Shine Clear's POV
Maaga akong nagising at naligo na. Lumabas akong naka-robe. Pinagmasdan ko lang ang mukha ni Flair na mahimbing na natutulog.
Clench calling...
Kinuha ko agad ang phone at pinindot.
"Hello!" Masigla kong bati sa kaniya.
"Hi! Kumusta? Wanna see me? Uuwi na rin kami."
"Talaga? Nasa America kami. Kailan ang uwi ninyo?"
"Bukas na. Kita na lang tayo pag-uwi ninyo. Miss you, best friend."
"Miss you, too." Umupo ako sa gilid ng kama.
"Anong gusto mong pasalubong?"
"Hmm? Kahit ano."
"Si Shivelle?"
"Chocolates lang ang gusto no'n. Mana sa akin."
"Okay! I hang up. Labyu!"
"Labyu, too, superman."
"Bye."
"Bye, ingat."
"Ikaw rin."
Natapos ang tawag namin ni Clench.
"Labyu? Who the shut is that? Is it Nel Jan?!"
Napalingon ako kay Flair na ngayon ay galit na galit ang tingin sa akin.
"Si Clench 'yon."
"Tsk! Si Lunchbox boy."
Natawa ako sa sinabi niya. Lahat na lang binibigyan niya ng tawag. Si Nel Jan legendary playboy at si Clench naman si lunchbox boy. Ka-impaktuhan niya talaga.
"Bakit ba selos ka?"
"I'm not! I'm not! You just only say 'labyu' to the other guy!"
"He's my best friend. For my entire life I'm with him! Ano ka ba!" Nagsisimula na akong mairita sa kaniya.
"Whatever, negra!" Tumayo siya at diretsong pumasok sa banyo.
Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo.
Negra! I hate that description! I'm not negra!
Kinatok ko ang banyo. "Bawiin mo ang sinabi mo! Hindi ako negra!"
"You are!" Sigaw niya sa loob ng banyo.
"Impakto! I hate you!"
"I hate you, too!"
Aba't sumagot pa!
Iritado akong sinipa ang pinto ng banyo at diretsong lumabas ng mansyon.
"Hey, good morning, Shine!" Bati sa akin ni Taxon nang makasalubong ko.
"Good morning, best friend zone." Inis kong sabi sa kaniya.
Pati siya ay nasungitan ko kaya tinalikuran ko na lang at lumabas.
Nakakainis talaga ang impaktong 'yon! Ewan ko ba kung paano ko natatagalan na kasama siya!
Naglakad-lakad ako sa kalsada, puro puno ang nakikita ko. Nasa liblib na lugar kasi ang bahay namin. Tagong-tago 'yon at walang basta na lang nakakapasok dahil matindi ang seguridad. Sa yaman ng pamilya talaga ngang mahirap abutin.
Natigilan ako nang may humarang na tatlong lalaki sa akin. Nakangisi at pinasadahan ako ng tingin.
Gosh!
I'm wearing a dress. 'Yon kasi ang nahila ko sa closet dahil sa inis ko kay impakto. Hindi ako makakasipa nito. Nainis ako nang palapit sila nang palapit sa akin.
"Hi. Can you join us? Just one night?" Nakangising sabi ng isa na halatang manyak ang hitsura.
"Yuck! Leave me alone!" Iritado kong sabi.
Nanlaki ang mata ko nang tahakin ng tatlong lalaki ang distansya namin at mabilis na hinawakan ako sa braso. Walang tao dito dahil liblib nga. Walang nakakakita o nakakarinig.
Mabilis kong sinuntok ang isa. Napaigik ako dahil sa tigas ng mukha niya. Ang sakit ng kamao ko at parang may nabaling buto. Nang isuntok ko ulit ay napangiwi ako sa sakit. Ginamit ko ang kaliwang kamay panuntok na tinamaan sa tiyan ang isa kaya natumba. Ang sakit ng kamay ko at hindi rin ako makasipa dahil naka-dress.
Lumapit ang isa at nahawakan ako sa braso. Akmang hahalik pero sinuntok ko sa mukha kaya galit na galit na tumingin sa akin.
"Fuck this girl! She can punch us!"
"That was just a pre-punch. You should be thankful because I am wearing a dress right now. If not.. you'll suffer."
Mga amerikanong hilaw sila na hanep ang bigote. Hindi man lang mag-ahit.
Akmang lalapit ang isa pero nanlaki ang mata ko nang may sumuntok sa kaniya. Napatitig ako sa lalaking naka-plain shirt na black at simpleng short lang. Sa hitsura niya kahit nakapambahay ay halatang disenting tao.
