Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 21

Shine Clear’s POV

Naiyak na ako dahil sa sakit. "FLAIR!!" ubos lakas na sigaw ko.

Hindi agad nabuksan ni Flair ang pinto dahil ni-lock ko. Sunod-sunod na sipa ang ginawa niya. Bumukas ang pinto. Natigilan si Flair nang makita ang dugong dumadaloy sa hita ko. Nagmadali siyang lumapit at binuhat ako.

"Fuck! You're pregnant!" Nagmadali siyang suotan ako ng damit.

Kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Nangilid agad ang luha niya habang nakatingin sa akin. Tinakbo niya ang mahabang hallway habang karga ako. Humahagulgol na ako ng iyak.

Paano kung may masamang mangyari sa baby namin?

Napatayo ang tatlo nang makita ako.

"What happened?" Tanong agad ni Taxon. Nakita niya ang dugong dumadaloy sa may pwetan ko kaya nanlaki ang mata niya at nanginig ang katawan niya. Natakot din si Taxon.

"Shine!" Tawag naman ng dalawa. Natigilan din sila nang makita ang hitsura ko.

"Oh no!" Nasapo ni Diamond ang bibig niya.

"I don't have time to explain. Buntis siya nadulas sa banyo." Mabilis na sabi ni Flair.

Narating namin ang hospital. Inihiga agad ako sa stretcher.

"Baby.." hawak ko ang kamay ni Flair parehas kaming umiiyak.

"The baby will be okay," pag-alo niya sa akin.

"."

Pagmulat ko nang mata nasa tabi ko si Flair at hawak ang kamay ko. Napabalikwas agad ako ng bangon at napahawak sa puson ko.

"Flair? Ang baby? Anong nangyari? Okay--" nangilid agad ang luha ko.

Niyakap ako ni Flair. "Shh. Okay lang siya. Sabi ng doctor sensitive daw ang pagbubuntis mo. Kailangan mong mag-ingat, doble o triple pa."

Nakahinga ako nang maluwag. Nanghihina pa rin ang katawan ko. Buti nalang at okay ang baby dahil mababaliw ako kung may nangyaring masama sa kaniya.

"I think we need a vacation? Umuwi muna tayo sa Camarines Norte makakapagpahinga ka doon."

Tumango nalang ako. Napalingon kami sa pinto nang bumukas iyon. Ang ingay nila Rev at Kean. Nakipag-apiran kay Flair at tuwang-tuwa.

"Congratulations!" Nagbatukan pa ang mga siraulo.

Lumapit si Carme at niyakap ako. "I'm soooo happy!"

"Ako din!!!" Gusto kong tumalon sa tuwa.

"Cherish, baka tumalon ka diyan, ah." Paalala ni Flair.

Si Lance ay karga ang anak na babae nila ni Carme.

Bumukas ulit ang pinto. Napangiti ako nang makitang si Nurse Clench kasama si Nurse Rozel.

"Mahiyain ang girlfriend ko." Nakangiting sabi ni Clench at umakbay kay Rozel.

"Woah!!" Mangha naman ang lahat dahil sa kaniya.

"Congrats, Elle!" Yumakap sa akin si Clench.

Hinampas ko siya. "Bakit ngayon mo lang pinakilala ang girlfriend mo?!"

"Mahiyain nga ." Sa hitsura niya halatang sobrang saya niya.

"Idol!!!" Nagtatalon si Vinea papasok ng room. Nasa likod niya si Taxon.

Tiningnan siya ng lahat na may malokong ngisi.

"Petchay!!! I'm so happy! Sasayawan sana kita kaso hindi ako marunong! May anak na kayo ni Jave!!! Yes!!" Sa sobrang saya ni Vinea ay ang dami niyang sinabi.

Nilingon ko si Taxon na nakangiti lang habang nakatitig sa kaniya.

"Umalis na kayong lahat. Papahinga na asawa ko!" Pinagtabuyan ni Flair ang lahat.

Attitude si kuya mo Flair.

"Bye, beautiful!" Naipit pa ang kamay ni Kean dahil sa pagtataboy ni Flair.

Talaga namang impakto ito.

Inalalayan niya ako papunta sa banyo dahil naiihi ako. Nakipag-away pa ako dahil gusto niyang sumama sa loob baka daw madulas ako.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at hinaplos ang tiyan ko.

I can't believe that there is a baby inside me. I didn't expect...

Sa sobrang dami kong ginagawa hindi ko napansin ang pagbabago sa katawan ko. Madalas nga sobrang pagod ako at inaantok akala ko dahil lang sa trabaho. Wala naman kasi akong cravings at hindi rin ako nagsusungit kaya hindi ko talaga alam.

Paglabas ko ng banyo ay yumakap sa likuran ko si Flair. Nagulat ako dahil may tumutulong tubig sa likod ko. Umiiyak ang impakto kaya tinawanan ko.

" ang saya-saya ko dahil daddy na ako. Mag-iingat ka kasi palagi.. kung hindi ka pa nadulas hindi natin malalaman ."

Iniharap ko siya sa akin at tinawanan ang mukha niya. "Crying baby."

"Masaya lang ako.. sobra!"

Inalalayan niya ako pahiga.

Humalik siya sa noo ko. Patuloy lang sa pagluha ng mga mata niya. Ang drama niya, sabagay unang beses maging tatay. Pinigilan ko ang matawa ulit dahil sa hitsura niya sumisinghot-singhot pa dahil tumutulo na ang sipon kakaiyak.

"You want a daughter?" Nakangiti na siya ngayon.

"Yeah." Tipid akong ngumiti dahil sa panghihina.

"Anong pangalan niya?" Kumuha siya ng orange at pinagbalat ako.

"Shivelle Flear." Hindi ko alam pero 'yon ang lumabas sa bibig ko.

"Ang ganda ng pangalan. Shivelle Flear Baider-Imperial" Inabot niya sa akin ang orange. "Vitamin C."

Kinuha ko iyon at kinain.

"Paglabas mo dito uuwi agad tayo ng bicol isasama ko si Kuya Zen."

"Iistorbohin mo pa si kuya pwede namang ibang doctor."

"Mas okay kung siya dahil siguradong aalagaan ka niya." Kinuha niya ang kamay ko. "Nakakatakot ang pagbubuntis mo dahil sabi ng doctor hindi normal mahina ang kapit ng bata kaya nangyari saiyo ang gano'n. Pinagalitan pa nga ako dahil bakit daw hindi tayo nagpa-check up agad. Nahiya ako dahil ang daming nakatingin para akong batang pinapagalitan . Muntik na akong mapahikbi."

Natawa din ako sa sinabi niya.

"You happy?" Nakangiti kong pinitik ang ilong niya.

Masama niya akong tiningnan. "Magtatanong ka lang kung masaya mamimitik ka pa?" Masama niya akong tiningnan.

"Gusto ni baby." Tatawa-tawa kong sabi.

Kumuha siya ng apple at hiniwa.

Puro ba prutas ang kakainin ko?

"Ayaw ko na busog na ako."

"You need nutrients." Sapilitan niyang pinakain ang apple. Nginuya ko nalang.

Yumakap nanaman siya sa tiyan ko.

"Hey, Shivelle, I'll teach you the deadly martial arts moves ." Hinampas ko nga siya.

Hindi pa nga lumalabas gagawin niya agad na maaksyon ang buhay. Gaya niya pa sa aming dalawa.

"I'm the happiest father."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.