Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 63

Shine Clear's POV

Pinagmasdan ko si Flair na nasa veranda may kausap sa phone at parang galit na galit.

Anong problema no'n?

"Baby?" Tawag ko sa kaniya.

Natigilan siya at binaba agad ang tawag. Lumapit siya agad at yumakap sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.

Sa galit ba o sa takot?

"Why? Is anything wrong?"

"Nothing.. cherish. Don't mind me." Tiningnan ko ang mukha niya. Bakas ang pagtangis ng bagang niya kaya mariin siyang pumikit, nagpipigil.

"Sinong kausap mo? Why are you so angry?"

Umiwas siya ng tingin at hinawakan ang kamay ko. "Let's eat."

Ayaw nanaman niyang pag-usapan ang bagay na 'yon.

Pinaghanda niya ako ng pagkain. Nanginginig pa rin ang kamay niya at sa tingin ko pinagpapawisan ng malamig. Yumakap ako sa kaniya.

"Tell me?"

"It's nothing.. I love you." Humalik siya sa noo ko.

"I love you forever."

Kumain kami nang tahimik. Bawat subo niya ay malamlam ang mata, may iniisip.

Matapos naming kumain ay nagpaalam siyang aalis.

"Saan ka pupunta?"

"C-client." Hirap pa siyang sabihin 'yon.

"Sinong client?"

"Let's talk later." Humalik siya sa labi ko at umalis na.

Kinakabahan nanaman ako kung sinong client 'yon. Ayaw kong mag-isip pero pakiramdam ko babae 'yon kaya hindi niya masabi sa akin.

Nanood na lang ako ng TV at nagbasa ng magazine. Tinawagan ko si Shivelle at nakipagkwentuhan sa kaniya. Pumalahaw nanaman ng iyak dahil miss na miss na raw kami. Matapos ang kwentuhan namin ay naboryo na ako dahil ang tagal bumalik ni Flair.

May nag-door bell kaya nagmadali akong buksan baka si Flair na. Nabungaran ko si Kean at Rev.

"Oh? Napadalaw kayo?"

Pinapasok ko sila at pinaupo sa sofa.

"Jave! Labas ka na diyan sa lungga mo!" Sigaw ni Rev na nakatingin sa kwarto namin sa taas.

"Wala siya, umalis."

Natigilan silang dalawa.

"May usapan kaming iinom ngayon. Saan nagpunta?" sabi ni Kean.

"Hindi ko alam."

Tinitigan ako ni Kean. Nakuha nanaman niya ang dinaramdam ko. Alam na alam niya 'yon dahil psychologist.

"You're overthinking again."

Sabi ko na nga ba.

"Alam mo ba kung sinong client ang madalas niyang inaasikaso?"

"Hindi. May sarili kaming clients at sa dami no'n kailangan pang tingnan lagi ang mga papers namin."

Tumango ako. Malamang magkakaroon talaga siya ng client na babae. Akmang tatapin niya ang ulo ko pero pinigilan ni Rev.

"Yari ka! Sige hawakan mo isusumbong kita kay Jave."

Natawa naman kaming dalawa ni Kean.

"OA mo naman, Rev! Masyado kang loyal kay Jave kaya minsan nagseselos na ako." Ngumuso pa si Kean.

Parang baliw naman siyang niyakap ni Rev. 'yong malanding yakap na akala mo'y linta na babaeng haliparot.

"Sorry na baby. Don't be mad. Ikaw lang sapat na." Sabi pa ni Rev na yumakap sa baiwang ni Kean at akmang hahalik sa pisngi.

Inis na inis na nilukumos ni Kean ang mukha niya gamit ang palad.

"Kadiri ka! Kaya Sin apelyido mo, eh. Makasalanan!" Inis na sabi ni Kean.

"Revnel Han Sin, ang pinakapoging Sin sa buong mundo." Nagpa-cute pa siya. "Anong gagawin natin? Tagal naman ni Jave. Batukan ko 'yon pagdating."

Lumipas ang mga oras pero hindi pa rin umuuwi si Flair. Nakatulog na ako sa sofa kakahintay. Hinayaan ko 'yong dalawang nagrarambulan sa paglalaro ng video games.

Pagmulat ko ng mata wala pa rin si Flair.

