Shine Clear's POV
"No matter what happen support each other, always together, pres forever. That's our batok promise to each other."
Namangha ako sa kanta ni Kean, Flair at Rev. Akalain mong may tono pala ang pangako nila sa isa't isa. Masigla ang tono at mapapasayaw ka. Kaya naghe-headbang sila habang kinakanta 'yon. Paulit-ulit na linya pero hindi nakakasawang pakinggan.
Magaganda ang boses nila. Uso naman sa mundong ito ang mahilig kumanta. Magkakasama kami nila Kean, Rev, Flair, Nel Jan at Arah.
Hindi kami kompleto dahil hindi pa naman bumabalik sila Carme. Si Ali ay bawal dahil buntis, isang gabi lang kami na magca-camping nagkayayaan.
"Rev, dapat hindi ka na sumama kawawa naman si Ali." Kinalabit ko si Rev dahil nasa unahan siya ng kinauupuan namin.
Nasa van kami at tinatahak ang daan papunta sa bundok.
"Mas kawawa ako kapag naiwan ako sa kaniya. Galit na galit palagi sa akin simula no'ng mabuntis. Akalain mong sipain ako hanggang malaglag sa kama."
Tinawanan namin si Rev. "Ayaw pa akong katabi. Sa terrace ako pinapatulog. May sira sa ulo." Hinampas ko siya.
"Ang sama ng ugali mo sasabihan mo pa ng may sira sa ulo."
"Syempre joke lang 'yon. Love na love ko 'yon kahit gaano pa ako kagago."
Napangiti ako sa sinabi ni Rev. Parang ngayon ko lang siya narinig magsalita ng sweet.
"Yuck!" Sinapo ni Kean ang noo ni Rev. "May sakit ka ba? Hindi sa'yo bagay maging sweet."
"Wow! Nagsalita ang sweet sa asawa. Kung iwan mo nga para kang binata!"
"Kailan ko iniwan?"
Nagtalo silang dalawa hanggang mauwi sa batukan. Pinaghahampas ko silang dalawa dahil nagda-drive si Kean baka mabunggo kami.
"Elle.." tawag sa akin ni Arah.
"Hmm?"
"Kailan balik ni.." namula ang pisngi niya kaya napangiti ako.
"Hindi ko nga alam. Ang mga siraulo ayaw na umuwi."
"'Wag ka na umasang babalikan ka pa Arah. Masasaktan ka lang iiyak ka lang hanggang sa mamatay ka at paglamayan." Malokong sabi ni Nel Jan.
Galit na sinulyapan siya ni Arah. "At ikaw? Kahit nga pag-asa wala."
"Bars! Kawawang Nel Jan. 1 point Arah Melita Abriol. 1 point Nel Jan Quijada babaero." Malokong biro ni Rev.
"Hindi na ako babaero." Depensa agad ni Nel Jan.
"Asang magbago ka pa? Nasa dugo mo na nananalaytay 'yan." Inirapan siya ni Arah.
Ang laki talaga ng galit ni Arah kay Nel kapag si Rev naman ang nagbibiro hindi siya ganyan, hindi siya pumapatol, 'pag kay Nel Jan halos isumpa niya na at kulamin.
"Bakit ano bang klaseng dugo mayro'n ako?" Nakangising sabi ni Nel Jan.
"Aba. Malay ko. Dugo mo 'yan alamin mo!" Inirapan siya ni Arah.
Napabungisngis kami ni Flair sa hitsura nilang dalawa. Ang matindi pa magkatabi sila.
Tumunog ang phone ni Nel kaya tiningnan namin 'yon.
"Hello. Nel Jan pretty boy, speaking.."
Napahagalpak kami ng tawa sa sinabi niya.
Pretty boy? LT!
Halos mapugto na ang hininga ko kakatawa. Ito namang si impakto nakipagpalakasan ng tawa sa akin.
"Shh. Silent guys. Di ko marinig." Saway sa amin ni Nel Jan.
Isa rin palang maloko ang babaero.
"Hello! Siraulo ka! Kung hindi ka magsasalita. Magbikti ka na! Bitin kita patiwarik!"
Tawa kami nang tawa dahil sa lakas ng boses ni Nel Jan. Galit na galit sa kausap niya.
