NAKAPAMAYWANG si Robinson habang nakaharap sa malawak na kabukiran. “Doon pa ang puna natin sa dulo!” At itinuro nito ang talaksan ng mga dayami. “Sila kasi ang huling nag-ani.”
“Wala na ba tayong ibang malapit-lapit na dadaanan?” tanong ni Ashley.
Umiling ang binata. “Malayo iyon. Tatawid pa ng pilapil. Pwede ka pang umurong. Five minutes lang naman tayo mula sa bahay.”
Inunat niya ang mga kamay at paa bilang warm up sa mahabang paglalakad. “I don’t mind. Noong bata pa ako, ginagawa ko rin naman ito. Dumadalaw kami sa bukid sa kaibigan ni Dad. I... I just forgot how to do it to do this but I can manage.”
She was wearing flat sandals. At napansin niya na walang suot na pangyapak si Robinson kaya ginaya niya ito. “O! Madudumihan ang paa mo.”
“Mas madali kapag nakayapak.” Tiyak na maeeskandalo ang staff ng spa kung saan siya nagpapa-service pagbalik niya sa New York. But she didn’t care. She loved the feel of the earth under her feet.
Inilahad ni Robinson ang kamay sa kanya. “Halika na?”
Tinanggap niya ang kamay nito. Magaan ang pakiramdam ni Ashley habang tumatawid sila sa pilapil. Di niya alintana kung ano ang tinatapakan niya, kung mainit man ang araw sa balat niya at wala siyang sunblock o manaka-naka ay may dumadapo sa kanyang insekto o may naririnig siyang kakaibang tunog. Alam niyang hindi siya pababayaan ni Robinson. Ni hindi nga niya napansin ang paglipas ng oras o ang layo ng tinawid nila na pilapil.
Di sila nag-aksaya ng oras. Nang makarating sa talaksan ng giniikan ng palay ay magkatulong silang nagsilid ng dayami sa sako. “Makati iyan,” sabi ni Robinson. “Mukhang sensitive ang balat mo.”
“Isang ligo lang siguro tanggal na iyan,” sabi niya at nagkibit-balikat. “Pwede na siguro ‘yang dayami na iyan.”
Mas mabilis na sila nang pabalik ng bahay. Pagod siya pero masaya. Nang bumalik sila ay tumigil muna sila sa ilalim ng puno ng mangga sa may hardin para magpahinga.
“Alright! Mission accomplished!” aniya at nakipag-hi-five sa binata.
Sinapo nito ang kamay niya saka pinisil. “Akala ko talaga uurong ka kanina. Nakayapak ka pa sa pilapil at mainit ang araw.”
“Suprisingly, akala ko susuko rin ako sa gitna ng pilapil pero mahigpit ang hawak mo sa kamay ko. Di ako makakabalik,” pabiro niyang sabi.
Biglang naging seryoso ang binata at pinagmasdan siya. “Sorry. Akala ko talaga maarte ka noong una kitang makilala. Kasi naman pusturang-pustura ka. ‘Yung tipong di pwedeng dapuan ng alikabok at di haharap sa ibang tao nang walang make up.”
“Akala ko rin maarte ako,” sang-ayon niya dito.
“Akala ko pihikan ka at hindi mo matatagalan ang pagtira dito sa bukid pero di naman pala,” sabi pa nito.
“Akala ko rin,” aniya at tipid na ngumiti. “Kahit ako nagugulat sa kaya kong gawin at i-endure. Akala ko nga mababaliw ako kapag walang laptop, internet at aircon. The New York girl survived the countryside. Yeah!” Tumayo siya at itinaas ang dalawang kamay na parang nakaabot siya sa tuktok ng Mt. Everest.
“Akala ko hindi kita magugustuhan.”
“Huh?!” usal ni Ashley at nilingon ang binata. “G-Gusto mo na ako ngayon?” Damn! She was stammering.
Tumayo ang binata sa harap niya. “Sa palagay ko.”
Pigil ni Ashley ang hininga habang nakatitig ang binata sa kanya. Nakita na naman niya ang di niya ang emosyon na di niya mabigyan ng pangalan sa mga mata nito. “Gaano kagusto?”
Siya ang di mapapalagay kapag di niya nalaman kung ano ang estado nila sa isa’t isa. Ano ba ang level ng pagkagusto nito sa kanya? Gusto bilang tao? Gusto bilang kaibigan? O gusto bilang isang babae?
Tumutok ang mga mata nito sa labi niya. Naramdaman niya na parang hinalikan siya ng apoy. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Binasa niya ang labi. She was anticipating for his next move, hoping that he would kiss her.
Nahigit niya ang hininga nang dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya. He will kiss me. This means he likes me!
Sinapo nito ang pisngi niya at namigat ang mga mata ni Ashley. Sa likod ng isipan niya ay nakikita niyang naghahanda na ang choir ng mga anghel sa pag-awit oras na maglapat ang labi niya. Nahalikan na siya nito noon. But this one was different. Gusto na siya nito at sinabi na nito sa kanya. Hindi na sila nagpapanggap.
“Yeyyy! Snow!” May yumugyog mula sa taas ng puno at pagtingala niya ay nakita niya ang dalawang pamangkin ni Robinson na niyuyugyog ang sanga. Kasabay niyon ay may ibinuhos ang mga ito sa kanila na maliliit na particles.
Nakayuko si Ashley at napapikit. Yeah! Great! Kung kailan sinabi ni Robinson na gusto siya nito at tiyak niyang hahalikan siya nito ay saka naman umentra ang batang ito. Way to ruin a romantic mood.
“Ano ito? Ipa?” bulalas ni Robinson. “Bumaba nga kayo! Gusto yata ninyong mapalo. Alam ninyong delikado diyan.” Nagkukumahog na sumunod ang dalawa.
“Anong ginagawa ninyo diyan, mga bata?” tanong ni Ashley at pinagpagan ang sarili. Tinulungan din siya ni Robinson dahil pati sa buhok niya ay may sumabit na mga ipa. “Bakit ninyo kami sinabuyan ng ipa?”
“Baka po nami-miss ni Tita Ashley ang snow. Kasi sa ‘Merka may snow,” sabi ng batang si Aleli.
“Hindi ko nami-miss ang snow sa Amerika,” sabi ni Ashley at ngumiti sa mga ito. “Pero salamat sa pag-aala-ala sa akin.”
“Hindi po ba masaya ang Pasko doon dahil may snow?” tanong ni Duncan.
“Hindi naman snow ang nagpapasaya sa tao kundi kasama niya ang mga taong nagpapasaya sa kanya. At masaya ako na nandito ako kasama ninyo,” sabi niya at niyakap ang dalawang bata. Saka niya nilingon si Robinson na masayang nakatingin sa kanila. Mas masaya sana kung natuloy siya nitong halikan kanina.
Hindi bale. Marami pa namang ibang pagkakataon para sa halik na iyon. And she was looking forward to it.
“HMP! Kunyari pang siya na lang ang magbabantay sa mga bata. Ang totoo inaabangan lang niya ang pagdalaw ng manliligaw niya kaya ayaw niyang umalis ng bahay. Mas inuna pa niya ang lalaking iyon kaysa samahan akong mag-BINGO,” sintir ni Nanay Talia habang bumibiyahe sila papunta sa plaza kung saan gaganapin ang pamaskong pa-Bingo ng Mayor. Oras na din daw iyon para makapag-socialize ang ina ni Robinson kasama ang mga kaibigan.