Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 59

Shine Clear's POV

Todo sigaw ang mga tao sa amin. Ang iba ay nagpa-picture pa.

Artista? Palibhasa kasi mukhang artista si Flair.

"Ang sweet niyo ng asawa mo! Artista ka ba, kuya? Ang pogi!"

Sabi ko na nga ba, eh. Mukha siyang artista.

"Hindi." Tumawa si Flair at umakbay sa akin.

Himalang nasa good mood siya at hindi naninigaw ng mga babae.

"Model?"

"Hindi rin."

"Bakit ganyan ka kaguwapo?"

"Guwapo? Hindi naman masiyado."

Kunwari humble ang impakto. Kadirdir.

"Bye, girls! Alis na kami ng asawa ko." Hinila niya na ako palayo.

"Nag-enjoy ka, over melanin?"

"Ya." Ipinulupot ko ang kamay sa baiwang niya.

"You wanna go home?"

"No. I want to stay here. Maglakad pa tayo."

"Okay."

Ang lambing naming dalawa sa isa't isa. Para bang unang beses na mag-date.

"Baby.." tawag ko sa kaniya.

"Yes, cherish?"

"Have you ever admire other girl than me?"

Nag-isip siya. "Wala. Ikaw lang talaga."

"Bakit?"

"Ewan ko. Ikaw lang, eh. Maliban kay mom." Tiningnan niya ako. "Eh, ikaw? Bukod kay Kean sino pa no'n?" Tumingin siya sa kapaligiran.

"Si Lance."

Natigilan siya at mabilis na nilingon ako. "Really?"

"Ya. He's my first love."

"Huh? Paano nangyaring sila ni Carme ngayon? Hindi ka niya gusto?"

Ewan kung bakit namin pinag-uusapan ang past pero maganda na rin na may mapagkwentuhan kami para alam namin ang pinagdaanan noon ng isa't isa.

"Gusto.. kaso gusto siya ni Carme kaya hindi ko sinabing gusto ko rin siya. Hindi ko itataya ang sariling kaligayahan para sa kalungkutan ni Carme. I love her so much."

"May gano'n palang nangyari."

"Ya."

"Si Clench hindi mo nagustuhan?"

"Hindi, best friend ko lang talaga siya."

"Bakit kaya ganyan ka?"

"Anong ganyan?" Kunot noo kong tanong.

"Haba ng hair."

"Mahaba naman talaga ang buhok ko." Winagayway ko pa ang buhok ko.

"I mean. Gustuhin ng mga lalaki."

"Ako? Hindi naman."

"Wow! Hindi pa 'yon, ah? Gusto mo bang isa-isahin ko?"

"Sino naman? Wala kaya!"

"Pa-humble."

"Baka ikaw.. ang daming babaeng nagkakagusto at naghahabol sa'yo."

"Hindi ko naman pinapansin."

"Kasi maldito ka."

"Hindi kaya. Ayaw ko lang ng nilalandi ako maliban na lang kung ikaw ang lalandi sa akin."

"Hmm?" Nginitian ko siya.

Tumalikod siya sa akin at sinenyas ang likod niya. "Sakay ka sa likod ko."

Nakangiti akong sumakay. "Bakit?"

"Baka pagod ka na."

"Sweet mo." Kinurot ko ang pisngi niya.

"Ikaw lang naman ang hindi."

"Pa'no ba dapat? Sweet naman ako, ah. Kini-kiss nga kita."

"Kapag hindi ka tinotoyo."

Pinatong ko ang ulo sa balikat niya.

"Baby.. maganda ba ako?"

"Oo."

"Saan banda?" Tumawa siya.

"Sa mukha."

"Pa'no mo nasabi?"

"Ewan, 'yon ang nakikita ko."

"Anong nakita mo? Bakit mo ba ako minahal?"

"Hindi ko nga alam. Basta nakita ko lang ang ngiti mo natulala na ako."

"Ano? Magic?"

"Parang.."

"Parang gago. 'Yon na 'yon?"

"Oo. Mayro'n kasi saiyo na nagugustuhan ng mga lalaki. Para sa iba hindi ka masyadong maganda pero para sa akin ang ganda mo kasi marami kang katangian na gustong-gusto ng mga lalaki at hindi lang 'yon kapag nagustuhan ka.. nababaliw hindi ka makalimutan."

"Ang OA nababaliw talaga?"

"You really don't know."

"Ang alin?"

"Nothing.."

"Ano nga?" Kinulit ko pa siya.

"Manhid ka hindi mo napapansin ang mga tao kahit dati no'ng ako 'yong may gusto sa'yo."

"Hindi ko alam."

Natahimik na kaming dalawa at dinama ang malamig na hangin.

"'Gusto mo na bang umuwi?"

"Ayaw ko. Wala si Shivelle.. nalulungkot ako."

"Uuwi rin 'yon. Lagi mong inaalala anak mo. Sa tapang no'n baka sila pa matakot do'n."

