"Si Jave kasi ang type ko sana, eh, kaso kay Shine na siya." Tumawa nanaman si Diamond.
"Well, lahat naman type ako." Nagkibit balikat pa ako.
"Woah! The confident is all in you!" Niyukuan ako ni Kean at Rev. Binatukan ko parehas.
"" lakas nanaman ng tawa nila.
Sinilip ko si Shivelle Flear na nakatingin kay Nel Jan.
Don't look at him, Shivelle.
"Juice kayo diyan." Naglapag si Kil ng mga baso sa lamesa kasama niya ang isang maid.
Kumuha naman sila noon maliban sa akin at kay Nel Jan. Wiling-wili pa rin ang legendary playboy sa anak ko.
Gawa ka ng iyo, dude.
"Where's my granddaughter?!" Masiglang lumapit si daddy. Tinapik niya ang balikat ko.
Isa pa itong dad ko, lagi na ring nandito dahil kay Shivelle Flear. Kinuha niya agad ang anak ko kay Nel Jan. Halos mapunit na ang labi niya sa laki ng pagkakangiti. Masaya akong nabigyan ko siya ng kaligayahan. Sabi niya kasi stress reliever daw si Shivelle. Pagkagaling niya sa trabaho madalas dito ang punta niya.
"Wala na laos na ang Lane Glace ko, hindi niyo na pinapansin!" Pagmamaktol ni Carme habang nakakandong ang anak sa kaniya.
"Bakit malalaos nandito si daddy!" Masayang sabi ni Lance at humalik sa pisngi ng anak.
Siguro kapag lumaki si Shivelle hindi malabong maging mag-best friend din ang mga anak namin. Nilingon ko ang anak nila Kean na si Qiera, nilalaro niya ang kamay ni Shivelle.
Bakit puro babae ang anak namin?
"Hi, mga petchay!" Alam ko na kung sino 'yon, si Vinea.
Nakipagdaldalan agad siya bago kinuha ang anak ko. Mamaya mapilayan na 'yan kakapalit-palit ng nagbubuhat. Kagaya nila masaya rin si Vinea.
"Kayo na?" Tanong ko kay Taxon. Umiling siya.
"Ang hina mo."
"Ohh men.. best friend is enough for me. You know how hard to face patunay. I don't want her encounter it."
"Sa bagay."
Nanlaki ang mata ko nang makita si Kean na itinatapon ang anak sa ere tapos sasaluhin.
"Hey, pre! Kapag nahulog 'yan basag bungo niyan!" Saway ko sa kaniya.
Tinawanan ako ni Kean. "Si wonder woman daw siya ."
Loko talaga!
Tuwang-tuwa naman ang bata. Lumapit ako at kinuha si Qiera.
"Yang daddy mo may saltik." Bulong ko kay Qiera.
"What is saltik, tito?" Tanong niya.
Inirotate ko ang kamay sa gilid ng ulo para sabihing 'baliw'.
" mukha nga po." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Qiera. Manang-mana siya kay Kean.
Pinuntahan ko agad si Zeal nang makita kong lumabas.
"Over melanin! Sabi ko magpahinga ka! Ano't lumabas ka nanaman?!" Asik ko sa kaniya.
Kinuha ko agad at binuhat pabalik ng kwarto. Inihiga ko siya sa kama.
"I said rest!" Masama ko siyang tiningnan.
"Baka kasi umiiyak na si Shivelle."
"Paano iiyak 'yon? Ang daming nag-aalaga."
"Okay." Tinalikuran niya ako. Nagtatampo nanaman dahil nasigawan ko.
"I'm sorry." Yumakap ako sa baiwang niya. "Wag ka na kasi makulit. Lagi mo nalang kasi akong sinusuway."
"K."
"Cherish.." Iniharap ko siya sa akin.
Pinikit niya ang mata para hindi ako makita. Hinalikan ko siya kaya nagmulat ng mata.
"Ayaw ko ng manganak ulit!"
" sino bang may sabi na manganganak ka ulit?"
"Kalokohan mo tumatakbo nanaman sa isip mo."
"How did you know?"
"Nabasa ko."
"How?"
Tinuro niya ang labi ko. "Ngingisi-ngisi ka! Bastos 'yang ngisi mo, eh!"
Napalakas ang tawa ko.
Bastos? Shut! Wala nga akong ginagawa.
"Bihira ka ngumisi! Kapag nang-aasar lang!" Asik niya. "Kunin mo na si Shivelle!"
Lumabas ako para kunin siya. Nahirapan pa ako dahil ayaw ibigay ni Vinea. Hyper talaga ng babaeng 'yon. Iniwan ko silang nagkakagulo nanaman at kung anu-ano ang trip sa buhay.
Inilapag ko si Shivelle sa tabi ni Zeal.
"Are you hungry my 'lil princess?" Tanong niya dito. "Parang hindi pa."
Nakakatuwa silang pagmasdan. "Gutom ka na ba, cherish? Kukuha ako ng pagkain."
"Ya, may shanghai ba? Parang 'yon ang gusto ko, impakto."
"Okay, gagawa ako."
Lumabas ako ng kwarto. Nagpabili ako kay Manang Cora ng mga kailangan ko. Nandito rin kasi siya hindi ako maiwan, alaga pa rin ako.
Pagdating niya pinagtulungan namin ang magbalot. Dinamihan ko ng carrots kailangan niya 'yon, vitamin A for the eyesight. Prinito ko agad ang ilan para madalhan ko na siya. Gumawa rin ako ng sawsawan na suka na may sili at bawang. Paborito niya ito kaya alam na alam ko na. Inuulam niya nga sa kanin ang shanghai. Gumawa rin ako ng orange juice na mismong katas ng fresh fruit.
Ganito ko siya alagaan. Sweet corn.
Pumasok na ako sa kwarto. Nakita ko siyang nilalaro ang ilong ni Shivelle, matangos, eh, kumpara mo sa ilong niya.
"Cherish, kumain ka na muna. Ako magbabantay kay Shivelle Flear."
Umupo na siya at kumain. Ang tunog ng pagkain niya dahil gustong-gusto niya.
Inaantok na si Shivelle kaya pinatulog ko na. Dahan-dahan ko siyang inilapag sa kuna. Yumakap agad ako sa baiwang ni Zeal at humiga sa hita niya.
"Kumakain ako."
"Ano naman?"
"Naiistorbo ako."
"Hindi naman."
Sinubuan niya ako ng shanghai. Ang asim naman, nilunod niya sa suka. Gustong-gusto niya 'yang mga ganyan na maasim. Gano'n siguro talaga ang mga babae.
"Thank you." Emosyunal kong sabi sa kaniya. Tiningnan niya naman ako.
"For what?"
"For giving me the most adorable daughter.. Shivelle Flear Baider-Imperial."