Shine Clear’s POV
Kunyari ay may tumawag sa akin.
"Yes kuya? What?! Nako emergency. I'm going."
Nagpaalam ako sa dalawang lalaking iyon. Pinasunod ko sa akin 'yong dalawa.
"Hindi dito baka sa kabilang grupo."
Lumabas kami ng building at pinasok ang isa pa. Sa bungad palang ay marami na ang nag-iinuman.
"Bantayan niyong mabuti 'yong dalawang anak ni boss kapag nakatakas 'yon patay tayo."
Natigilan ako sa kwentuhan nila.
Sinong anak?
Nagkatinginan kaming tatlo. Kung dalawang anak 'yon posibleng sila pero anak?
Kailan pa naging anak ng ibang tao sila z2?
Dahan-dahan kaming pumasok sa isang pintuan. Gulat kaming tatlo nang biglang may magpaputok sa amin.
"May nakapasok!"
Tumayo na kami at nagsimulang sumugod. Tinalon ko ang mataas na harang para sipain ang may hawak ng baril. Nagsimula ng manipa si Kean. Si Nel Jan ay humawak na ng baril. Nagkagulo na ang lahat.
Mabilis na tinawagan ni Nel Jan ang Dreadful Gang at pinasunod na sa loob.
Mabuhay pa kaya kami pagkatapos nito?
"I told you not to find us!"
Natigilan ako nang makita si Kuya Zeke. Tumakbo siya papunta sa akin pero hinila siya ng isang lalaki. Napamaang ang labi ko nang makita siya.
"Did you miss me, z4 na pakialamera?" Ngumisi ito sa akin.
Malaki ang pinagbago ng katawan niya. Tumikas at sa tingin ko ay lumakas. Siya 'yong kinalaban namin ni Nel Jan na lalaking mata lang ang kita. Ang talunan noon, ang mahina noon, ang lalaking madali ko lang napatumba pero ngayon sa tingin ko ay may ibubuga na.
Si Bloody...
"Papa, paalisin mo nalang sila!" Mas lalong nagulantang ang buong sistema ko nang tawagin ni Kuya Zaimon ng papa si Bloody.
"Ang swerte ko nga naman dahil sa paghahanap ko saiyo. Natagpuan ko rin ang kambal kong anak."
Bumalik sa alaala ko ang pagdukot niya noon kay Mr. Imperial, tinatanong niya kung nasaan ang kambal niya.
Ang kambal palang iyon ay si Mel Zeke at si Mel Zaimon!
Paulit-ulit akong umiling.
No!
"Ibalik mo ang mga kapatid ko!" Asik ko sa kaniya.
"Sa akin ang mga anak ko. Ang tagal niyong nilayo sila sa akin. Maging ang anak ko kay Passina ay nilayo niyo! Dapat lang na mamatay ang isang miyembro ng pamilya mo!"
Kumuyom ang palad ko. Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Ariya. Galit na galit ako sa kaniya.
Mamamatay ka sa gabing ito!
"Papa please 'wag na sila," pagmamakaawa ni Kuya Zeke sa kaniya.
"Sorry, mahal kong anak. Malaki ang kasalanan sa akin ng babaeng 'yan."
Akmang babarilin ako ni Bloody pero nakipag-agawan si Kuya Zeke sa kaniya.
"Sabi't 'wag siya!" Galit nitong sabi. Ginamitan na niya ng dahas ang pagkuha ng baril. Nasuntok niya si Bloody sa tiyan, nagpambuno silang dalawa.
Hindi mo rin alam kung anong kayang gawin ni Mel Zeke Suarez. Lumaki kami sa ensayo at hindi gano'n kadaling talunin siya.
Nagulat ako nang itutok ni Bloody kay z2 ang baril dahil hindi ito nagtagumpay na makuha 'yon.
"Kapag hindi ka tumigil uunahin kita!"
"Ganyan ka ba talaga? Dapat lang palang lumaki kami sa mga Suarez! Sarili mong anak babarilin mo!" Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni z2 dahil sinuntok siya ni Bloody sa mukha.
"Wala ka talagang kwentang tatay!" Sumugod si z3 at sinuntok si Bloody.
Tinahak ko ang daan papunta sa kaniya. Sipa ang iginawad ko sa dibdib ni Bloody.
Si Kean ay nakikipagpambuno na sa mga tauhan niya. Puro sipa ang ginagawa niya. Lumapit ang isa, agad na tumama ang paa ni Kean sa kaniya. Tinalon niya ang pagitan nila ng pangalawa at sinipa rin sa dibdib.
Pinamamangha talaga ako ng mga paa niya. Wala pa rin kupas kahit matagal na panahom na ang hindi siya nakikipaglaban dahil tahimik na ang buhay namin.
Tumalsik agad ang pangatlo nang madapuan ng paa niya. Ang pang-apat ay sinuntok niya siguro ay napagod gamitin ang paa.
Si Nel Jan ay kamang-mangha rin dahil pinag-aralan niya noon ang mga galaw nila Rev, nakuha niya iyon. Ang pagbali ng buto ni Lance, ang pangbabalibag ni Rev, ang pagsipa ni Kean. Nasa kaniya ang katangian na malakas at mabilis dahil din siguro sa talino niya. Sukat na sukat niya kung saan patatamain ang paa upang pagbagsak ay may masuntok.