"Utot mo mabaho!" Sigaw pa niya bago ibinaba ang phone.
"Sino raw?" Tatawa-tawa kong tanong.
"Malay ko do'n. Pinaiinit ang ulo ko."
"Ang sabihin mo isa sa mga babae mo." Singit ni Arah, inis na inis kay Nel Jan.
"Ito si Arah, uso mag-move on. Galit na galit ka sa akin."
"Hindi ako maka-move on, eh."
Gumuhit ang ngisi sa labi ni Nel Jan. "Kay Kil? Alam na namin 'yon."
Natahimik si Arah. Nagpatugtog naman sa player si Kean kaya tahimik na kami.
When I Dream About
By: Gracenote
Ang tugtog ay rock kaya lahat kami ay kumikislot at naghe-headbang. Nakahawak sa baiwang ko si Flair at kinakagat-kagat ang labi niya.
Trip nito?
There was a time in my life
When I opened my eyes and there you were
Hindi ko na napigilan sumabay sa kanta at gano'n din sila.
Kinuha ko ang suklay at ginawang mic. Natatawa akong tiningnan nila.
That's when everything's all right
You're in my arms
Sa kabaliwan ko hinaplos ko ang pisngi ni Flair. Ngumiti naman siya nang malapad. 'Ayon nanaman ang ngiti niyang guwapong-guwapo. Bakit ba siya pinanganak na perpekto?
Nilaro ko ang mata ni Flair at pinapikit at saka dinampian ng halik sa noo. Masiyado na yata akong nagiging sweet.
Wait for my dreams
'Cause I still love, loving you
Natapos ang kanta, narating namin ang lugar. Sa ganda ng paligid, namangha ako. Ang sarap sa pandinig ng mga ibong humuhuni.
"Do'n tayo sa may malapit sa falls para makapag-swimming," yaya ni Rev.
Naglakad na kami papasok. Medyo malayo-layo rin ang nilakad namin. Nang marating ang lugar ay halos tumulo ang laway ko dahil sa pagkakanganga.
Ang ganda!
Lagaslas ng tubig ang maririnig mo. Ang linaw ng tubig, kitang-kita ang mga isda.
"Parang may sirena." Ang siraulong si Rev nanaman. "Tingnan mo." Lumapit si Rev kay Kean at may tinuro sa tubig.
Tingin na tingin naman si Kean. "Saan?"
Biglang tinulak siya ni Rev kaya 'ayon nauna ng maligo si Kean.
Ang lakas ng tawa ni Rev.
Nakita ko ang ngisi nitong katabi ko. Walang anu-ano'y lumapit siya kay Rev habang nakatalikod. Tinulak niya rin kaya ang lakas ng tawanan. Habang tumatawa si Flair ay ako naman ang napangisi. Tinulak ko rin siya.
Nagtawanan ang lahat. Ang tatlong magbe-bestfriend ay 'ayon nagtapunan ng tubig at nag-enjoy na sa paglangoy.
"Cherish, come here." Itinaas ni Flair ang kamay at kinukuha ako.
"No. I need to change my clothes."
"No! 'Wag kang magbi-bikini!" Masama niya akong tiningnan.
Inirapan ko siya.
"Cherish 'wag mo akong subukan!" Banta niya pa sa akin.
"Anong susuotin ko?"
"Tama na 'yan."
Tiningnan ko ang sarili, simpleng white shirt lang na plain at short. Mukhang wala akong magagawa pagdating sa damit na isusuot.
Nagtayo kami ng tent. Maggagabi na kaya madilim na. Gumawa na rin ng bonfire at nag-ayos na ng mga gamit.
Nag-ihaw ako ng hotdog at marshmallow. Pati na rin bangus at barbecue. Kasama ko si Arah habang ang mga boys ay nag-aayos pa rin ng tent.
"Elle?"
"Yes?" Nakangiti kong sagot kay Arah.
"Sa tingin mo ba magugustuhan pa ako ni Kil?"
Nilingon ko siya habang pinapaypayan ang iniihaw.
"Hindi ko rin alam ang sagot. Ayaw kong magbitaw ng salita kung hindi ko naman alam dahil maaring makasakit lang saiyo."
"Pero kasi.. mahal ko siya. Hindi ko kasi siya maintindihan o sadiyang assuming lang ako."
