Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 11

Shine Clear's POV

Kumatok ako sa pinto ng condo ni Ali. Dito daw kami mag-celebrate ng bridal shower ko, puro girls at ang mga boys naman ang magkakasama. Hindi ko alam kung nasaan sila.

"Nandito na si Elle!" sigaw ni Ali sa kanila.

Nandito sila Carme, Arah, Yannie at Diamond.

"Let's party!" tuwang-tuwa na sabi ni Carme.

"So what are we gonna do?" tanong ni Yannie.

"Movie Marathon!" sigaw ni Ali.

"That's boring" sabi naman ni Diamond at pinag-cross ang mga hita.

"What if? Make over? A total make over!" Nakaisip si Diamond na sinang-ayunan ng lahat.

Lumabas kami at pumunta sa paboritong salon ni Diamond.

"This will be exciting!" tuwang-tuwa na sabi ni Yannie. Katawan niya akala mo hindi mommy. Para pa rin siyang dalaga.

"Paano ako? Pwede ba ako?" nakangusong sabi ni Carme. Napatingin ako sa tiyan niya na malaki na.

"Hindi ka pwede. Kumain ka nalang," sabi ni Arah.

Nagsimula nang ayusan kami ng mga bakla. Si Ali ay nagpakulot ng buhok. Si Diamond ay nagpatanggal ng balihibo sa buong katawan, wax. Si Arah ay nakakatawang takot habang blino-blower ang buhok niya. Si Yannie ay nagpapa-manicure. Si Carme ay nakanguso sa isang tabi. Bawal kasi siya masyado ma-expose sa mga chemicals.

Parang hindi naman bridal shower ito pero okay lang nage-enjoy naman ako.

Javen Flair's POV

Nasa bahay kami ni Rev dahil dito kami niyaya. Kompleto ang mga lalaki. Ewan ko ba sa mga ito, anong trip sa buhay.

"Okay! I have a surprise for all of you, boys!" Nakangising sabi ni Rev.

"What's that? Baka kalokohan?" matalim agad ang tingin ni Taxon.

"Anong bago kay Rev?" tatawa-tawang sabi ni Kean.

"Faster!" excited na sabi ni Kil.

"Pasok girls!" tumawa si Rev.

Pumasok ang mga babaeng ang iiksi ng suot. Nanlaki ang mga mata ko at akmang tatakas na.

Loko talaga itong si Rev!

"Hey! Where are you going?," tawag sa akin ni Rev at hinila ulit ako paupo.

Patakas din si Taxon kaya hinila siya ni Kean.

"Gago ka talaga Rev," malakas ang tawa ni Kean.

"Minsan lang ito at saka ikakasal na si Jave kailangan ma-unvirgi--" binatukan ko si Rev.

"Are you out of your mind? Mapapatay ako ni Zeal, eh!" asik ko sa kaniya.

Lumapit ang isang babae kay Taxon at umupo sa hita nito. Tinulak niya kaya tawa kami nang tawa. Matalim ang tingin niya kay Rev.

"Pauwiin mo na nga sila!" asik ni Taxon.

"Chill, kuya!" sabi ni Kil at humapit ng isang babae.

"Take off your hand to her Taxen Kil!" May pagbabanta sa tono ni Taxon.

Tumawa ang kapatid at binitawan.

"Paalisin mo na kasi, Rev!" Binatukan ko nanaman si Rev.

"Sorry, girls, you may go."

"Sayang naman ang popogi pa naman."

"Kala ko jackpot na."

"Type ko pa naman."

Kumindat pa ang ilang babae sa akin.

Yari nanaman ako nito kay Zeal.

Ang isa ay humaplos pa sa dibdib ni Taxon kaya inis itong tinanggal ang kamay niya.

Ang isa ay hinila si Kean at akmang hahalik pa sa kaniya pero hinayaan niya ng kamao.

Si Clench naman ay niyakap ng isa kaya tinanggal niya kaagad.

Si Kil naman ay nakangiting nagpaalam sa kanila.

Friendly?

Matalim naming tiningnan si Rev kaya humagalpak siya ng tawa.

"Kunin nga natin!" utos ko sa kanilang lahat.

Tumakbo si Rev paakyat pero nahuli namin. Binuhat namin siya at itinapon sa pool.

"ha" malakas ang tawa namin sa kaniya.

"Loko ka, ah!" malakas na malakas ang tawa ko.

Imbes na mainis siya ay malakas rin ang tawa.

Nag-inuman kami kaya ang ingay namin.

"Jave take care of Shine, understand?" Ma-awtoridad na sabi sa akin ni Taxon kaya tumango ako.

"Pa'no ba 'yan? Wala ng girls. Inuman nanaman tayo? Dapat kasi hindi niyo pinaalis," nagmamaktol pa si Rev. Sabay namin siyang binatukan ni Kean.

"May asawa ka na babae pa rin inaatupag mo!" asik ni Kean.

