Shine Clear's POV
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang malakas na drums. Nasa hallway ako ng mansyon. Sinilip ko ang nakaawang na pinto. Napamaang ang bibig ko nang makita si Kil, enjoy na enjoy sa pag-headbang at hini-hit ang drums.
Sumayaw ka
by: Gloc-9
Simula sa pinakataas ng katawan hanggang sa pababa ng pababa sa balakang
Nalibang akong panoorin siya kaya nakasilip lang ako sa pinto. May ganitong talent pala si Kil kahit hindi marunong sumayaw. Magaling naman kumanta at mag-drums.
Pumalakpak ako nang matapos niya ang kanta.
"Galing! Bravo!"
"Hanga ka naman sa akin, Shine" nakangiti niyang sabi.
"Sumayaw ka pero hindi ka naman marunong ha" pagbibiro ko.
"At least marunong kumanta. Sometimes, we have a gig with my banda."
"Really? You have band?"
"Uh huh"
"Kailan pa? Bakit hindi ko alam?"
"Matagal na pero bihira kami kumanta kasi busy sa college" lumapit siya at umakbay sa akin.
Lumabas kami ng music room.
"Is Arahmel really likes me?" bigla ay tanong niya.
"Yes, why can't you believe her?"
"I don't know. I don't like her."
Napabitaw ako sa pagkakaakbay niya.
"What?! Ayusin mo 'yan! Bakit hindi? Sipain kita!"
Nagkibit balikat siya at tipid na ngumiti. "Hindi ko kayang pilitin ang sarili ko."
Pinanood ko ang pagtalikod niya. Ang sakit naman noon. Si Taxon may mahal pero hindi siya mahal. Si Kil may nagmamahal pero hindi niya mahal?
Sumasakit ulo ko sainyo!
But I can see that Kill also likes Arah baka hindi niya lang nare-realize? Baka dumating ang araw na ma-realize niya huli na ang lahat.
"Kil!" habol ko sa kaniya. "Layuan mo siya at kapag na-miss mo, hinanap mo, nasaktan ka at nalungkot.. maniwala ka sa akin.. gusto mo na siya."
Tumango lang si Kil.
"At kapag hindi mo nagawang layuan siya.. mahal mo na siya."
Napalingon siya sa akin at tumawa.
"What are you saying? By the way, I'm going let's talk later." umalis na rin siya.
Nagulat ako nang umalingawngaw ang isang kanta sa buong mansyon. Sa lakas noon kahit tulog ay magigising.
Ano 'yon? Sino nagpatugtog noon?
Marry Me
By: Jason Derulo
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Flair sa malaking speaker. Kung saan-saan nagkalat iyon. Hindi ko napansin kanina.
Tumulo ang luha ko. Sabi niya, ang kantang 'yon ay paiiyakin ako kapag dumating ang araw na magpro-propose siya. Alam ko na kung ano ang nagyayari. Gumapang ang saya sa dibdib ko.
Naglakad ako, sinundan ko kung saan nanggagaling ang tunog. Narating ko ang garden. Ang garden namin na puno ng iba't ibang bulaklak pero ngayon ay sobrang ganda dahil sa mga nakalawit na telang pink. Bawat tela ay may rose na nakalagay. Bawat daanan ko ang petals ng rose ang natatapakan ko. Tulo nang tulo ang luha ko sa sobrang saya.
Nakita ko na si Flair, ang guwapo niya sa coat na itim, neck tie na itim, at puting panloob. Pormal na pormal at kitang-kita kung gaano siya ka-propesyunal.
Nilingon ko ang lahat ng nandito. Kompleto ang lahat, nakangiti, ang iba ay umiiyak pa sa sobrang saya katulad ko lalo na si Carme. Maging si Lance ay nakangiti.
Unti-unting nagtatagpo kaming dalawa ni Flair. Alam kong hindi pa ako dapat maging masaya dahil sa patunay pero ang isiping handa na siyang suongin 'yon ay wala ng mapaglagyan ang galak sa puso ko.