"I know how hard it is for you, but you need to hold your love for him. You need to take all the risk, because that's love, still believe that one day he'll give you the worth and love that you want."
Tumango siya sa akin. "Paano kung mahuli na siya?"
Natigilan ako sa sinabi niya.
Bakit may iba na ba siyang gusto?
"Paano kung dumating 'yong araw na bigla niya na lang ma-realize na mahal niya ako pero iba na ang gusto ko?"
Mas lalo akong natigalgal. Posibleng mangyari 'yon at hindi ko alam kung anong gagawin ni Kil pero sa kabilang banda siguro kailangan kong iumpog ang ulo ni Kil sa kalokohan niya at sa pagiging torpe o denial niya.
Hindi ko alam ang rason niya kung bakit iniiwasan niya si Arah. Posibleng pino-protektahan niya dahil sa patunay.
Pero paano kung di niya talaga gusto si Arah? Hindi ko siya mapipilit sa bagay na 'yon.
"The decision is yours, but you need to be careful for choosing the man, because one wrong move and you will regret."
"Baby.." biglang sumulpot si Flair at yumakap sa akin. Hinila niya ako at naiwan si Arah na nag-iisip.
Nakapalibot na kami ngayon sa apoy.
"Maglalaro tayo." Nakangising sabi ni Rev. Kinuha niya ang uling. "Spin the battle, but this time whoever point the lip of the bottle.. lalagyan ng uling sa mukha."
Napatayo ako agad. "Ayaw ko." Hinila ako ni Flair paupo.
"Sige na, baby. Alam mo ba na maganda sa skin ang uling?"
"Nang-uto ka pa. Sige."
Pinaikot na ang bote. Unang natapatan ay si Rev kaya masaya namin siyang pinagkumpulan. Kumuha ako ng uling at ikinalat sa palad ko.
"Mm." Sinampal ni Flair si Rev ng uling.
"Lagay lang! Walang sampalan!" Binatukan niya si Flair.
Tumatawang nilagyan ni Kean si Rev sa ilong. Si Arah ay nilagyan sa palibot ng mata. Mukha na siyang panda. Si Nel Jan ay nag-iisip kung saan magandang ilagay. Ako naman ay nilagyan siya sa kilay kaya kumapal. Nakaisip si Nel Jan kaya nakangising nilagyan siya sa noo ng cross.
Ang lakas ng tawa namin sa hiitsura ni Rev. Sunod-sunod na nag-flash ang camera ng phone ni Flair.
"Shut! Bagay saiyo 'yan. Poging-pogi!"
Ang malokong si Rev ay nagpa-cute pa.
Sunod na natapatan ay si Arah. Nakangising lumapit agad si Nel Jan at nilagyan din ng cross sa noo. Si Rev ay nilagyan siya ng bigote. Si Flair ay ginawang eyeshadow, nilagyan sa talukap ng mata. Si Kean ay sa baba, itinuloy ang balbas. Ako naman ay sa pisngi.
Tawa kami ulit nang tawa sa hitsura ni Arah.
Sunod na natapatan ay ako.
No way!
Napatayo ako bigla at akmang tatakbo pero hinapit na ako ni Flair.
"'Wag kang madaya." Nakangisi niyang sabi.
Siya pa talaga ang number 1 na mang-aalas ka. Nilagyan niya ako agad sa kilay, ginawang makapal ang kilay ko. Si Rev ay nilagyan ako ng bigote.
Trip talaga niya ang bigote.
Si Arah ay nilagyan ako sa pisngi. Naghihintay akong lagyan ni Kean at Nel pero nakatingin lang sila.
"Oh.. kayong dalawa?" sabi ni Rev na nakatingin sa kanila.
"Ayaw ko. Hindi ako maglalagay." Sabi ni Kean.
"Ako rin." Nakangiting sabi ni Nel Jan.
Problema nila?
"Ganda kasi." Nakataas ang labing sabi ni Rev.
"Maglagay na kayo hindi naman makikita sa kaniya dahil negra." Pinaghahampas ko si Flair. Inis na inis ako.
Hindi ako negra!
"Anong negra?!" Galit kong sabi sa kaniya. "Buset ka!"
