Elleina Zeal's POV
SATURDAY
"Baby"
Nagising ako sa malambing na pag-tawag na 'yon ni Flair. Nag-mulat ako ng mga mata. Nakita ko kaagad ang mukha niyang todo ngiti at halatang walang mapag-lagyan ang saya niya.
"Goodmorning, my baby cherish. I love you" saka niya ako dinampian ng halik sa pisngi.
Mag-katabi kami sa kama niya, naka-yakap siya sa baiwang ko, naka-tuon ang kaliwang siko sa kama, at naka-tunghay sa akin.
Yumakap ako sa kaniya. "Hmmm? Goodmorning, baby. I love you more"
Nakita kong namula ang pisngi niya at saka mas lumapad ang pag-kakangiti. Why his face is so damn handsome?
"I really can't believe that you're mine now" sabi niya habang tila namamangha pa.
Nasa gano'n kaming sitwasyon ng mag-ring ang phone ko. Kinuha ko iyon sa sidetable.
Taxon Calling...
I tapped the answer button.
"Hmm?"
"Where are you? Lolo didn't take his medicine. He wanted to see you"
"Okay. Pupunta ako diyan"
Tumingin ako kay Flair, wala pa man lang ay nakanguso na siya.
"Faster"
"Okay"
"Take care"
"You too"
Ganiyan kami mag-usap niyang magaling kong pinsan. Napaka-tipid.
"Flair, I'm going" sabi ko.
"This early?"
"Ya"
"Where are you going, baby?" lalo niyang isiniksik ang sarili niya sa akin.
"Lolo. Ayaw nanaman uminom ng gamot niya"
"Okay. Ihahatid na kita. This is our first day as official couple. Where do you want to go?" nakangiti niyang alok.
"Nothing. I have too many activities to finish"
"Okay, then" lalong humigpit ang yakap niya.
Para namang 'di na mag-kikita.
Nag-ayos lang kami at pag-katapos ay hinatid niya ako sa mansyon.
"Hello, everyone!" malakas na bati ni Flair.
Ngayon ko lang siya nakita nang sobrang saya.
Napa-hinto si Kil at Taxon sa ginagawa nila at tumingin sa amin. Nag-lakad sila palapit. Bigla naman akong hinapit ni Flair sa baiwang. Ano nanamang trip nito?
"What's up with the smile, Jave?" - Kil
"Meet 'my girlfriend'" taas noo niyang sabi at kitang-kita ang galak sa mukha.
Lumapad ang ngiti ni Kil at si Taxon ay as usual walang reaksyon.
"Woah! Welcome to the family, Jave!" nakipag-apiran pa si Kil kay Flair.
"Tagal mo" naiinip naman na sabi ni Taxon. 'Di man lang i-congrats si Flair sa pag-sagot ko. Attitude si Kuya mo Taxon. "Go upstairs" utos niya sa akin.
"Okay, boss" inasar ko pa siya bago ako umakyat.
Iniwan ko si Flair sa kanila na wiling-wili kaka-tingin ng mga painting sa sala.
"Apo!" malapad agad na ngiti ni lolo.
Minsan talaga nag-iinarte lang siya, eh. Kasi bihira ako dito gusto niyang dito ako natutulog.
"Lolo" yumakap ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya. "Di ka nanaman uminom ng gamot mo" sermon ko pero imbes na sagutin niya ako ay mabilis niya kinuha ang gamot at ininom.
Sabi ko na, eh. Nag-papapansin lang siya.
"Are you going to sleep here tonight?" nakangiti niyang tanong.
"Yes, lolo"
Tutal sunday naman tomorrow. Lumapad ang pag-kakangiti niya. Ito talagang si lolo kahit kailan parang si Flair papansin din.
Nang bumaba kami ni lolo ay tumakbo agad sa kaniya si Flair para kumustahin.
"Guess what, lolo?" masayang sabi ni Flair at umakbay sa akin.
Tiningnan ni lolo ang kamay ni Flair na naka-akbay sa akin. Lolo huh? Lolo niya din?
"She's now my girlfriend!" masiglang sabi ni Flair.
"Woah!" natutop pa ni lolo ang bibig niya.
Ang OA lolo huh?
"Nadagdagan nanaman ang apo ko!" tinapik ni lolo ang balikat niya. "Good job, Jave"
Good job? Ano daw 'yon? Hays parehas silang abnormal.
Nang mag-tanghali na ay nag-paalam na si Flair na aalis dahil may gagawin pa siyang school work.
Lumapit ako kay lolo na ngayon ay nakatingin sa isang larawan na nasa sala. Do'n ko lang napansin na family picture namin 'yon. Si mama, papa, ako at si Ate Bright.
"Lolo akala ko ba may tradisyon? Bakit nakalabas na ang picture nila?" nag-tataka kong tanong.
"Because you are here now" nakangiting sabi niya. "Laurenz should be happy"
Totoo! Papa should be happy because I found the way home. Sayang lang at 'di niya ako nakitang lumaki at 'di na niya makikita pa ang pag-papamilya ko sa tamang panahon.
Si papa ang taong laging sumusuporta sa akin kahit wala siyang oras gagawa siya ng paraan para lang sa amin ni Ate Bright. Si mama naman ay kahit na anong oras nasa tabi namin siya. Pinuno nila kami ng pag-mamahal, pag-aalaga at pangaral upang maging isang mabuting tao.
"Kapag nakikita kita parang nandito ang anak ko" emosyonal na sabi ni lolo. "Parang nandito pa rin sila dahil sa'yo"
"Lolo, nahanap po ba ang pumatay kala papa?"
Gusto kong malaman dahil kung hindi ako mismo ang mag-hahanap. Pag-sisisihan nila ang ginawa nila!
"Oo, apo" bumunting hininga si lolo at iginaya niya ako paupo sa sofa. "Malaki ka na sa tingin ko kailangan mo na itong malaman"
Ang alin? Gusto kong itanong 'yon kay lolo pero 'di ako nag-salita dahil kinakabahan ako. Baka ito na ang sagot sa lahat ng tanong ko.
"Tayo ang pinaka-mayaman sa buong Pilipinas" ngumiti si lolo. "Pero 'di tayo nag-papakilala. Ang isang Baider ay dapat nakatago ang katauhan dahil hindi mo gugustuhin pang makalaban ang mga ito. Nanggaling ang pamilya natin sa isang liblib na lugar sa America at nando'n pa rin ngayon ang ating mga kamag-anak pupunta sila dito kapag may isa na sainyong mga apo ko ang ikakasal"
Gano'n ba talaga kataas ang isang 'Baider'? Pangalan palang ay parang nakakatakot na.
"May tradisyon ang pamilya natin" humugot si lolo ng oxygen "life in exchange with life"
Life in exchange with life? Buhay kapalit ng buhay?