Shine Clear's POV
Nanghihina akong napaupo sa tuhod ko. Tinakbo ni z2 at z3 si Bloody. Naawa ako sa kanila dahil umiiyak sila. Kahit naman masama siya, siya pa rin ang ama nila.
Pero sadyang hindi ka makakatakas sa tradisyon ng mga Baider. Nilingon ko si Taxon, walang emosyon ang mga mata niya at matalim pa rin na nakatingin. Prenteng nakasandal lang ang balikat sa pader. Parang wala siyang ginawa. Grabe talaga siya, gano'n siya kalupit.
Gulat ding nakatingin sa kaniya si Nel at Kean.
"Sorry not sorry, Baider is Baider, it's both a curse and an honor." Iyon ang linyang lumabas sa bibig ni Taxon.
Hindi naman magawang magalit sa kaniya nila Kuya Zeke at Zaimon. Pinanood ko nalang ang pag-iyak nila.
Life in exchange with life...
Natapos ang dalawang linggo. Natahimik na muli ang mga buhay namin. Nilibing na si Bloody at Ariya. Si Kuya Zeke ay hindi kinakausap si Taxon samantalang si Kuya Zaimon ay napatawad na ito dahil naiintindihan niya.
Lumapit ako kay Kuya Zeke na ngayon ay nasa labas ng bahay at nakaupo.
"Kuya."
Tiningnan niya lang ako at tumulo ang luha sa mga mata niya.
"Natatakot akong magtanong kung ampon din ba ako? Natatakot ako sa sagot nila mommy pero mas nakakatakot pala ang malamang masamang tao ang tatay ko. Ang nakakatawa pa kambal pala kami ni Zaimon kaya pala lahat ng gusto ko at hilig ay gano'n din siya. Akala ko noong una kaya kami magkamukha kasi kami ang tunay na anak nila mommy. Hindi pala."
"Nagsisisi ka ba na naging Suarez ka?"
"Hindi, ito ang pinakamasayang pamilya. Ang hirap lang tanggapin na akala ko noon walang butas ang pamilyang ito. Masaya lang at kompleto. Nagulo nang malaman naming ampon ka, sinundan pa ni Kuya Zen at ngayon ay kami. Ibig sabihin wala talagang totoong anak sila mommy sa atin."
"Pero mahal ko naman kayo 'diba? Itinuri ko naman kayong tunay na anak 'diba?" Nilingon namin si mommy na ngayon ay lumuluha na.
Lumapit si daddy, Kuya Zen, Kuya Zaimon at si mommy. Umupo rin sila nakapalibot na kami sa bilog na upuang bakal.
"Hindi ko masabi dahil kahit ako hirap tanggapin na hindi ko kayo tunay na anak ," humagulgol na si mommy.
"Kinailangan pang mangyari ang lahat ng ito bago niyo malaman. Ayaw ko talagang sabihing ampon ko kaya dahil hindi totoo 'yon! Anak ko kayo!" Patuloy ni mommy.
"Masaya ang buhay namin noon ni Mel lalo na nang mabuntis ako. Si Mel Zecka kaso nakunan ako at ang sabi ng doctor hindi na kami magkakaanak pa. Lubos kong dinamdam ang pagkawala niya. Nag-undergo ako ng psychological test dahil sa sobrang pag-iisip hanggang isang araw kumatok sa bahay namin si Lilita. Nagmakaawa siyang alagaan ang anak niya, ikaw 'yon Mel Zen." Tumango sa kaniya si Kuya Zen.
"Thank you mommy," mas lalong humagulgol si mommy sa sagot na iyon ni kuya Zen.
"Ang totoo hindi talaga namin alam kung sino ang magulang niyo ni Mel Zeke at Mel Zaimon. Dumalaw lang kami sa The Heart of Rose para magbigay ng donations. Nakilala namin doon si Rose, ipinakilala niya sa akin ang batang si Mel Zeke at Zaimon. Natuwa ako kaya inampon ko kayo. Sumunod naman noon ay si Princess, noong nagbakasyon kami sa Camarines Norte."
"Alam niyo bang lahat kayo ay nanggaling sa malungkot na buhay? Noong naging isang kompletong pamilya tayo pare-parehas tayong naging masaya." Si daddy naman ngayon ang nagsalita.
Tumayo kami at niyakap sila mommy at daddy.
"Mom, dad, hindi kami galit sainyo. Nagpapasalamat pa kami dahil inampon niyo kami." Nakangiti kong sabi.
"Kung wala kayo hindi ako magiging doctor." Madamdaming sabi ni Kuya Zen.
"Kung wala kayo hindi ako magiging reporter sa TV." Nakangiting sabi ni Kuya Zeke.
"Kung wala kayo hindi ako magiging architect." Nakangiti ring sabi ni Kuya Zaimon.
"Kung wala kayo siguro naabutan na ako ng lalaking humahabol sa akin noon at patay na ako ngayon." Ako naman ang sumagot.
Naging malaking group hug ang yakapan namin. Madamdaming iyakan pero sa huli ay nagtawanan.
