Elleina Zeal's POV
Sobrang awang-awa ako kala Arah kaya naman pinag-masdan kong mabuti ang hitsura nila mula ulo hanggang paa. I think I need to do something about this.
Pinatulog na sila ni Kuya Zen. Hinintay kong makalabas si kuya Zen sa guest room. Pag-labas niya ay isang buntong hininga agad ang ginawa niya.
"Matulog ka na, Princess" sabi niya nang makitang nasa tapat ako ng pinto. "Kawawa naman sila" malungkot ang mata niyang sumilay sa akin.
"Don't worry, kuya" nginitian ko siya at tumalikod na.
Mag-sisisi ang lalaking 'yon kapag ako ang nakaharap niya. Hihingi siya ng tawad. Pangako.
"What are you planning to do, Princess?" napatigil ako sa tanong niya. "Don't do something. Let dad and mom fix this"
Nilingon ko ulit siya.
"The abuser needs a lesson"
"Baka mapahamak ka lang" sabi ni Kuya ng may pag-aalala.
"Don't you know me?" tanong ko.
"I know you but please don't do something"
'Di ko na siya pinansin at tumalikod na pero napatigil muli.
"Sasama ako"
"No need, kuya. Just rest"
Pumasok na ako sa kwarto at naghintay ng midnight.
Kinuha ko ang pantalon, t-shirt, cap at mask na itim.
"Nice to see you again, z4" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
Dahan-dahan akong lumabas ng sala. Gaya ng dati wala ng ilaw tanging ang maliliit na ilaw nalang ang nakabukas.
Tinahak ko ang daan palabas pero napatago ako sa halamanan nang makita si Kean sa veranda ng kwarto niya. Kala ko ba 'di na siya nakatira dito? Do'n na sa bahay nila ni Yannie.
Tiningala ko siya. Nakatingin siya sa veranda ng kwarto ko. Maya maya pa ay pumasok na rin siya sa loob kaya nag-madali na akong makaalis.
Ang dilim na. Tinahak ko lang ang daan papunta sa bahay ng asawa ni tita Lilita.
"Ahhhh tulong huhuhu!!"
Narinig kong sigaw ng isang babae. Hinanap ko agad kung nasaan.
"Wag kang maingay. Wala namamg makakarinig sayo dito " rinig kong sabi ng isang lalaki at nagtawanan sila ng kasama niya.
Nasan ba 'yon? Sumilip ako sa isang eskinita na sobrang sikip. Pinasok ko iyon at tumambad sa akin ang apat na lalaking hawak ang isang babae at tinatanggal ang suot nito.
Mga gagong 'to ang pangit na nga manyakis pa.
Nilingon nila ako at agad sumilay ang ngisi sa labi nila.
"Oh tamang-tama dal'wa na ang babae natin!" sabi ng isang lalaking mukhang aso.
Ugh! Putapete kakapal ng mukha.
"Hi, miss. Tamang-tama ang dating mo nag-sisimula palang kami" ngisi ng isa pa.
"Tulungan mo ko huhuhu" sabi ng babaeng hawak ng apat.
"Hawakan niyo muna 'yan. Kunin ko lang itong isa" sabi no'ng isa at lumapit na sa akin.
Hinayaan ko lang siyang hawakan ang braso ko.
"Woah! Ito ang gusto ko hindi pumapalag mukhang mag-eenjoy tayo" sabi ng kumapit sa braso ko, napangisi ako kahit hindi naman nila kita.
Sa isang iglap ay nahawakan ko ang braso ng lalaki at ibinalibag ito. Pero nahirapan ako dahil mabigat siya kaya napa-upo lang siya.
"Mukhang may laban ang isang 'to " sabi niya habang tumatayo.
"Lapit" maangas kong sabi at senenyasan pa ang tatlo niyang kasama.
Lumapit ang dal'wa ng sabay. Umiwas ako sa suntok ng isa pero agad ko siyang sinuntok sa tyan no'ng yumuko ako.
"Wait" inilahad ko ang kamay ko ng 'stop'
Tumigil naman ang lalaking pasugod. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang sinturon niya. Tuwang-tuwa ang kupal.
"Papayag naman pala, kayo naman " tumatawa pa siyang itinaas ang kamay para tuluyan kong makuha ang sinturon niya.
Nang matanggal ko ang sinturo ay tumawa ako ng malakas.
"Game" sabi ko at ihinampas ang sinturon sa gilid ko.
"Tanga ka! Bakit mo hinayaang kunin ang sinturon mo!" sigaw ng isa.
"Akala ko--"
'Di ko na siya pinatapos at inihampas ang sinturon sa kaniya. Okay pala 'to parang latigo! Napahiga ang lalaki sa sakit habang hawak ang braso niyang tinamaan ng sinturon hindi pa ako nakuntento hinampas ko ang mukha niya. Aww! Sakit no'n!
"Tanga mo kasi!" sigaw ng isa.
Sumugod ito sa akin pero hinampas ko siya agad ng sinturon sa birdy niya. Fuck! Manyak!
Halos mapatalon ito habang hawak-hawak niya ang hinampas ko.
"Ikaw? Takot ka?" tanong ko sa isang lalaking nakahawak pa din sa braso ng babae.
"ahhhh" kumaripas ito ng takbo. Duwag!
Bago ako lumapit sa babae ay sinipa ko muna ang tatlo hanggang makatulog ito.
"Are you okay?" sabi ko habang palapit sa babae.
Humagulgol ito.
"Sala--mat huhuhu" sabi niya.
Tiningnan ko ang hitsura niya. Wasak na ang palda niya at kita na rin ang bra niya. Kinuha ko ang damit niya sa sahig.
