Shine Clear's POV
Pumunta kami ng America para sa kaarawan ni Shivelle.
Tiningnan ko ang hitsura niya, imbes na gown ang suot niya ngayon ay itim na suit, pormal na pormal. Nandito ang buong angkan ng mga Baider. Sasaksihan nila ang unang araw sa pagsalang ni Shivelle sa ensayo.
Mga Baider lang ang nandito dahil bawal ang ibang tao dito. Kung sobrang laki ng mansyon sa Makati, mas malaki ang mansyon dito. Maliligaw ka na talaga sa sobrang dami ng hallway. Ang lalaki ng kwarto. Kamangha-mangha kung gaano kaganda ito.
"Mom, bakit hindi pang-princess ang suot ko?" Lumapit ako at umupo para magkapantay kami.
"That's our tradition, baby." Tumango siya, hindi talaga siya mahirap paliwanagan.
Lumapit si Flair sa aming dalawa at parehas kami niyakap. Pare-parehas kami ng suot, suit na pormal, itim na itim akala mo may lamay. Nakaayos din ang buhok ko sa paraang parang hinawi lahat papunta sa likuran na parang bagong ligo na sinuklay.
Tinaas ni Flair ang panloob na damit ko dahil lumuluwa talaga ang dibdib ko.
"Ganyan ba talaga 'yan? Nakikita na." Naiinis niyang sabi.
"Natural lang na ganito ito."
Inis niya ulit na itinaas kahit hanggang doon lang talaga ang aabutin.
Nasa kwarto kami na may malapit sa hagdan. Mamaya bababa kami doon kapag tinawag na.
Inayos ko ang neck tie ni Flair.
Ang pogi niya.
Maya-maya ay lumabas na kami. Hawak namin parehas si Shivelle nang bumaba sa hagdan.
"Happy Birthday, Shivelle Flear!" Malakas na bati nila. Cute namang kumaway siya sa lahat.
"Tonight.. we're going to watch how Shivelle Flear fights for the future needs." Malakas na anunsyo ni Leroi.
Nagsimula na ang pag-bell. Iniwan namin si Shive sa mismong gitna. Binigyan siya ng arnis.
"Go, angel." Bulong ko. Umakbay naman sa akin si Flair.
Kinabahan ako nang magsimula na ang tugtog. Gagayahin ni Shivelle ang anumang gawin ni Resttan. Nagsimula ng gumalaw si Resttan. Ihinaya ang arnis, ginaya iyon ni Shivelle. Bumaling sa kaliwa at kanan, pahampas na tumalon punterya ang ulo pero hindi tinutuloy at ang huli ang ang akmang pagtusok sa tiyan. Lahat iyon ay nakakamanghang nagawa ni Shivelle, walang emosyon at seryoso.
"I think she will be the protector of the family. Look how serious is she." Namamanghang sabi ni Anton.
Kumapit ako nang mahigpit sa kamay ni Flair nang mag-isa na lang si Shivelle uulitin niya ang tinuro ni Resttan.
Parang bumagal ang mundo sa bawat kilos niya. Nag-ilagan pa sila Lucio nang itutok sa kanila ni Shivelle ang arnis. Nagawa niya lahat 'yon sa nakakamangha, malakas, at walang takot.
Bumalik si Resttan, ngayon ay maglalaban na silang dalawa. Mabilis na sumugod si Shivelle. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Mabilis ang kilos niya, imbes na siya ang sumangga sa mga atake ay siya pa itong sumusugod. Hanggang natamaan niya ang kamay ni Resttan at nalaglag ang arnis.
"Woah!" Sigawan nila kasabay nang malakas na palakpakan.
"She's really my daughter." Proud na sabi ni Flair.
Natapos ang unang palabas. Pinagkaguluhan na siya ng mga Baider. Manghang-mangha sa kaniya. Pinagpasa-pasahan siyang buhatin.
Nagkaroon na ng kasiyahan at sayawan. Isa-isang ipinakita ang mga larawan ng mga ninuno at nagbigay ng respeto.
"Mom, why my friends isn't here? My titos and titas?" Malungkot na sabi ni Shivelle.
"This is the tradition. I'm sorry my angel." Humalik ako sa pisngi niya.
Nakipag-appear si Flair kay Shivelle. "Galing ng baby ko!" Mahigpit niya itong niyakap.
Lumapit ako sa chocolate fountain. Kumuha ako noon.
"Congrats, Shine. You raise a fearless." Nakangiting sabi ni Resttan.
"Thank you."
"Gusto mo bang magkaanak ulit?" Umiling ako agad.
"No. Ang hirap manganak." Tumawa si Resttan.
"Yeah.. si Anmela sa panganganak namatay."
