Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 60

Shine Clear's POV

"Nel Jan!" Masigla kong bati sa kaniya nang mabungaran.

"Hi." Ngumiti siya nang malapad. Lumabas ang natural na kaguwapuhan niya.

Goddess din talaga ang isang ito. Ngayon ko lang na-appreciate.

"Pasok ka." Hinila ko siya papasok ng mansyon at pinaupo sa sofa.

Matalim ang tingin ni Flair na ngayon ay nakaupo at nagge-games sa phone niya.

"Kumusta kayo?" Nakangiting tanong ni Nel Jan.

"Okay lang. Napadalaw ka?"

"As usual. He's visiting you." Si Flair ang sumagot, puno ng kasarkastikuhan at pagmamaktol.

"Yeah. I'm visiting you. Hindi pa ba umuuwi si Shivelle?"

"Kunwaring si Shivelle ang hinahanap." Sabat nang sabat si impakto kaya hindi ako makapagsalita.

"Shut up ka nga muna diyan, impakto." Tiningnan ko siya nang masama.

"I have something for you!" Masiglang sabi ni Nel Jan. May kinuha siya sa bag niya.

Nanlaki ang mata ko nang makita 'yon.

"Cookies!" Ibinigay niya sa akin ang cookies.

Rinig ko ang buntong hininga ni Flair. Malamang wala siyang magagawa tungkol sa paborito kong pagkain. Sipain ko siya kapag inagaw niya nanaman.

"Thank you!" Kumagat agad ako ng isa.

"Masarap?" Nakangiting tanong ni Nel.

"Ya. Saan mo binili?"

"Ako gumawa niyan."

Natigilan ako at ngumiti. "Marunong ka pala."

"Hmm. I tried."

"Wait lang, ah?" Tumakbo ako at inilagay sa ref.

Naabutan ko sila ni Flair na naglalaban ang tingin.

"Come here my wife." Pinakadiinan niya ang salitang 'my wife'.

Hinila ako at iniupo sa hita. Nailang naman ako dahil sa harap pa talaga ni Nel kaya umalis ako sa pagkakaupo.

"Naiilang pa ang asawa ko sa friend niya." Pinakadiinan nanaman niya ang salitang 'asawa ko' at 'friend'.

Ano bang problema nitong impaktong ito? Kasal na at lahat seloso pa rin.

Tumawa si Nel Jan, sabay kaming napatingin ni Flair. "Dude, don't be jealous. I'm just visiting her. Nagpaka-honest na ako, ah."

"'Wag mo pansinin 'yan. Ganyan talaga 'yan." Tumabi ako kay Nel Jan pero di pa man lang nakakaupo sumingit na si Flair sa gitna.

Singitero forever.

"Tabi! Nag-uusap kami!" Pilit kong inaalis si Flair pero nagpabigat siya.

"Edi mag-usap kayo." Inis na sabi niya. "Basta dito lang ako."

"Hayaan mo na." Nakangiting sabi ni Nel Jan.

"Don't smile at her!" Makasigaw siya akala mo ang layo ni Nel samantalang ang lapit-lapit lang.

Tinaas ni Nel Jan ang kamay, sumusuko. "I'm going na nga baka may mamatay dito sa selos. Magkaroon pa ng lamay."

Natawa kami parehas habang si impakto ay matalim pa ring tinitingnan siya.

"Don't look at me like that, dude. She's your wife as if I can stole her from you."

"Shut up! You're legendary playboy!" Asik ni Flair.

"I'm what?" Tumatawang sabi ni Nel Jan.

"Legendary playboy."

Aba't inulit pa ni Flair.

Natatawa na lang kaming dalawa ni Nel sa kaniya. Para siyang ewan sa kakaselos niya. Wala naman ginagawa 'yong tao.

"Yeah, yeah, I'm legendary playboy.. noon hindi na ngayon." Nakangiting sabi ni Nel at tinapik ang balikat ni Flair. "I'm going." Sumulyap siya sa akin. "Take care." Kumindat pa pero halatang inaasar si Flair.

"Can I get your eyeballs?!" Masama pa rin ang tingin niya kay Nel.

"Ohh. Sorry.. kakindat-kindat kasi ang asawa mo." Nakangising sabi ni Nel Jan.

Si Nel Jan pala may side din na mapang-asar at palabiro. Ngayon ko siya lubos na nakilala dahil kaibigan na namin siya.

"Kindatin ko 'yang mukha mo! Umuwi ka na nga!" Asik sa kaniya ni Flair.

"Ow. Chill, dude. Can't you see I'm more handsome t--" natigilan si Nel nang inis na pinalo ni Flair ang sofa.

Tinawanan siya ni Nel Jan. "Sige na nga. Aalis na. I don't want you to die because of jealous."

Matunog na tumawa si Nel Jan bago umalis. Nakangisi ko namang binalingan si Flair.

