Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 29

Shine Clear's POV

Nagkakagulo ang lahat sa mansyon kakaayos at kakapaganda nito. Prente naman akong nakaupo at pinapakain si Shivelle Flear.

"Ubusin mo ito, Shivelle."

"I'm full, mom." Cute na cute siya sa pagsasalita.

Napabuntong hininga nalang ako. Ang hirap niya talagang pakainin. Paano ba naman kumain siya ng maraming chocolates kaya busog na.

"Dad!" Yumakap si Shivelle sa tuhod ni Flair. Kinarga niya naman ito.

Kung meron akong napapansin kay Shivelle. Bihira siyang ngumiti, lagi siyang walang emosyon. Nakikita ko sa kaniya ang pagiging Baider. Kuhang-kuha niya ang mga tingin ni Taxon na palaging masama. Kahit ang hitsura niya ay nakuha sa amin ni Flair, ang ugali niya ay purong Baider. Walang makulit na ugali ni Flair o palabiro. Seryoso palagi ang mukha niya, madalas hindi ko mahulaan ang iniisip niya.

Hindi nga siya natatakot madapa, kahit masugatan siya ay hindi iiyak. Wala siyang takot. Mas malupit na version yata siya naming dalawa ni Flair. Bata palang pero makikitaan mo na ng tapang.

"Sinong bata ang may pasalubong kay tito?!" Malapad ang pagkakangiti ni Kean pero isang tipid na ngiti ang itinugon ni Shivelle at saka lumipat ito ng karga kay Kean.

"Barbie at mga chocolates!" Ibinigay ni Kean ang mga ito kay Shivelle.

"Thank you, tito." Tipid pa rin ang ngiti niya.

"Cherish?" Tumabi si Flair sa pagkakaupo ko sa sofa. "Anong ginawa natin? Bakit ang hirap para kay Shivelle na ngumiti?"

Pati pala siya ay nahahalata. "I don't know."

"Kapag titingnan ko siya parang ugali ni Taxon ang nakikita ko." Umiling-iling si Flair. "Masayahing pogi naman ako!" Inilagay niya pa ang daliri sa baba at nag-isip.

Natawa ako sa 'masayahing pogi naman ako'. Impakto talaga.

"Hi!" Nakangiting lumapit si Taxon.

Doon ko lang nakita ang malapad na ngiti ni Shivelle. Close siya sa tatlo kong pinsan. Kumarga agad si Shivelle sa kaniya.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Taxon sa kaniya.

"Yes, tito."

"Very good!" Umapir pa si Taxon sa kaniya.

Kinagabihan ay nagsimula na ang party. Naka-gown pa ako ng simpleng kulay itim na kumikinang. Para naman akong bata nito, may anak na ako.

"The most beautiful mother.. Shine Clear Baider!" Sabi ni Leroi. Siya ang nag-emce.

Bumaba ako ng mataas na hagdan. Hawak ko sa kabilang kamay si Shivelle, kulay pink na palubong gown ang suot niya na may ribbon sa right side. Nagpalakpakan ang lahat.

"Happy birthday to you! Happy birthday.. Happy birthday... Happy birthday to you! Shine Clear!" Kanta nilang lahat.

Lumapit sa akin si Flair na may hawak na cake, chocolate cake na may candle sa gitna. Nahampas ko siya nang makita kung ano ang nakasulat.

'HBD Zeal'

Impakto talaga!

Tumawa silang lahat nang silipin din ang cake.

HBD? Siraulo ka!

Akala mo magkaaway kaming dalawa at napilitan lang magpagawa ng cake. Lakas ng tawa ni Flair, kitang-kita mo na ang tonsil niya.

Hilahin ko 'yon, eh!

Kaadikan niya talaga sa buhay kahit birthday ko hindi pinalampas. Sa tawa niya para siyang nanalo sa lotto at naiiuwi na ang isang milyon with house and lot.

"Ganda ng cake, 'no? Hirap na hirap ang designer niyan." Pang-aalaska pa niya. "Blow it, baby."

"Bars! Blow daw!." Umiral nanaman ang pagiging maloko ni Rev kaya hinampas ko rin.

"Happy Birthday, mommy." Nakita ko ang malapad na ngiti ni Shivelle. Humalik muna ako sa pisngi niya bago ko hipan ang cake.

"I have a wonderful gift for my granddaughter." Nagsalita si lolo sa mic. Ipinakita ni lolo ang isang papel na sa tingin ko sobrang luma na.

"Ang titulo ng mansyon sa Camarines Norte."

Natutop ko ang bibig ko.

Talagang ibinibigay niya iyon sa akin?

"Matagal na itong nakapangalan saiyo. Sinadya ko lang talagang 'wag muna ibigay saiyo." Nakangiti sabi ni lolo.

Tumakbo ako para yakapin siya. "Thank you, lolo. Napakahalaga sa akin ng mansyon na 'yon." Emosyunal kong sabi.

"I know."

