Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 87

Elleina Zeal's POV

Tatlong oras nalang ay magsisimula na ang pageant. Kinakabahan ako. Naka-make up na ako at kulot na rin ang buhok ko. Nakaupo lang ako at pinagmamasadan ang mga isusuot ko mamaya. Siguradong magwawala si Flair kapag nakita niyang may swim wear din. Hays.

"Baby ko" nilingon ko ang malambing na tinig na iyon.

Lumapit si Flair sa akin at yumakap.

"No matter what happen. You still my Ms. Laurent University" hinawakan niya ang kamay ko. Malamig iyon kaya ni-rub niya.

"Nandito lang ako. Susuportahan kita" nakangiti niyang sabi. "Ikaw ang pinakamagandang babae sa buhay ko at si mommy"

Ngumiti ako kahit ang kaba ay nararamdaman ko pa rin.

"Shine" tawag ni Taxon.

Nakita kong palapit si Lolo, Taxon, Kil at Diamond.

Ang kulit nila sabi't 'wag akong tawaging Shine dito sa Laurente.

"You can do it! Aja!" sabi ni Diamond.

"Our beauty queen" nakangiting sabi ni Kil.

"I know you'll win" hinaplos ni Taxon ang buhok ko.

Si lolo naman ay hinawakan ang kamay ko.

"Isa kang Baider. Walang kinatatakutan" nakangiting paalala ni lolo sa akin.

"Salamat po"

"Good luck!" sabay-sabay nilang sabi at nagpaalam na din palabas.

Maya maya ay ang mga Suarez naman ang pumasok.

"Mukha kang tao ngayon" bungad ni kuya Zeke. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Good luck, Princess" sabi nila at isa-isang yumakap sa akin.

"Galingan mo, anak" sabi ni mommy at daddy.

Lumapit ulit sa akin si Flair.

"Smile and enjoy. Remember that, baby" humalik siya sa noo ko. "Kabadingan man pero isisigaw ko ang pangalan mo. Hindi lang kung gaano kita sinusuportahan kung hindi kung gaano kita kamahal"

Na-touch ako sa sinabi niya. Nawala ang kaba ko at inisip mabuti ang bilin niya.

"Good luck, my baby cherish"

Maya maya pa ay maingay na sa labas. Siguradong nagsisimula na may sayaw muna ang Laurente movers bago magsimula dahil kasali ako dito hindi ako kasama sa intermission. Si Flair ay 'di rin sumama dahil wala daw ako. Baliw talaga.

"Please welcome our beautiful candidates!"

Nagsimula ng tumugtog ang kanta at rumampa ang mga nasa unahan ko. Casual attire ang suot namin ngayon. Pare-parehas kaming lahat naiba lang sa kulay. Ang akin ay kulay red na fitted at v-neck na talagang lalabas ang ibabaw ng dibdib. 6 inches na sapatos na silver naman sa paa. Tiningnan ko ang number ko, number 7 iyon.

Pagkatapos nila ay ako na hinipan ko ang thumb ko para mawala ang kaba ko. It sends signal to the brain that nothing to be worry.

Ngumiti ako bago lumabas ng stage.

'Smile, chin up and duck walk'

Paulit-ulit iyon sa isip ko.

Lumakas ang sigawan nakita ko na ang mga banner ng mga kaibigan ko pero ang nakapagpangiti sa akin ng todo ay ang banner na hawak ni Flair.

'I love you, my baby cherish'

Bakit naman 'yon? Nakakahiya!

Lumakad ako at ipinakita ko ang confident ko sa lahat ng tao. Huminto ako sa gitna at ginawa ang 'establish'

Establish ang tawag sa naka-L o naka-90 degree na pwesto ang paa at nakahawak sa baiwang.

Pinalapad ko lalo ang mga ngiti ko.

"Waaaahhhhhhhhh!!!!!!"

"No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!!"

Ang lakas ng sigaw nila lalo na ni Carme. Rumampa ako papunta sa kanan at kaliwa at confident na nag-establish hanggang huminto ulit ako sa gitna. Inilapit ko ang mic sa bibig ko.

"Elleina Zeal Suarez, 20, General Science!!!!!!!!!" isinigaw ko 'yon ng sobrang lakas.

"Waaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!"

"No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!!"

Ngumiti ako sa crowd. Lahat ay nagkakagulo na 'di magkanda-ugaga sa pagsigaw at parang mapuputol na ang litid.

"I love you, Zeal!"

Kahit maingay dahil sa sigawan ay narinig ko ang sigaw ni Flair. Ngumiti ako sa kaniya. Saan kaya siya nakapatong? Parang may inaapakan siyang kung ano kaya ang taas niya at hawak ang banner. Natawa ako nang makitang naka-apak siya sa balikat ni Kean at Rev.

My supportive boyfriend.

Tumalikod ako at biniglang harap ang audience na naka-fierce ang mukha hanggang sa mag-form muli ng ngiti.

