Shine Clear's POV
From: Poging Flair
Si Shine ka ba? Kasi ikaw ang nagbigay ng kinang sa buhay ko.
Nakangiti kong binasa ang text ni Flair. Kinikilig ako kaya hindi ako magkandaugaga sa pagbaliktad sa kama. Impit na impit ang kilig at malaki ang pagkakangiti ko.
To: Poging Flair
Si Flair ka ba? Kasi ikaw lang ang may 'unique personality' na mapang-asar pero bumubuo ng araw ko.
Kinilig din ako sa banat ko kahit corny. Huli ko lang nalaman ang ibig sabihin pala ng 'Flair' ay 'unique'.
Hindi kami naghiwalay ni Flair kahit minsan.
Paano maghihiwalay isang araw palang ayaw na mawalay? Miss na agad?
Nag-aaway kami minsan pero sa huli yayakap nalang kami sa isa't isa.
Nag-aasaran kami pero kapag napikon na ako titigil na siya at susuyuin ako.
Hinahampas ko pa rin siya madalas uma-aray lang pero hindi nagrereklamo.
Sinisipa ko siya kapag ayaw pa umuwi pero kahit sipa ko nakasanayan na niya.
Gano'n ang naging buhay naming dalawa. Kahit anong araw basta kami ang magkasama, masaya.
Nakapasa na ako sa LET, nagtuturo na rin ako sa isang public school. Sa una ay medyo mahirap dahil marami pa akong kailangan matutunan pero ngayon ay okay na ako at masaya sa propesyon ko.
Si Flair ay clinical psychologist na. Lalo siyang gumwapo dahil masaya siya sa ginagawa niya. Happy inlove kami sa isa't isa. Minsan sinusorpresa niya ako may pabulaklak ang kuya mo Flair at maraming chocolates 'yong tipong sumasakit na ngipin ko sabi niya..
"Dapat lang na sumakit ngipin mo para mabulok na at mabungi ka, oh 'diba? Hindi ka na magugustuhan ng iba wala na akong karibal."
Humahagalpak ako ng tawa palagi sa mga biro niya.
Si Kean at Yannie, Ali at Rev, Carme at Lance ay kinasal na. Kami nalang yata ni Flair ang naiiwan.
Si Clench ay hindi ko na alam do'n. Minsan dinadalaw ako pero abala din siya sa trabaho niya. Hindi siya nagkwe-kwento tungkol sa buhay pag-ibig niya pero palagi niyang sinasabi na kapag kailangan ko siya tawagan ko lang darating siya.
Si Arah ay abala sa trabaho na hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanila ni Kil. Parehas silang ayaw magkwento. Hindi ko nga alam kung naging sila na ba o ano.
Si Taxon ay best friend daw sila ni Vinea. Sinasama niya si Vinea sa amin paminsan-minsan.
Si kuya Zen ay ayaw talagang mag-asawa. Si kuya Zeke at kuya Zaimon ay as usual, makulit pa rin. Paborito akong asarin.
Nandito ako ngayon sa mansyon ng mga Baider. Pormal ang mga suot namin darating daw ang buong angkan ng pamilya namin. Hindi ko pa kasi sila nakikita kaya pinaghahanda ako ni lolo.
Kumapit ako kay Taxon nang tahakin namin ang mahabang hallway papunta sa mahabang lamesa. Kasama namin sila Kil at Diamond.
I feel excited, but I don't know why I'm nervous maybe because I know that my family is different.
"Good evening.. this is my long lost grand daughter.. Shine Clear Baider." Pakilala sa akin ni lolo.
At first, they don't have emotion, but when lolo announced my name they nodded and smile widely.
"She looks like Laurenz and Anmela." Nakangiting sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay kaedad ni lolo.
"Yeah, Resttan.. look at her expressions, but don't get me wrong.. matapang siya unlike my son and wife.. masyadong mabait." Lolo smiled at Resttan.
"That's good.. baka siya pa ang magtanggol saiyo " biro ni Resttan.
"Sinabi mo pa."