"Ngayon lang at saka hindi para sa akin 'yon para kay Taxon, Kil, Clench at dito kay Jave," malakas nanaman ang tawa ni Rev.

"Shut up! Tatalsik na talaga ulo mo kapag binatukan pa kita ulit!" Inis kong sabi na tinawanan nanaman niya.

Nagtagay kami habang nagkwe-kwentuhan. Nagpatugtog pa si Rev kaya masaya lang kami.

"Seryoso pre, best friend lang talaga kayo ni Vinea?" napatingin kaming lahat kay Taxon dahil sa tanong ni Rev.

Chismoso nito, updated sa mga lovelife.

"Yeah, what's the problem?"

"Pero gusto mo?" tanong ni Kean.

"Yeah.."

"Why aren't you court her, kuya?" singit ni Kil.

"Why aren't you court Arah, then?" Pagbabalik ng tanong ni Taxon.

"Ulit-ulit naman kayo hindi ko nga gusto," nagkamot ng ulo si Kil.

Hindi gusto? Imposible 'yon. Lagi nga niyang sinusulyapan ang sabihin niya takot sa patunay.

"Aww, edi irereto ko nalang si Arah sa iba," nakangising sabi ni Rev.

Natigilan si Kil pero hindi nagsalita.

"Sure ka hindi mo gusto?" paniniguro ni Rev.

Tumango si Kil pero parang napilitan.

Nagbabalak nanaman ng kung ano itong si Rev.

"May pinsan ako. I think bagay sila ni Arah," nakangiting sabi ni Rev. "Bahala ka Kil, huh?," mapang-asar siyang tumawa.

Uminom lang kami hanggang sa malasing.

Baby cherish calling...

"Yes, baby?"

"Umiinom ka?"

"Yes.."

"No girls?"

"No girls."

"Good.. take care, bye."

Magsasalita pa sana ako pero pinatay na niya.

Ang sweet mo talaga over melanin Zeal...

Napanguso nalang ako. Natapos ang inuman namin pare-parehas kaming lasing. Hindi na kami umuwi dito na kami sa bahay ni Rev natulog.

Nagising nalang ako sa mga hampas ni Zeal.

"Ouch! Why?" Kunot noo kong tanong sa kaniya habang hinihimas ang braso ko.

Bakit nandito ito?

Nahagip ng mata ko ang mga lokong nagpipigil ng tawa.

Ano nanaman bang ginawa nila?

"Walang girls pala, huh?" Pinaghahampas ako ni Zeal kaya bumangon na ako.

"Baby aray what are you talking?"

"Talking mo 'yang mukha mo! Hindi ako papakasal saiyo, Javen Flair!" Asik niya at tumalikod.

Doon na kumawala ang malakas na tawa ni Kean, Rev, Clench, Kil, at kahit si Taxon at Lance ay tumatawa.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga mark ng lipstick sa braso ko, mukha, kahit sa leeg ay meron.

Kupal! Anong ginawa ng mga ito?

Tumakbo ako para sundan si Zeal.

"Baby.." hinatak ko siya sa braso, umiiyak na.

"How did you do this to me, Flair?" Marahas niyang hiniklas ang braso niya. Sasapakin niya sana ako pero umilag ako.

"Wala akong ginagawa"

"Kitang-kita sa mukha mo! Puno ng kiss mark! Sipain ko 'yang iniingatan mong ilong!" Nanlaki ang mga mata ko nang ilapit niya ang kamao sa ilong ko.

"Hindi ko nga alam! Tulog ako kagabi. Ewan ko kung ano ginawa ng mga lokong 'yon. Pinagtripan lang ako."

"Ewan ko saiyo!"

Naglakad siya palayo pero hinila ko ulit siya. Napalingon lang kami sa malakas na tawa ng mga lalaki.

"Si Rev may gawa niyan," si Taxon ang nagsalita tatawa-tawa din siya.

"Nabading si Rev, nag-lipstick tapos hinalik-halikan si Jave 'wag daw maingay," nakahawak na si Kean sa tiyan sa lakas ng tawa.

"Bakit mo sinabi agad? Papaiyakin nga natin si Jave," ang lokong si Rev.

Natigilan sila sa pagtawa nang may lumipad na pares ng sapatos pero sinadyang hindi sila patamaan.

"Hindi ako natutuwa sa biro niyo! Gusto niyo bang makita kung papa'no ako magalit?" Galit na sabi ni Zeal.

Madilim na ang mata niya at tiim ang bagang.

Napayuko silang lahat. Gusto kong matawa dahil sa mga hitsura nila.

"At ikaw!" Nanlaki din ang mata ko nang ituro ako ni Zeal.

Natakot ako bigla at nangatog ang tuhod. Nakakatakot naman talaga siya.

"Ayusin mo hitsura mo. Limang minuto iintayin kita dito kapag wala ka pa. Hindi talaga ako magpapakasal saiyo! Bilis!"

Napatakbo agad ako nang mabilis at naligo. Iniwanan ko silang sinesermunan ni Zeal.

Buti nga sainyo!

