Shine Clear's POV
Tumakbo ako palabas habang tinatawagan si Nel Jan.
"Nakita mo kung nasaan si Kil?"
"Oo, papunta ako doon ngayon."
"Bakit hindi mo sinabi? Saan 'yan!?"
Ibinigay niya sa akin ang address.
Nakita ko pa sila Kean at Rev.
"Walang aalis dito! Naiintindihan niyo ba?" Ma-awtoridad kong sabi sa kanila dahil akmang susunod pa sila.
Tinakbo ko agad ang kotse at pinaharurot. Naabutan kong hawak ni Nel Jan si Kil sa braso. Alalay niya ito habang pinauulanan sila ng bala. Mabilis kong inalalayan si Kil dahil may tama na ito.
"Do you like my wedding gift to you, z4?" ani ng isang matipunong lalaki. Takip ang kalahati ng mukha niya.
Pinilit kong aninagin pero hindi ko makita. Mabilis akong sumugod at sinipa siya pero nakailag siya. Matalim ko siyang tiningnan.
"Huling araw mo na ito sa mundo." Gumuhit ang ngisi sa labi ko at suno-sunod siyang pinaulanan ng suntok.
Nakakailag siya pero may tumatama hanggang malakas na suntok ang tumama sa tiyan ko. Napahawak ako doon at tiningnan siya.
Malakas siya!
Sumugod siya. Sinuntok ako nang sinuntok sinasangga ko iyon ng kamay ko. Nagpalitan kami ng malalakas na suntok hanggang masipa ko siya sa binti pero hindi tumalab. Sinilip ko ang maselang parte ng katawan niya. Isang sipa lang aatungal ito sa iyak. Sinunod-sunod ko siya ng sipa pero tila yata alam niya ang punterya ko kaya nasasangga niya ang paa ko. Nahawakan niya ang paa ko at sinuntok.
Kinagat ko ang labi ko sa sakit pero hindi ako nagpakita ng kahinaan.
"Ibang klase ka rin talaga. Wala sa hitsura mo ang magpakita ng sakit. Sayang ang ganda mo kung ililibing ka lang sa lupa at ide-decompose ng mga uod." Ipinakita niya sa akin ang ngisi niya.
Tumayo ako nang tuwid at ipinakita rin ang masamang ngisi.
"Hindi ako kung hindi ikaw."
Muli ko siyang sinugod. Ang bilis ko ay kaya niyang tapatan. Umikot ako upang pumunta sa likuran niya at sinuntok siya nang malakas. Nagpagewang-gewang siya kumukuha ng balanse pero hindi natumba.
Tinitigan ko siya. Parang pamilyar ang mga mata niya. Hindi ko masyadong maalala kung saan ko iyon nakita.
Susugod sana siya at sasalubungin ko hanggang isang malakas na sipa ang tumama sa mukha niya. Nakita ko si Nel Jan sa harapan ko.
"Sino ka naman? Ang hilig niyong makialam 'no? Kaya kayo nadadamay," ngumisi nanaman ang lalaki.
Matalim ang tingin ni Nel Jan sa kaniya. Wala pa man lang ay sinugod na siya ulit ni Nel Jan. Pinagtulungan namin siyang dalawa. Nakakamanghang tig-isang kamay niya ay ginagamit niya sa pagsangga sa akin at kay Nel Jan.
Nasa gano'n kaming sitwasyon nang magdatingan ang mga nakamaskarang lalaki.
Dreadful Gang...
Hindi ako makapaniwalang ginagawa talaga ito ni Nel Jan para makatulong sa akin. Para tuluyang patawarin ko siya sa kasalanan niya.
Nang makita ng lalaki ang maraming nakamaskara ay nagmadali siyang sugudin kaming dalawa ni Nel Jan at binigyan kami ng malakas na suntok sa dibdib dahilan para mapaatras kami ni Nel. Isang kisap mata ay wala na ang lalaki.
"Fuck! Where is he?" Mura ako nang mura.
Agad akong lumapit kay Kil.
"Masakit? Are you okay?"
