Shine Clear's POV
Hindi ko man lang maipikit ang mga mata ko. Nakatitig lang ako sa mukha ni Flair. Pilay ang paa niya kaya nakataas at puro galos ang katawan kahit ang pinakamamahal niya na matangos na ilong.
Hawak ko ang kamay niya. Wala na akong mailuha. Kahit magpalit ng damit ay hindi ko na magawa. Lahat kami ay gising ang mga mata habang nagbabantay. Si Taxon ay binabantayan sila lolo. Pinauwi ko muna sila dahil matatanda na sila kailangan nilang magpahinga. Si Kil ay walang tigil sa paghahanap kung sino. Si Diamond ay kasama ni Taxon sa mansyon. Si Rev at Kean ay pabalik-balik din dito.
Pumasok si Nel Jan at naglapag ng pagkain.
"Ano bang ginagawa mo dito?!"
"I want to help you," sinsero niyang sabi.
Nilingon ko si Clench na ngayon ay tulog na sa sofa. Hindi rin siya umalis. Si Lance ay pinauwi ko na para bantayan si Carme. Hindi ligtas ang lahat.
Umiyak nanaman ako at yumuko sa kamay ni Flair.
"Baby.. wake up."
"Kumain ka na muna," binuksan ni Nel Jan ang pagkain na dala niya.
"Ayaw ko! Mamaya may lason pa 'yan!"
"Ganyan ba kasama tingin mo sa akin? Hindi nga kita nagawang saktan noon, lasunin pa kaya?" bumuntong hininga siya.
"Kung wala sumubo ka nga!"
Sumubo nga siya.
"Okay."
Kinuha ko ang pagkain at nagsimulang kumain. Hindi ako kumain sa buong maghapon. Ngayon ay 12:00 am na. Nakaramdam din ako ng gutom.
Puno ng pag-aalala ang puso ko para kay z2 at z3. Marunong sila ng self defense pero kung nakuha sila ibig sabihin magaling ang taong iyon. Inisip ko kung sino ang posibleng gumawa nito pero sa dami ng nagtangka sa buhay ko dahil sa pagiging miyembro ng HTH hindi ko na alam kung sino.
Pumasok si Kil, bagsak ang balikat.
"Hindi ko pa nahahanap. Wala akong makuhang impormasyon," nanlulumo siyang umupo at hinilamos ang palad sa mukha.
"Mahahanap din natin 'wag ka mag-alala." Imbes na ako ang magsalita no'n ay nagugulat kong tiningnan si Nel Jan dahil siya ang sumagot.
Sana nga totoo ka...
Hinawakan ko nalang ulit ang kamay ni Flair at hinalikan. Ang sakit makita na nandito siya at nakaratay. Wala nga talagang malakas kung aksidente na ang nangyari.
Si Mr. Imperial ay nakikipagsiksikan din kay Clench sa sofa, frustrated din at ayaw iwan ang anak. Nagkakagulo na ang mundo. Sa isang iglap nagbago ang masaya dapat na kasal namin ni Flair.
Kunot noo kong tiningnan si Nel Jan dahil nagpipindot siya sa phone.
"I got it!" Tumayo siya at lumapit sa akin.
"Nakita ko kung saan ipinarada ang kotseng ginamit sa pagbangga kay Jave. I'll go baka nando'n pa ang taong 'yon," nagmadali siyang lumabas.
Isenenyas ko kay Kil na sundan siya dahil hindi pa kami nakakatiyak kung hindi nga ba siya.
Saktong dumating si Kean at Rev kaya tumayo ako.
"Dito muna kayong dalawa 'wag niyong iiwan si Flair." Tumango naman silang dalawa.
Lumapit ako kay Flair at humalik sa labi niya.
"Aalis muna ako, baby, babalik ako agad. I love you."
Nagmartsa ako palabas, kuyom ang mga palad at matalim ang tingin. Dumaan muna ako sa morgue para silipin si Ariya.
Pangakong kukunin ko rin ang buhay ng may gawa nito sa'yo.
Sinundan ko sila Kil at Nel Jan. Pinunit ko ang gown na suot ko, masakit ang ginagawa kong ito pero kailangan.
Tiningnan ko si Nel Jan na ngayon ay kinakausap ang isang lalaki. Nasa loob lang ako ng kotse at sinisilip siya. Si Kil ay nakita kong nakatago sa likod ng pader.
"Sino nag-utos saiyo?!" sigaw ni Nel Jan habang sinusuntok ang lalaki.
Hindi nga siya.
"Sino?!" gigil na gigil niya itong pinagsasapak.
