Shine Clear's POV
Napaluhod ako sa panghihina at paulit-ulit na umiling. Wala namang nakalagay na kung ano baka naman may reserches lang sila. Natutop ko ang bibig ko at nag-unahang tumulo ang luha ko.
Hindi niya naman magagawa 'yon?diba?
Pumasok ako nang banyo at doon na humagulgol. Baka naman mali ang iniisip ko. Syempre magkasama sila sa trabaho baka may client na pinaguusapan o kung ano pero kasi sa nakikita ko kay Flair parang may bumabagabag sa kaniya.
Pinagmasdan ko ang mukha niyang natutulog. Imposible namang gawin niya 'yon. Baka nag-oover think nanaman ako. Bumalik nalang ako ulit sa tabi niya.
Kinaumagahan ay wala akong gana bumangon.
"Cherish, baby, male-late ka na sa trabaho. Baka gusto mong buhatin kita?" Mukha niyang nakatunghay ang nakita ko pagmulat ko at nakangiti sa akin.
Hindi ako nagsalita bumangon ako at pumunta ng banyo. Wala akong gana, hindi ko na siya kinausap nang makalabas. Inasikaso ko nalang si Shivelle.
"Hindi ka ba papasok sa trabaho?" Yumakap siya sa likod ko.
"Papasok."
Hinilamusan ko si Shivelle at tinoothbrushan.
"Ih." Sabi ko sa kaniya kaya naman inilabas niya ang maliliit na ngipin.
"Cherish? Why aren't you in the mood?" Nagtatakang tanong ni Flair.
"Wala lang."
Tinalikuran ko nanaman siya. Matapos kong asikasuhin si Shivelle ay naligo na rin ako nag-ayos ng sarili. Hinihintay ko lang naman na sabihin sa akin ni Flair kung ano 'yong text na 'yon ni Marie pero wala siyang sinasabi.
Kahit hanggang maihatid niya ako sa school ay hindi ko siya kinausap.
"Bye, cherish." Humalik siya sa noo ko. Walang gana akong nagpaalam sa kaniya.
Buong maghapon ay tinamad ako, pinag-activities ko na lang ang nga estudyante ko.
Pagpasok ko sa faculty may bisita pala ako. Nandito si Nel Jan.
"Napadalaw ka?"
"Malapit kasi dito ang project ko kaya dinalaw na kita."
"Busy ka?"
"Hindi. Kung yayayain mo ako lumabas." Ipinakita niya sa akin ang malapad na ngiti.
"Samahan mo ako."
"Where?"
"Iinom."
Nagtataka niya akong tiningnan. Kinuha ko ang phone ko, tinext si Diamond na alagaan si Shivelle. Tinext ko rin si Flair na may lakad ako 'wag ng sunduin.
"Bakit ka bigla nagyayang uminom? Is there anything wrong?"
Umiling ako at kinuha nalang ang baso ko. Nasa bar kami, ang ingay kaya medyo hindi ko siya marinig.
Hindi ko mailabas ang iniisip ko. Hindi ko nakompronta si Flair.
Wala naman kaming problema pero bakit parang ang laki ng tinatago niya?
Yumuko ako at ipinatong ang ulo sa lamesa.
"Elle?" Inangat niya ang ulo ko. "Bakit?"
"Wala. Napapagod lang ako kaya gusto kong magpakasaya." Tumayo ako at sumayaw sa dance floor.
Tinutulak ko lang ang mga lumalapit. Sumayaw ako sa paraang ako lang ang may kaya. Ballerina na hiphop ang tunog.
I let my tears flow, it's dark they won't see it.
Isinayaw ko ang emosyon ko. Inabot ko ang pinakamataas na pagtingkayad pero dahil sa kalasingan muntik na akong matumba buti nasalo ako ni Nel Jan pero balewala ipinagpatuloy ko lang ang pagsayaw ko. Hindi ko pinansin ang biglaang pagilid ng mga tao at pinanood ang pagsasayaw ko. Sanay na akong mamangha ang mga tao sa kakaibang paraan ng pagsayaw ko.