Ang akala ko noong perpektong pamilya marami palang sikreto. Ginulantang man nito ang buhay ko masaya pa rin ako dahil pamilya ko sila. Sinabi ni lolo na ang papa Laurenz ko ay hindi marunong lumaban na namana kay lola. Siguro kong hindi ako tinuruan ni daddy makipaglaban lumaki rin akong hindi nananakit at hindi kayang ipagtanggol ang sarili. Utang ko kay daddy ang mga buhay na nailigtas ko dahil sa tinuro niya.
Lumaki akong matulungin at may pagmamahal sa pamilya dahil 'yon ang itinuro nila. Napakabuti nila mom and dad.
Lumaki akong masaya dahil sa kanila.
Sobrang laki ng pagpapasalamat ko sa kanila.
"Pamilya pa rin tayo! Walang titibag!" Malokong sabi ni Kuya Zeke.
Masaya ang naging araw namin. Mas lalong naramdaman ang pagmamahal sa isa't isa. Pinatugtog nang sobrang lakas ni Kuya Zaimon ang speaker. Kung noon ay silang dalawa lang ang naghe-headbang ngayon ay nag-headbang kaming buong pamilya na sinabayan ng pagsayaw ko.
Maging si nay Purita ay tinayo namin at pinasayaw. Tawa kami nang tawa. Nayanig ang buong bahay sa tugtog. Maging sa pagtulog ay masaya sila. Hindi ako dito matutulog dahil si Flair ay nasa mansyon. Magmamaktol nanaman kapag hindi ako umuwi.
Yumakap ako kay mommy at daddy.
"Thank you sa pagmamahal at pag-aalaga mom and dad."
Emosyunal silang tumango.
"Napakasaya ko dahil naging magulang ko kayo." Humalik ako sa pisngi nila mom and dad.
Pumasok ako sa room ni Kuya Zen. Nakangiti akong yumakap. Tulog na siya, nilagyan ko ng kumot.
"I love you, z1."
Sunod ay pumasok ako sa kwarto ni Kuya Zaimon. Naabutan kong nag-aayos siya ng higaan. Walang pasabing yumakap ako sa kaniya.
"I love you, z3"
Ngumiti siya at humalik sa noo ko. "I love you more, z4."
Lumabas ako ng kwarto at pinasok ang kwarto ng pinaka-alaskador kong kuya. Nakaupo siya sa sofa ng kwarto niya. Yumakap agad ako sa kaniya.
"I love you, z2."
Tumawa siya. "Mamamatay ka na ba?"
"Ang sama mo talaga! Si kuya Zaimon nag-i love you more agad tapos ikaw tatawa ka pa!"
Niyakap niya ako nang mahigpit at emosyunal na nagsalita.
"I love you, too, Princess, kapatid kita totoo 'yon. Kahit ganito tayo alam kong ang pamilyang ito ang pinakamasaya sa lahat. Mahal na mahal kita!"
Natawa ako sa pagda-drama niya. "Hindi talaga bagay saiyo! ."
"Tapos ako naman ang tinawanan mo?"
"Nakakatawa ka kasi!"
Natapos ang usapan naming 'yon. Lumabas na ako ng bahay at nagpaalam na uuwi na.
"Mag-iingat ka, Princess," sigaw nila sa akin.
Kung kami ang katuparan ng pangarap nila mo and dad na isang masayang pamilya. Sila naman ang katapuran namin na magkaroon ng pamilya. Binuo namin ang pangarap ng bawat isa.
Noon pa man ipinag-papasalamat ko na dahil sila ang pamilya ko. Kung paano sila hindi napagod na alagaan kami ay ganoon din kami sa kanila.
Masama ang tingin ni Flair nang marating ko ang sofa ng mansyon.
"Bakit ngayon ka lang over melanin?"
Inalalayan ko siyang tumayo dahil hindi siya makalakad. Inilagay ko siya sa wheelchair.
"Saglit lang nawala."
"Anong saglit?! Dalawang oras ka nawala!" asik niya.
"You're noisy, baby."
"Noisy! Saan ka galing?!"
"Kala mommy." Dinala ko siya sa kusina. "Kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Hinihintay kita!" Pagmamaktol niya pa rin.
Ano bang iniiyak-iyak nitong impaktong ito? Saglit lang nawala. G na G.
"Bilisan mo negra. Kakain na ako!"
Pinaningkitan ko siya ng mata.
Negra? Really? Ang over melanin matatanggap ko pa pero ang negra hindi makatarungan 'yon! Morena clara ang kutis ko hindi negra!
"K." Tipid kong tugon sa kaniya.
"Tapos ikaw pa ngayon magagalit. Iniwan mo ako tapos ako pa ngayon ang masama!"
"Saglit lang nawala kala mo naman hindi na bumalik!" asik ko rin.
Okay! Warla nanaman!
Pinihit niya ang wheelchair at akmang tatalikod.
"Sige talikuran mo ako hindi ako magpapakasal saiyo!" Asik ko sa kaniya.
"Edi 'wag!"