"Saan ba nagpunta ang lalaking unggoy na 'yon?" Nakapamaywang na sabi ni Rev.

"He didn't pick up the phone." Sabi ni Kean na hawak ang phone niya.

"Baka mamaya pa 'yon. Magluluto na ako. Dito na kayo kumain."

Nagluto ako ng paborito kong adobo.

"Wow!" Sabay nilang sabi.

Masigla silang kumain. Nag-aalala na ako kay Flair kaya panay ang tingin ko sa oras.

11 pm.

Hindi pa rin siya umuuwi?

"Ang sarap ng adobo! Dadalasan ko nga ang makikain dito." Nakangiting sabi ni Rev.

"Masarap talaga siya magluto." Pagmamalaki ni Kean sa akin.

"Dami mong talent para kang si Jave lahat alam no'n." Sumubo si Rev at uminom ng tubig.

"Elle?" Tawag sa akin ni Rev.

"Ya?"

"Think positive."

Nabatukan siya ni Kean. "'Yan nanaman ang think positive mo. 'Wag ka na magpayo ulit-ulit ka!"

"Buti nga nagpapayo pa. Uuwi rin naman kasi si Jave baka na-traffic lang o may mahalagang pinuntahan."

"We know that." Sabi ni Kean.

Nagkwentuhan pa silang dalawa. Ayaw nila akong iwan kasi raw mag-isa lang ako wala pa si Flair.

Naupo na lang ako sa balcony.

"Beautiful?" Tawag sa akin ni Kean.

Umupo siya sa tabi ko. Si Rev naman ay may kausap sa phone niya.

"Are you happy?" Malamlam ang matang sabi niya.

Nangilid ang luha ko. "Of course, I'm happy."

"Don't lie."

Tinitigan ko ang mukha niya.

That was his face and emotions years ago. The Kean who'd I love, but I can't feel the same way towards him now. Only Flair who occupies the space in my heart.

"Sometimes I encountered lonelinesss and finding the answers to my questions. Hindi ko mahulaan ang kilos ni Flair. Masaya kami.. sobrang saya pero may point na talagang iiyak ka hindi naman maiiwasan."

"Magtiwala ka lang sa kaniya. Gano'n talaga ang buhay."

Inabutan niya ako tubig. "Water? Always?"

"Hmm." Ngumiti siya. "That's my life."

"Ya. I know. You have your own identity." Nilingon ko ang mukha niya na nakatingin sa kawalan. "Ikaw. Masaya ka ba?"

"Oo naman. Palagi naman."

"Good to know."

"But I'm wondering." Nilingon niya ako nangilid ang luha niya.

Bakit parang iiyak siya? May problema ba ang taong ito?

"Wondering?"

"Ayaw kong sabihin." Ngumiti siya.

"Maglilihim ka pa."

"Yes. That's the right thing to do and it doesn't matter anymore."

"It matters." Nilingon niya ako.

"It matters for me, but for you? It would never be."

"What do you mean?"

Pinakatitigan ko ang mukha niya. May emosyon siyang ipinapakita na hindi ko mahulaan. Hinawakan niya ang dibdib at napangiwi. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa dibdib.

"Anong problema?" Nag-aalala kong tanong.

Tinitigan niya ang kamay kong nakapatong sa kaniya.

"Don't touch me."

Tinanggal ko ang kamay ko.

"What's the problem?"

"Wala. It hurts." Itinuro niya ang dibdib.

"Bakit? Nagpa-check up ka na ba? Baka kung ano na 'yan, ah."

"It's not physical disease, it's my heart who traitor me."

Tumayo siya at tinalikuran ako.

'It's not physical disease, it's my heart who traitor me.'

Is it possible that he doesn't move on to me?

Pinanood ko ang likod niya na palayo na. Tinapik niya ang balikat ni Rev at nagpaalam na aalis na.

"Uuwi na rin ako. Ayaw ko maiwan dito kasama si Elle mamaya mabugbog ako ng Jave na 'yon." Tumingin si Rev sa akin at nagpaalam na.

Pinanood ko ang pag-alis nilang dalawa matapos ay pinagmasdan ko na lang ang buwan. Hindi ko alam kung bakit pumasok sa alaala ko ang nakaraan namin ni Kean.

It's painful.