Narating namin ang isa't isa. Hawak niya ang mic, nakangiti sa akin, walang balak na tanggalin ang mga tumutunaw niyang titig sa akin. Napahagulgol ako dahil siya.. siya ang lalaking gusto kong pakasalan.. siya ang lalaking gusto kong mahalin habang buhay. Gumawa ng pamilya at habang buhay na maging masaya.
Lumuhod siya sa harapan ko. Tumutulo din ang luha niya subalit, nakangiti. Ang mga mata niya ay punong-puno ng masayang emosyon. Ang mga tingin niya sa akin ay nagpapakita kung gaano niya ako kamahal.
Napatakip ako sa bibig ko nang ilabas niya ang pulang box. Nang buksan niya ay pinaghahampas ko siya!
Kwentas ang laman! Paasa!
"haha" tumawa siya nang sobrang lakas.
"Ewan ko saiyo!" Akmang tatalikod ako pero hinatak niya ako pabalik.
"Wait ka lang kasi" kinuha niya ang kwentas at isinuot sa akin. Nakasimangot ako akala ko papakasalan niya na ako.
Nanlaki ang mata ko nang muli siyang lumuhod at may kinuha nanaman na pulang box. Ang lapad ng pagkakangiti niya.
"I always tease you.. I love the way you react, but you know what I love the most?"
"Ano daw?" Napatawa ako nang sagutin 'yon ni Rev.
Binatukan siya ni Kean kaya tinakpan niya ang bibig niya.
"Cherish, answer me." malambing na sabi ni Flair.
"Ano daw?" Panggagaya ko sa sinabi ni Rev kaya nagtawanan sila.
"Sweet dapat ito. Bakit naging comedy? " natawa na rin si Flair.
"I love imagining that you're my wife.. but now, this isn't fantasizing.." kinuha niya ang kamay ko. Tumulo ang kapirasong luha niya.
"Will you marry me or will you be my wife?" sinsero niyang sabi.
"Marry him! Marry him! Marry him!"
Napalingon ako kay Rev, Kean, Taxon, Kil, Lance at Clench na ngayon ay nakahubad ang pang-itaas na damit may nakasulat sa katawan nila na 'marry him'. Umalingawngaw ang tawanan dahil sa ginagawa nila.
"Baby cherish.. parang nagnanasa ka na sa mga abs nila!" napabalik lang ang tingin ko kay Flair.
"I'm not.."
"Ano! papakasalan mo ba ako o aasawahin mo ako?"
"Oo na!"
Napuno ng sigawan ang buong garden. Nakita ko ang paulit-ulit na pagluha ni Flair. Imbes na si Flair ang bumuhat sa 'kin ay lumapit ang mga siraulo. Binuhat si Flair, tinapon-tapon sa ere kaya naman si Flair takot na takot malaglag.
"Hey! Aaahh!! Malaglag ako!!!!" sigaw niya.
Pinagtawanan siya ng lahat. Para silang mga gago sa kalokohan kahit si Taxon at Lance ay nakikisali na madalas.
Napatawa ako nang malakas nang dalahin nila si Flair sa pool at itapon. Pikon na pikon si Flair.
"Shut! Proposal ko ito tapos ginanito niyo ako! Mga siraulo!!!" sigaw niya.
Pinagtawanan siya ng mga loko. Umahon si Flair. Nanlaki ang mga mata ko nang buhatin niya ako at sabay kaming bumagsak sa tubig.
Pinagpapalo ko siya. Tawa naman siya nang tawa.
"I love you, baby cherish." bulong niya sa tainga ko.
"I love you always, baby."
Hinalikan niya ako kaya nagsigawan sila. Ito na 'yon dadaan na siya sa patunay.
I'm not afraid.. I trusted him.
"Baby, wait for me at the edge of the mountain. I'll marry you." paninigurado ni Flair.
Hinaplos ko ang noo niya pababa sa labi.
"Maghihintay ako basta ikaw ang pakakasalan ko." ngumiti ako sa kaniya. Nakita ko rin ang mapuputi niyang ngipin.
Ang pogi!
"Gagawin ko lahat para saiyo."