Tumutulo ang luha ko.
Walang problema, Elle! Wala talaga!
Pilit pinapakalma ang sarili pero bakit nasasaktan pa rin ako?
Anong ginawa nila sa bahay ni Marie? Pumunta daw ulit si Flair?
Huminto na ako at lumuhod sa mga tuhod. Wala na akong pakialam sa mga taong nakatingin. Hinila ako ni Nel Jan palabas pero tinakbuhan ko lang siya pabalik. Nag-order ako ng maraming alak. Nilagok ko lahat 'yon. Tinititigan lang ako ni Nel Jan.
"I want to scream! I want all my tears flow! Hanggang wala na akong mailuha." Humagulgol na ako ng iyak.
Kung si Nel Jan ang sandalan ko ngayon hindi ko na pinansin. Pinakinggan niya ang mga hinanakit ko.
"Nakita ko sa phone niya pumupunta siya sa bahay ng Marie na 'yon hindi ko matanong kung bakit, hindi ko masabing nasasaktan ako. Bakit? I'm his wife! Asawa niya na ako pero naglilihim siya sa akin. Hindi naman ako tanga! Nakikita ko sa kilos niya!" Hinaplos lang ni Nel Jan ang likod ko.
Pati siya ay napaparami na rin ang inom. Sunod kong pinagdiskitahan ay ang bandang nasa gitna at kumanta. Susuray-suray ako lumapit doon. Nakaalalay lang si Nel Jan.
He's a true friend. Hindi ko akalaing magiging ganito kami ka-close.
Kung anu-ano ang kinanta ko kahit hindi ko alam ang tono. Tawa ako nang tawa pero wala naman reklamo ang banda. Matapos ko doon ay bumaba na ako.
"Ang boring ng kanta." Tinapik ko pa sa balikat si Nel Jan.
Clench calling...
"Where are you?"
"Secret." Maloko kong sabi.
"Lasing ka. Nasaan ka at sino ang kasama mo?"
Tiningnan ko si Nel Jan.
"Hindi ko marinig bukas na tayo mag-usap."
Pinatay ko na. Ayaw ko na istorbohin ang mga best friends ko. May kaniya-kaniya na silang buhay dagdagdag lang ako sa isipin nila.
Poging Flair calling...
Tiningnan ko lang 'yon, hindi ko sinagot at hinayaan lang mag-ring.
"Ayaw kita kausap, impakto."
"Halika na ihahatid na kita." Pilit akong itinatayo ni Nel Jan pero pinipigilan ko siya.
"Ayaw ko umuwi. Okay naman ang anak ko hindi 'yon papabayaan ng mga Baider."
Tumulo nang tumulo ang luha ko. Madalas kapag lasing ako hindi ko kilala ang kausap ko pero ngayon kilalang-kilala ko si Nel Jan.
Bumuntong hininga si Nel, kumuha siya ng panyo at ipinunas sa mukha ko.
"Umuwi ka na."
"Ayaw ko nga. Hindi ako uuwi."
Akmang tatayo ako pero pinigilan niya ako.
"Fine, pero 'wag ka na pumunta sa dance floor lasing ka na."
"Okay." Nilagok ko nalang ang alak.
Poging Flair calling..
Ilang ring na ng phone ko pero hindi ko talaga sinagot.
Taxon calling...
"I'm busy. Bye."
Binaba ko agad kahit hindi pa siya nakakasagot.
Tinext ko si Diamond.
To: Diamond
Is my Shivelle Flear, okay?
From: Diamond
Yeah, she's sleeping. Go home.
Hindi ko na siya sinagot. Nasapo ko ang noo ko nang kumirot na.
"Ano kaya mo pa? I told you.. you need to go home."
"Ayaw ko makita si Flair kaya 'wag mo akong iuwi."
