Javen Flair's POV
Naghanda na kami ng mga damit dahil magbabakasyon muna kami sa Bicol, sa mansyon ng mga Baider. Hindi ako mapakali tuwing magbabanyo si Zeal. Nauuna pa akong pumasok doon para alalayan siya.
I'm paranoid, I didn't stop myself from thinking of something's happen when she was alone at the bathroom.
Kahit hinahampas niya na ako papasok pa rin ako sa banyo. Tinitiis ko ang mabahong amoy ng poop niya para lang alalayan siya.
Shut! Right? Walang magagawa mahal ko, eh. Yihiii! Sweet corn!
"Stay there!" Utos ko sa kaniya dahil inuna kong ilagay sa van ang mga gamit namin.
Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Akmang maglalakad siya sinigawan ko na agad.
"I said stay there! Kapag nadulas ka nanaman!"
Nakanguso siyang huminto. Wala na siyang ginagawa ng mag-isa palaging gusto kong nando'n ako.
I was scared, so scared and worried about her and our baby.
Nagdatingan na rin sila Rev dahil sasama daw sila. Todo paalala ako na 'wag isama ang asawa ko sa kalokohan dahil sensitibo ang pagbubuntis niya. Sinabi ko rin na lumayo-layo sila dahil baka kapag nagkukulitan sila matabig nila si Zeal.
"Rev! Kean! Ayusin niyo, ah! Tatalsik talaga ulo niyo sa batok ko kapag natumba ang asawa ko sa kakulitan niyo!"
"Yes, boss!" Yumuko pa ang mga loko.
"Come.." kinuha ko siya at hinawakan sa baiwang.
"Daig ko pa ang PWD. I'm okay, impakto!" Asik niya sa akin.
"Just.. let me." Madiin kong sabi sa kaniya.
Ipinasok ko siya sa van. Tumabi sa loob si Rev at Ali pero pinalayas ko.
"Hey, Rev, doon ka sa likod! 'Wag ka tumabi sa asawa ko ang kulit mo!"
Magsasalita pa sana siya pero pinalabas ko na kaya sumunod si Ali.
"Nakakatakot na ang pagiging OA ni Jave ." Sa lakas nang tawa niya. Pinagtawanan siya ng lahat dahil nakakatawa ang tawa niya.
Umandar na ang van. Inihiga ko siya sa hita ko.
"Matulog ka na muna."
Hinaplos ko ang noo niya. Pumikit na siya at nakatulog.
Gumapang ang kaba sa dibdib ko nang bumangon siya bigla at nakangiwi, hawak ang puso niya.
"Ang sakit! Flair!"
"Lance, ihinto mo saglit!" Utos ko kay Lance.
Tinawagan ko agad si Kuya Zen. Huminto rin ang sasakyan nila. Pumasok agad siya para tingnan ang kapatid. Napabuntong hininga na ako sa pag-aalala. Nahihirapan talaga siya sa pagbubuntis niya.
"Okay lang siya. Minsan talaga sumasakit that's the symptoms of pregnancy. She needs to rest."
Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin iyon ni Kuya Zen.
Muling umandar ang sasakyan. Hinaplos ko ang buhok niya.
"Are you okay?" Tumango lang siya. Ang pamumutla ay nando'n pa rin. Naaawa na ako sa kaniya.
"What do you want to eat?" Tanong ko sa kaniya. Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko habang nakaakbay ako sa kaniya.
"Peanut."
Natawa ako.
Saan naman ako kukuha ng peanut?
"Sige pero mamaya kapag may nadaanan tayo."
Pinatulog ko ulit siya. Tinawagan ko si Manang Cora para magdala ng mani sa mansyon.
Narating namin ang mansyon. Mag-iingay pa sana sila Rev pero binato ko ng bote ng tubig.
"Nagpapahinga ang asawa ko!"
Hindi ako agad bumaba dahil tulog pa si Zeal.