"You always jealous."

"I'm not."

"Really?"

Inis niya akong tinalikuran. Pumasok sa kwarto, ngingisi-ngisi naman ako.

Napakaseloso niya kahit kailan. Kahit nakatali na ako sa kaniya ganyan pa rin siya kaya siya laging inaasar ng mga boys dahil sa ugali niya.

Pumunta ako ng kusina at kumuha ng isang cookie. Ang sarap ng gawa ni Nel. Sana lagi siyang magdala nito.

Tinext ko siya.

To: Nel Jan

Thank you for the cookies.

From: Nel Jan

Welcome. Eatwell

"Kaaalis lang ng lalaki mo ka-text mo agad?"

Napatalon ako nang makitang nakasilip si Flair sa phone ko.

"F-flair?"

"Flair?" Maarte niyang sabi. "Tsk."

"You're over reacting."

"Am I?" Nakataas ang dalawang kilay na tanong niya.

Napatingin ako sa labi niya na ngayon ay nagtatangis sa inis.

It makes me think of kissing him.

"I love you.. always." Nakangiti kong sabi. Nilambing ko siya at pinulupot ang kamay sa baiwang niya.

Hindi siya nagsalita, ang pagkakanguso ay nando'n.

Hapon na pero inaantok ako kaya natulog na lang ako. Hinayaan ko si Flair na manood ng TV.

Nag-unat ako nang kamay at humakay pa nang magising. Sinilip ko ang labas, madilim na. Napahaba yata ang tulog ko. Hinanap ko si Flair at natagpuan ko siya sa kusina. May nginunguya siya, nang makita niya ako ay biglang sinubo ang kinakain niya, pilit pinagkasya sa bibig niya kaya bumubukol ang pisngi. Hindi ko nakita kung ano 'yon. Hindi ko na lang pinansin. Nakangiti kong binuksan ang ref.

Kinuha ko agad ang box ng cookies. Nakangiti ko 'yong inilapag sa lamesa.

"Baby, anong ulam natin for tonight?" Tanong ko sa kaniya.

Nilunok niya muna ang kinakain at uminom ng tubig.

"Ano bang gusto mo?"

"Fried Chicken."

"Okay."

Natigilan ako nang buksan ko ang box ng cookies.

Walang laman!

"Flair!" Asik ko agad sa kaniya. Hinarap ko siya, nakita ko ang maliliit na cookies sa labi niya.

Tinaas ko ang isang kilay ko. "Kinain mo ba ang cookies ko?"

Nanlaki ang mata niya at nag-iwas ng tingin. "H-hindi, ah."

"Hindi?" Sarkastiko kong sabi. "Sino pala ang kumain? Tayong dalawa lang ang nandito?"

"Baka may nagnakaw."

"At sino naman?" Mataray kong sabi.

"A-ano.. aso."

"Aso? Kumakain ng cookies?"

"O-oo bakit hindi ba?"

"Talaga?" Mataray ko pa ring sabi kahit kitang-kita ko ang ebidensya sa labi niya.

"Bakit mo ba ako pinagbibintangan? Hindi ko nga kinain."

Inilapit ko nang sobrang lapit ang mukha ko sa kaniya. Naiilang siyang umiwas ng tingin.

Nilandi ko siya, nilaro ang labi ng hintuturo. "Eh, ano 'to?" Pinandilatan ko siya ng mata.

Wala pa man lang ay tumatawang tumakbo na siya.

"Sorry na! Nasarapan lang ako!" Sigaw niya habang hinahabol ko.

Siraulo ka talaga!

Inis na inis akong tumakbo at hinabol siya. Makakatikim ito sa akin ng mag-asawang sampal, nakakamatay na sipa at malakas na hampas.

"Sorry na kasi!"

Sorry na? Pero ang lakas ng tawa niya. Dudukutin ko dila nito kapag nahuli ko.

Nakarating kami sa pool. Takbo siya nang takbo. Napahawak ako sa tiyan ko sa kakatawa nang madulas siya.

"Aray." Hawak niya ang balakang at pilit na tumatayo.

"Buti nga sa'yo! Karma!"

"Sama mo. 'Yan ba tinuturo mo sa mga estudyante mo ang pagtawanan ang taong nadulas?"

"Bakit naman nadawit ang estudyante ko dito? Aber? Ikaw nga nangangain ng cookies na hindi sa'yo!"

Akmang lalapit ako, bigla siyang tumayo at lumayo.

"Ayaw ko ng mahampas! Masipa! Masuntok! Ang sakit sakit!" Umaakto pa siyang sakit na sakit kahit wala pa akong ginagawa.

"Wala pa nga masakit agad?"

Unti-unti akong lumapit sa kaniya. Nagulat ako nang hubarin niya ang shirt niya. Napatakip ako ng mata ko hanggang marinig ko ang malakas na tawa niya.