Maganda ang hubog ng katawan niya at pumuputok sa fit na shirt ang maskuladong katawan. Matangkad, makapal ang kilay, matangos ang ilong, malamlam na mga mata na kulay blue, at manipis na labi na pinkish.
American boy? Sino ito?
Pinanood ko ang pakikipagsuntukan niya sa mga lalaki. Magaling ang kilos niya na parang sanay sa ganitong bagay. Hanggang sa sumuko na ang tatlo at kumaripas ng takbo.
I blinked when he walk towards me.
He's adonis personified! He's handsome with damn hot feature!
Natigalgal ako sa hitsura niya. Ilang minuto pa akong napatitig sa mukha niya.
"Hey, woman. Are you okay? I ask you a thousand times."
Napabalik ako sa wisyo nang marinig ko 'yon. Namangha lang talaga ako sa hitstura niya, 'yon lang 'yon. Malinaw pa rin ang isip ko na si impaktong nakakabwisit, kasumpa-sumpa pero mahal ko ang asawa ko.
I'm happily married! Although sometimes he's getting into my nerves. I love him so much!
"I'm okay. Thank you." Ngumiti ako sa kaniya.
Naglahad siya ng kamay sa akin. "I'm Dire Hamilton."
"Shine Clear Baider." Inabot ko ang kamay niya at nakipag-shake hands.
"Are you a Filipina?"
"Yes."
"Kaye pele keyemenge color of your skin."
Natawa ako sa pagtatagalog niya. He's not fluent. He's just trying hard.
"Ya. How 'bout you, are you pure American?"
"No. My mudra is a Filipina. Medyo marunong me magtagalog."
Natawa nanaman ako sa salitang 'mudra'. He's funny and entertaining.
"Saan ba house mo? Hatid na kita."
"No. I'm okay. Thank you again! Nice to meet you, Dire Hamilton."
Kumaway ako sa kaniya bago tuluyang umalis.
Galit na galit na sinalubong ako ng tingin ni Flair. Nandito rin sila Taxon, Kil, Diamond, lolo, Jerex, Laureyna, Tassiana, Laurex, Resttan at marami pang iba.
"Where are you came from?" Walang emosyong tanong ni Lauressa.
"A walk."
"Walk?" Sarkastikong sabi ni Flair. "We're all finding you and you just walk? Nang hindi man lang nagpaalam?"
Inirapan ko siya.
Kasalanan mo impakto! I hate you!
"Let's eat," malambing na ani ni tita Laureyna.
Hindi ko kinausap si Flair hanggang makarating kami sa sobrang habang lamesa. Kompleto ang angkan ng mga Baider. Sinubuan ko si Shivelle at pinupunasan ng bibig.
"Don't treat her like a baby, Shine," saway sa akin ni Lauressa.
Ang istrikto niya talaga. Kawawa naman ang anak ko dito.
"Let him eat on her own." Madiin ang pagkakasabi niya no'n.
Wala akong nagawa kung hindi hayaan ang anak kong kumain.
"You're so strict, Lauressa. She's a baby," sabi ni Leroi.
"Don't argue with the conditions. She must be brave," matalim siyang tiningnan ni Lauressa.
"Hey, don't fight in front of food," saway ni Resttan.
"Eat peacefully," walang emosyong sabi ni Anton.
Nagsisimula nanaman silang ipakita ang kawalang emosyon. Ang mga mata nila ay matatalim nanaman.
Bakit ba ganito sila? Ito kasi ang tradisyon. Bakit pa ba ako nagtatanong?
Ang tagong emosyon ay naging natural na sa pamilya ko. Kung sa kanila ako lumaki baka nakuha ko rin 'yon pero di makakailang kung minsan lumalabas din ang pagiging ganoon ko lalo na sa laban.
"So Jave.. what are you planning? Do you want another child?" Bigla ay tanong ni Lucio.
"Hindi na po. I don't want my wife to suffer. We all know that she encountered hardships when she carried Shivelle."
"Okay. And how about these three? Any plan?" Baling niya kay Diamond, Kil at Taxon.
"Gusto ninyong magaya sa amin? Malungkot dahil walang asawa? I am telling you three," sabi ni Leroi.
Tahimik ang tatlo at walang nagsalita.
"You three are getting older. Ayaw kong tumanda lang din kayo," ani ni Resttan.
"'Wag n'yong pilitin ang mga apo ko. They will tell us kung gusto na nila magpakasal. You don't need to remind them because they know that," sabi ni lolo.
"Reminder lang. What Anmela Eris, my mother said na kung puro at totoo ang pagmamahal makakaligtas sa patunay. Keep that in mind young Baiders," sabi naman ni Tito Laurex.
"Taxon.." tawag ni Resttan.
"Yes po?"
"'Wag kang masiyadong masungit sa ibang tao."
"But that's Baider's emotions?"
