Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 32

Niyakap niya kaming dalawa ni Flair. Naglakad-lakad lang kami. Nakakita si Shivelle ng mga laruan kaya binili namin.

May lumapit na batang babae kay Shivelle kaya pinanood ko lang sila.

"Hi." Nakangiting sabi ng bata.

Hindi man lang siya tiningnan ni Shivelle. Tinalikuran niya ito. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Shivelle, baby, why are you not talking to other babies like you?" Tanong ko sa kaniya.

"Because I don't want." Walang emosyon niyang sabi.

Napabuntong hininga nalang ako. Kakaiba siya mag-isip. Kinarga siya ni Flair, kinulit pa siya ng ama. Nahirapan pa siyang patawanin ito. Bumaba si Shivelle at tumakbo sa kung ano ang nakita niya. Nadapa siya kaya napatakbo ako pero hindi pa man lang ako nakakalapit nakatayo na siya.

Gano'n siya kalakas?

Kung ang ibang bata ay iiyakan ang sugat nila siya hindi. Tiningnan ko ang tuhod niya dumudugo na iyon.

"Come here, baby, masakit?"

"Yes, mom, but it's nothing." Cute niyang sabi.

"Kasi big girl na si Shivelle 'diba? Kaya hindi umiiyak?" Masigla namang sabi ng ama.

"Yes, dad!"

Kumapit nalang ako sa baiwang ni Flair. Ayaw magpagamot ng sugat ni Shivelle Flear kaya hinayaan na namin siya, nagagalit kapag pinipilit.

Naglaro siya sa timezone mag-isa kahit marami ang gustong makipaglaro ayaw niya.

"Tanungin mo nga si Taxon kung ganyan siya noon. Bakit kuhang-kuha niya ang ugali ng pinsan mo?" Tanong ni Flair sa akin.

Si Taxon rin ang nakikita ko sa kaniya. Sa sungit niya palang, kuhang-kuha na. Isa pa, ayaw niyang pinapakialaman ang gusto niya, titingnan ka niya nang masama pero mabait na bata siya madalas lang ay hindi nagsasalita.

"Baider na Baider ang anak natin, cherish." Umakbay sa akin si Flair at humalik sa ulo ko.

"Gawa nalang tayo ng isa pa baka Imperial na." Hinampas ko siya sa braso.

"Ewan ko saiyo!"

"Ang sungit mo papatingin na ba tayo sa doctor? Baka pangalawa na 'yan."

Pinaghahampas ko nanaman siya. Ayaw ko na magbuntis, kay Shivelle palang hirap na ako.

"Kunyari pa si Cherish.. yiee." Inasar pa ako ni Flair.

Parehas kaming tumakbo ni Flair nang malaglag si Shivelle sa upuan. Walang emosyong tumayo siya.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko. Tumango lang siya at balik sa paglalaro.

"Manhid ka ba, anak? Hindi ka man lang nasasaktan?" Biro ni Flair sa kaniya.

"Hindi naman masakit, dad." Sagot ni Shivelle sa kaniya at ngumiti.

Ipinapakita niya lang ang ngiti niya kapag gusto niyang pagaanin ang loob namin kahit halatang pilit 'yon.

Binuhat na siya ni Flair nang maghakay.

"Let's go home." Yaya ko sa kanila.

Umuwi na kami at dumiretso agad sa kwarto ni Shivelle. Kung ang ibang bata makalat ang kwarto dahil sa laruan. Sa kaniya hindi, nililigpit niya matapos maglaro.

"Twinkle, twinkle, little star... How I wonder what you are.. Up above the world so high.. Like a diamond in the sky." Kinantahan ko siya kaya nakangiti siya ngayon. Hinahaplos naman ni Flair ang noo niya.

"When the blazing sun is gone.. When he nothing shines upon.. Then you show your little light.. Twinkle, twinkle, all the night." Pumipikit-pikit na ang mata niya.

"Then the traveler in the dark.. Thanks you for your tiny spark.. He could not see which way to go.. If you did not twinkle so." Tumigil na ako sa pagkanta nang tuluyan na siyang makatulog.