"Alam ko na ang panlaban sa'yo!" Narinig ko ang yabag niya patakbo.

Bwisit ka talaga!

Nakita ko siya sa lamesa, nakangisi. Hindi pa rin niya sinusuot ang shirt kaya hindi ako lumalapit. Malaki ang ngiti niya nang sulyapan ako.

"What?" Asik ko sa kaniya.

"Hihi. I love when you're blushing and feeling awkward to me."

"Isuot mo na ang shirt mo!"

"Ayaw ko. Sasaktan mo ako."

"Takot masaktan."

"Takot sa akin kapag topless ako." Malakas siyang tumawa.

"Ewan ko sa'yo!"

Kinuha ko na lang ang manok sa ref at nagsimulang maglagay ng crispy fry. Naramdaman ko ang yakap niya sa likod ko.

"Mag-aaral na lang ako gumawa ng cookies, cherish."

"Bahala ka."

"'Wag ka na magalit. Naubos ko kasi ang sarap, eh. Maniwala ka pinigilan ko."

Natawa ako. Epal talaga. Kala mo kung anong pinigilan.

It's just a cookies.

Sabi naman ni Nel magdadala siya ulit.

Natigilan ako nang gumagapang ang kamay ni impakto sa baiwang ko.

"Hoy! What are you doing?"

"Cherishing you."

"Cherishing you? Psh. Ganda pa ng sinabi mo di mo na lang sinabing pervert ka."

"I'm not. It's just I can't avoid myself from touching you." Humalik siya sa balikat ko.

Hinayaan ko siyang nakayakap sa akin habang inaayos ang lulutuin ko. Niluluto ko ang chicken habang siya ay nakatingin lang sa akin at nakangiti.

"Hmm. Smells yummy." Inamoy niya ang niluluto ko.

"Malamang. Fried chicken 'yan, yummy talaga."

"Pero mas yummy ka."

"Tse!"

"Tsenelas."

Inirapan ko na lang siya. 'Yong tse ko nagkakaroon ng iba't ibang dugtong niya.

Natalsikan ako ng mantika kaya napahawak ako sa lower arm ko. Lumapit agad si Flair, kinuha ang pulso ko at pinadaluyan ng tubig.

First aid. Para hindi mapaltos ang balat mo.

"Masakit pa ba?" Malambing niyang tanong.

"Hindi. Kaunti lang."

Natigilan ako nang halikan niya ang lower arm ko.

"Hindi ako bata para halikan mo okay na."

"May sinabi ba akong bata ka?"

Ang galing niya talagang demepensa. The best ang kuya mo Flair, di papatalo sa laban.

Itinuloy niya ang niluluto ko. Pinanood ko na lang siya. Kahit likuran niya ang pogi tingnan. Hindi ko napigilang yumakap sa likod niya.

"Hmm?" Nakangiti niyang sabi.

Nanggigil ako sa kaniya kaya kinagat ko ang likod niya.

"Aray." Hawak niya ang likod at nakangiwi.

"Hehe."

Matapos namin kumain ay naglaro kaming dalawa. Para kaming bata sa kakatawa. Nagja-jack empoy kaming dalawa kung sinong matalo pitik sa noo.

"Jack empoy hale-halehoy kung sinong matalo siyang unggoy!"

Gunting ako at siya ay papel. Lumapit agad at pinitik ang noo niya.

"Sakit!" Sapo niya ang noo.

"Jack empoy hale-halehoy kung sinong matalo siyang unggoy!"

Papel ako at bato siya. Pinitik ko nanaman ang noo niya. Sinapo niya nanaman. Tawa ako nang tawa.

"Jack empoy hale-halehoy kung sinong matalo siyang unggoy!"

Bato ako at gunting siya. Tuwang-tuwa ulit akong pumiltik sa noo niya.

"Ano ba 'yan? Huwek mo naman." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Jack empoy hale-halehoy kung sinong matalo siyang unggoy!"

No!

Bato ako at papel siya. Nakangisi siyang lumapit pero imbes na pitik ay halik sa noo ang ginawad niya sa akin. Tinitigan ko siya sa mata, nakaawang ang labi ko. Hinawakan niya ang baba ko at tinikop ang bibig ko. May kung ano sa hawak niya ang parang bago dahil sa gumapang na kuryente sa katawan ko.

Ilang beses ko bang ipapaalala sa sarili ko na hindi ito ang una at matagal na kaming magkasama?

Dug.dug.dug.

Naramdaman ko nanaman ang kilig, ang saya at ang masarap na pakiramdam.

He never hurt me physically.

He's the one. I love him so bad. I want to spend the rest of my life with him even if we fight everyday, even if I shout at him, even if sometimes we don't understand each other.

Those even if doesn't matter when you love someone like this.

"Isara mo ang bibig mo kapag kinikilig ka baka mapasukan ng langaw."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.