"Salamat talaga kala ko, katapusan ko na huhuhu" sabi niya at nanginginig na humawak sa kamay ko.
Inilabas ko siya sa eskinita at hinatid sa bahay nila. Muli siyang nag-pasalamat sa akin.
Sobrang awang-awa ako sa kaniya. Mapang-abusong kalalakihan buti nalang hindi gano'n si Flair. Hays.
Muli na akong nag-lakad.
Ang dilim naman. Squatter ang lugar. Nag-kalat ang basura, sobrang sikip na daan, mabaho at malubak. Ito pala ang buhay na meron si Arah. Kawawa naman siya.
Narating ko ang bahay nila.
Pumasok ako do'n pero walang tao. Umupo lang ako sa upuan at pinatay ang ilaw. Hinihintay ko ang tatay nila.
"Tangina kayo! Iwanan niyo na ako mga gago! 'Di ko kayo kailangan" sigaw ng lalaking papasok sa bahay.
Tatay na 'yon ni Arah. Binuksan niya ang ilaw at nagulat sa akin.
"Sheno ka?" lasing na tanong niya.
Susuray-suray ang pag-lalakad niya at may hawak na gin sa kanang kamay.
"Don't ask if you're not ready to die" maangas kong sabi.
"Ano? Baka minumura mo na ako? 'Di ko naintindihan. Gago umuwi ka na!" sabi niya.
Agad kong kinuha ang kwelyo niya at idiniin sa pader.
"Aray! Gago ka! Ano kashalanan ko shayo!?"
Sinuntok ko ang mata niya para sa black eye ni Arah.
Tinulak ko siya sa sahig dahilan para masubsob ang mukha niya sa semento. Para 'yan sa galos ni Arah.
"Taena! Ahh" sigaw niya.
Hinawakan ko ulit siya at itinayo. Sinipa ko siya sa tyan dahilan para masuka siya.
"Gago ka!" sumugod siya pero inilagan ko lang siya at sinipa sa likuran.
Para sa paninipa mo sa kanila. Sinuntok ko ang labi niya para sa putok na labi ni Arah. Pinag-sisipa ko siya hanggang mapagod ako.
"Worthless Father" sabi ko habang tinitingnan ang nakahandusay ng katawan niya.
Itinayo ko siya halos 'di niya na ako makita dahil maga na ang mata niya. Sinampal-sampal ko siya. Alam kong ginawa mo 'to sa kanila sa maraming beses!
Kwenelyuhan ko ulit siya.
"Makukulong ka at siguraduhin mo sa aking hihingi ka ng tawad sa mag-ina mo!" sigaw ko. "Narinig mo ako?!" sigaw kong muli.
Tumango siya.
"Sagot!" mas malakas na sigaw ko.
"Oo!"
Takot na takot na siya ngayon at halos itiklop ang katawan.
Ang galing mong mang-bugbog ng asawa at anak tapos ngayon akala mo kung sino kang mahina!
Mapang-abuso ang ibang lalaki dapat matutong lumaban ang babae para hindi nasasaktan. Dapat kung ano ang ginawa nila ay nararapat na maramdaman din nila upang malaman nila kung gaano iyon kasakit. Tapos biglang sasabihin 'di na mauulit at mahal ka? Fuck! Ikaw naman si tanga na tatanggapin ulit?
Fucking Abuser!
Kinuha ko ang bote ng alak at binasag sa harapan niya.
"Imbes na ibili mo ng pag-kain. Alak pa ang binibili mo! 'Di ka na nahiya sa asawa mo! Wala kang kwentang asawa at ama!" sigaw ko. "Hinahayaan mong mag-hirap ang pamilya mo kahit pwede mo naman gawan ng paraan!"
"Ang mga lalaki hindi dapat inaabuso ang mga babae! Matuto kang irespeto sila at mahalin. Hindi por que ikaw ang malakas ay abusado ka na!"
Tumulo ang luha niya animo'y may narealize sa sinabi ko. Gusto kong maawa sa ginawa ko sa kaniya pero gusto ko ring malaman niya ang pakiramdam ng gina-ganito. Hindi patas ang mundo. Hindi lahat may magandang buhay at hindi lahat may kapanatagan sa puso. Nasisiguro kong ang ginawa niya ay habang buhay ng tatatak sa mag-iina. Takot, pangamba at pag-aalala sa tuwing makikita nila ang taong ito. Lahat ng nangyari sa buhay nila ay nakakaapekto sa kanilang pag-katao. Sana lang ay matatag sila.
"Nasan ang iba niyong anak!? Bakit tatlo nalang sila?! Sagot!"
"Pina--ampon" nanginginig na sabi niya.
Pina-ampon? The fuck? Anong klase siya? Naalala ko kasi ang sabi ni Arah na sampu sila! Lahat pala 'yon ay pinaampon at tatlo ang natira?
"Aaminin mo sa korte ang kasalanan mo!"
"O-o"
Ang tatay ang siyang dapat prumo-protekta sa kaniyang pamilya pero ang isang ito siya pa ang nag-lalagay ng pangamba kahit nasa loob ng bahay. Hindi dapat ganito dahil simula ng mag-pamilya siya dapat alam na niya kung papano maging isang asawa at ama. Amang handang gawin ang responsibilidad niya, suportahan ang anak at alagaan ito. Asawa na kaagapay ng ina ngunit ang isang ito ay nagkulang sa kahit na anong angulo ng pagiging isang mabuting ama at asawa, umabuso pa.
"Sa susunod na lumapit ka pa sa mag-ina mo. Papatayin na kita!" sigaw ko. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at bahagyang umiling.
Sinakal ko siya at nang maramdamang hirap na hirap na siya ay binitawan ko. Nakita ko ang pag-hinga niya nang maluwag.
"That's a warning!"