Aba ang imapakto talagang umalis. Inis akong umupo. Ang arte niya.
Kailangan ba lahat ng oras nasa tabi niya?
Nilaro ko nalang ang kutsara sa plato.
"Ano! Hindi mo ako susuyuin?"
Napalingon ako sa kaniya dahil nakasilip siya sa akin. Bumalik ang impakto at ano daw 'di ko siya susuyuin?
Ewan ko saiyo! Abnormal!
Hindi ko siya kinausap. Maya-maya pa ay nilagay niya na ang kamay sa baiwang ko.
"Sorry na. Iniwan mo kasi ako hindi ka nagpaalam." Nakanguso niyang sabi.
"Tse!"
"Tse-tseriya" nakanguso pa rin siya.
"Bati na tayo." Tuluyan na siyang yumakap. Tumango lang ako.
Hindi mo pala ako matitiis, huh?
natawa ako sa isip. Sinandukan ko siya ng kanin at ulam na sinigang.
"Subuan mo ako." Nagpa-cute pa siya kaya napangiti nalang ako.
Sinubuan ko siya, para siyang bata na gusto pang magpapunas sa labi. Ngingiti-ngiti na animo'y kinikilig.
Hay nako, impakto! Bakit ka ba pinanganak na abnormal?
"Sabi ko na baliw na baliw ka sa akin!" Masigla niyang sabi at malaking isinubo ang kutsarang binibigay ko.
'Ayon nanaman 'yong 'baliw na baliw ka sa akin' ako ba talaga o baka siya? Halatang siya 'yong baliw sa akin dahil sa ginagawa niya.
Nakita kong sumilip lang si Taxon pero umalis din. Ayaw siguro makaistorbo.
Naglagay ako ng kanin at isda sa kutsara at isinubo ulit sa kaniya.
"Ang sweet ng asawa ko.." masaya niyang sabi. "Bakit kasi nabangga ako? Sana kasal na tayo ngayon!" Nag-inarte pa siya at kunyaring umiiyak.
"Masakit pa ba ang paa mo?"
"Hindi na. Sumasakit lang ito kapag umaalis ka at hindi nagpapaalam."
"Connect?" Sarkastiko kong sabi.
Akala mo naman talaga kung saan ako galing.
"Hindi mo ba nakakasama si Nel Jan?"
Gosh! Bakit nanaman siya napasok sa usapan? Kapag hindi si Kean ang pinagseselosan. Si Nel Jan naman? Utang na loob Flair! Bakit ganyan ka ka-impakto?
"Hindi masyado."
"So, nagkikita nga kayo?"
Hindi nalang ako nagsalita.
"Nandyan si Nel Jan." Napalingon kami kay Kil na nasa bungad ng kusina.
"Kakasabi ko lang!" Tiningnan ako nang masama ni Flair.
Tinulak ko nalang siya papunta sa sofa. Tumayo si Nel at ngumiti.
"Kumusta, Jave?" Tanong agad niya.
"Fine!" Inis na sabi ni Flair. "Anong ginagawa mo dito?"
"Dumalaw lang, dinalaw kita kung okay ka na."
"Ako o ang asawa ko?" Sarkastikong sabi ni Flair.
Feel na feel ang pagiging asawa. Sa bagay kung natuloy ang kasal asawa ko na nga siya.
Tinawanan siya ni Nel. "Galit ka naman agad? Ikaw at ang 'asawa' mo ang dinalaw ko " pinakadiinan niya pa ang salitang asawa.
"Wag ka ngang tumawa! Naiirita ako!" Pagsusungit ni Flair.
"Hayaan mo na menopausal " sabay kaming tumawa ni Nel.
"Mukhang gano'n na nga." Paggatong ni Nel.
Sinamaan kami ng tingin ni Flair. Hindi niya nanaman ako kinausap hanggang makapasok sa kwarto. Nagmagaling siyang tumayo at ayaw magpatulong sa akin. Tinawanan ko siya nang matumba. Inis siyang nagpaalalay sa akin pahiga. Tumalikod siya sa akin nang makahiga.
"Galit ako saiyo!"
" ano nanaman? Nagseselos ka lang, eh!" Pang-aasar ko.
Hindi siya nagsalita kaya niyakap ko nalang ang likuran niya.
"Flair.." malambing kong tawag sa kaniya. "Magpagaling ka na dahil gusto ko ng ikasal saiyo."
Humarap siya sa akin habang pigil ang ngiti. Impakto talaga ang isang ito.
"Ako din!" Yumakap siya sa akin at inamoy ang buhok ko.
Hinaplos ko ang noo niya pababa sa labi niya. Ang guwapo niya talaga. Lalo na ngayon at lalaking-lalaki na ang feature niya dahil sa pagkaka-mature niya kumapara noon ay makikita mo ang pagiging totoy niya. Maging ang katawan niya ay lalaking-lalaki na.
Tinitigan lang namin ang mukha ng isa't isa. May kung anong init ang dulot sa akin nang pagkagat niya ng labi. Ipinikit ko nalang ang mata ko.
"I love you, Javen Flair."