Kung mahal ko siya noong hindi pa siya buntis mas mahal ko siya ngayon.
Yihii! Sweet corn!
Pinagmasdan ko lang ang mukha niyang tulog. Nakaunan ang ulo niya sa hita ko.
Wala na talagang mas gaganda pa saiyo sa paningin ko.
Siguro kung nandito si mommy parehas kaming tumatalon sa saya dahil may apo na siya.
"Hmm." Umungol siya at nagmulat ng mata. Bumangon siya at sinilip ang labas. "Bakit hindi mo ako ginising?"
"Kasi mahimbing ang tulog mo." Kinuha ko na ang mga gamit namin. "Let's go, baby."
Pinakapit ko siya sa braso ko. Kapag bibitaw siya sinasamaan ko ng tingin. Ayaw kong mawalay sa tabi niya kahit isang saglit. Inaabot ako ng kabaliwan ko at matinding pag-aalala.
Pagpasok namin nasa sofa sila. Pagod na pagod. Karga ni Carme ang anak nila. Si Lance ay nilalaro ang kamay nito. Si Rev at Ali ay naglalandian sa sofa, nakahiga si Rev sa hita niya. Si Clench ay nasa kusina kasama si Rozel. Si Kean ay nilalaro din si Qiera. Si Diamond at Kil ay nakita kong paakyat sa taas. Hindi nanaman sumama si Arah, mahirap manghula sa estado nila ni Kil.
"Baby, can I eat ice cream?" Nagpa-cute pa sa akin si Zeal.
"Kaunti lang." Kumuha ako sa ref ng ice cream at nilagyan siya sa platito.
Kinagabihan ay tumambay kami sa tabing dagat. Sinadya kong ilayo si Zeal sa kanila dahil ang kukulit nanaman, naghahabulan. Magkahawak-kamay kaming naglakad sa buhanginan.
"Tell me if you're tired. We'll go back."
Kinapit niya ang kamay sa braso ko.
"Ano kayang hitsura ni Shive? Babae kaya siya? O lalaki?" Nakangiti siya na sa tingin ko ay nag-iimagine.
Sa ganda ng ngiti niya palagi akong napapatitig doon.
"I think she's a girl because that's what you want."
Naglakad kami nang dahan-dahan. Hindi ko siya pwedeng basta nalang itapon sa tubig katulad ng palagi kong ginagawa. Bawat kilos ko ay maingat.
"Paano kung lalaki? Shive pa rin ang pangalan?"
"If that's what you want. Kung ano ang gusto mo 'yon ang pangalan niya." Inakbayan ko siya.
Malamig ang simoy ng hangin kaya hinigpitan ko ang pagkaka-akbay sa kaniya.
"Sino kaya ang kamukha?" Hindi na siya matigil kakaisip sa baby namin. Gano'n siya ka-excited.
"Ako ." Hinampas niya ako.
"Ilong lang dapat saiyo the rest akin na!"
"Kahit ano pang hitsura anak mo 'yon."
"Paano kung mukhang impakto? Waaah!" Nanlaki ang mata ko. Kakaiba rin ang imahinasyon niya.
Umiling-iling siya. "No, no!"
Hindi pa naman malaki ang tiyan 4 weeks palang. Matagal-tagal pa.
Huminto kami sa may malapit sa tubig. Natutuwa siyang pinaglaruan ang paa na naabot ng tubig. Umupo kami.
"Tingnan mo nga ako, impakto." Iniharap niya ang mukha ko gamit ang kamay niya.
"Oh?"
"Ang ganda ko 'no?" Nakangiti akong tumango.
"Palagi naman."
"Bakit nambababae ka pa?"
Nanlaki ang mata ko.
Saan nanggaling 'yon?
"Kailan ako nangbabae? Never!"
"Si Marie babae mo."
"Shut! Baby, she's not. Kasama ko lang palagi sa clinic."
"See!"