Javen Flair's POV
Nakatingin lang ako kay Zeal habang siya ay nasa kama nakatingin sa labas. Hindi kami nagpapansinan.
Bakit ko ba kasi sinabi 'yon? Wala naman akong ibig sabihin do'n, tinatakot ko lang siya dahil naiinis ako.
Minsan talaga hindi ko mapigil ang selos ko.
Masama bang maging possessive?
Natural lang naman 'yon dahil asawa ko siya at mahal ko siya. Naawa lang din ako sa kaniya dahil halatang natakot siya.
Pervert, Jave. No. I'm not. I'm just teasing her.
Lumapit ako at niyakap siya sa likuran. "I'm sorry, I didn't mean it."
Hindi nanaman siya nagsasalita. Hinigpitan ko ang yakap at ipinatong ang ulo sa balikat niya at dinampi-dampian 'yon ng halik. Sinuklay ko ang buhok niya at inamoy.
Ang bango.
Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang nakasimangot niyang mukha.
She's cute.
Punong-puno na ang gallery ko ng picture niya at ni Shivelle. Paborito ko talaga siyang kunan ng larawan kahit ano pang ginagawa niya.
Kabaliwan ko sa kaniya, 'yon talaga 'yon.
Cheesy.
"I'm sorry, please forgive me."
"Don't call me negra again." Mahinahon niyang sabi.
Tumango na lang ako. Ipinikit ko ang mata. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay kong nasa tiyan niya.
"I love you," bulong ko sa tainga niya.
"I love you more." Humarap siya at dinampian ako ng halik sa pisngi.
"What do you want? I'll cook?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.
"May mais ba dito?"
"Let see." Hinawakan ko ang kamay niya at marahang itinayo. Lumabas kami ng kwarto nang magkahawak kamay.
"Oh, bati na?" Nakangising sabi ni Kil.
"What's new? They're always fighting," nag-roll eyes si Diamond.
Si Taxon ay tiningnan lang kami.
"At least after the fight hawak pa rin ang kamay ng isa't isa. Hindi katulad ng iba diyan wala namang pinag-aawayan bigla na lang lalayo at mang-iiwan," nakangisi kong sabi.
Natigilan silang tatlo. Pare-parehas tinamaan. Nilampasan namin sila ni Zeal. Wala namang mais kaya nagpabili ako, pagkatapos ay nilaga ko na 'yon. Spoiled talaga ang babaeng ito sa akin, lalo na ang anak ko.
"Ang sarap!" Nakangiti niyang kinakagat-kagat ang mais.
Inilapit niya sa akin kaya kumagat din ako. Hindi naman masarap siya lang ang nasasarapan. Nag-ring ang phone niya kaya bago pa niya masagot kinuha ko na.
Sino nanaman ang tumatawag?
Lance calling..
"z4!"
Ibinigay ko ang phone kay Zeal dahil mukhang emergency.
"Gosh!" Napatayo si Zeal at natutop ang bibig niya. "Okay! Uuwi kami ngayon din."
Ibinaba niya ang tawag. Aligaga siya kaya nagtanong na ako.
"What happened?"
Hinila niya ako at mabilis na nagligpit ng gamit namin. "We're going. Kung gusto mo magpaiwan ka para kay Shivelle. Si BossRill pinasok ang bahay niya. Takot na takot ang mga anak niya."
"What?! Si tito Rill?"
"Oo! Sasama ka ba?"
"Sasama ako."
Lumabas ako at tinawag 'yong tatlo. "Sasabay ba kayo sa amin? Uuwi kami ngayon din."
Nagmadali silang tatlo at nagayak na rin ng gamit nila. Hindi ko nanaman maiuuwi si Shivelle.
"Baby.." tawag ko sa kaniya.
Kinarga ko at hinalik-halikan sa pisngi. "Uuwi na kami ni mommy. Babalik na lang ulit kami. May emergency kasi."
