Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 82

Elleina Zeal's POV

Nakaupo ako sa sofa at nanonood ng TV. Ang palabas ay 'The Darkest Hour'.

"Princess!" tawag ni Kuya Zeke. Nilingon ko siya. "Ilipat mo nga sa basketball" sabi niya.

Umirap ako at 'di siya pinansin.

Lumapit siya at kinuha ang remote. Ugh! Tumayo ako at nakipag-agawan sa kaniya.

Umakto siyang parang nagdri-dribble ng bola gamit ang remote. Papansin talaga! Tumatawa pa siya habang iniiwas sa akin ang remote.

"Kuya!!!" sigaw ko.

Nilingon ko si Kuya Zen na busy mag-basa ng libro.

"Kuya Zen, oh!" sumbong ko.

Tumingin siya sa amin ng nakakunot ang noo.

"Stop that, z2" ma-awtoridad niyang sabi.

Tumigil si kuya Zeke at nakangusong inabot ang remote sa akin. Dumila lang ako sa kaniya.

Tahimik na ako muling nanood pero nainis ako nang si Kuya Zaimon naman ang nagpapansin. Pabalik-balik siyang dumaan sa harap ng TV. Buset talaga itong dal'wang siraulong 'to! Kahit kailan mag-kasundo sa pangbwi-bwisit sa akin!

"z3! Ano ba!" hinawi ko siya at tatawa-tawang tumingin sa akin.

"Inis ka na niyan?" nakangiti niyang tanong.

"Ewan ko sa'yo"

Bumalik ako sa upuan at umupo do'n pero 'di pa man lang nagtatagal ay binuksan ni kuya Zaimon ang speaker at nag-patugtog nang malakas habang kumakanta pa!

"Kuya Zen!!!!!" tawag ko kay kuya. "Ang ingay ni kuya Zaimon at Zeke!" sabi ko.

Tumayo si kuya Zen at pumasok nalang sa kwarto. Sumuko na siya sa dal'wang pasaway na ngayon ay mag-kasamang naghe-head bang! Hays!

Makaalis na nga lang!

"Hoy! Saan ka pupunta?" sita ni Kuya Zeke.

Binato ko siya ng unan.

"Sa boyfriend ko!" sabi ko.

"Kayo na ni Jave?" tanong ni kuya Zaimon at hininaan ang speaker.

"Oo" tipid kong sabi at saka tumalikod.

"Yes!"

Rinig ko ang sigaw ni Kuya Zeke.

"Akin na ang pusta mo!" - Kuya Zeke.

Mga gagong 'to pinag-pustahan pa ang pag-sagot ko kay Flair. mga siraulo talaga. Kaya naman pala may manok-manok silang nalalaman.

Nag-drive nalang ako ng kotse.

"Hi, manang!" masigla kong bati kay Manang Cora na ngayon ay nagluluto sa kusina.

"Elle, nako matutuwa si Jeb nito. Puyat pa naman 'yon dahil ang daming ginagawa sa school" nakangiti niyang sabi. "Hala sige, akyatin mo sa kwarto at ng masurpresa"

Tumango ako sa kaniya.

Nadaanan ko pa muna si Buknoy na nanonood ng cartoons sa TV bago umakyat.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya. Wala siya pero rinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Naliligo siguro.

Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto niya. Ang linis huh?

Natigil ako nang makita ang naka-awang na closet niya dahil may nakita akong mga pink do'n.

Ano 'yon?

Naglakad ako patungo doon at binuksan 'yon ng mas malaki.

Umakyat sa ulo ko ang inis ko nang makitang mga damit 'yon ng babae!

Fuck? What is this?

Is he cheating on me?

Kinalkal ko 'yon at mas nainis nang makitang may mga underwear ng babae!

Heck!

Pinigil ko ang inis na umupo sa kama. Naninikip ang dibdib ko at nangingilid na ang luha ko.

I can't believe this!

Niloloko niya ako! Bakit kanino ba 'yon? Hindi naman sa akin 'yon! Bakit nasa kwarto niya?!

Maya maya pa ay bumukas na ang pinto ng banyo. Lumabas siya ng naka-towel lang at walang kahit na ano maliban do'n.

Pero wala akong pakialam!

Lumapit ako at pinag-susuntok siya.

"You're cheating on me! Fuck you!"

"Ano bang--aray! Baby!" saway niya sa akin. "Wait--aray! Ano ba--aray!"

'Yon nalang ang nasabi niya nang pag-susuntukin ko siya.

Naluha na ako dahil nasasaktan ako. 'Di ako makapaniwala.

Napagod na ako kaya umupo nalang ako sa harap niya. Hawak niya nang mahigpit ang towel dahil baka malaglag.

"Baby, bakit?" tanong niya. "Wait nga lang" kumuha siya ng short at shirt sa closet at bumalik ng banyo.

Umupo ako sa kama habang humihikbi. Ang sakit ng dibdib ko. Lumuluha lang ako nang lumabas ulit siya.

"Tell me-Aray!" di pa man lang siya nakakapagsalita ay sinuntok ko namaman siya. "Isa pang suntok mo, baby. Hahalikan kita!" banta niya.

Umiiyak lang ako. Yumakap siya pero tinanggal ko.

"Hey! Tinotoyo ka ba? What is happening? I can't understand you" sabi niya at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa pagkatakip sa mukha ko.

"Cheater!" sinamaan ko siya ng tingin at tumayo.

Aalis na ako!

"Break na tayo!" sabi ko at tumalikod.

"Baby!" tawag niya sa akin at hinapit ang baiwang ko. "What are you talking?" nagtataka niyang tanong.

