12 Gifts of Christmas- Kissing the Christmas Killer Chapter 25

“Nanay, dumating na po si Ate Marjorie kaya po may bantay na sila,” pagpapakalma ni Robinson dito habang nagmamaneho. Dumating na nakatatandang kapatid ni Robinson at ang asawa nito. Maayos naman ang pagtanggap ng mga ito sa kanya sa pamilya. “Kasama naman po ninyo si Ashley.”

“Salamat sa pagsama mo sa akin. Para naman maipagmalaki ko sa mga kaibigan ko na may imported na nobya ang anak ko. Tiyak na maiinggit ang mga kaibigan ko,” anang matandang babae at itinaas ang noo.

“Nanay, huwag naman ganoon,” saway ni Robinson sa ina.

“Paano tatandang binata ka na daw dahil umaasa ka pa rin na magugustuhan ka ng Lhala na...” Biglang natigilan ang matandang babae at naging alanganin ang ngiti nang lingunin siya. “Ang ibig kong sabihin, masaya lang ako na sa wakas may nobya ka na. Maganda, matalino, mabait pa at di mapangmata sa kapwa.”

Na-pressure si Ashley dahil baka mataas ang expectations sa kanya ng nanay ni Robinson. Kaya nang ibaba sila ng binata sa plaza ay humawak pa siya sa braso nito. “Bumalik ka agad.”

Maniningil ito ng upa sa nagrerenta ng pagtatanim sa bukid nito. Maganda ang ani ngayon kaya masaya ang Pasko ng lahat.

“Mababait naman mga tao dito. Di ka nila kakainin,” sabi ng binata.

Mababait naman ang mga tagabaryo at karamihan pala sa mga naroon ay ninong o ninang ni Robinson. Nape-pressure lang siya dahil parang napakataas ng expectations sa kanya ng ina ni Robinson. Nakita niya kung gaano ito kasaya na nobya siya ng anak nito at itinuring na rin siya nitong sariling anak. Paano kapag naghiwalay na sila ng binata? Tiyak na masasaktan ito.

“Do you want to see our local products?” tanong ng ninang ni Robinson na isang baranggay captain.

Tumango siya at iniwan muna ang ina ni Robinson na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan habang hinihintay ang pagbubukas ng bingguhan. May mga booth ng iba’t ibang baranggay mula sa local produce ng mga magsasaka hanggang sa iba’t ibang handicrafts ng mga baranggay. May booth din para sa mga local artists pero pakiramdam niya ay napaka-generic na. Nakita na niya sa ibang artist.

“In-invite ba ninyong magpasa ng artwork si Robinson Dakila. I’ve seen his artworks. He is really good,” sabi niya sa nagbabantay ng ng booth.

“Ah! Anak po kasi ni Mayor ang nag-a-approve sa mga artworks. Gusto daw po niya na pili ang ie-exhibit,” sabi ng babae.

“Narinig ko yatang pinag-uusapan ninyo ako,” anang lalaki na nangangamoy designer perfume agad na nag-aanunsiyong mayaman ito. He was dressed in Giordano stripped shirt and Levis jeans. Naka-Italian leather shoes ito. Pero kahit amoy mayaman ito at pangmayaman ang damit, he was in poor form. Kasing tangkad lang niya ito at malaki pa ang tiyan nito. May itsura pa mandin. Inilahad nito ang kamay sa kanya. “Hi! Ako si Rogel, anak ni Mayor Santisima . Parang ngayon lang kita nakita.”

Ah! Ito pala ang lalaking mas pinili ni Lhala kaysa kay Robinson. Kinamayan niya ito. “I am from New York. I am Ashley.”

“Lovely name and it suits you.” At inilapit ang katawan sa kanya. “Nasa New York ako last year. Sayang hindi pa tayo magkakilala noon. Ikaw sana ang nagpasyal sa akin. I am sure I will have a great time.”

“Haha!” naisagot lang niya. No, thank you. Hindi siya interesado sa katulad nito. Ngayon pa lang ay ramdam na niya ang hangin nito. Sinubukan niyang bawiin ang kamay dito pero di nito binitawan.

“How about I tour you around town? I am sure you will have a great time,” he said in a seductive voice. She was not born yesterday. Alam niyang may iba itong interes sa kanya samantalang may girlfriend naman ito. Di na nahiya.

Ngumisi siya at nilakasan ag pagkakahatak sa kamay para mabawi dito. “Thanks for the offer but I am actually here with my boyfriend.”

“Boyfriend? May boyfriend ka na?” bulalas ni Rogel.

“Yes. Your local artist here. Si Robinson Dakila.”

“Robinson Dakila? Local artist?”

“Huwag mong sabihin na di mo nire-recognize ang talent na tulad niya? Or maybe you haven’t seen his works yet.”

Nakakainsultong humalakhak ang lalaki. “Honey, he is a major loser. You shouldn’t hang out with a guy like that.”

“Excuse me?”

Namaywang ito. “I am much more better than me. Try me. Hindi ka magsisisi.”

“Better in what way?”

“He is not exactly well-off, for one thing.”

She hated this guy even more. Nai-imagine niya ito na inaayos ang perang papel na parang pamaypay saka ipapaypay sa sarili. Pera na di naman nito pinaghirapan pero nagagawa nitong ipagmalaki sa kanya.

“Robinson is much more than meets the eye. Kung mayaman lang naman, marami akong nakilalang mas mayaman sa New York. They will make you look like a freakin’ pauper. And I still choose Robinson because he is a good man. And that is something that money can’t buy. Sa palagay mo ba ano na lang ang tingin ko sa iyo kumpara sa boyfriend ko?” aniya at ikiniling ang ulo. Gusto niyang ipakita di siya ang babaeng basta-basta nasisilaw sa salapi.

Napamaang ang lalaki. Di siguro inaasahan na masusupalpal ito. Baka unang beses lang nitong narasanan na matanggihan. Ibahin siya nito sa mga babaeng nauto nito. Hindi siya nai-impress sa pera o kapangyarihan.

“Ashley, nandito na ako,” masayang sabi ni Robinson.

“I miss you!’ aniya at yumakap sa lalaki. “Ikinukwento ko lang ang artworks mo sa anak ni Mayor. What’s your name again?”

“R-Rogel,” nauumid na sabi ng lalaki.

“Yeah! Sinasabi ko sa kanya that you are a good painter. Di ko nga nasabi sa kanya na dadalhin na ang paintings mo sa New York.” Ngumisi siya kay Rogel. “Hindi ba malaking karangalan sa bayan ninyo kung may artist kayo na malayo ang mararating katulad ni Robinson?”

“O-Of course. We will invite him on our next exhibit,” napipilitang sabi ni Rogel. “If you’ll excuse me. Tinatawag na akong mag-speech sa stage.”

“Ashley, sana di mo na lang sinabi iyon. Di naman niya gusto ang artworks ko. Nakakahiya lang. Paano kundi rin magustuhan ang gawa ko sa New York?” malungkot na tanong ng binata.

“No negative thoughts please. Samahan mo na lang akong mamili ng panregalo ko at pasalubong pabalik ng New York.”

“Walang problema.” Isang hangal si Lhala na mas pinili nito si Rogel kaysa kay Robinson. Di nito alam na may mga katangiang higit sa yaman o kapangyarihan. Alam niya na mapapasaya ni Robinson ang kahit sinong babae kung hahayaan lang nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.