Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 1) Chapter 88

Ngumiti ako ng sobrang lapad, itinaas ang noo at pinakatitigan ang lahat ng nanonood.

"Waaaaaaaaaaaaahhhh!!!!"

"No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!!"

I don't care if I win or not I just want to gain experience and this would be memorable for me.

Pumwesto na ang lahat ng candidates sa kaniya-kaniyang pwesto dahil mag-aannounce na ng special awards and top 3.

Kagulo na ang lahat. Sumisigaw kaniya-kaniyang number. Hinawakan ko ang kamay ni Cecelia na halatang kinakabahan na.

"Ms. Congeniality goes to..."

"No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!!"

"No. 1!!!! No. 1!!!! No. 1!!!!"

"No. 8!!! No. 8!!! No. 8!!! No. 8!!!"

Sari-sariling numero sila. Si Cecelia ang number 8 magkasunod lang kami.

"No. 8!!!!!!!!" sigaw ng emcee.

Nagtatalon ako upang yakapin si Cecelia. Pumunta na siya sa unahan at sinuotan ng sash.

"Best in long gown, people choice award and best in talent goes to...."

"No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!!"

"No. 1!!!! No. 1!!!! No. 1!!!!"

"No. 8!!! No. 8!!! No. 8!!! No. 8!!!"

"Number 7!!!!"

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig ko. I didn't expect! Gosh!

Nakita ko si Flair na sumasayaw-sayaw hawak ang banner. Kawawa 'yong dal'wang inaapakan niya dahil halatang iritado na at hirap na hirap na sa kaniya. Ang pogi niya shit! Boyfriend ko ba talaga siya? Gosh! Hindi kabadingan kung hindi kapogian ang pinapakita niya! Napakagat tuloy ako sa labi ko. Grabe! He looks hot! Ugh!

Nilagyan nila ako ng sash. Tuwang-tuwa si Cecelia. Napasulyap naman ako kay lolo na todo ang ngiti.

"Bebs! Pa-pizzaaaaa ka mamayaaaa!!!" sigaw ni Carme kaya natawa ako.

"This is really is it!! The top 3!!! Who is your top 3?!!!!!" sigaw ng emcee.

"No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!!"

"No. 1!!!! No. 1!!!! No. 1!!!!"

"No. 8!!! No. 8!!! No. 8!!! No. 8!!!"

Sari-saring sigawan ulit. Ayaw ko na pumasok dyan. Q and A na. Okay na ako sa sash.

"I will announce the 3 candidates without specific order. Congratulations you're part of top 3 candidate no..."

Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng tilian at sigawan.

"Candidate no. 1.."

Dug.dug.dug.

"Candidate no. 8"

Dug.dug.dug.

"And the last but not the least candidate..."

"No. 7!!!"

Gosh!! 'Di ako makapaniwalang lumapit sa gitna! Totoo ba ito? Akala ko wala na? Aish! Ayaw ko na handa na akong umuwi, eh.

"I love you!!!!" sigaw nanaman ni Flair. Wala na siyang ibang sinabi kung hindi 'iloveyou' 'yon ang paraan niya para i-cheer ako.

"Ang sweet ng boyfriend mo" bulong ni Cecelia habang nakatingin kay Flair.

"Waah grabe! Nakakapagod kayo people!" sabi ng emcee at malakas pang ipinarinig ang hinga sa mic. "Woh! Ito na ang inaabangang Q and A. Ang unang sasagot ay si candidate no. 1.."

May pinag-usapan pa sila pero 'di ko na inintindi. Kinakabahan ako masyado.

"Pare-parehas lang ang tanong kaya pakitakpan na ang tainga ni candidate no. 7 and 8 please" sabi ng emcee.

May lumapit sa amin at tinakpan ang tainga namin. Kaya wala na akong narinig, sunod na sumalang ay si Cecelia hinawakan ko ang kamay niya bago siya lumapit. Go girl!

Nang ako na ang susunod ay sobrang kaba ko na.

"Are you willing to sacrifice the love of your life for the person that most deserving than you? And why?"

Huh? Bakit 'yon ang tanong? Kakaiba. Tiningnan ko si Flair. Handa ko ba siyang isakripisyo para sa mas deserving na tao para sa kaniya? Shit! No! Ayaw ko! Umiling ako kaagad.

"No, even if it is hard and complicated. I will always choose to stay because if I really love that person I never wait a perfect moment, I make each moment perfect instead. Love is not based on who deserves or who is not deserve, but it is a measure of how you can show your effort, courage and love to that person" ngumiti ako at tiningnan si Flair. "Hold on and fight for your love until you can show to the world that love is not only about sacrifice, but love is about loving that person in unexpected way"

"Waaaaaaaaaaaaahhhh!!!!"