"Yeah, but not all the time."
"Okay," bumuntong hininga si Taxon.
"Kil.." tawag pa rin ni Resttan. "Who's Arah?"
Nanlaki ang mata ni Kil at nabilaukan pa.
"Ask her if she wants to fight for your love. You afraid, Taxen Kil," ani pa rin ni Resttan at matamang tinitigan si Kil.
"And Diamond."
"Yes?" Tumaas ang isang kilay ni Diamond.
"Don't play with the boys' feelings. Didn't you know the history? I'm a playboy, look at me now, I didn't find my great love because I did not respect them," dire-diretsong pangaral ni Resttan.
Lahat sila ay nasermunan ni Resttan. Ganito talaga ang pamilya kung ano ang makitang mali sa isa't isa, dini-desiplina.
Matapos ang makapigil hiningang pagkain na 'yon ay kaniya-kaniya ng sariling gawa. Kinuha nanaman si Shivelle at balik sa ensayo. Naaawa na ako sa kaniya.
Pumasok ako sa kwarto kaya sumunod si impakto.
"Why are you mad at me?" Tanong niya agad.
Naiinis akong sumalampak sa kama. "You called me negra! I hate it!"
"Is that so?"
Binato ko siya ng unan. "Called me again Negra! I won't sleep with you! I swear!"
"Labyu!" Sarkastiko niyang sabi at nag-make face pa.
"Seloso!"
"I'm not!"
"You are!"
Umupo siya sa sofa. Hindi kami nagpansinan. Dumapa na lang ako sa kama at nag-facebook. Naisip kong i-stalk ang account ni Flair. Ang cover photo niya ay kaming tatlo. Ang profile picture niya ay mukha ko and take note the 'married' status with me.
Nanggigil ako nang makitang may pinost siyang picture ko habang nasa isla kami, nakadapa ako sa kama at ang caption ay no other than 'negra'.
Inis kong pinagbabato sa kaniya ang unan. "I hate you so much! Much and much!" Sigaw ko sa kaniya.
Inis niya rin akong tiningnan at bumuka ang bibig niya pero walang boses na lumabas ang sabi 'negra'.
Tumayo ako at pinaghahampas siya. "Pikon na pikon ka," tumawa siya nang malakas. "Why are you so pikon with the word negra? But over melanin is just almost the same with that?"
"I hate you!" Pinagpapalo ko siya. "Hindi nga ako negra!" Tumulo na ang luha ko.
Hindi ko talaga matanggap na negra ako kasi hindi naman totoo. Medyo whitish naman ang balat ko not that too negra like what he said. He's just annoying me.
Papansin!
Gusto mo ng inisan, huh?
Umupo ulit ako sa kama at dinial ang number ni Nel Jan. Hindi sumagot kaya si Kean ang tinawagan ko. Napangisi ako nang sagutin niya agad.
"Hi, handsome," nakangiti kong sabi at nilandian ko pa ang tono.
I saw Flair giggled and crumpled his hands. I love the way you jealous.
1 all!
"Hey, beautiful. How are you?" Masigla rin ang tinig ni Kean.
Pinag-cross ko ang hita ko at malanding tumawa.
"I'm good. Don't mind me," kinumpas ko pa sa ere ang kamay na parang hinahampas siya.
"How's Shivelle?"
"She's pretty good. Miss her?"
"Yeah. Kailan uwi--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang agawin na ni Flair ang phone.
"Pre! Don't talk to my wife. I'm warning you!"
Rinig ko ang lakas ng tawa ni Kean sa kabilang linya.
"Easy, pre. Nangungumusta lang. Seloso ka talaga."
"Bye!"
Napalunok ako nang tingnan ako ni Flair nang masama.
"W-what are you looking at me that way?"
"Wow!" Sarkastiko niyang sabi. "Talking with your ex? Seriously?"
"You're just je-" natigilan ako nang hawakan niya ang dalawang pulso ko at ihiga ako sa kama.
Napalunok ako nang paulit-ulit. Ito ang ayaw kong pananakot niya. Lalo na kung ayaw ko.
"A-ano ba!" I rattled.
"Kapag inulit mo pa 'yon. I'll own you without your consent," madilim ang tingin niya sa akin. "'Wag mo akong subukan, cherish."
Natakot ako sa kaniya. Nakakainis talaga siya kayang-kaya niya akong pakabahin.
"Did you understand?!" Asik niya sa akin. Galit na galit talaga siya.
"He's your best--" I stopped when he touched my thigh.
Napasinghot ako ng maraming oxygen.
"Did you understand, cherish?" Pag-uulit niya.
"Y-yes."
Nakahinga ako nang maluwag nang tumayo na siya.
"Don't you dare, my cherish."