Umupo kami sa may dalampasigan. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Hinaplos niya naman ang pisngi ko.

"Swerte ko na ako ang nagustuhan mo."

"Anong swerte do'n? 'Diba nga sabi mo sadista ako?"

"'Yon lang?" Pinukpok niya ang dibdib niya. "Astig 'to."

Sinuntok ko ang dibdib niya. Ako pa nasaktan dahil ang tigas nga.

"See?"

"Bakit ganyan? Hindi ka naman nagwo-work out."

"Lagi akong nag-eexercise at sumasayaw tuwing umaga. Madalas kasi tulog ka pa."

"Bakit hindi mo ako isama?"

"Ayaw ko istorbohin ang mahimbing na tulog ng prinsesa ng mga Suarez."

Ngumiti na lang ako. Ang tahimik ng lugar. Nakaka-relax lang lalo na't siya ang kasama ko.

Pumasok ako sa loob ng shirt niya dahil nilalamig na ako.

"Ayan ka nanaman. Mamaya mapunit shirt ko."

"Nilalamig na ako."

"Halika na. Let's go home."

Naglakad na kami papunta sa kotse. Pagdating namin sa mansyon ay napakatahimik. Nakakalungkot ang isiping ang tagal nilang umuwi.

"Manood na lang tayo ng movie." Nakangiti niyang sabi.

Pumasok na kami sa kwarto. Naghanap ng pwedeng panoorin matapos maligo.

"Kissing booth 2?" Masigla kong sabi.

"Napanood mo na 'yon, eh."

"Gusto ko ulitin! Bilis!"

Wala na siyang nagawa. Nagsisimula pa lang ay kinikilig na ako kay Marco.

"Mas guwapo naman ako diyan." Tinaas niya pa ang sando niya. "May abs din naman ako."

"Shhh. 'Wag ka maingay!"

Tawa ako nang tawa sa mag-best friend na Elle at Lee. Kapangalan ko pa ang bida kaya natutuwa akong panoorin.

"Woah! Ang pogi ni Marco!" Nagtatalon ako sa kama at parang bulateng hindi mapakali.

"Anong pogi diyan? Tsk. Mukhang bombay na 'di naliligo!"

Hinampas ko siya nang hinampas. "Bawiin mo sinabi mo!"

"Aray! Totoo na--aray!"

Masama ko siyang tiningnan.

"Mas pogi naman kasi ako diyan!"

"In your dreams, impakto!"

Habang nanonood ako naiirita ako dito sa katabi ko dahil ang daming sinasabi.

"Hindi naman talaga pogi. Parang di naliligo, mukhang mabaho tapos mas okay naman ang katawan ko. Matalino ako tapos pogi habulin ng mga babae an--"

"Pati artista pinagseselosan mo?"

"Hindi. I'm just telling the truth."

"Ewan ko saiyo!"

Bumalik na lang ako sa panonood. Tawa ako nang tawa nang maiwan ni Lee ang saklay niya at nakita ni Elle. Kapag na kay Marco ang scene ay kilig na kilig ako.

"Ayaw ko na kay Noah! Babaero."

"Pa'no mo nalaman?"

"Tingnan mo nga payakap-yakap pa siya sa babaeng negra."

"Eh, friendly siya."

"Sus! Walang gano'n."

Ang panonood namin ay nauwi sa pagtatalo. Ang scene na ay nagpa-practice sila ni Marco.

"Ang pogi! Ang galing sumayaw!"

"Ako rin kaya."

"'Wag ka maingay hindi kita kinakausap."

"Talaga! 'Wag mo akong kakausapin, ah!" Nakanguso niyang sabi at tumalikod sa akin.

Bahala ka, impakto!

Ang scene na ay performance na ni Marco at Elle. Hindi ako magkandaugaga sa kilig. Sinilip ko si impakto, nakatalikod lang, bigla siyang pumikit nang tingnan ko. Hayaan ko nga siya. Inaabot nanaman ng topak hindi nakainom ng gamot.

Gamot sa keleleng niya.

"Oh! Busted! Nando'n pala si Noah. Ouch."

Kung maka-react ako parang hindi ko pa napanood. Kunwari nagulat sa mga eksena. Wala na akong narinig na pagmamaktol nitong Javen Flair kaya nanahimik ang buhay ko.

"Ahh!" Ang lakas ng tili ko nang halikan ni Elle si Marco.

Niyugyog ko si impakto. "Manood ka na! Tingnan mo.. bilis!"

Hindi niya ako pinansin kaya napasimangot na lang ako. Natapos ang movie na tahimik. Pinatay ko ang TV at tumabi na kay Flair. Sinilip ko siya, nakapikit.

"Gising ka pa?" Kinalabit ko siya.

"Baby.." tawag ko ulit.

Baka tulog na. Yumakap ako sa likuran niya. Nagulat ako nang tanggalin niya ang kamay ko.

"Hey, bakit di mo ako kinakausap?"

Hindi siya nagsalita.