"Waaaaaaaaaaaaahhhh!!!!" Lalong nagsigawan ang mga tao.

Bago ako tuluyang tumalikod ay nakatingin ako sa judges. Nando'n si lolo halata ang paghanga niya sa akin. Nako! Bias! Pero naniniwala ako sa kaniya.

Bumalik na ako sa backstage. Nagkakagulo na do'n dahil ang lahat ay nagre-retouch, kaniya-kaniyang bihis at lagay ng kung anu-ano. Agad lumapit ang make up artist ko at inayos ang kulot kong buhok at ni-retouch ako. Ang sunod ay talent show.

Ang isinuot ko ay black na makintab sleeveless na kita ang pusod at short. Sexy! Sa madaling salita.

Tinawag na ulit ako kaya naman lumabas na ako. Nagsimulang tumugtog ang kanta.

'I am Laurente movers! I can do this!'

Sabi ko sa isip ko. Kagaya ng style ko ng sayaw ay ballerina with hiphop. Tumingkayad ako ng sobrang taas at itinaas ang dal'wang kamay.

"Waaaaaaaaaahhhh!!!"

"Ibang klase ang paraan niya!!!"

"Ang galing!!!"

"No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!!"

Rinig ko ang paghanga ng audience.

Una ay dahan dahan ang tugtog kaya dahan-dahan din ang pagsayaw ko pero unti-unti itong bumilis kaya naman naging kakaiba ang sayaw ko. Ballerinang mabilis na ang tugtog ay hiphop at sinasabayan ng ibang steps na pang-hiphop talaga. 'Di ko masisisi ang iba kung hahangaan nila dahil bihira ang ginagawa ko. Tumingkayad ako nang tumingkayad pero parang maa-out of balance ako at 'di nga ako nagkamali natumba ako pero dahil sa professional dancer ako. Iyinuko ko ang ulo ko, muling inangat at maangas na ini-rotate ito. Itinaas ko ang kanang kamay at kunyaring may hinugot sa taas. Hinawakan ko ang paa ko upang ayusin ang heels ko pero pasimple lang iyon. Humiga ako sa sahig at itinaas ang kanang paa ko. Hinawakan ko ang dulo ng heels ko at hinaplos pababa ang hita ko. Shit! Wala na ito sa steps! parang nagkaroon ng sexy dance ugh!

"Waaaaaaaaaaaaahhhh!!!!"

"No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!!"

Hindi nila nahalata ang pagkakamali ko. Sanay na sanay na ako dito. Pumasok na muli ako sa backstage at nagpalit ng swim wear! Gosh ito na 'yon.

Lumabas na muli ako at huminto sa gitna.

"Waaaaaaaaaaaaahhhh!!!!"

"No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!!"

"Elllllleeeeeeeeeeeeee!!!!!"

"Beeebbbbbbbssss!!!!"

Ang lakas ng boses ni Carme. Rinig na rinig ko.

Tinanggal ko ang cover up na nakatali sa baiwang ko at pinaglaruan iyon sa ere.

"Waaaaaaaaaaaaahhhh!!!!"

"No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!!"

Nakita ko si Flair na iba na ang tingin. Malamang! Ang daming lalaking nanonood.

"Sexxxxxyyyy!!!!!!!"

"Ellleeeeeeeeeee!!!!!!!"

"I love youuuuuu!!"

"Akin ka na laaaaaangggg!!!"

"Waaaaaaahhhhh!!"

Nayari na! Sigawan 'yan ng mga lalaki.

Rumampa ako nang mabilis para matapos na. Pumunta ako ng kanan at itinapon ang cover up sa ere at sinambot iyon. Pumunta ako sa kaliwa at ginawang latigo ang cover up. Okay! Last! Pumunta ako sa gitna at nag-deadly rotate. Shit! I can't believe nagawa ko ito ng tama! Ngumiti ako bago muling pumasok sa backstage.

Sunod ay ang pagrampa suot ang long gown. Ito na! Magpa-finals na! Ang gown ko ay pinagsamang red and white, v-neck na labas ang ibabaw ng dibdib at hapit na hapit sa akin. Ang itaas ay red na red hanggang maging light na ang kulay pababa. Maganda ang pagkinang no'n. Napakaganda dahil si lolo ang pumili, maganda rin ang price na 'di ko pinahalata sa iba dahil nga ayaw kong ipaalam na isa akong Baider. Itinaas ang buhok ko at nag-iwan ng kaunti dahilan para magmukhang messy hair. Pinaltan ang lipstick ko ng red na red na bumagay sa akin.

Sa muling paglabas ko ay tila lumaki ang mga mata ng tao at umawang ang mga labi nila. I looked at Flair's reaction I saw the 'o' on his mouth and gradually shifting into a big smile. His mouth formed an 'i love you' that's why I smile widely.

Parang nage-slow motion ang paligid kasabay ng mabagal kong paglakad. Hindi ko na namalayan na nag-enjoy pala ako katulad ng sabi ni Flair.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.