Kaya silang dalawa ang isinama ko.
Tinalon ko ang dibdib ni Bloody para sipain. Nakakagulat na hindi na siya mahina ngayon. Hindi mo na siya agad mapapatumba. Nasuntok niya ako sa mukha dahilan para dumugo ang ilong ko.
"Nagulat ka siguro sa pagbabago." Binigyan niya ako ng ngisi.
"Bakit ako magugulat? Talunan ka pa rin." Nginisian ko rin siya.
Nainis siya kaya sinugod niya ako agad. Sunod-sunod ang pag-ilag ko dahil ang bilis niya. Nasuntok niya ako sa dibdib kaya tumalsik ako at tumama sa pader.
"Princess!" Tinakbo ni kuya Zeke ang distansya nila ni Bloody at patalon na sinipa siya.
"Wala ka talagang galang na anak!" Nakipagsuntukan si Kuya Zeke ka Bloody hanggang sa malakas na suntoj ang tumama sa tiyan ni z2 at natumba.
Gigil ko siyang iniharap sa akin. Pinagsisipa ko siya sa tagilaran. Nasasalag niya ang ilan pero nagagawa siyang tamaan noon.
Nakisawsaw na rin sa laban namin si Kuya Zaimon. Pinagtulungan namin siya.
"Saan ka natuto ng ganyan?" Tanong ni Bloody kay Kuya Zaimon.
"Kay daddy, siya lang ang tatay ko!" Sinuntok niya si Bloody, ubod nang lakas iyon kaya tumalsik siya. Nasaktan naman ang kamao ni z3.
Napangisi ako sa kaniya. "Kung akala mong mahina ang mga Suarez, nagkakamali ka."
Inapakan ko ang dibdib ni Bloody pero nagawa niya akong hawakan sa paa at ibalibag. Naapakan niya ako sa dibdib. Nanikip ang paghinga ko. Sipa nanaman ang ginawa sa kaniya ni z2.
Malakas din talaga si Kuya Zeke kaya lang hindi niya 'yon ginagamit dahil wala namang aksyon sa buhay niya maliban ngayon. Hindi siya pala-away lahat kaibigan niya kaya malabong gamitin niya ang natutunan kay daddy, ngayon lang talaga.
Maangas kaming tatlo na tumayo sa harap niya.
"Mapanlinlang," sabi ni Bloody kay z2 at z3. "Akala ko hindi kayo marunong lumaban!"
"Balak ka sana namin bigyan ng isa pang pagkakataon na baka magbago ka dahil sa amin pero ang saktan ang nag-iisang prinsesa namin! Go to hell! Never naming sinaktan siya! Makikipagpatayan ang bawat miyembro ng pamilya para sa isa't isa! Kaya ngayon isinusuka kita bilang tatay ko!" Madiin ang pagkakasabi ni z2 noon.
"Sana hindi nalang ikaw ang tatay namin! Alam mo kung bakit? Walang tatay na nananakit ng anak! Kakalimutan ong nakilala ko ang tunay kong ama. Hindi ko matanggap na may tatay akong sindikato!" Matalim ang tingin ni z3.
"Kinakampihan niyo ang taong hindi niyo naman kaanu-ano?" Humagalpak ng tawa si Bloody.
"We're not siblings in blood, but we're siblings in heart." Madamdamin kong sabi sa kaniya.
Dinukot ko ang kutsilyo.
"May utang ka nga pala sa mga Baider."
Mabilis kong pinatama ang kutsilyo sa balikat niya. Pumalahaw siya ng sigaw sa sakit.
"Buhay kapalit ng buhay."
Susugudin ko na siya pero pinigilan ako ni z2 at z3.
"Tatay pa rin namin siya."
Natigilan ako.
Paano ko papatayin ang taong ito kung siya ang tatay ng dalawa kong kapatid?
"Patawarin niyo ako." Tumulo ang luha ko, hindi pwedeng makatakas sa kamay ko ang lalaking ito.
Protect the Baider's Family! Isinumpa ko 'yon. Habang buhay kong ipaglalaban ang pamilya ko.
Malalaki ang hakbang ko papunta kay Bloody. Tinanggal ko ang kutsilyo at muling itatarak sa kaniya. Nahapit ako ni z2 at z3.
No! Hindi ko pwedeng biguin si Ariya!
Nagpumiglas ako sa hawak nila dahil malakas ako hindi nila ako kinakaya. Pinigilan na rin ako ni Nel at Kean.
"Hayaan niyo ako! Please! May buhay siyang kinuha sa pamilya ko! Dapat din siyang mawala!" Galit na galit akong nagpumiglas.
Akmang tatayo si Bloody pero may isang lalaking asintado ang nagpatama ng kutsilyo sa mismong ulo niya. Umagos ang dugo mula doon at tumumba siya. Nilingon namin iyon, lalaking matikas ang tindig at laging masama kung tumingin. Ang lalaking sobrang malapit sa akin dahil palaging nandito bilang kuya ko. Ang lalaking palaging nagpapaalala na isa akong Baider. Dapat malakas at hindi umiiyak. Ang lalaking hindi mo gugustuhing titigan man lang sa mata dahil ikaw mismo ang mag-iiwas ng tingin dahil sa takot.
Si Taxon Ken Baider!
The horrible.