Shine Clear's POV
"Nandito lang pala kayo kanina ko pa kayo hinahanap." Lumapit si Flair at kinarga si Shivelle Flear.
Humalik siya sa pisngi nito. "Hmm, ang bango-bango ng baby namin." Nilambing niya pa ang anak.
Naglakad kaming tatlo, ang gaganda talaga ng mga bulaklak dito. Nakakapit lang ako sa braso ni Flair. Natalisod ako kaya nanlaki ang mata niya at sinalo ako agad.
"Mag-iingat ka kasi." Kunot ang noo niya.
Hindi naman ako matutumba agad.
Bata lang?
Napahawak ako sa puson ko nang kumirot nanaman.
I think I will have my period. Siraulo lang talaga si Flair na iniisip na buntis ako.
"Are you okay?" Nag-aalala nanaman siya.
"No." Inirapan ko siya at naglakad nang mabilis pabalik sa mansyon.
"Cherish naman. Mag-ingat ka sa paglalakad."
Kung wala dito si Shivelle sinigawan ko na siya. Naiirita na ako sa kakulitan niya.
Binigay niya si Shivelle kay Kil at sumunod sa akin. Pumunta naman ako ng veranda.
"Ang tigas talaga ng ulo mo!" Asik niya sa akin.
"Malamang. Saan ka nakakita ng ulo na malambot?" Sarkastiko kong sabi.
Inis siyang umupo. "Magpa-check up ka na."
"Ayaw ko! Ikaw ang kulit mo, sisipain na kita!" Ihinaya ko sa kaniya ang paa.
Narinig ko ang matunog na buntong hininga niya. "Baby cherish.."
Tumayo ako at tumalon-talon. Nanlaki ang mata niya at hinila ako agad paupo sa hita niya.
"Papatayin mo ba ako sa kaba?!"
"See? May bata bang nalaglag? Baka lining ng uterus ang nalaglag dahil magkakameron na ako." Paliwanag ko sa kaniya.
"How sure are you?"
"I'm pretty sure."
"No, you're not. We need to make sure." Pinitik ko ang ilong niya kaya dumapo sa akin ang masamang tingin niya.
"Tamaan mo na lahat 'wag lang ang ilong ko!"
"Sinisigawan mo ba ako?!" Marahas akong umalis sa hita niya.
"Eh ikaw kasi." Nagkamot siya ng ulo.
"Bahala ka nga diyan! Epal ka! Ang pangit mo, Jave!" Inis kong sabi.
Nanlaki ang mata niya at gumuhit ang ngisi. "Pangit si Jave?"
"Oo!" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Buntis ka nga."
Nasapo ko ang noo ko at napaikot ang mata. Pinigilan ang sarili na suntukin siya.
"Let's go." Yaya niya sa akin.
Nakasimangot ko siyang tiningnan. "Where?"
"Papa-check up." Kumulo na nang todo ang dugo ko.
Sinipa ko siya pero nainis ako nang ilagan niya. "Sipain mo ako ulit hihilahin kita papunta sa kwaro sisiguraduhin kong mabubuntis ka talaga." Tiningnan niya ako ng may madilim na mata.
Nagngitngit ang ngipin ko.
Bakit ba galit na galit ako sa kaniya? Don't tell me tama siya?
"Takot ako." Sarkastiko kong sabi.
"Isa pa." Madiin niyang sabi.
"Isa pa." I mocked at him.
Inis siyang napahilamos ang mukha. "Araw-araw nalang tayong nag-aaway. Hindi ka ba napapagod?"
"Hindi." Inirapan ko siya.
Lately, lagi kaming magkaaway kung ano na lang ang napag-aawayan. Matapos ang issue kay Marie kahit simpleng bagay sinisigawan ko siya. Ganito ako kapag magkakameron o ayaw kong isipin, baka nga tama siya.
Marahan niya akong hinila at iniupo sa hita. "Bakit ang sungit mo, huh? Ayaw mo na ba sa akin?"
Naawa ako sa malungkot niyang mukha pero natawa ako. "Hindi bagay saiyo ang magpaawa."
"Hindi ako nagpapaawa, palagi kang galit sa akin. Parang ayaw mo na sa akin." Nangilid ang luha ng impakto.
Pinigilan ko ang malakas na tawa dahil sa hitsura niya.
"Nakakainis ka kasi."
"Anong nakakainis do'n? Gusto ko lang na maging okay ka, magpa-check up at mag-ingat. That's it, but you always shouting at me."
"Naiinis ako saiyo. Sa mukha mo." Nanlaki ang mata niya.
"What?! Why?!"
"Hindi ko alam."
"That's why we need to go t--"
"Ayaw ko nga!"
Bumuntong hininga siya. "Okay."
"'Wag mo na kasi ako kulitin sasabihin ko naman saiyo kapag gusto ko magpa-check up." Yumakap na ako sa batok niya.
Naramdaman ko ang haplos niya sa likod ko, marahan at may pag-iingat. Inaantok ako sa ginagawa niya.
Pumasok ako sa kwarto at naghanap ng bikini.