Pinakilala ni lolo ang lahat sa akin. Resttan, Ariya, Semon, Anton, Lucio, Leroi, Lauressa, lahat sila ay makikitaan mo ng pare-parehas na emosyon. Mga seryoso pero ngumingiti naman paminsan.
"Hmm. Shine, do you have a boyfriend." Bigla ay tanong ni Lauressa.
"Yes po, he's Javen Flair Imperial. Do you all want to meet him?" nakangiti kong sabi.
Nagtaka ako kung bakit sila nagkatinginan lahat.
Is there something wrong?
"Why? Is he wants to marry you?" tanong ni Resttan.
Napatitig ako sa kaniya. Oo naman gusto akong pakasalan ni Flair pero sabi niya maghahanda daw siya sa patunay.
"Yes po.."
"Apo.. hindi mo kasi pwedeng ipakilala sa kanila ang boyfriend mo. Makikilala lang nila si Jave kapag gusto ka na niyang pakasalan." Paliwanag ni lolo kaya tumango nalang ako.
"How about you, Kil, Diamond and Taxon when do you want to marry?" tanong ni Semon.
Natigilan ang tatlo. Si Diamond ay nag-iwas ng tingin. Si Taxon ay tinitigan siya. Si Kil ay yumuko.
"I want to marry her, but the problem is she doesn't love me. We're just bestfriend." Kwento ni Taxon at sumubo na.
"Ohh.. the best friend zone " tumawa si Ariya kaya napangiti nalang din kami.
"Kil?" tanong ni Leroi. "Don't tell me you want to be like us.. walang asawa?"
Nag-angat si Kil ng tingin walang emosyon pero makikita ang lungkot.
What is happening to him? I thought he likes Arah?
"W-wala po akong nagugustuhan" sabi ni Kil.
Napatitig ako sa kaniya. Nakunot ko ang noo ko.
"Really?" paninigurado ko.
"Yeah." Tipid niyang sagot.
Sunod naman ay nilingon ng lahat si Diamond.
"Duh! I don't want to love again! I hate love" mataray niyang sabi at umirap pa.
I thought she likes Tyron? Bakit parang ang gulo naman ng lahat? So, mali-mali ang hinala ko?
"Let's not talk about their lovelife.. how's the business.. Laurent?" tanong ni Ariya kay lolo.
"Okay lang, ang mga apo ko ang nag-aasikaso dahil tumatanda na ako. Marami ng sakit "
"ha ako rin baka mamatay na nga ako" sabi ni Ariya.
Natahimik ang lahat.
Is it a joke?
"Well.. masamang damo siya. Kabado naman kayo " sabi ni Leroi.
Natapos ang gabihan namin. Masaya naman palang kasama sila. Akala mo lang talaga ay masusungit pero makukulit din. Medyo may katandaan na ang iba pero hindi na nag-asawa.
Poging Flair calling..
"Yes, baby?" bati ko sa kaniya.
"I miss you, baby cherish.. I'm so tired." rinig ko pa ang paghakay niya.
"Why didn't you sleep?"
"I want to talk to you my over melanin Zeal."
"Stop annoying me, baby."
"I'm not .. when do we see each other?"
"Tomorrow"
"Shut! As in? Waaah!! I'm so excited."
"Tse!"
"Tse-tseriya"
"Corny!"
"Pogi naman"
"Saan banda?"
"Sa face"
"Hindi ko makita"
"Bulag ka kasi"
Natawa ako kahit hindi ko siya nakikita alam ko nakanguso siya.
Flair.. Flair.. Flair..
"I love you" I said.
"I love you 3x a day "
Kainis talaga ito mang-alaska kung nandito siya pinaghahampas ko na siya.
"Impakto!"
"Impaktong guwapo at mahal mo?"
Pinigilan ko ang ngumiti. Kakainis talaga siya.
"Kinikilig 'yan " dumali nanaman ang pang-iinis niya. "Wag ka mag-alala ako ito si Flair kay Over Melanin Zeal lang kakalabog"
"ha" napalakas ang tawa ko kaya nagtinginan sila sa akin kaya napangiwi ako.
"Tigilan mo na nga mga ka-cornyhan mo diyan napapahiya ako dito, eh."