"No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!!"

Lakas ng sigawan at muling nakakabingi. Patapos na ang pageant sumayaw muna ulit ang Laurente movers bago i-announce ang panalo na kung tutuusin ay panalo na rin kaming tatlo. Sa dami ng candidate 'di ko alam pa'no ako nakapasok 'don.

"Second runner up goes to..."

Muling sumigaw ang mga tao sa pambato nila.

"Candidate no. 1!!"

Gosh!! Kami nalang ang natitira ni Cecelia!

Naghawak kamay kami at ngumiti sa isa't isa.

"Magkaibigan pa rin tayo diba?" naiiyak kong sabi sa kaniya.

"Of course!"

Nagyakapan kami.

"Ms. Laurent University 2020 is contestant no..." pabitin ng emcee.

"No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!! No. 7!!!!"

"No. 8!!! No. 8!!! No. 8!!! No. 8!!!"

"Contestant no.... 8!!!! Cecelia Anitha Camerino"

Natutop ko ang bibig ko at nagtatalon.

"Congrats! Cecelia!" 'Di siya makapaniwalang tumingin sa akin at itinuturo pa ang sarili.

"1st runner up is contestant no. 7 Elleina Zeal Suarez!!!" kumaway ako sa lahat.

Inilagay nila ang sash at korona sa akin pati ang isang bouquet of flower.

"My baby cherishhhhhh!!!!" sigaw ni Flair at tumatalon-talon pa. Ginulo niya ang buhok ni Rev at Kean. Inis siyang nilingon ng dal'wa. Wala na siyang ginawa kung hindi bwisitin 'yong dal'wa.

Kahanga-hanga ang suporta niya.

Nakangiti at kumakaway sa akin ang mga kaibigan ko sa baba, todo suporta ang mga Baider at Suarez sa akin. Nakita ko pa ang winawagayway na picture ko nila kuya Zeke. Si lolo ay nagmadaling umakyat ng stage at nagpa-picture sa akin ng marami. Gosh! Baka mahalata ng mga tao na relatives kami.

"Ang galing mo, apo! Congratulations!" sabi ni lolo.

Nakita kong nagtakbuhan sina Rev, Kean, Flair, Ali, Carme, Lance, Arah at Clench paakyat sa stage.

"Bebs!!!" sigaw ni Carme. Nakakahiya dahil ang lakas no'n.

"Congrats!" sabi ni Rev at tiningnan ang korona ko. "Magkano kaya 'yan?"

Nagtawanan ang lahat.

"Congrats, Elle" nakangiting sabi ni Kean.

"Salamat, Kean" naiilang kong sabi.

Hanggang kailan ba ako maiilang sa pag-uusap namin ni Kean? Okay namana kami pero hindi nga lang talaga katulad ng dati.

"Princess!" tawag ng mga Suarez sa akin. Yumakap ang tatlong kuya ko at tuwang-tuwa. Si mommy ay halos maiyak pa.

Ang dami nilang sumuporta sa akin grabe! Buong angkan, kumpletong pamilya at kaibigan. Ganito ako kaswerte sa mga taong mahal ko.

"Congrats, partner" tipid ang ngiting sabi ni Lance. Tumango ako sa kaniya.

"Salamat, partner"

"Ang galing mo!" yumakap si Clench sa akin pero inalis din agad ni Flair.

"Tama na, nakayakap ka na. Tabi!" sabi niya kay Clench. Nakasimangot si Clench na tumabi. Kawawa naman si Clench lagi niyang binu-bully.

"Babyyyyy!!" excited na sabi ni Flair. Sumayaw-sayaw pa siya bago ako niyakap.

"Congratulations, my baby!" sobrang higpit ng yakap niya. "Proud boyfriend here"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Di naman halata baby! Sumasayaw ka pa nga diyan"

"I'm so excited! My beauty queen!" binuhat ako ni Flair at inikot-ikot.

"Hoy! Masyado kayong epal diyan sa stage. May nagpi-picture oh!" saway ni Rev at tinuro ang mga tao.

Naiilang namang nag-peace sign ako.

"Akalain mo 'yon, baby. 1st runner up ka samantalang ibang-iba hitsura mo 'pag bagong gising ka" nang-aasar na sabi ni Flair.

Hinampas ko siya. Naglalakad kami ngayon papuntang parking lot kasama ang mga Baider, Suarez at mga kaibigan namin.

"Baby, why are you so beautiful? Nakakainis nga lang dahil tinitingnan ka nila sa swim wear. Nakakairita buti pinigilan kong manapak" nakasimangot na sabi ni Flair at umakbay sa akin.

"Natural na tingnan pageant 'yon, eh"

"Gusto ko akin ka lang, eh."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.