Nagbihis ako agad. Nanguha lang ako sa closet ni Rev. Bahala siya sa buhay niya.

Paglabas ko ay masama ang tingin ni Zeal. Tahimik pa rin sila at nakayuko maging si Taxon ay nakayuko. Nakakatawa sila, hindi ko na napigilan tumawa.

"Why are you laughing?"

Natigilan ako at nagpigil ngumiti.

"Nagkakaintindihan ba tayo, boys?" mataray na sabi ni Zeal.

"Boys?!" ulit niya.

"Yes!" sagot nila.

"Let's go!" Hinila na ako ni Zeal tiningnan ko sila at dumila. Pinigilan ko ulit matawa dahil sa hitsura nila.

Takot pala kayo sa kaniya, huh?

Nakangiti kong tiningnan si Zeal.

"Anong ginawa mo?" tanong ko.

"Pakialam mo?"

Shut! Galit pa rin?

Sila Rev ang dapat sisihin baka mamaya hindi ito magpakasal sa akin. Yari sila sa akin.

Narating namin ang mansyon. Hindi niya pa rin ako kinakausap. Kumuha nalang ako ng chocolate cake baka sakaling mawala ang galit niya.

"Oh," naiilang kong inabot sa kaniya ang platito. "I didn't do that baby, sila Rev kasi makulit."

"Okay," kinuha niya ang platito at kumain.

Gusto kong matawa dahil sarap na sarap siya. Natigilan ako nang asarin niya ako. Dinilaan niya ang kutsara sa paraang mabagal at mapang-akit.

Shut! What is she doing?

"You want?" Malandi niyang sabi at iniabot sa akin ang platito.

Umiling ako, napamaang ang labi ko nang ilabas niya ang dila at dilaan nanaman ang kutsara.

Shut! I want to go out and get some fresh air.

Lumapit siya, sobrang lapit. Pinagdikit niya ang ilong namin. Hindi katangusan ang ilong niya kaya ga-hibla ang lapit ng mukha namin.

"You want me?" Malandi at mapang-akit niyang sabi.

Nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil.

Shut! Why are you doing this to me?

Akmang hahalik ako pero pinitik niya ang labi ko.

"Magdusa ka!" Asik niya at pumasok ng banyo. Naiinis kong pinanood ang pagsarado ng pinto.

I hate the way you tease me. It turns me on.

Kinagat ko nalang ulit ng mariin ang labi ko at nanood ng TV.

"Yes, Nel Jan? Why?"

Nakunot ang noo ko nang marinig kung sino ang kausap niya sa banyo.

" ya, I'm not going to work. I'm on my vacation mga 1 month dahil sa wedding."

Kinatok ko na ang pinto dahil naiinis na ako.

"Ya, tawag ka nalang ulit. May impakto, eh." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Why are you talking to him?" Inis kong sabi.

"Pakialam mo?"

"Zeal I'm talking to you," pigil ko ang inis.

"Okay. Nangumusta lang."

Tumaas ang dalawang kilay ko.

"What?!" asik niya.

"Nothing."

Inis akong lumabas ng kwarto.

I'm mad and jealous. Why is she talking to that man? Shut!

"Where are you going?" Habol niya sa akin.

"House," tipid ko sagot.

"Are you jealous?" Gumuhit ang ngisi sa labi niya.

"Nope," pagtanggi ko kahit 'yon ang totoo.

"Hmm?" pang-aasar niya pa rin.

Inis akong tinalikuran siya pero yumakap siya sa likod ko. Nanghina ang tuhod ko.

Bading! Kalalaking tao, marupok!

Lalambingin nanaman niya dahil alam niyang hindi siya matitiis?

Lagi nalang bang gano'n? Tapos kapag ako ang hirap niyang suyuin? Walang gano'n lalaki din ako at may feelings. Shut! Jave! Bading ka na.

Hindi ko namalayan na hinila niya na pala ako pabalik sa kwarto. Naiinis ako kaya pagpasok palang hinapit ko na agad siya.

"Don't go near him!" asik ko.

"Kaibigan ko siya. Selos ka nga."

"Yeah! I'm jealous!"

Tumawa siya nang sobrang lakas. Natigilan lang siya nang halikan ko siya.

I putted her on the bed.

Bumuntong hininga nalang ako at lumayo sa kaniya.

"Wag ka na magselos," malambing niyang sabi.

"Yeah," tipid kong sagot at niyakap nalang siya sa baiwang.

How can I resist this beautiful lady of mine?

"Did you enjoy the bridal shower?" Tanong ko.

"Ya! Look!" Pinakita niya sa akin ang buhok niya. Wala naman nagbago naging makintab lang.

"Beautiful!" tipid kong sabi.

Nagmamaktol pa din ako dahil kinakausap niya ang lalaking 'yon.

Insecure, Jave? No! Mas guwapo naman ako at macho. Lamang ako ng mga benteng paligo. Bango ko!

Ano ba naman Jave ikakasal na ganyan ka pa rin?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.