Pero mas masaya ako ngayon kay Flair kahit madalas na hindi magkaintindihan. Wala akong pinagsisisihan do'n. Siguro nga talagang mahalaga lang din sa akin si Kean dahil una pa lang naman talaga siya ang ideal man ko.

Napangiti ako nang pumasok sa isip ko ang mga away namin ni Flair, kulitan, lambingan at asaran.

That was memorable for me. I found the guy who accompany me whatever trip I want.

Natigilan ako nang biglang may maramdaman akong tao. Hindi 'yon si Flair. Hinaya ko agad ang kamay ko at dahan-dahang naglakad sa kahabaan ng hallway. Napatago ako nang makita ang isang bulto. Nakaitim siya at hindi makita ang mukha, naka-ninja outfit.

Anong ginagawa nito?

Mabilis akong lumapit. Nagulat siya nang makita ako. Matangkad siya at sa tingin ko ay babae.

Sinugod ko agad siya. Magaling siya makipaglaban dahil nade-depensahan niya ang bawat suntok ko. Mas binilisan ko ang kilos. Nasuntok ko siya sa tiyan dahilan para mapaatras siya. Matalim ang mata niyang tiningnan ako.

"What do you need?" Maangas kong tanong sa kaniya.

Hindi siya nagsalita, sinugod niya ako. Nagpambuno kaming dalawa. Sumampa ako sa lamesa habang sinisipa siya at siya naman ay gamit ang kamay pinapatid at hinihila ang paa ko pero hindi siya nagtagumpay.

Sinampahan ko ang batok niya at pilit na tinatanggal ang nakakataklob sa buong mukha niya maliban sa mata. Nahawakan niya ang kamay ko at pwenersang baliin. Napakagat ako sa labi nang kumirot 'yon. Umatras ako saglit at patakbong bumwelo para sa flying kick. Kamangha-manghang naiwasan niya 'yon. Sinunod-sunod ko siya ng sipa sa baiwang, sinasangga niya ng kamay hanggang mahawakan niya ang paa ko pero wala pa man lang ay nahila ko na 'yon at sinipa siya sa mukha.

Napangisi ako.

Hindi ako mahina katulad ng inaakala mo.

Sino nga ba ito?

Pinagpipindot ko ang relo ko para sabihin kay Flair na may gulo dito.

Nagbasag ang babae ng vase at matalim na tiningnan ang malaking frame na picture namin ng buong angkan ng mga Baider. Natigilan ako ng dumukot siya ng kutsilyo at isa-isang pinatama 'yon sa mukha ko, ni Taxon, Kil, Diamond, lahat ng mukha doon ay tinarakan niya ng kutsilyo at ang panghuli ay tatlong tarak kay.. lolo.

Matalim niya akong tiningnan bago tumalikod. Hinabol ko siya pero hindi ko na naabutan.

Tiningnan ko ang picture frame. Sa ibaba no'n ay may nakaukit na 'BAIDER'.

Anong ibig sabihin ng babaeng 'yon?

Pwede niyang ipatama sa akin ang mga kutsilyo pero imbes na sa akin sa mga tao sa picture frame. May mas malaki siyang plano kung bakit hindi niya sa akin itinarak 'yon.

Nasa ganoon akong sitwasyon nang marinig ang tumatakbong yabag palapit sa akin. Puno ng pag-aalala ang mukha ni Flair nang makita ako.

"Okay ka lang?" Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. "What happened? May masakit ba? Anong nangyari dito? Sinong pumasok dito, baby? Answer me."

"Okay lang."

Tinalikuran ko siya. Nag-iisip ako. Kailangan kong malaman ang tungkol dito. Kailangan kong makausap si lolo. Tingin ko ay may kinalaman siya sa babaeng 'yon.

Yumakap si Flair sa likod ko.

"I'm sorry." Tumulo nang tumulo ang luha niya sa likod ko.

"I'm okay. No worries."

"I'm sorry." Pag-uulit nanaman niya.

Tiningala ko ang kisame. Nanganganib ang buong pamilya ko. Nakikita ko sa babaeng 'yon na matindi ang galit niya.

Posible bang may ginawa kaming masama sa kaniya lalo na si lolo?

Paano kung matinding paghihiganti ang gawin niya?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.