Nalungkot agad ang mukha niya pero niyakap niya ang munting kamay sa batok ko.
"Babalik kayo, 'diba?"
"Yes, baby," mahigpit ko siyang niyakap.
Nagmadali kaming sumakay sa pribadong eroplano ng mga Baider. May nakalagay sa buntot no'n na 'BAIDER'.
Hindi na mapakali si Zeal nang makaupo kami kaya naman niyakap ko na lang siya.
"Sino nanaman ang bagong kalaban? Sino gagawa no'n sa kaniya? Nakakainis hindi na matapos ang lahat ng ito. Paano na lang kung may masamang nangyari sa pamilya ni BossRill?"
"Shh." Hinigpitan ko ang yakap. "They will be okay. Sleep ka muna."
Nakatulog nga siya habang yakap ko. Hinaplos ko ang buhok niya.
Nilingon ko si Taxon na ngayon ay nakatitig sa wallpaper ng phone niya. Sa ka-chismosohan ko sinilip ko 'yon. Nakita ko ang mukha ni Vinea, nakangiti at may gumamela sa gilid ng tainga. Kakaiba rin talaga magmahal ang Taxon Ken Baider, kahit malabo ang pag-asa ay okay lang. Si Diamond naman nakatingin sa labas, malalim ang iniisip. Si Kil ay nakatingin sa keychain na hindi ko alam kung ano, parang heart na kahoy?
Ang lalalim ng iniisip nila.
"Why not pursue your love, Baiders? There's nothing wrong with it."
Tiningnan nila ako pero hindi nagsalita. Sana naman maging maayos na ang buhay pag-ibig nila. Nakakabaliw kaya ang umibig, dito nga lang sa over melanin na ito baliw na ako sila pa kayang wala talagang kasiguraduhan.
Nang makalapag ang eroplano ay halos ayaw kong gisingin si Zeal, tulog na tulog.
"Baby.." mahina kong tawag sa kaniya at hinaplos ang pisngi niya.
Nagmulat agad siya ng mata. Nagmadali siyang lumabas. Paglabas namin nakita ko agad si Lance.
"z4, ganito kasi hindi rin alam ni BossRill kung sino ang pumasok. Tinakot ang pamilya niya buti walang nangyaring masama."
"Anong pang sabi?"
"May threat daw. Sabi bitawan ang HTH dahil kung hindi mamamatay ang pamilya niya."
Frustrated silang dalawa. Kahit ako ay nag-alala rin para sa pamilya ni BossRill.
"Last week lang kasi may pinabagsak si BossRill na sindikato ng drugs pero hindi alam kung sino ang namumuno noon at sa tingin ko may kinalaman sila dito," sabi ni Zeal.
Tumakbo si Zeal palapit sa akin. Ikinagulat ko nang halikan niya ang labi ko sa harap ng mga pinsan niya at ni Lance.
"I'm going. Babalik ako." Akmang tatalikod siya pero pinigilan ko.
"Sasama ako."
"No. Madali lang ako." Dumampi siya ulit ng halik sa labi ko.
Pinanood ko na lang ang pagtalikod niya kasama si Lance.
"Jave? Saan sila pupunta?" Tanong ni Taxon.
"May misyon."
Kinuha ko ang mga dala namin at isinakay sa kotse. Under renovation kasi ang rooftop ng mansyon dahil may gusto silang ipalagay na magandang tambayan doon kaya sa mismong airport lumapag ang eroplano.
Napalingon ako sa bandang kanan. Natigilan ako nang makita ko si Tyron, Tyron Levrill Zabala. May hawak siyang maliit na karton at may nakalagay doon.
'Welcome back, Diyamante.'
Binaliktad niya iyon.
'143'
Napakunot ang noo ko.
Anong ibig sabihin ng 143?
Tinuro ni Tyron ang dibdib niya pagkatapos ay tinuro si Diamond.
Parang sinasabi niya na 'ikaw ang laman nito'.