"Ask him. Puro ka hula mamaya mali naman ang hinala mo."
"Laging tama ang guts ng babae."
"Hindi sa lahat. Asawa mo na, you have rights to ask him hindi ka naman mamamatay kung magtatanong ka."
"Paano kung masakit ang malaman ko? Hindi na magiging okay ang relasyon namin kahit kailan!"
"Wag ako ang sigawan mo hindi ako ang asawa mo."
"Oo nga! Ikaw naman ang kausap ko!"
"Ang negative ng isip mo, Elle. Dapat matuto kang magtanong."
Bumuntong hininga nalang ako at ipinikit ang mga mata. Nakayuko na ako sa lamesa.
"Kahit anong mangyari 'wag mo muna akong iuwi."
Nakatulugan ko na iyon.
Javen Flair's POV
"Hello, Carme? Nandyan ba si Zeal?"
"Wala, bakit?"
"Hindi umuwi kagabi. Hanap ako nang hanap."
Nagkakagulo na sa buong mansyon dahil hindi alam kung saan siya hahanapin.
From: Nel Jan
Nandito si Elle sa bahay.
Nakuyom ko ang palad ko. Napamura ako sa isip, iba't ibang mura ang nabanggit ko dahil sa galit.
Anong ginagawa niya do'n?
Pinaharurot ko ang kotse papunta sa bahay ni Nel Jan.
Nagmadali akong maglakad. May diin ang bawat tapak ko sa sahig. Inakyat ko ang taas. Nakita ko si Nel Jan sa sofa ng kwarto niya nanonood ng TV. Kuyom na kuyom ang palad ko nang makita ko si Zeal na natutulog sa kama. Nakabalot ang kamot sa katawan, himbing na himbing.
Dumapo agad ang kamao ko kay Nel Jan.
"Anong ginawa mo sa asawa ko?!"
Ngumisi siya. Umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko.
"Baka gusto mong ibalik ko saiyo ang tanong anong ginawa mo sa asawa mo?" Pumesto siya sa harap ko at mayabang na tiningnan ako. Tinulak-tulak niya ako, pinigilan ko ang sarili dahil baka malampa ko ito.
"She's wasted! Ano bang katarantaduhan ang pumasok sa utak mo? Nambababae ka!" Asik niya sa akin.
"Ako?" tinuro ko pa ang sarili. "Kailan ako nangbabae? Adik ka ba?"
"Kung hindi bakit ganyan 'yan?" Tinuro pa ni Nel Jan si Zeal.
"Ewan ko. 'Wag ka na ngang umepal sa buhay namin. Kontrabida ka na nga sa season one pati sa season two nanggugulo ka pa rin?"
"Sisihin mo ang author!"
"Hmm." Napalingon kami kay Zeal.
"Flair?" Gulat siya nang makita ako. "Anong ginagawa ko dito?" Inilibot niya ang mata.
Hinila ko siya, hindi ko napansin na napalakas pala.
"Ang sakit!" Masama niya akong tiningnan.
Tumayo siya ng sarili niya. Tiningnan niya si Nel Jan.
"Salamat, Nel."
Hinila ko siya palabas ng bahay na 'yon. Padabog siyang sumakay sa kotse.
"Mahiya ka naman may asawa ka ng tao nakikitulog ka pa sa bahay ng ibang lalaki!" Asik ko sa kaniya.
"Baka ikaw ang mahiya." Nakita kong kinuyom niya ang palad.
"Ano bang problema, huh?"
"Ikaw ano bang problema mo?" Pinigilan ko ang mainis nang ibalik niya ang tanong.
"Cherish, tell me? Ano bang kinakagalit mo?"
"Wala!" Pinagkrus niya ang braso.
"Baby.." malambing kong tawag sa kaniya.
Nakita kong tumulo ang luha niya. "Ano bang kinakagalit mo? May ginawa ba akong masama?" Mahinahon kong tanong.