Humalik ako sa noo niya at pinatay ang ilaw. Tanging ilaw lang ng lampshade ang nagbibigay ng liwanag. Lumabas na kami ni Flair. Hinila niya ko papunta ng kusina. Kumuha siya doon ng maliit na beer.

"Are we going to drink?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah, minsan lang naman. Gusto ko ng wife and husband bonding." Nakangiti niyang sabi.

Puwesto kami sa veranda ng kwarto namin. Umupo ako sa tabi niya. Nakalusot ang paa namin sa railings kaya parang nakalambitin ang paa namin.

Nakatingala siya at nakatingin sa mga bituin.

"Dati mag-isa lang ako palagi. Ngayon hindi na matahimik ang buhay ko dahil sa dami ng tao sa paligid ko." Simula niya.

Binuksan niya ang beer at inilagay sa akin. "Na-stress ako sa tabi ng client, baby."

Ipinatong ko ang ulo sa balikat niya. "Ginusto mo 'yang propesyon na 'yan panindigan mo."

"Okay ako sa propesyon ko sa mga babae ako hindi okay."

Napalingon ako sa kaniya. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"May lumalandi ba saiyo?"

"Meron, marami. Ang iba wala namang sakit kunyari nagpapatingin. Tinutulak ko nga kay Kean o kay Marie."

Napabuntong hininga nalang ako.

Ano bang magagawa ko? College palang kami pinagkakaguluhan na ng mga babae 'yan?

"Are you jealous?" Sumilay ang ngisi sa labi niya.

"Bakit ako magseselos? May Shivelle ba sila? Isa pa, I'm your wife." Dire-diretso kong sabi.

"Yeah, right."

Lumagok nanaman siya ng beer.

"Impakto, may problema ka ba?"

"Wala over melanin." Sa hitsura niya parang meron.

Nag-cheers kaming dalawa at lumagok ng beer.

Nang matapos naming mag-inuman ay niligpit ko na rin. Hinila niya ako sa kama. Parang napapadalas ang paggawa niya ng milagro. Dumagan siya sa ibabaw ko.

"Anong problema?" Tanong ko sa kaniya agad siyang umiling.

Nagsimula siyang halikan ako sa leeg.

"Wait.. sabihin mo muna sa akin." Pangungulit ko sa kaniya.

Umupo siya sa kama kaya tumayo din ako.

"Wala. Naiinis ako sa mga babae sa clinic, cherish. Naiinis ako! Ang haliparot." Frustrated siya. "Paulit-ulit kong sinasabi na may asawa na ako."

"Is that so?"

"Yeah.. stress ako sa mga haliparot na 'yon."

"Sino ba?"

Natigilan siya at tumitig sa mata ko.

"M-marami."

"Eh, kung lumipat ka ng clinic?"

"Hindi naman pwede. Marami pang client na inaasikaso ako doon."

"Okay."

Yumakap nalang ako sa kaniya. Humalik siya sa akin may nararamdaman talaga akong kakaiba sa mga kinikilos niya o talagang naiinis lang siya sa mga babaeng 'yon.

Inihiga niya ako at nagsimula nang gawin kung ano ang gusto niya. Hinayaan ko nalang.

Malalaman ko rin kung ano talaga ang problema.

He started kissing me on my lips while his hand is traveling.

"Flair.." tawag ko sa kaniya.

"Yes?"

"I don't want to get pregnant again."

"Okay." Mahina niyang sabi.

He continued to kiss me until we conjugated.

Nakatulog na si Flair, nakayakap siya sa baiwang ko. Kinuha ko ang mga damit namin sa gilid. Nagbihis ako at sinuotan din siya ng damit baka magkasakit.

Napalingon ako sa sidetable nang makitang umilaw ang phone niya. Tinitigan ko muna ang wallpaper niya picture naming tatlo ng anak namin. Inopen ko iyon, gano'n pa rin ang password 'melanin'.

Nabitawan ko ang phone nang makita ko kung ano ang laman ng text.

From: Marie

See you again tomorrow at my house.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.