"Miss my lola?"
"Of course." Ngumiti siya.
Lagi kong naririnig sa kanila si lola. Napakahalaga talagang tao niya sa buhay nila. Ang dami kong naririnig na kwento tungkol sa kaniya. Bukod daw sa maganda ay mabait ito. Lahat daw ng gusto ni lolo sinusunod niya, matapang na sinuong ang patunay kahit pa buntis.
Sinayaw ng bawat isa si Shivelle, natuwa naman ang bata dahil lahat ay nawiwili sa ka-cutan niya.
Tuwang-tuwa ang matatanda sa kaniya. Palibhasa ay nag-iisa siyang bata. Himalang nakangiti si Shivelle ngayon.
Ipinatong ni Flair ang mukha sa balikat ko. "Ang cute ni Shivelle." Bulong niya sa tainga ko. "Nakikita ko mukha mo sa kaniya."
"Sinungaling ka. Ikaw ang kamukha."
He laughed. "Humahawig saiyo kapag nagsusungit."
Yumakap siya sa tiyan ko. "Nalulungkot nga lang siya dahil wala dito ang mga taong gusto niyang makasama."
"We can celebrate again."
"Pwede naman."
Sinuklay niya ang buhok ko. "Ang ganda mo."
Ilang beses ko na narinig 'yan, sobrang gasgas na.
"Ya."
"Kailan balik natin sa Pilipinas?"
"Bukas. Iiwan si Shivelle dito."
"Huh?" Nanlaki ang mga mata niya. "No! Kasama natin siya."
"May one month stay siya dito dahil sa ensayo. Pagkatapos no'n sa Pinas na siya mage-ensayo."
"Mamimiss ko siya. Ayaw kong malayo sa anak ko."
"Kailangan." Napabuntong hininga nalang siya.
Nag-play ang slideshow, mga picture ni Shivelle. Simula noong baby siya hanggang ngayon.
Ang unang picture ay umiiyak siya, nakanganga ang bibig. Kakaanak ko pa lang sa kaniya.
Sunod ay mga dalawang taong gulang na siya, karga ni Flair. Seryoso ang mukha na nakatingin sa ama.
Ang pangatlo ay nakaupo siya, nakasimangot at nakasalong baba.
Ang cute-cute niya. Maging siya ngayon ay tuwang-tuwa na makita ang mga photos niya. Pumapalakpak at tumatawa.
Si Flair ang mga kumuha noon. Sa hilig niya mag-picture sandamakmak lagi ang laman ng gallery niya.
Sunod na nag-flash ay ang mukha niyang nakakunot ang noo habang may tinitingnang kung ano.
Nagtawanan ang lahat dahil sa hitsura niya.
Sinandal ko ang ulo sa balikat ni Flair. Nakakapagod ang araw na ito.
Sumunod ay kumanta ang mga matatanda. Kinantahan nila si Shivelle. Bidang-bida siya ngayong araw. Halata namang ang saya ng bata.
"Yehey!" Pumalakpak siya nang matapos ang kanta. Hindi na mawala ang ngiti sa labi ng mga Baider.
"Ang saya nila." Nakangiting sabi ni Flair.
"Oo. Ganyan ba naman ka-cute ang libangan nila."
Kinantahan din siya ni Kil, Diamond at Taxon.
Kumuha ako ng pagkain. Sumunod nanaman si Flair.
"I'm hungry, too."
Kumain kami at nagsubuan.
"Sweet naman!" Nakangiting sabi ni Taxon at tumabi rin sa akin. "Hindi yata kayo nag-aaway ngayon?"
Siguro nakikita niyang nag-aaway kami madalas.
"Siya lang naman ang nang-aaway." Turo sa akin ni Flair. Sumama agad ang tingin ko.
"Ohh men.. aalis na ako. Mag-aaway na hehe." Tumayo siya at mabilis na umalis.
Tinawag kaming dalawa ni Flair dahil may special number kami para kay Shivelle.
"Hi, baby. Happy Happy Birthday. Mommy and daddy always love you!" Magkasabay naming hinalikan ang tig-kabila niyang pisngi.
"This is our little gift song number for you." Nakangiting sambit ni Flair.
Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko
Originally by Rey Valera
Kinuha ko ang mic. Nagsimulang tumugtog ang intro ng kanta.
Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Madamdamin kong kanta habang nakatingin kay Flair. Pagkatapos ng linya ko ay sabay naming kinanta ang sunod.
Hinapit ako ni Flair at pinagdikit ang noo namin. Ang ganda ng moment. Nakikita ko si Shivelle na tuwang-tuwa at pumapalakpak.
Kinanta iyon ni Flair, hinaplos niya pa ang buhok ko.