"Sir, hindi ko alam ang sinasabi mo. May lalaki lang lumapit sa akin at binigyan ako ng kotse at susi. Sabi niya akin nalang daw." Paliwanag nito takot na takot.
"Sinungaling!"
"Sir totoo po ang sinasabi ko! Matino po akong tao! May mga anak ako at propesor sa isang paaralan."
Napahilamos ako sa mukha ko.
Hindi nga siya pero sino?
Lumabas na ako ng kotse.
"Let him go. He's not."
Gulat akong tiningnan ni Nel Jan. Tiningnan ko nang matalim ang lalaki.
"Kung hindi ikaw, siguraduhin mo dahil kapag nalaman kong ikaw. Pati pamilya mo ibabaon ko ng buhay! Okay?"
Tumango ang lalaki, takot na takot.
"Let's go Kil and Nel!"
Walang emosyong pumasok ako sa kotse ko. Dumaan nalang muna ako sa mansyon para magbihis. Tiningnan ko rin kung maayos ang lagay nilang lahat.
"Walang lalabas ng bahay. Mas pinadagdagan ko pa ang securities," sabi ko sa kanilang lahat.
"Lolo uminom ka na ng gamot," inabot ko sa kaniya ang tubig at gamot.
"Apo, dapat hindi mo iniwan si Jave," nag-aalalang tumingin sa akin si lolo.
"Babalik rin ako agad." Tiningnan ko si Taxon na ngayon ay frustrated din. Nakayuko at sapo ang noo.
"Taxon, ikaw na bahala dito," tumango siya.
"Diamond, ikaw rin." Tumango rin siya.
Lumabas ako ng mansyon matapos magpaalam sa kanilang lahat.
Saan ko ba sisimulang maghanap?
Pinaghahampas ko ang manibela ng kotse ko. Nag-ring ang phone ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan niya.
z2 calling...
"Princess, no matter what happen don't find us."
"Where are y--"
Naputol agad ang linya. Nagmadali akong pumunta sa investigator para i-track ang lugar.
"Ako na ang bagal mo!" Kinuha ni Nel Jan ang keyboard at may kung ano siyang ginawa.
"Fuck! Wala ng signal ang phone niya!" asik ni Nel Jan. "Buhay ang phone niya pero walang signal."
Nag-angat ako ng tingin. "Ibig sabihin nasa liblib na lugar sila. Mahina ang signal," konklusyon ko. Tumango si Nel Jan.
Nag-isip pa muli ako sa kung ano ang sinabi niya.
'Wag silang hanapin? Bakit?
Pero malakas ang kutob ko na nasa panganib sila. Tumunog ang phone ko, may nag-text.
From: Unknown number
Bantayan mo sila baka magulat ka nasa akin na.
Gosh!
Mabilis kong ibinigay kay Nel Jan ang phone ko at trinack ang number na iyon.
"Sa Flores!" sigaw ni Nel Jan.
Nagmadali akong tumakbo pero biglang pumasok sa isip ko ang text.
Bantayan mo sila baka magulat ka nasa akin na...
Gosh! Si Flair!
Hindi ko alam kung tutuloy ako sa pagpunta doon o babalik para tingnan si Flair at ang pamilya ko.
Tinawagan ko si Kil.
"Where are you? Go back to the hospital. Check if there is something wrong."
"Ro--"
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang putok ng baril galing sa kabilang linya.
"Kil! Answer me what is happening? Kil!!!!" sumigaw na ako.
"Fuck, Shine, may nagpapaputok ng baril sa akin!"
"Nasaan ka?"
"Nasa--"
Naputol ang linya sa isang malakas na putok ng baril.
"Kil!!!!" Inis na inis akong nagpipindot ulit sa phone.
"Kil!!" Aligaga akong naglakad nang mabilis. Kasusunod ko si Nel Jan.
"Nasaan daw? Anong nangyari?" Aligaga ring tanong ni Nel.
Inis kong pinagsisipa ang gulong ng kotse.
"Bumalik ka sa loob. Tingnan mo ulit ang location!" Ibinigay ko sa kaniya ang phone ko.
"No need. Kaya kong i-track gamit lang ang phone ko."
Magkasama kaming pumasok sa loob ng kotse. Babalik muna kami sa hospital para tingnan kung okay lang sila.
Napahinto ako nang makita ang nagkalat na gamit. Tumakbo ako nang mabilis.
"Flair?!!!" Sigaw ko.
Nakita ko sila sa loob ng kwarto. Nakuyuko ang ulo ni Rev at si Kean nakasandal ang noo sa pader. Si Clench at Mr. Imperial ay nasa tabi ni Flair. Nakahinga ako nang maluwag.