Makapag-swimming nga!
Binihisan ko rin si Shivelle Flear ng pang-swimming, cute na cute siya sa pink na two-piece na pangbata.
"Ang cute naman ng baby ko." Pinanggigilan ko siya ng yakap.
Nagbihis na rin ako ng bikini na kulay black na magkakrus ang tali sa likod. Kumuha ako ng cover up.
"Shut! Are you two going to swim?" Nanlalaki ang mata ni Flair habang nakatingin sa akin.
"Ya!" Ngumiti ako sa kaniya.
"Wait for me I'll go with you." Tiningnan niya si Shivelle. "Wow! Ang ganda-ganda naman ng batang ito. Kaninong anak ka ba?" Pagbibiro niya sa anak.
Yumakap ang munting kamay nito sa batok niya. "Jave and Elle!" Masigla nitong sabi. Hindi niya nakuhang binibiro siya ng ama.
Nagbihis din si Flair ng short na pang-swimming. Napatikhim ako nang makita ang perpektong katawan niya.
Gosh, Elle! Parang hindi mo naman nakikita 'yon?
Ang lapad ng dibdib niya, kitang-kita ang abs niya. Nanlaki ang mata ko nang bumaba ang tingin ko.
Bastos ko.
Nakagat ko ang labi sa pagpipigil ng ngiti.
Gosh! I feel my salivary gland producing saliva!
No way! Gosh!
Napadiin ang kagat ko sa labi nang ngitian ako ni Flair. Mas perpekto ang pagkakangiti niya.
Mr. Perfect.
Inayos niya pa ang buhok niya bago lumapit kay Shivelle at kinarga. Humawak ako sa braso niya nang tahakin namin ang daan papunta sa pool.
Ang ganda ng sikat ng araw, tamang-tama. Sinuot ko ang itim na glasses at naglagay ng hat. Nakita ko si Flair sa peripheral vision ko na nakatitig sa akin. Nilingon ko siya at binigyan ng matamis na ngiti.
Napatitig siya sa mukha ko.
Don't tell me he really amaze with my looks.
"Ang.. ganda mo." Iyon lang ang nasabi niya.
"Ang perpekto mo." Nakita kong sumilay ang sobrang lapad na ngiti niya.
Kinikilig ito.
Kinuha ko ang sunblock at naglagay sa kamay paakyat sa braso. Nakita kong isinuot ni Flair ang black na salamin na katulad ng sa akin. Unisex kasi ang salaming 'yon. Kinuha niya ang maliit na kulay pink at isinuot kay Shivelle.
Ako naman ngayon ang natulala sa kaguwapuhan ni Flair. Sa pagka-side view niya ay kitang-kita ang matangos niyang ilong, mapulang labi at magandang shape ng mukha.
Minsan talaga kailangan mong titigan ang taong mahal mo para mabalik sa isip mo ang appreciation mo sa kaniya. Nakakalimutan natin minsan ang simpleng bagay na iyon.
Appreciate your love ones. It will always matter and boost their confident by saying how beautiful or handsome they are.
Dinala ni Flair si Shivelle sa mababaw lang pinapanood ko lang sila habang naglalagay ng sunblock sa hita at binti.
"You have visitor." Lumapit si Taxon sa akin.
"Who?"
"Nel Jan."
"Bakit lagi siyang dumadalaw?"
"Aba malay ko." Pagsusungit sa akin ni Taxon.
Lumabas ako para tingnan siya.
"Hi!" Bati ko sa kaniya.
"Nagswi-swimming ka?"
"Hindi pa. Magsisimula palang. Wanna join?"
"Hindi na."
"Bakit ka napadalaw?"
"May regalo kasi ako kay Shivelle." Inabot niya ang paper bag.
"Wow! Ang dami naman nito."
"Oo, namiss ko ang batang 'yon. Nasaan siya?"
"Nasa pool. Tara." Dinala ko siya sa pool.
Nagtama ang tingin namin ni Flair. Ang sama ng tingin niya. Umahon siya agad habang karga si Shivelle.
"Lumabas ka at nakipagkita sa kaniya ng nakaganiyan?" Bulong niya sa akin.
Tiningnan ko ang sarili.
Anong masama? May cover up naman ako.
"Oo. Bakit?" Nagngitngit ang bagang ni Flair.
"Kumusta ang baby?" Napatingin kami kay Nel Jan na kinarga agad si Shivelle kahit basa pa siya.
"I'm good, tito."
Inabot ko sa kaniya ang paper bag.
"Marami akong binili para saiyo." Masigla niyang ipinakita ang mga damit kay Shivelle. Natuwa rin naman ang bata.
Nilingon ko si Flair na masama pa rin ang tingin kay Nel Jan.
"Ayusin mo ang tingin mo, impakto." Nginitian ko siya at inilagay sa kamay niya ang sunblock.
Tinanggal ko ang cover up. "Lagyan mo ako sa likod."
Nakagat niya ang labi. "Seducing me?"
"If that's what you think." Kinindatan ko pa siya.