"Yes.. masakit, dumudugo nga pero wala ito maliit na sugat lang. Kaunting pahinga lang."
Yabang din talaga nitong si Kil, eh, 'no? Baider ka nga.
Ipinasok namin si Kil sa kotse. Sa mansyon namin siya dinala dahil may doctor naman doon.
Nag-aalalang lumapit si Taxon.
"What happened, Taxen Kil?" asik nito sa kapatid.
"Easy, kuya, small wound" tatawa-tawang sabi ni Kil.
Ginamot siya ni Kuya Zen, katulong niya si Nurse Clench.
Naupo ako sa sofa at nag-isip. Nakita ko na talaga ang lalaking 'yon pero hindi ko alam kung saan.
"Elle, anong nangyari?" Lumapit si Kean.
Lahat ng tao 'yon ang tanong. Anong nangyari? Nakakapagod mag-explain.
"Nakaharap ko 'yong lalaki. I'm thinking if where is the place that I saw him." Sinabunot ko ang kamay sa buhay ko.
Tumayo ako at duretsong naglakad.
"Kuya, kumusta si Flair?" tanong ko kay Kuya Zen.
"Medyo okay na siya pero wala pa rin malay," tumango lang ako sa kaniya at sinilip si Flair.
Wala talaga akong tulog at pahinga. Humiga nalang ulit ako sa tabi ni Flair at yumakap sa kaniya. Iidlip muna ako. Nakatulog ako pero nagising rin agad.
Inaalala ko pa rin kung nasaan ang dalawa kong kapatid. Nag-ring ang phone ko agad kong sinagot nang makita kong si z3 ang tumatawag.
Paano sila nakakatawag kung hindi sila ligtas?
"Makinig ka, Princess, kahit anong mangyari 'wag kang pupunta dito. Okay kami, 'wag mo kaming alalahanin. Mas mag-alala ka sa kanila--Zaimon!"
Natigilan ako nang marinig ang boses ng isang lalaki. Biglang namatay ang linya.
Sino 'yon? May taong may hawak sa kanila pero bakit okay naman daw sila?
Alam kong nasa Flores sila dahil 'yon ang location na na-detect pero saan sa Flores? Malawak ang lugar na iyon at kung magbabasta-basta kami ng sugod ay baka maraming tao ang madamay. Nakuyom ko ang palad ko at muling nag-isip.
Maaring sinasabi lang nila z3 na okay sila pero hindi naman talaga para lang 'wag kami mag-alala.
Pero bakit nagagawa nilang makatawag?
Sa boses ng lalaking tumawag sa kaniya ay parang narinig ko na iyon.
Kung nagagawa nilang makatawag maaring maluwag ang bantay nila. Sa tono ng boses ni z3 parang hindi siya nahihirapan.
Lumabas ako ng kwarto at tinipon ko sila.
Ipinakita ko ang mapa ng Flores.
"Hindi natin sigurado kung nasaan sila dito." Tiningnan ko sila isa-isa.
Nakapalibot kami sa bilog na lamesa at nasa gitna ang mapa.
"Si Rev, Taxon, Diamond at Lance ay maiiwan dito sa mansyon para magbantay. Isasama ko si Nel Jan at Kean."
"Partner sasama ako saiyo. Partner tayo 'diba? Kailan ka pa naging mag-isa?" asik ni Lance.
"Hindi pwede. Kailangan ka ni Carme. Buntis ang asawa mo. Anumang oras dapat kasama ka niya. Mag-aalala siya saiyo makakasama 'yon sa kaniya."
"I understand," pagsang-ayon niya.
"Pero bakit tatlo lang kayo ni Kean?" Tanong ni Taxon. "Sasama ako."
"Hindi pwede! Mas kailangan ng tao dito. Marami ang nandito at kapag napasok tayo katapusan nating lahat. Stick to my plan! Naniniwala ako sa kakayanan ni Kean at Nel Jan. Nakita ko na 'yon."
Tumango silang lahat. Itinuro ko ang pinakaliblib na lugar sa Flores.