Ayaw mo magsalita, ah!

Pumaibabaw ako sa kaniya at kiniliti siya. Ang lakas ng tawa niya.

"Ayaw ko na. Zeal!" Tawa siya nang tawa.

"Hindi mo ako pinapansin, ah."

"Sabi mo di mo ko kakausapin?"

"Nagbago isip ko." Ngumiti na ako.

Akmang tatayo ako pero hinila niya ulit ako.

"Maganda ang gabi." Nakangisi niyang sabi.

Hala siya! Ito nanaman.

"A-ano naman?"

"Baka lang naman gusto mo?"

"Ng?"

"Ay! Fuck!" Napamura ako nang hawakan niya ang butt ko.

"Pervert!"

"I'm not."

"You are."

"I'm not."

"Tse!"

"Tsemay."

"Bago ngayon?"

"Hindi. Walang nagbago ikaw pa rin ang love ko."

Nag-iwas ako ng tingin. Ang layo naman tapos naging gano'n. Pinapakilig nanaman niya ako.

"Sino mas pogi sa amin ni Marco?"

"Si Ma--" Napatawa ako nang siya naman ang nangiliti.

"Ano ba! Impakto!"

Natigilan lang ako nang nasa ibabaw ko na siya. Nagkatitigan kaming dalawa.

"Bakit ba lagi kang maganda?" Iyon ang salitang lumabas sa bibig niya.

"Hindi naman. Pangit ko kaya."

"Nasaan ang pangit? Hindi ko makita." Hinaplos niya ang pisngi ko.

May naisip akong kalokohan kaya napangisi ako. Tinulak ko siya at ako naman ang pumaibabaw. Hinalikan ko siya, naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya.

"Hmm. Cherish.. you naughty." Naniningkit ang matang sabi niya.

Marahan ko siyang hinalikan papunta sa pisngi.

Malapit na. Hihi.

Narating ko ang tainga niya.

"Ahhhh!" Napasigaw siya nang kagatin ko.

Ang lakas ng tawa ko. 'Yong mukha niya ang sama ng tingin.

"Ikaw ang nauna mangagat diba?" Tumatawa kong sabi.

"Madaya ka nakaganti ka na tapos ngayon nangangagat ka nanaman. Dapat ako rin!" Gumuhit ang ngisi sa labi niya.

No!

Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong hawakan sa braso. Tinakpan ko agad ang tainga ko. Tawa siya nang tawa hanggang sa humalik siya sa pisngi ko. Akala ko ay halik lang pero kinagat niya.

"Aray!" Asik ko kaya pinaghahampas ko siya.

At ang ending, nagkagatan kaming dalawa.

Hindi ako nagpatalo. Kahit anong malapit sa bibig kong parte ng katawan niya kinagat ko nang sobrang diin. Kinagat ko sa leeg, balikat, dibdib, braso kahit saan. Nilandi ko muna bago matanggal ang sando niya at pinagkakagat ko sa dibdib.

Kala mo, ah.

"Ang sakit na! Carnivores!" Halos maluha na siya sa sakit.

"Kagatan pala, ah?" Nakangisi kong sabi.

"Ang sakit mo mangagat. Bampira ka ba?"

"Oo. Grr." Nilapit ko nanaman ang bibig sa leeg niya.

Masarap pala mangangat. Thanks to Flair I experience how to bite.

"Ayaw ko na! Puro pasa na katawan ko."

"Ikaw ang nauna. Sana kung hindi ka nangagat edi hindi ko natutunan. Sisihin mo sarili mo."

"Isang kagat lang 'yon! Ikaw ang dami at sa iba't ibang parte pa. Nanglalandi ka pa."

"Ayaw mo no'n?" Todo layo ako dahil baka maisahan ako ng impakto makagat din ako.

"Ayaw. Ibang landi ang gusto ko." 'Yon nanaman 'yong ngisi niya.

May masamang balak.

Nagtaklob ako ng kumot. "Tulog na ako. Night."

Rinig ko ang malakas na tawa niya. "Takot."

"Matulog ka na."

Napasigaw ako nang makita ko ang mukha niya sa ilalim ng kumot. "Monster! Rapist! Manyakis!" Sigaw ko na ikinatawa niya.

"Rapist amp! Minsan talaga may toyo ka."

"Ikaw 'yon."

Tumakas ako sa kaniya.

Paano naman ako makakatulog kung may katabi akong impaktomg may masamang balak?

Hinila niya ako pabalik sa kumot. "Ayaw ko impakto. Please? Please?" Pagmamakaawa ko.

Tawa siya nang tawa. "Anong ayaw mo? Wala akong ginagawa. Rapist? Grabe ka!"

"Malay mo. Hihi."

"Ikaw talaga." Yumakap na lang siya sa baiwang ko.

"Your hug is my comfort that's why I can't sleep when you're not here by my side." Pumikit na siya at nakatulog.

"Ikaw ang buhay ko, cherish."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.