Nilagyan niya ako sa likod. Napapikit na lang ako dahil para akong nama-massage, nakaka-relax.
Umalis na rin agad si Nel Jan dahil may aasikasuhin daw, dumalaw lang daw talaga siya para ibigay ang pasalubong niya kay Shivelle.
"Sobrang close niyo na ba ni Nel?" Bigla ay tanong niya.
"Oo."
Hindi na ako nagsinungaling. Simula nang tinulungan niya ako na mahanap si z2 at z3 naging malapit ang loob ko sa kaniya. Nakikita ko naman na hindi na siya talaga katulad noon. Bawat ipakita niya ay totoo, kung ituri niya nga si Shivelle ay parang mahalagang tao rin sa kaniya. Totoong bumawi siya sa lahat ng kasalanan niya sa amin noon.
Kahit sila Carme kapag kailangan si Nel Jan darating siya para tulungan sila. Hindi siya kasing sama ng inakala ko noon.
"Bakit ba selos na selos ka sa kaniya?" Kunot noo kong tiningnan si Flair.
"Hindi ako nagseselos."
'Ayan nanaman ang pagtanggi niya kahit halata naman.
"Ano lang?"
"Trip ko lang."
"Hirap mo rin intindihin minsan."
"Okay, fine. Naiinis ako sa kaniya dahil sa nangyari noon." Inamin niya rin sa wakas.
Umupo ako at tumabi sa kaniya. Tinaas niya ang bra ko sa bandang dibdib.
"Buti walang tao dito. May anak ka na nagsusuot ka pa rin ng ganyan."
"Anong gusto mong suotin ko sa pool, gown?" Sarkastiko kong sabi.
Tinaas niya ang kamay, sumusuko. "Oo na. 'Wag ka na magalit."
"I'm not."
"Mukhang okay naman ngayon si Nel Jan hindi ko lang talaga siya mapatawad." Bigla ay sabi ni Flair kaya tinitigan ko siya. "Hindi ko siya mapatawad sa paghalik niya noon saiyo."
"Tapos na 'yon kaya nga bumawi siya sa lahat, 'diba?"
"He's a legendary playboy. Paano mo nasabing bumawi siya?"
"Nakita ko at nasaksihan 'yon."
Hindi alam ni Flair noong mga panahong naaksidente siya nagkakagulo ang lahat dahil kay Bloody, ang alam niya lang siya ang tunay na ama ni z2 at z3.
Ikwenento ko sa kaniya ang nangyari noon kaya natahimik siya at pinakatitigan ako.
"Ginawa niya 'yon?" Tumango lang ako sa kaniya.
"Okay." Bumuntong hininga siya. "Ang dami niya na palang nagawa para saiyo."
"Kaya kami magkaibigan ngayon kaya 'wag ka nang magselos."
"Okay." Ngumiti na siya at humalik sa noo ko.
Kumuha ako ng orange juice at ininom 'yon. Pumunta ako sa gilid ng pool at inilagay ang kapirasong paa sa tubig. Tumabi sa akin si Flair. Iniupo niya rin sa gitna namin si Shivelle.
"Malapit na ang birthday ni Shivelle, Dadalhin na ng America."
"Mage-ensayo na siya." Malungkot na sabi ni Flair habang nakatingin sa anak.
"Kaya niya 'yon, matapang siya."
Tumalon ako sa tubig at naglangoy hanggang maabot ang kabilang dulo. Naglangoy ulit ako pabalik kung nasaan sila Flair.
Umahon ako sa pagitan ng hita niya kaya nanlaki ang mga mata niya na tinawanan ko.
"Halika na." Hinila ko siya papunta sa tubig.
Kinuha niya rin si Shivelle. Naglaro kaming tatlo sa tubig. Nagtampisaw ng kamay si Shivelle, nakakatuwa siyang pagmasdan.
Kumuha ako ng tubig at inilagay sa buhok ni Flair. Inayos ko ang buhok niya sa paraang makikita ang buong mukha niya.
"Kumusta ang clinic niyo?" Ipinatong ko ang ulo sa dibdib niya.
"Maayos naman. Maraming client, inaasikaso ni Kean."
Pumikit ako, naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. "Inaantok ka ba? Gusto mo ng magpahinga?"
"Mamaya."
"Dad, I'm hungry." Humawak sa tiyan si Shivelle. Umahon na rin kami at nagbihis.
Pumasok ako ng banyo dahil sumasakit ang puson ko. Sumuka ako nang sumuka sa sink. Hinawakan ko ang puson ko.
Nakita ko sa repleksyon ng salamin na nakatingin sa akin si Flair.
"Magpapa-check up ka na?"
"Okay." Namutla ako nang todo.
Tinulak ko si Flair palabas dahil naiihi ako. Natigilan ako nang makita kong meron ako.
Tumatawa akong lumabas ng banyo.
"Bakit ka tumatawa?" Nagtatakang tanong niya.
"I'm not pregnant."
"Huh?"
"I got my period."
Nalungkot bigla ang mukha niya. "Ay, sayang naman."
"False alarm."