"Anong nangyari? Bakit nagkalat ang gamit?"
"May nagtangkang kunin ako," tumawa si Kean. "Kaso siraulo pala siya, eh, hindi siya magtatagumpay," ang lakas ng tawa ni Kean.
Napailing nalang ako at lumapit kay Flair. Hinaplos ang noo niya.
"Akala niya siguro kaya niya ang Prince of Flying Kick at Overthrow Expert," tumawa rin si Rev.
Napangiti ako. "Kaya nga pinagkatiwala ko sainyo ang magbantay kay Flair."
"Ayusin niyo ang gamit. Ililipat natin si Flair sa mansyon. Magpapadala nalang ako ng doctor at nurse doon. Hindi kayo ligtas dito sa hospital."
Nagmadali naming inilabas si Flair. Nagipon-ipon ang lahat sa mansyon. Maging sila daddy at mommy ay dinala ko. Si Carme, Yannie, at ang pamilya nila Arah.
"Makinig kayong lahat. Mas maganda kung sama-sama tayo. Mababantayan natin ang bawat isa. Hindi tayo ligtas lalo na at hindi natin kilala ang kalaban. Kailangan nating maging maingat."
Tumango sila. Isinarado ang buong mansyon. Maging ang nag-iisang mataas na gate ay naging triple ang harang. Nagkalat ang mga securities at sinabi kong bawal lumabas ang bawat isa sa kanila.
"Magpahinga ka na. Kami muna ni Rev ang magbabantay," sabi ni Kean.
"Ako rin," sabi ni Lance.
Tumango ako sa kanilang dalawa at pumasok na sa kwarto. May nag-text kaya kinuha ko.
From: Nel Jan
Nasa labas ako ng mansyon. Magbabantay. Sleep, pahinga ka na.
To: Nel Jan
Thanks.
Ilang minuto ang dumaan na hindi ko pa rin magawang matulog. Nakatitig lang ako sa mukha ni Flair. Hinaplos ko ang noo niya.
"Gising ka na," tumulo nanaman ang luha ko.
Tumabi ako sa kaniya at niyakap ang baiwang niya.
"Magpagaling ka.. asawa ko." Humalik ako sa noo, ilong at labi niya.
Dapat masaya na tayo ngayon dahil tapos na ang kasal pero ano itong pinagdadaanan natin?
Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa baiwang niya. Tumulo nang tumulo ang luha ko. Sabi naman ng doctor ay hindi naman masyadong malala ang natamo niya maliban nalang sa paa niya na ngayon ay nakataas at nakabenda. Maaring kapag daw nagising siya ay pansamantalang hindi siya makalakad.
May kumatok kaya binuksan ko ang pinto, si Taxon.
"Kumain ka ba?"
"Oo, kanina."
Naglapag siya ng tray ng pagkain.
"Kumain ka pa rin at magpahinga. Tingnan mo 'yang mata mo."
"Ikaw rin hindi natulog."
"Wag mo akong alalahanin. Ikaw ang inaalala ko."
Yumakap ako sa kaniya at humagulgol nanaman.
"Wala na si Ariya.. tapos si Flair hindi pa nagigising, nawawala pa ang dalawang kapatid ko. Hindi ko na alam."
Pinunasan niya ang luha ko.
"Baider ka ba talaga? Bakit iyakin ka? Matapang ka pero iyakin. Bihira ang Baider na umiiyak." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Madalas na emosyon ng mga Baider, matalim ang tingin at walang emosyon. Hindi ka dapat umiiyak."
Tumango ako sa kaniya. Ito ang ugali ko, iyakin. Tiningnan ko siya ng walang emosyon.
"Hindi mo mahahanap ang hinahanap mo kapag iyak ang inuna mo, kapag masyadong mataas ang emosyon mo," pangaral niya sa akin.
Tumango akong muli. Itinuro niya ang pagkain. "At mas mahalagang may laman ang tiyan mo para makagalaw ka nang maayos sa laban."
Iginaya niya ako paupo. Kumain ako dahil tama siya. Nagiging mahina na ako dahil sa emosyon ko.
"Tandaan mong Baider ka. Ang kinatatakutang pamilya."
Tinalikuran ako ni Taxon. Bawat linya niya ay tumatak sa isip ko. Lahat ng sinabi niya ay tama at dapat kong sundin. Sinubo ko lahat ng pagkain na dala niya. Naligo ako at nag-ayos ng sarili.
Hindi na ako iiyak...
Napasulyap ako sa phone ko nang makitang umilaw 'yon.
From: Unknown number
One knocked down
Nanlaki ang nga mata ko.
Gosh! Nakalimutan ko si Kil!