"Posibleng nandito sila pero 'di natin sigurado," tinuro ko pa ang isa pang lugar. "Posibleng nasa matao para hindi natin mapansin at mahirapan tayong gumawa ng hakbang."
Umiling-iling ako. "Matalino ang gumawa nito. Mahihirapan tayo dahil hindi natin kilala."
Tiningnan ko si Nel Jan. "I-stand by mo ang Dreadful Gang," tiningnan ko si Lance. "Tawagan mo si BossRill at sabihing kailangan natin ng tao galing HTH."
"Mas marami mas malaki ang porsyentong mahanap natin sila."
Tiningnan ko ulit si Nel Jan. "Pagsuotin mo sila ng normal na tao. Walang maskara." Tumango siya.
"Kapag nagising si Flair. 'Wag niyong sasabihin sa kaniya ang totoong sitwasyon dahil magpupumilit siya na tumayo at tumulong." Napabuntong hininga ako.
Sinulyapan ko si Nel at Kean. "Aalis tayo mamayang 11. Kailangan nating maghanda."
"Diamond, kunin mo 'yong maliit na speaker ni Kil sa kwarto niya. I-check mo rin kung okay na siya."
Matalim akong tumingin.
"Handa na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Handa na!" Sabay-sabay nilang inilagay ang kamay sa gitna.
Pagkatapos noon ay tinahak ko ang daan papunta sa kwarto. Tiningnan ko muna kung gising na ba si Flair pero hindi pa rin. Hinanda ko ang short at maiksing damit na sleeveless parehas kulay black. Kinuha ko rin ang silky black na jacket at boots.
Iniharap ko ang sarili sa salamin. Kinulot ko ang buhok ko at nilagyan ng mapulang lipstick ang labi.
It's play time...
Nag-make up ako 'yong tipong iibahin ang mukha ko. Black na eyeshadow, blush on at naglagay din ng maskara with eyeliner.
Naglaro kayo maglalaro rin ako...
Matalim akong tumingin sa salamin. Isinuot ko na ang mga damit na inihanda ko.
Lumabas ako saglit para makita ang reaksyon nila kung okay na ba ang hitsura ko. Rumampa ako sa hallway. Nakita ko ang pagnganga ng bibig ni Nel, ang panlalaki ng mata ni Kean, ang pagtalim ng titig ni Taxon, ang taas na kilay ni Lance at ang tikhim ni Clench.
Mukhang okay na nga ang hitsura ko. Ipinakita ko sa kanila ang malapad na ngiti.
"Magpalit ka!" Asik ni Kuya Zen.
Binato ako ni Kean ng unan. "Bakit ganyan ang suot mo? Hindi tayo magba-bar!"
"Tsk," iiling-iling na sabi ni Lance. "Remember how dangerous fighter moves?"
Ngumisi ako. "It's play time."
Tinalikuran ko ulit sila at naglakad sa hallway.
"Maghanda na kayo Kean at Nel!" Sigaw ko pa bago tuluyang bumalik sa kwarto.
Kinuha ko ang baril at inilagay sa hita ko. Itinali ko ang buhok ko. Naglagay din ng kutsilyo sa kabila pang hita. Naghanda ako ng bakal sa kamay para sa suntok.
Kumatok si Diamond at ibinigay ang speaker. Namangha siya sa hitsura ko na nginitian ko lang.
Bago ako umalis ay umupo ako sa gilid ng kama at pinakatitigan si Flair. Yumakap ako sa baiwang niya.
"Babalik ako agad. Promise, magpagaling ka lang. Ikakasal na tayo at walang sasagabal. I love you."
Humalik ako sa noo niya. Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatitig siya sa akin.
Gising na siya!
Napamaang ang labi ko sa gulat dahil nakamulat na ang mata niya. Ngumiti ako sa kaniya pero pinagkunutan niya ako ng noo.
May problema ba?
"Baby, are you okay? May masakit ba saiyo? Anong kailangan mo?"
Tinitigan niya lang ako sa mukha at ikinagulat ko ang salitang lumabas sa bibig niya.
"Who are you?"