"Baka lalo ka kamong na-iinlove marry me na kasi."
"Ewan ko saiyo" kunware galit-galitan ako.
"Saiyo ang pag-ibig ko.. saiyo ohhh" kanta niya sa kabilang linya at saka siya humagalpak ng tawa.
"Happy?"
"Happily inlove with you"
Hindi ko na pinigilan ang ngumiti.
Ugh! Kainis ka talaga impakto!
"Ilang minuto?" Tanong niya. Napakunot ang noo ko.
"Huh?"
"Ilang minuto ka ba kiligin? ha" pang-aasar niya. Rinig ko ang lakas ng tawa niya sa kabilang linya.
"Bahala ka nga diyan. Bye na!" nakangiti kong sabi.
"Bye.. kumain ka na 'wag kang magpagutom aasawahin pa kita."
"Ewan ko saiyo!"
Binaba ko na ang tawag dahil sa sobrang kilig.
"Kilig to the bone?" nakangising sabi ni Kil.
"Isa ka pa"
"Kuya, kinikilig si Shine " lumapit si Kil kay Taxon.
"Inggit ka lang" nakangising sabi ni Taxon kaya tumawa ako nang malakas.
"Inggit " tinuro ko pa ang mukha ni Kil.
Natahimik si Kil pero nakangiti pa rin.
"Shine Clear" nilingon ko si Resttan na ngayon ay nakangiti sa akin. Lumapit siya at hinawakan ang pisngi ko.
"Anmela Eris.. ikaw 'yong another version niya."
"Talaga po? Nakita ko nga po sa mga pictures niya."
"Yeah.. as in.. by the way kailan niyo balak magpakasal?"
"Hindi ko pa po alam. Inaayos pa po kasi namin ang career."
"Just trust him.. don't be afraid of patunay lalo na at lalaki siya. There is a highest posibility that he will survive."
Iniwan niya na rin ako. Pinasadahan ko ng tingin ang angkan namin.
They look happy.
Naagaw ng atensyon ko si Taxon na nakatitig lang sa phone niya.
"Hey, Taxon!"
Tinago niya agad ang phone. Nakita ko kung gaano kalungkot ang mata niya.
"Why?" tanong niya nang titigan ko siya.
"Wag ka ng malungkot mamahalin ka rin noon. Sa guwapo mong 'yan, attorney." Umakbay ako sa kaniya.
Attorney na siya, kakapasa niya lang pero ganoon siya kasikat dahil sa galing niya humawak ng kaso.
"Okay lang kahit hindi niya ako mahalin we're best friend."
"Basta lagi mong padalhan ng bulaklak magkakagusto din 'yon."
Tumawa siya. "Ohh men.. you're crazy. She has a boyfriend. Okay na ako sa best friend."
"Ang lungkot noon"
"I know, but that's okay as long as I love her."
"Martyr "
"Whatever you called"
Nilingon ko si Diamond na ngayon ay nagli-lipstick.
"Where are you going?" tanong ko sa kaniya.
"Sleep"
Natawa ako sa sinabi niya.
"Matutulog ka lang nagli-lipstick ka pa?"
"You don't care, Shine!" Inirapan niya ako at dumiretso na paakyat.
This family is really weird.
May Taxon na martyr sa pag-ibig.
May Diamond na palaging naka-make up kahit matutulog lang?
May Kil na ewan ko kung ano ang trip dahil palaging nakangiti hindi mo alam kung bakit palaging masaya.
Si lolo na abnormal, hindi iinom ng gamot kapag wala ako kailangan daw ako ang magpainom.
At ngayon itong matatandang hukluban na walang mga asawa.
Napabungisngis ako sa naisip.
Ang tingin ng iba, nakakatakot ang pamilyang ito hindi nila alam panlabas lang 'yon.
This family is weird, but yet astig. I don't know why I'm part of this family or should I say I'm lucky?
They're not bad hence, they have extremely love for every member to the point that we have patunay.
Patunay.. para patunayan ang pagmamahal.
Flair my impakto will pass the patunay.
I know him.. the king of deadly martial arts.
Alam ko kung gaano niya ako kamahal.