Sari-sariling regalo ang mga Baider. Hindi ko naman na kailangan ang mga materyal na bagay. Nakukuha ko na iyon pero isang bagay ang nakapagpahinto sa akin.

"You are my Shine Clear.. my only Shine Clear.. you make me happy.. when skies are gray." Lumapit si Flair at pinagdikit ang noo namin. Kumakanta rin ang cute na si Shivelle, nagble-blending ang boses nilang mag-ama.

"You never know, dear... how much I love you.. So please don't take my Shine Clear away."

"You are the woman, and I am the man.. And everything we do, jah knows we do it real strong." Dinampian niya ng halik ang labi ko at yumuko para halikan sa pisngi si Shivelle.

"I know what your heart wants, cherish." Ngumiti si Flair sa akin nang malapad.

"Sa tulong ng mga engineers." Nalilito kung tiningnan si Nel Jan, Rev at Lance na pumunta sa harapan.

"Sa tulong ng architect." Pumunta sa harapan si Kuya Zaimon.

"Sa tulong ng mga Baider na ngayon ay pamilya ko na." Pumunta silang lahat sa gitna.

Tiningnan ako ni Flair. Ang guwapo niya sa pagkakangiti iyon.

"At dahil sa sobrang pagmamahal ko saiyo. Ang regalo ko ay.."

Nag-flash sa monitor ang picture ng paaralan na may nakalagay na...

'Shine Clear's Education for all'

Ang pangalan ng school ay..

'Shine Clear's National School'

Tinakbo ko ang pagitan namin ni Flair. Humagulgol ako ng iyak sa dibdib niya. Ang pangarap kong magtayo ng sarili kong paaralan na para sa mahihirap, libre ang lahat upang magkaroon ng edukasyon ang sinuman ay siya ang gumawa para sa akin.

"This is more than a happiness!" Tumulo ang luha kong bulong sa kaniya.

Umalingawngaw ang malakas na palakpakan.

"Ang layunin ng paaralang ito ay ang magkaroon ng KINANG ang nagtatagong talino ng mga mahihirap na walang kakayanang makapag-aral at magkaroon ng LINAW ang kanilang mga pangarap tungo sa tagumpay!" Sa sinabing iyon ni Flair. Tumalon talaga nang sobra ang puso ko.

Grabeng pasabog ang regalo niyang iyon. Hindi ko alam na ginawa niya 'yon.

Kailan pa?

Sa tingin ko ilang taon bago magawa 'yon pero akalain mong iisipin niya talagang gawin 'yon para sa akin.

Ang daming pasabog sa buhay ng impaktong ito.

Lumapit si Kean. Painting nanaman ang inaabot niya bilang regalo.

"Gosh!" Natutop ko ang bibig ko nang makita kung ano ang ipininta niya.

Niyakap ko siya nang sobrang higpit. "Thank you! Sobrang thank you!"

Ipininta niya lang naman kaming tatlo ni Flair. Nakahawak ang kamay namin sa tig-kabilang kamay ni Shivelle, parehas kaming nakatingin sa anak namin. Malapad ang ngiti namin at para bang humahagalpak.

Larawan ng masayang pamilya.

"Ang galing mo talaga!" Manghang-mangha ako kay Kean.

Niyakap ako ni mommy at daddy. Nagkaroon ng group hug ang pamilyang Suarez. Palagi akong masaya sa mga nagdaang araw. Mas lalo iyong naging masaya dahil sa mga regalo nilang hinding-hindi mabibili ng pera dahil lahat 'yon ay may kaakibat na kahulugan at nakaukit ang pagmamahal.

"Wala akong regalo." Lumapit si Clench, magkahawak kamay sila ni Rozel. "Pero siguro sapat ng regalo ito." Ipinakita niya ang kamay nilang dalawa ni Rozel.

Nag-unahan nanaman tumulo ang luha ko nang makita ang partner na singsing nila.

"Clench!" Tumalon ako para yakapin silang dalawa. "Ikakasal na rin ang best friend ko! Ang superman ko! Sobrang ganda ng regalo mo." Mahigpit ko siyang niyakap.

Wala ng mapaglagyan ang saya sa puso ko. "Congratulations!!"

Nagkaroon ng maingay na kasiyahan. Nagsayawan ang lahat. Tila ba nahagip ng mata ko ang masamang tingin ni Marie.

Nandito pala siya?

Nilingon ko ulit siya pero ngiti na ang nakita ko. Gusto kong pag-aralan ang ngiti niya kung totoo ba iyon. Lumapit siya sa akin.

"Happy Birthday!" Nakipagbeso siya sa akin.

"Thanks."

"You're so gorgeous." Wala naman himig ng plastic pero bakit 'yon ang naririnig ko?

I'm acting weird.

"Salamat."

Nagpaalam din siya agad. Pinanood ko pa ang paglalakad niya palayo.

I really don't know why I feel something about her.

Parang hindi gagawa ng matino?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.