinag-susuntok pero parang pinag-lalaruan niya lang ako. Minsan nararamdaman ko ang haplos niya sa braso ko at pag-haplos niya sa baiwang ko. Gago nito! Parang nangingilabot ang buo kong katawan sa haplos niya.
Flair...
Naisip ko siya kasi ginagago ako ng isang ito.
Sinipa ko siya pero nahawakan niya ang hita ko at nanlaki ang mata ko ng haplusin niya 'yon!
"Fuck!" inis kong sigaw.
"I'm enjoying" ngumisi ulit siya.
Inis na inis na ako pero 'di ko siya matamaan.
Flair..
Tinatawag ko siya sa isip ko. Ibang klase kasi ang isang ito. Iba siya sa lahat ng nakaharap ko. Mas mabilis ang kilos niya pero 'di ko alam kung gaano siya kalakas.
Sinugod ko siya ulit pero sa isang iglap ay nahawakan niya ang dalwang kamay ko mag-kakrus na iyon ngayon sa bandang tiyan ko at naka-yakap na siya sa likuran ko.
Nangilabot ako nang maramdaman ang hininga niya sa tainga ko.
Fuck!! Sino ka ba?
Mas nangilabot ako nang humalik siya sa pisngi ko galing sa likuran.
"Fuck!" lumingon ako sa kaniya at mabilis na kumilos. Sa unang pag-kakataon ay nasapak ko siya.
Tinitigan niya lang ako.
"Ang tapang mo 'yan ang gusto ko sa babae" ngumisi nanaman siya at hinaplos ang pisngi ko.
Muli akong nangilabot kaya mabilis kong iwinaksi ang kamay niya.
Ano bang meron sa ngisi niya?
"Touch me again and you'll die!" Inis kong sigaw pero imbes na matakot siya ay tumitig lang siya.
"Let see each other again, wonder woman"
Nag-lakad siya palayo pero natigilan din dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Sino ba kayo huh?!"
"Dreadful Gang"