Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 12

Shine Clear's POV

Nakatingin lang ako sa sarili ko sa salamin. Pinagkakaguluhan akong ayusan ng mga make up artist.

I stopped myself from crying even if I want. This is the day of our wedding. There's no description I can tell except 'happy'.

Ang ganda ko ay nangibabaw dahil sa ginawa nila. Itinaas ang buhok ko at nag-iwan ng ilang hibla. Ang make up ko ay ang nauusong korean make up ngayon, light lang pero maganda. Pinaganda ng eyeliner at maskara ang mga mata ko. Pinagmukhang matangos ng nose line at mas lalong na-emphasize ang ganda ng kurba ng labi ko sa light red na lipstick.

Nangangalay na ang panga ko dahil sa pagkakangiti. Suot ko ang puting gown na sa ganda ng disenyo ay hindi mo gugustuhing madumihan. Nangingintab dahil sa mga kolorete na nakalagay. Sumisilip nanaman ang itaas ng dibdib ko. Fit na fit sa curves ko at bumabagay talaga sa akin.

Parang ewan ang katabi kong si Carme dahil iyak nang iyak. Akala mo siya ang ikakasal.

"Don't cry, Carme, buntis ka pa naman," saway ko sa kaniya.

"Ikakasal ka na. Sobrang saya ko!" lumuluha pa rin siya.

Si Diamond ay sige ang mando kung ano ang kulang sa akin. Tinatarayan niya ang mga designer at make up artist.

Pumasok si Ariya, ngiting-ngiti siya. Hinaplos niya ang buhok ko at bumaba sa pisngi ko. Hinalikan niya ang ulo ko.

"Be happy, Shine Clear." Yumakap siya sa akin nang sobrang higpit.

"My gift to you is this." Inilabas niya ang frame na maliit.

Tumulo ang luha ko nang makitang kompleto ang pamilya namin sa larawan. Bata pa ako at sila Taxon. Masaya ang pagkakangiti ng lahat maging si papa at mama. Maging sila Leroi, Anton, Ariya at iba pa ay nakangiti.

Sa tingin ko ito ang pinakamagandang kuha namin.

"Tandaan mo.. na ang pinakamahalagang bagay sa mundo ay pamilya, ang mga taong mahal mo. Palagi kang ngumiti at mahalin sila."

Tumango ako at hinigpitan ang yakap sa kaniya. Si Ariya ay ang kapatid ng daddy ni lolo Laurent. Matanda na talaga siya pero malakas pa din.

"I love you, apo."

Tumulo ang luha ko dahil sa unang pagkakataon tinawag niya akong apo. Ang seryoso at matalim niyang tingin ay lahat panlabas lang. Hindi matatawaran ang nakatagong pagmamahal niya sa amin.

"I love you more, lola."

Muli siyang humalik sa noo ko bago ngumiti at magpaalam. Masaya ko siyang pinanood paalis.

How's my Flair? I think he's jumping because of happiness.

Sumakay ako sa kotseng magara, kulay puti at puno ng rosas dahil daw rose ang paborito ko asahan kong rose ang design ng simbahan.

Wala ng mapaglagyan ang saya sa puso ko.

Thinking of marrying a man that you love the most. We are finally going to be a husband and wife. I wait to this for the long time.

Natigilan ako nang malayo palang ay nakita ko sila na nasa labas parang nagkakagulo. Sabi ko sa driver ay bilisan.

What is happening?

Napalingon ako sa gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may umiilaw na pula. Tiningnan ko iyon.

Gosh! It's a bomb!

"Manong, baba!" Sigaw ko at nagmadaling buksan ang pinto.

"Baba manong!!!" Sigaw ko sa kaniya ulit.

Nalilito man ay nagmadaling bumaba ang driver. Nainis ako dahil naipit pa ang gown ko sa upuan. Napaluha nalang ako dahil wala akong magagawa kung hindi punitin iyon dahil sasabog ang bomba. Akmang lalapit sila Taxon sa akin pero pinahinto ko.

"Don't come near me! Run! Go away!" sigaw ko sa kanila.

Lumayo sila pero hindi nagpatinag si Taxon. Tinulungan niya ako,

napunit ang gown.

"What is happening?" Tanong ni Taxon.

Hinila ko siya palayo sa kotse.

"Takbo! May bomba! Lumayo kayong lahat sa kotse!" Sigaw ko sa kanila.

Tumakbo kami nang mabilis. Nahirapan ako dahil sa gown. Tumalsik kami ni Taxon nang sumabog 'yon. Tinakpan niya ako ng katawan niya. Nakahinga ako nang maluwag dahil walang nasabugan.

Inilibot ko ang mga mata ko.

"Where is Flair?" Itinayo ako ni Taxon.

"That's the problem. Rev told us that he went to church early, but he didn't came."

"What?!"

Gumapang ang takot sa dibdib ko.

That's impossible!

"I'm going. I'll find Jave," umalis si Kean sumama sa kaniya si Rev.

Napahagulgol nalang ako.

What is really happening?

Kanina lang ay masaya pa ako. Kung hindi ko nakita ang bomba nasisiguro kong sa mismong harap ng simbahan 'yon sasabog. Marami ang mamamatay hindi lang ako. Parang sinadyang i-set ang bomba at eksaktong papasabugin sa harap ng simbahan.

Sino nanamang may pakana nito?!

"Are you okay?" Lumapit si Kil sa akin. Tumango ako.