"Hindi ka aware?" Mataray niyang sabi.
"Ano nga?"
"Ayaw kitang makita. Uuwi kami ni Shivelle sa bahay nila mommy. Maghiwalay muna tayo."
Natigilan ako sa sinabi niya.
Ano bang problema nito? Shut!
Hirap intindihin ng mga babae. Ayaw magsalita, kapag tinanong mo 'wala'.
"Ano ba kasi 'yon?" Nauubusan ng pasensyang tanong ko.
"Maghiwalay na tayo, Jave."
Nanlaki ang mga mata ko.
Nababaliw na ba siya? At ano daw Jave? Gano'n ba kalaki ang galit niya para tawagin akong Jave?
"Baby.. 'wag kang magsalita ng galit ka. Sabihin mo sa akin anong problema?"
"Ikaw ang dapat magsabi sa akin." Sunod-sunod na tumulo ang luha niya.
"Anong sasabihin ko? Wala naman akong ginagawa."
"Wala nga ba?"
"Cherish, bakit ba ginagamitan mo ako ng socratic method? Wala tayo sa klase mo."
"Ano ba? Jave! Imperial? Sabihin mo sa akin kung ano ang problema sa akin at nakikipagkita ka pa sa ibang babae? Huh?"
Natigilan ako at napatitig sa mata niya.
"Nabasa mo?" Nangangatal kong sabi.
Tumulo na ang kapirasong luha sa mata ko.
Wala naman talaga akong ginagawang masama pero si Marie. Shut meron!
"Bakit? Sabihin mo nga sa akin?"
"Wala akong ginagawa. Sinusumpa ko. Putulin mo pa ang kamay ko. Hindi ko masabi saiyo kung gaano kalandi ang babaeng 'yon pero iniiwasan ko. Pumunta ako sa bahay niya kasi sabi niya may sakit daw siya dalhan ko ng gamot walang kasama. Pagdating ko do'n.." tumulo ang luha ko. "Hindi ko alam na mang-aakit lang pala siya pero promise tinalikuran ko siya kaagad. She's ruining us, hindi ko naman magagawa saiyo 'yon. Ano bang akala mo sa akin?"
"Totoo ba 'yan?"
"Bakit ako magsisinungaling wala naman akong mapapala do'n."
Hinapit ko siya. "Lilipat ako ng clinic tinatapos ko lang ang buwan."
"Sige.. I'm sorry." Tinanggal ko ang luha sa mga mata niya.
"Hindi kita kayang lokohin, cherish. Never."
"Sorry." Mahina niyang banggit.
"Bakit si Nel Jan ang kasama mo? Of all people?" Tiningnan ko siya nang masama.
"Kasi siya ang nakita ko. Wala siyang ginawa, mabait na siya ngayon. Sinamahan niya lang ako."
"Kahit na gusto ka pa rin niya?"
"Tagal na no'n nakalimot na 'yon."
"Hindi ka sigurado diyan."
"Gaano ka naman kasigurado?"
"Lalaki din ako."
"Kasal na tayo, impakto."
"May kinasal na pero naghiwalay."
Pinaghahampas niya ako. "Ano ba talagang gusto mo, huh?"
"Wala, just saying."
"Dami mong sinasabi! Ang bait na nga no'ng tao. Nagseselos ka lang. Normal mo na 'yan."
"Hindi." Pagkukunwari ko kahit sa isip ay brutal kong sinasaksak ang Nel Jan na 'yon.
Marie calling...
Parehas kaming napalingon sa phone ko. Kinuha agad ni Zeal at siya ang sumagot. Ni-loud speaker niya.
"Hi, babe, punta ka dito sa bahay."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko 'yon. Baliw na yata ang babaeng yan. Misinterpret nanaman ni Zeal ang ginagawa niya.
Inabot ni Zeal ang phone sa akin. Ngumiti pa siya sa akin nang kunin ko.
"Enjoy flirting, my husband."