'Di ko nalang pinansin ang bulungan nila. How would they react if they know that I'm Baider? I should laugh at them instead.
Nakita kong nakatingin ang mga kaibigan namin sa mag-kaholding hands naming kamay.
Tinaas pa ni Flair ang kamay namin.
"My one and only girlfriend" nakangiti niyang anunsyo.
Lumakas ang bulungan sa canteen.
"Waaaah!" sigawan ng mga kaibigan namin.
Napasulyap ako kay Kean 'di siya nakatingin sa amin. Nasa malayo ang tingin niya.
Siguro kung kakausapin niya ako ngayon kaya ko na siyang mapatawad sa ginawa niya. Okay na ako dahil sobrang saya ko dahil kay Flair. Dapat nga ipag-pasalamat ko pa ang pang-iiwan niya dahil kung hindi dahil do'n hindi ko napansin ang nag-tatago kong nararamdaman para kay Flair.
Tumayo si Rev at umapir kay Flair.
"Congrats, pre!"
"Salamat" malaki ang ngiting sabi ni Flair.
He's really happy. Since the day na maging kami nakikita ko sa kaniya kung gaano siya kasaya parang 'di na matatapos ang saya niya.
Sobra niya ba talaga akong mahal?
'Di na ako mag-tataka kung isang araw pagkatapos ng graduation ko bigla niya nalang akong yayain mag-pakasal.
Natatakot nga lang ako sa patunay. Paano siya? Kakayanin niya kaya 'yon?
Matagal pa naman siguro 'yon kaya 'di muna ako mag-iisip ng kung anu-ano.
Basta ang mahalaga ang present.
Inalalayan ako ni Flair na makaupo.
"What do you want to eat?" sabi niya. Ang ngiti ay tila 'di na mawawala sa kaniya.
I love him so much!
"Rice, baby. Kung anong ulam mo 'yon din sa akin" sabi ko.
"Anything for you, my cherish" masigla siyang tumayo at nag-order.
"Bebs! Mag-kwento ka naman diyan!" masiglang sabi ni Carme.
Si Lance ay nakatingin sa akin. Malamang, nag-hihintay din siya sa kwento ko. Si Clench ay nakangiti sa akin. Si Rev, Ali at Arah ay halos mapunit ang labi sa laki nang pag-kakangiti. Si Kean ay nakatingin din pero malungkot ang mata.
Bakit ba ganyan siya?! Ayaw ko na nga siyang tingnan. Naaawa lang ako. Kung makaarte siya parang sobra niya akong minahal! 'Di nga ba, Elle?
"Sinagot ko siya, malamang." sabi ko.
"How?" tanong ni Lance.
Sabi na, eh. Sa unang pagkakataon nagkaroon siya ng pakialam sa akin at sa buhay ko.
"Bilis na!" sabi ni Carme na inabot pa ang balikat ko at niyugyog.
"Sinagot ko siya sa swimming pool. Pumunta kasi ako no'ng nakaraan sa bahay nila after ng practice sa--ahm pageant" nahihiya kong sabihin na kasali ako sa pageant na 'yon.
"You mean, you joined the pageant?" namamanghang tanong ni Clench.
"Correction, I was pushed by our professor"
"Waaaah! Jave should be happy" excited n sabi ni Rev. "The first and last love of Jave. Finally, the story starts" malaki ang pag-kakangiting sabi ni Rev.
Pero nawala ang ngiti niya nang mapasulyap kay Kean.
"Work with your Yannie, bro. Sorry, but I support Jave even if you cry out loud" pang-aasar niya kay Kean.
Kumunot ang noo ni Kean at halatang nairita kay Rev pero 'di nagsalita at uminom nalang ng tubig.
"See? Ignoring me is like ignoring your feelings. I know you're hurt don't act like you didn't" pang-aasar muli ni Rev kay Kean.
Rev don't know that he's torturing Kean's feeling right now.
"Stop that, Rev. Pres are pres." itinuon nalang ni Kean ang atensyon sa pagkain.
Parang ang sinasabi ni Kean na no matter what happen he will also support Flair. Gano'n ang pagkakaibigan nila. Nasaksihan ko 'yon sa maraming bagay. Sobrang mahal nila ang isa't isa katulad ng pagmamahalan namin nina Lance, Carme, Clench at ako.
"Let's talk later" seryosong sabi ni Rev kay Kean.
Tumango lang si Kean.
Dumating na si Flair at masayang ibinigay sa akin ang nilagang baboy at kanin.
"Eatwell, cherish"
Kumain kami ng maayos.
Pagkatapos ni Flair kumain ay nakatingin lang siya sa akin.
"Let's date after your practice" sabi niya.
"Where are we going?"
"Street foods. You want?"
Pinanood niya ang pag-ningning ng mata ko nang marinig 'yon.
"Yehey" yumakap ako sa braso niya.
Pagkatapos nang practice ko ay mabilis akong lumabas nakita ko si Flair na nakangiti na sa akin.
"How's your practice?" tanong niya.
"Tired" sabi ko.
Sumakay kami sa kotse niya.
Nang madaanan namin ang isang pamilyar na street ay bigla akong natawa!
Sumulyap sa akin si Flair.
"Baby, stop laughing at me. I know, what's running in your mind" sabi niya.
Mas lalo lang lumakas ang tawa ko.
'Yong street na nakatapak siya ng you know.
Nang marating namin ang street foods ay agad akong bumaba at hinila siya papunta sa kinainan namin noon.
"Ito, ito, ito, ito, ito!" turo ko sa mga pagkain.
"Ang takaw mo, baby" sabi ni Flair sa akin.
"Baby?" ani ng tindera.
Nagulat ako nang magsalita siya.
"Hmm. 'Di mo pala girlfriend huh? Deny na deny ka pa noon" sabi no'ng tindera kay Flair. Nahiya naman si Flair at nag-iwas ng tingin.
Anong pinag-uusapan nila?
"Asows! Kunyari ka pa noon" nakangising sabi ng tindera kay Flair.
'Di nagsasalita si Flair at kunyaring walang naririnig. He's so cute!
"Sabi niya kasi--" pinigilan ni Flair ang pag-kwento ng tindera.
"Shut up. Lilipat kami sa ibang tindahan" banta niya.
"ha" tinawanan lang siya ng tindera. "Sabi ko na nga ba at magiging nobya mo kunyari pa si totoy" sabi ng tindera.
Inis siyang tiningnan ni Flair.
"What's totoy huh?" sabi niya.
"Totoy, batang lalaki"
"I'm not a kid!" inis niya muling sabi.
Hinawakan ko nalang ang kamay niya dahil mukhang mag-kakagulo na.
Masaya akong kumain ng kwek kwek, sisiw, isaw at fried siomai.
"Ang takaw mo talaga" pinunasan pa ni Flair ang gilid ng labi ko.
"Ayiie" nilingon namin ang tindera na ngayon ay nakangising inaasar kami. "Sige lang kumain pa kayo. Damihan niyo ang kain ng 'nobya' mo" dagdag niya at mapang-asar na tiningnan si Flair.
Nag-kwentuhan lang kami ni Flair habang kumakain.
Pagkatapos ay inaya ko na rin siyang umuwi dahil marami pa akong paper works.
Inabot niya ang 500 kay ateng tindera at tuwang-tuwa ito dahil 'di na kinuha ni Flair ang sukli.
Mag-kaholding hands kaming tumalikod ni Flair pero natigilan din sa sinabi ng tindera.
"Imbitahin niyo ako sa kasal niyo balang araw"