Sabay tayong mangangarap ng nakaraan sa 'tin
Yumakap ako sa baiwang niya. Ang saya naman ng sandaling ito. Ang sumunod na linya ay magkasabay naming kinanta habang gumigiwang nang marahan at magkahawak kamay.
Magkayap naming kinanta ang sunod na lyrics. Makikita mo sa mga mata ng mga Baider na kumikislap iyon, kita mo rin ang malalapad nilang ngiti na animo'y hinahangaan ang samahan naming dalawa.
Bihira sa kanila ang ngumiti at maging masaya. Palagi silang walang emosyon o kung hindi naman kunot ang noo kaya naman tumatalon ang puso kong makita silang masaya rin.
Natapos ang kanta, nagpalakpakan ang lahat. Agad kaming lumapit kay Shivelle Flear. Malapad ang pagkakangiti niya sa amin.
"Did you like it?" Tanong ni Flair sa kaniya, tumango ang bata.
"Happy, Happy Birthday!" Sabay naming sabi kay Shivelle Flear pagkatapos ay nagkaroon ng family hug.
Kahit palagi kaming magkaaway ni Flair, masaya pa rin ang pamilya namin.
Umalingawngaw ang malakas na palakpakan.
"Nakakainggit 'diba, mga Baider?" Tumatawang sabi ni Leroi. "Tumanda na tayong walang mga asawa kaya 'yong tatlo diyan baka naman gustong mag-asawa?" Pagpaparinig niya kay Kil, Diamond at Taxon.
"Tatanda rin kayong virgin.. sinasabi ko sainyo maliban kay Resttan na babaero." Umalingangaw ang malakas na tawanan.
"Kaya kung ako sainyo manghila na kayo ng pwedeng maasawa habang hindi pa huli ang lahat." Pagbibiro pa rin ni Leroi.
"Ang laki ng hinanakit mo, Leroi." Sigaw ni Lucio.
Si Leroi ang pinakabata kala lolo hindi katulad nila na matatanda na talaga. Iilan ang may asawa, karamihan kasi sa kanila ay lalaki kaya pala sobrang mahal ang babaeng miyembro.
Ang gabing ito ay puno ng tawanan, malayo sa seryoso nilang mukha kapag kaharap ang ibang tao.
"Let's party, Baiders!" Malakas na sigaw ni Leroi sa mic.
Nagsimula nang sumayaw ang ilan. Ang iba ay kumain, nakipagkwentuhan pero marami ang lumapit kay Shivelle at pinagkaguluhan.
Sa laki ng mansyon na ito o baka nga palasyo na, iilan lang din naman ang tao.
Tiningala ko ang mga malalaking picture, bawat ibaba noon ay may pangalan kung sino, nakaukit sa paraang kabit-kabit at classy ang pagkagawa. Pansin kong mahalagang bagay rin sa pamilya ang mga larawan sa pag-alala ng mga namayapa na.
"Shine.." tawag sa akin ni lolo. Nakangiti ko siyang tiningnan. "Thank you for giving us Shivelle Flear. Napakagandang bata."
"Ako lolo, hindi mo pasasalamatan.. lahi ko rin 'yon." Singit ni Flair.
"Syempre.. salamat din sa aking pinakamamahal na apo." Tinapik-tapik niya sa balikat si Flair.
Close talaga silang dalawa.
"Nawa'y magkaroon pa kayo ng maraming anak." Sabi ni lolo bago kami iwan.
Natameme ako.
Ayaw ko, lolo. Mamaya mamatay na ako kapag nanganak pa ako ulit.
Inihiga ni Flair si Shivelle sa kama. Pinaggitnaan namin siya, tulog na. Niyakap namin siya at binigyan ng halik sa pisngi.
"Mamimiss ko ang anak ko. Kung hindi lang dahil sa clinic dito rin ako." Nakangusong sabi ni Flair.
"Okay lang 'yan para makasama rin nila dito si Shivelle isang buwan lang naman."
"Isang buwan, isang araw, isang linggo parehas lang 'yon hindi ko pa rin siya makakasama." Pagmamaktol pa rin ni Flair.
"I'm going with you."
Hinawakan niya ang pisngi ko. "Masosolo kita." Hinampas ko siya.
"Lagi mo naman akong solo."
"I mean solong tayo lang dalawa. Tayo lang naman ang babalik ng Pinas sila Taxon dito pa rin."
"Ya."
"Matulog na tayo." Ipinikit na ni Flair ang mata.
"Good night." Humalik ako sa pisngi niya at ni Shivelle.
"Good night, cherish."
Pumikit na rin ako. Narinig ko ang pagkanta ni Flair, sobrang hina lang sapat lang para marinig ko.
"Ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo... kahit maputi na ang buhok ko."