Sumulyap ako sa closet niya na ngayon ay malaki na ang pagkakabukas. Tiningnan niya rin iyon at biglang..

Tumawa siya nang malakas!

" don't tell me " halos 'di niya maituloy ang sasabihin sa lakas ng tawa niya.

Bahala siya diyan!

"Kanino 'yon huh?"

"Kay.." ngumisi siya.

Gino-good time niya nanaman ba ako?! Ugh!

"Nahulaan ko nang ganyan magiging reaksyon mo 'pag nakita mo 'yon " sa lakas ng tawa niya ang sarap sipain ng bibig niya.

Tumalikod na ako pero muli niya akong hinapit sa baiwang at..

3

2

1

Hinalikan ako sa labi.

Masama ko siyang tiningnan.

"What are you thinking? Saiyo lahat 'yon!" sabi niya. "Binili ko 'yon dahil dito ka natutulog minsan" iginaya niya ako paupo sa kama. "Kapag gusto kong kidnap-in ka dito ka matutulog at para 'di na ako ma-mroblema ng damit mo ay bumili na ako. Si manang ang kasama ko kung magtatanong ka pa" ngumiti pa siya at halatang pigil pa din ang tawa.

Tiningnan ko siya. Nag-over react ata ako nang makita ang mga 'yon.

"Cheating? Seriously? I can't do that to you!" paninigurado niya.

"Kahit pa mag-hubad sa harap ko ang nag-gagandahang babae sa mundo ikaw pa rin ang gusto ko!"

Maghubad talaga? Manyakis!

Tumaas ang gilid ng labi ko.

"What? 'Di ka pa rin naniniwala?"

Nilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako sa labi. Buset na ito. Sumu-sobra na. Nakakailan na siya, ah!

"Naniniwala ka na?"

Bakit ba tuwing 'di ko siya pinapaniwalaan nang-hahalik siya?

Umiinit tuloy ang pisngi ko. Naramdaman ko kasi ang lambot ng labi niya. Plus, his face is really handsome! Can't resist his charisma!

Medyo malamig ang balat niya dahil galing sa banyo kakatapos lang maligo.

"Di pa din?" akmang ilalapit niya ang mukha niya pero hinaya ko ang kamao ko sa mukha niya.

"Sabi ko nga naniniwala na" sabi niya.

Napasulyap siya sa kung ano sa sidetable.

"Cherish, gusto mo bang makita si mommy?" tanong niya.

Mommy niya?

"No! Patay na siya. Gago ka!" hinampas ko siya sa balikat at tumawa nanaman siya nang malakas.

Hinawakan niya ang batok ko at siniil ako ng halik.

"I told you isang hampas mo pa at hahalikan kita" malambing niyang sabi habang mag-kalapat ang labi namin.

"Flair!" saway ko sa kaniya dahil nilalaro niya na ang labi ko ng dila niya. Ginagawa niyang parang ice cream. Kadiri ito!

"Hmm. Ang sarap" pupungay-pungay niyang sabi na nakatingin pa rin sa labi ko.

"Tigilan mo nga ako uuwi na ako!" banta ko sa kaniya.

Nag-iinit ang pisngi ko nakakainis! Porke 'di ko siya sinasaway sa kakaganyan niya. Namimihasa!

"Hindi na, sorry" kinuha niya ang kung ano sa sidetable. Sinilip ko 'yon nakita ko ang photo album.

"Si mommy" nakangiti niyang turo sa isang babae.

Picture 'yon ng kasal ng daddy at mommy niya. Nakangiti ang mag-asawang nakatingin sa camera.

Ang ganda niya!

Siya 'yong babaeng nagligtas sa amin ng kapatid ko. Buti nalang 'di siya pinatay ng humahabol sa amin noon dahil kung hindi mag-kasabay kaming nawalan ng mahal sa buhay.

"Ang ganda ng mommy ko diba?" nakangiti niyang sabi.

Sunod na picture ay natawa ako dahil mukha ng isang baby na umiiyak. Alam kong siya 'yon dahil kamukha niya.

"Ang cute ko" sabi niya.

Kainis! Kahit noong bata pa siya ay cute na siya.

Nilipat niya ulit iyon. Ang picture ay ang mommy, daddy niya at siya no'ng baby pa rin siya. Karga siya ng mommy niya habang ang daddy naman niya ay nakatingin sa baby'ng Flair.

Sunod ay siguro mga tatlong taon na siya. Tinuturuan siya maglakad ng daddy niya.

Ang sunod ay picture ng tatlong taong gulang na sina Rev, Kean at siya. Napangiti ako nang makita silang tatlo pero tinakpan ni Flair ang kay Kean.

"Gusto ko ako lang ang cute sa'yo" nakanguso niyang sabi at inilipat ulit ang page.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang sa tingin ko ay anim na taong si Flair!

'Di ako nagkakamali siya 'yon!

"Ikaw ba ito?" paninigurado ko.

"Yes, my cherish" nakangiti niyang sabi.

Dumapo ang kamay ko sa balikat niya upang hampasin.

"Ikaw mapang-alaska ka na talaga sa akin bata ka palang!" asik ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya.

"What are you saying? Do we met before?"

Pinag-papalo ko siya. Ang hilig ko talagang mamalo. Kawawa naman!

Kaya siguro iniwan nalang din ako ni Kean dahil ang sadista ko. 'Di na natiis ang pamamalo ko. oh well, past is past.

"Baby, ano ba 'yon?" umiwas siya sa palo ko.

"Ikaw 'yong bata sa beach. 'Yong batang kinaiinisan ko dahil sinira ang palasyo ko"

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.