Si Diamond naman ay taas ang isang kilay. Hindi man lang yakapin. Mga babae talaga pa-choosy pa. Hindi man lang kinilig.
"What are you doing here?" Mataray niyang tanong kay Tyron.
"Ano pa ba? Edi sinusundo kita."
Akmang lalampasan siya ni Diamond pero kinarga niya na parang isang sakong bigas at saka bumaling sa amin.
"Kidnapin ko muna, ah. Thanks, guys."
Nakangiti akong napailing-iling. Tinotoyo lang ang babaeng 'yan katulad ng over melanin ko paminsan-minsan.
Sunod kong tiningnan ay si Taxon ang Mr. Masungit ng taon ay nagmamadaling maglakad.
"Una na ako, ah. May pupuntahan ako."
Si Vinea, tago mo pa. Sweet corn.
Tiningnan ko si Kil. "Aba galaw-galaw hindi ka no'n pupuntahin. Kidnapin mo rin tulad ng ginawa ni Tyron," nakangisi kong sabi sa kaniya.
"Help me."
"Damay mo pa ako. Anong gagawin ko?"
Tumaas-taas ang dalawang kilay ni Kil, may masamang balak.
"Tara!" Umakbay siya sa akin.
Dinamay pa talaga ako sa kahibangan nila sa pag-ibig. Mga huwek hindi ko tulad, nainlove nalang si Zeal bigla.
Well.. Javen Flair Imperial 'to, eh.
Shine Clear's POV
Sumakay ako agad sa kotse ni LJ. Tinahak namin ang daan papunta sa bahay ni BossRill. Nagulantang ang mundo ko nang makita na makalat. May mga pinturang pula na sa unang tingin ay aakalain mong dugo. Nananakot talaga.
"BossRill!"
Lumapit kami ni LJ sa kaniya.
"Tingin ko kailangan kong ilayo ang pamilya ko dito. Hahanapin natin ang may gawa nito."
Pumasok kami sa isang room. Ipinakita sa amin ni BossRill ang white board na may nakadikit na mga picture.
"Ilan lang ito sa mga natapos nating misyon pero 'yong panghuling sindikato na napabagsak.. unknown. Hindi alam kung sino kaya mahihirapan tayo."
"Kayo na ang bahala maghanap sa namumuno ng grupo na iyon. Tinatawag lang nila itong Mr. S. Walang may alam dahil hindi siya talaga nagpapakita, kinakausap lang nila sa telepono. Tingin ko may iba pa siyang branch dahil isa lang 'yong branch na napabagsak."
"Mr. S? Hahanapin namin siya, BossRill. Sa ngayon baka kailangan mo munang dalahin ang pamilya mo sa isla. May biniling isla si Flair, Shivelle's island, doon muna sila. Pribado ang islang 'yon."
"Salamat, z4. Mag-iingat kayo."
Lumabas na kami ni Lance. Tingin ko kailangan ko ang tulong ni Nel Jan.
"Kay Nel Jan tayo."
"Huh? Why him? Magagalit nanaman ang asawa mo kapag sa kaniya ka humingi ng tulong."
"Trust me marami siyang alam at koneksyon."
Tinitigan lang ako ni Lance ng nakakunot ang noo.
"Faster, LJ," utos ko sa kaniya.
"Tsk."
Naabutan namin si Nel Jan na pasakay ng kotse.
"Nel!" Pinigilan ko ang akmang pagsakay niya.
"I need your help."
Tiningnan niya ako at si Lance. "Okay. Anong maitutulong ko?"
"Hahanapin natin si Mr. S. ang namumuno ng isang sindikatong hindi namin alam kung ano ang pangalan."
"Mr. S? Nakatransaksyon ko siya dati. Noon 'yon, ah. Noong mga panahong gago pa ako. Sige, I have a plan," ngumisi siya.
"Anong plano?" Tanong ni LJ.
Ngumisi si Nel Jan. "We need my Dreadful Gang."
"Mr. S we'll know you."