Yumakap sa akin sila mommy and daddy. Nagulantang ang buong sistema ko nang humarang sa harap namin si Ariya at may tumamang baril sa dibdib niya.

"ARIYA!!!" malakas na sigaw namin.

"Fuck!" Galit na galit na sabi ni Lauressa.

"Habulin 'yon!" Nanlilisik ang matang sabi ni Leroi.

Nakita ko ang aura ng mga Baider, galit na galit.

Lumapit agad ako sa kaniya at tiningala ang lalaking may hawak na baril sa itaas ng isang building. Tatayo na sana ako para habulin pero pinigilan ako ni Kil. Tumakbo siya para kunin ang lalaki.

"Ariya! Lola!" Tumutulo ang luha ko habang hawak sa hita ko si Ariya. Duguan na siya.

"Dalhin na natin sa hospital!" Nagmadaling binuhat ni Taxon si Ariya.

Si lolo ay inaatake ng paninikip ng dibdib niya kaya nasa tabi niya si Diamond. Nagkagulo na ang mga Baider. Maging ang mga Suarez ay hindi na malaman ang gagawin.

"Ariya!," iyak ako nang iyak dahil nakikita ko na ang paghihingalo niya.

"Hold on, please?" Pakiusap ko sa kaniya habang hawak ang kamay niya.

Hinaplos niya ang pisngi ko at unti-unting pumikit.

"No! No! No!" tinapik ko ang pisngi niya.

Tumindi ang paghagulgol ko nang makitang wala na siyang buhay.

"Lola!!!" sigaw ko.

"Fuck! Fuck! Fuck!" Ilang mura ang binitawan ni Resttan.

Kahit wala ng buhay ay dinala pa rin namin siya sa hospital.

"Kuya," yakap ako ni Taxon, tahimik din siyang lumuluha.

Sinuntok-suntok ko ang dibdib ko dahil sobrang sakit na. Nawawala si Flair, at ngayon si... Ariya.

"I'm sorry."

Napaupo ako nang inanunsyo ng doctor ang pagkamatay niya.

No way!

Sinaksak ng paulit-ulit ang dibdib ko.

Masyadong masakit! Ang sakit!

Sa kakaunting panahon na nakasama ko siya pinaramdam niya sa akin ang sobrang pagmamahal sa amin.

Binuksan ng doctor ang pinto. Nanghihina akong lumapit sa kama. Duguan si Ariya at wala ng buhay. Niyakap ko siya nang sobrang higpit. Nagiiyakan ang buong angkan ng mga Baider. Si lolo ay hinang-hinang umupo at pigil na pigil ang emosyon dahil sa pananakit ng dibdib.

"Lola.."

Nawala na sa akin ang totoong pamilya ko. Pati ba naman si Ariya? Bakit lagi nalang may namamatay? Bakit?!

Ayaw ko ng tanggalin ang mahigpit na pagkakayakap ko kay Ariya. Ang mga luha ay tumindi ang pag-agos. Ang tunog ng pag-iyak ko ay nakakabingi.

No!

Kung kailan dapat ay masaya na ang lahat? Kung kailan maayos na?

Nakuyom ko ang palad ko. Kung sino man ang gumawa nito sisiguraduhin kong kikitilin ko rin ang buhay niya.

Pwede na akong pumatay!

"Life in exchange with life!" Mariin kong sabi. Tumayo ako nang tuwid at nagngingit ang ngipin ko sa galit.

"LIFE IN EXCHANGE WITH LIFE!!" Sigaw ko.

"Lolo basbasan mo na ako ang papatay sa taong 'yon!" galit na galit kong sabi.

Tumango si lolo. Tiningnan ko ang bawat isa sa kanila. Tumango rin sila bilang tanda ng pagsang-ayon.

"Ako nalang! No! Hindi ka papatay!" pigil sa akin ni Taxon.

"Ibigay mo na sa akin ito, KUYA" madiin ang pagkakasabi ko. Kahit gusto pa niyang magsalita ay pinigilan na niya.

Nagulat si Kil nang pagpasok niya ay umiiyak kami. Napaluha din siya agad nang makita si Ariya. Lumuhod siya dito.

"Patawarin mo ako, Ariya, hindi ko siya nahuli." Umiiyak na sabi ni Kil. Lumapit ako at tinapik siya sa balikat.

"Walang nakakatakas sa pamilyang ito," binigyan ko siya nang masamang ngisi.

Ako si Shine Clear Baider.. the dangerous fighter. Kahit saan ka pa magtago makikita kita!

"Elle!" Napalingon kaming lahat sa kakapasok lang ni Rev.

Gumapang ang takot sa sistema ko nang makita ko ang pormal na suot niya ay wala ng espasyong hindi nalagyan ng dugo.

"Nasaan si Flair?" Nangatal ang salita ko.

Tumulo ang luha ni Rev.

"Naaksidente siya!"

Nagmadali akong lumabas. Bumungad sa akin ang stretcher, laman noon si Flair.

Baby...

Hindi na ako makahinga sa sakit at hirap.

"Baby!" hinawakan ko ang kamay niya. "Gumising ka!"

Nagwala ako dahil sa tindi ng emosyon. Hinaplos ko ang mukha niya. Halos maligo na siya sa sariling dugo.

"Baby!" sinundan ko lang ang stretcher. "Hold on please! Don't leave me! please!" Halos wala ng lumabas na boses sa bibig ko dahil sa takot ko sa posibleng mangyari.

Patay na si Ariya, 'wag namang pati si Flair.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.