Hinawakan ni lolo ang dal'wa kong kamay at tiningnan ako mismo sa mata.
"Hindi mo pwedeng galawin ang kahit na isa sa pamilyang ito dahil kung ano ang kinuha mo 'yon din ang kukunin sa'yo"
Kinabahan ako sa sinabi ni lolo. Ibig sabihin...?
"Pinatay ko ang pumatay sa papa, mama at ate mo. Tatlo ang nawala kaya tatlo din ang kinuha ko sa pamilya nila"
Nanlaki ang mga mata ko at natutop ang bibig ko ng dal'wang kamay.
Dug.dug.dug.
Gano'n katindi? Gano'n kalupit ang pamilyang ito? Ang pamilya ko.
'Wag kang umasang makakaligtas ka dahil hindi biro ang pamilyang ito. Pagsisihan mo isang araw ang ginawa mo!'
Biglang pumasok sa isip ko ang huling linyang narinig kong binitawan ni papa no'ng gabing pinasok kami ng kung sino mang lalaki. Iyon pala ang ibig niyang sabihin.
"Ikaw dapat ang gagawa no'n pero nawala ka. Bawal mag-diwang hangga't may kaso pang 'di nalulutas. Kailangan itago ang mga larawan ng mga namayapa hangga't 'di pa lubos na ligtas ang isa pang miyembro"
Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni lolo.
"Oo, nakakatakot kung papakinggan mo pero isa lang naman talaga ang pinaka-mahalagang kultura 'yon ay ang sobrang pag-mamahal sa pamilya. Handa ka dapat ibigay ang buhay mo mailigtas lang ang bawat isa. Alam kong kaya mo 'yon apo" ngumiti si lolo sa akin. "Natatakot ako na mag-asawa ang isa sainyo nila Taxon dahil dadaan sila sa 'patunay'."
Patunay? Ano 'yon?
Bumuntong hininga si lolo.
"Ang inyong mapapang-asawa ay dapat patunayan ang kanilang pag-mamahal sa inyo. Ang buong angkan ng Baider ay papatayin ang mapapang-asawa niyo kung 'di sila marunong lumaban at ipag-laban ang mahal nila, naniniwala ang pamilya na kung totoo ang pag-mamahal nila ay maliligtas sila sa patunay. Kailangan nilang marating ang dulo ng bundok kung saan dulo no'n ay ang pakakasalan nila dapat mabuhay sila habang hinahabol siya ng angkan ng Baider"
Dug.dug.dug.
Natatakot ako para kay Flair hindi ko pa nakikilala ang buong angkan ng Baider pero naniniwala akong katulad nila Taxon, Diamond, Kil at ng bawat miyembro nito ay malakas din sila. Paano kung mapatay nila si Flair?
'Wag nalang kaya kaming mag-pakasal? Ibang klase nga ang pamilya ko. Katulad ni daddy gusto niya ring protektahan ang pamilyang Suarez at naintindihan ko ngayon na kaya niya ako sinanay dahil biktima ako noon nang makilala nila ako. Sobrang minahal nila ako kahit hindi naman talaga nila ako tunay na anak.
"Wag kang mag-alala kay Jave, apo. Nakikita kong malakas siya kaya nga pinayagan kong siya ang maging nobyo mo" gusto kong maiyak sa sinabi ni lolo. Sobrang laki ng tiwala niya kay Flair.
"Katulad ng lola mo ni Anmela, hindi siya marunong makipag-suntukan o makipag-laban pero pinilit niyang lampasan ang buong angkan ng Baider ng walang pinapatay dahil 'yon ang panuntunan. Pwede nila siyang patayin pero siya ay hindi pwedeng pumatay kahit isa sa angkan. Nilabanan niya sila hanggang marating niya ang dulo ng bundok. Natakot ako pero nag-tiwala ako sa kaniya"
"Bakit gano'n ang tradisyon, lolo? Hindi ba pwedeng mag-pakasal nalang ng walang dinadaanang patunay?"
Umiling si lolo.
"Bawal, apo. 'Yon ang sumpa ng pagiging Baider sa sobrang pag-mamahal sa pamilya hindi pwedeng basta makapasok ang ibang tao sa pamilya ng hindi napapatunayan ang kanilang pag-mamahal at sinseridad"
Tumango ako. Sumasakit ang dibdib ko. Iisipin ko palang na dadaan do'n si Flair sa takdang panahon ay nag-aalala na ako. Nag-sisimula palang ang relasyon namin pero heto at isang malaking problema pala ang pag-dadaanan namin sa future.
Flair...
My baby, I don't want you to get hurt. Natatakot ako, baby. Paano kung mapatay ka nila? Paano pa ako mabubuhay ng wala ka?
No'ng sinagot ko si Flair naramdaman ko sa sarili ko na hindi ko lang siya mahal. Sobrang lalim ng nararamdaman ko sa kaniya 'yong tipong sinabi ko lang ang 'yes' nasa utak ko na kaagad na siya ang papakasalan ko pero paano kung ang angkan pala ng mismong pamilya ko ang tutugis sa kaniya sa patunay na mag-lalagay sa kaniya sa alanganin?
Hays.
"Apo, kung pwede sana 'wag mong hahayaang saktan ka ng kahit na sino dahil hindi nila gugustuhing makaharap ang isang Baider" sinisigurado ni lolo na 'di ako sasaktan ng kahit na sino. "Nga pala 'yong sumaksak kay Jave at lahat ng taong sangkot do'n pinakulong na 'di ka na nila muling guguluhin. Pasalamat nalang sila at hindi ikaw ang nasaksak dahil kung hindi 'di mag-dadal'wang isip ang mga pinsan mo na saksakin din sila"
Kung nag-kataon siguro nasaksak din si Braid ni Taxon o no'ng dal'wa pa. Dapat na ba akong matakot at kaawaan ang mga kalaban ko? Kaya pala sinasabi ni Taxon na 'She's Baider' gano'n niya kataas sabihin iyon.
Bigla ay naisip ko ang nanay ni Braid magaling na kaya 'yon?
"Ah lolo. Pwede po ba humingi ng pabor?"
"Ano 'yon, apo?"
"Pwede po bang ipahanap ang nanay ni Braid para mapa-gamot?"
"Yon lang ba? 'Di ko alam ang dahilan mo pero masasabi kong napaka-buti mo, apo" ginulo ni lolo ang buhok ko. "Sige na mag-pahinga ka na"
"Goodnight, lolo"
"Goodnight, Shine"
'Di na nga siguro ako makakatakas sa tadhana ko. Ito na 'yon, isa akong Baider. Nakakatakot ang maging isa sa kanila pero kahanga-hanga ang pag-mamahal sa pamilya.
Makakaasa po kayong itataya ko ang buhay ko para sa dal'wa kong pamilya at sa bubuo-in ko pang pamilya sa kinabukasan kasama si Flair.
My Impakto...
My life was reserved for the people that I love.