Tumayo ako at naghubad ng damit.
"Hoy! Ano--ba't ka naghuhubad?!" Matalim niya akong tiningnan. Nanlalaki naman ang mata ng iba.
"Ayaw ko na!"
Tinalikuran ko sila at diretsong tumalon sa falls.
Nakakainis siya talaga! Tinatanggap ko na nga ang over melanin pero ang negra hindi ko matanggap hindi naman ako maitim! Morena Clara!
Naglangoy na lang ako sa inis ko. Bigla ay may tumalon sa tubig, sunod-sunod. Nandito na rin sila.
Hindi ko pinansin si Flair.
"Baby..." kahit gaano pa kalambing 'yon bahala siya sa buhay niya.
"Warla ete! Warla ete! Kawawa siya! Kawawa siya!" Sigaw no'ng dalawa ni Rev at Kean.
"Shut up!"
Lumangoy ako palayo kay Flair. Hinila niya ako sa baiwang.
"Sorry.. hindi na kita tatawagin ulit na negra." Ngumiti siya. "Minsan lang."
Hinila ko ang sarili sa kaniya.
Epal mo!
Lumayo ako sa kaniya. Akmang lalapit siya pero hinaya ko ang kamao ko.
"Kapag sumunod ka sa akin. Isang linggo akong hindi matutulog sa tabi mo!"
Nanlaki ang mata niya at natigilan. Naglangoy ako palayo, umupo ako sa malaking bato. Pinanood ko na lang ang kulitan nila.
Nakakainis!
"Parang negra lang galit ka agad?" Nakangising lumapit si Nel Jan.
"Umalis ka dito! Wala ako sa mood!"
"Pa'no ang hitsura ng wala sa mood?"
Hindi ko alam pero natawa ako. "Ewan ko sa'yo!" Tumatawa kong sambit.
"Funny?"
"Ay, hindi."
Nginuso niya si Flair kaya tiningnan ko.
"Pustahan tayo bukas pinaglalamayan na 'yan dahil sa selos." Bulong ni Nel Jan.
Natawa nanaman ako. "What's new? He's always like that."
"Thanks, Elle."
Nilingon ko siya, siya naman ay nakangiting nakatitig sa akin.
"For what?"
"For accepting me as your friend."
Ngumiti na rin ako. "You deserve it. People change and I'm happy that you really change."
"Hindi ako nagbago. Ganito talaga ako. Si kuya lang naman ang may gusto na maghiganti tinulungan ko lang."
"You regret?"
"Oo. No'ng nalaman ko na siya naman pala ang nanghamon kay Jave na mag-one on one, naapakan ang ego niya no'ng natalo at di rin naman sinasadya ni Jave na mapilay siya."
"At least you have your realization."
"Oo nga."
"And you're now a good and gentleman. Hindi ka na naglalaro ng mga babae."
"Yeah. You hit me." Tumawa siya. "My karma."
"Do you still like me?" Natakpan ko ang bibig dahil sa pagkaprangka na lumabas sa bibig ko.
Umiling siya pero hindi na nagsalita.
Good for him.
Biglang umakbay si Rev sa amin dalawa ni Nel Jan.
"Kung ako sainyo maghihiwalay na kayo dahil kung hindi sasabog ang bulkan, matatamaan kayo ng lava at masusunog ang balat niyo." Dire-diretsong sabi ni Rev.
Umakbay rin si Kean sa amin. "At di lang 'yon, magkakaroon ng tsunami, aanurin kayo ng tubig, at matatamaan ng mga bagay na tatarak sa katawan niyo hanggang mamatay na kayo."
Sabay kaming tumawa ni Nel Jan.
Mga baliw talaga.
"At ikaw Kean. Isa ka rin tanggalin mo 'yang kamay mo dahil nandiyan na!" Tumakbo palayo 'yong dalawa nang makitang palapit na si Flair.
Matalim ang tingin, nagtatangis ang bagang at kuyom ang palad.
Oh uh. Rumble!
Bago pa siya tuluyang makalapit ay niyakap ko na sa baiwang. Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya.
"Baby..." pinalambing ko nang todo ang salitang 'yon.
"You're mine, Zeal. So don't you let other man touch you! And don't laugh when the reason is not me! I'm trembling in anger!"