"Ayaw kong maiwan, Denmeir. Sobrang sakit noong nawala si Denveir. Iniiyakan ko 'yon araw-araw natigil lang ang pag-iyak ko nang dumating ka."
Tumulo na ang luha ko. "Hindi ako madramang tao, pero ng dahil sa kaniya naging ganito ako. Palagi kong naaalala 'yong bus accident kaya hindi ko na magawang sumakay ng bus."
Diretso ko siyang tiningnan sa mata. "Ayaw kong makita noon ang mukha mo dahil naaalala ko siya, pero unti-unting tinatanggap ko na hindi ikaw siya at magkaibang tao kayo."
Tinakpan ko na ang mukha ko dahil humahagulgol na ako. Naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap niya.
"I wipe your tears away. I'll be your companion to your way to move on. I will promise that I won't leave you… because I can't." Hinaplos niya ang buhok ko. "Nandito lang ako sasamahan kita at hindi iiwan kahit ipagtulakan mo ako palayo."
"Salamat."
Ang pagsasabi ng 'salamat' ay napakahirap sa akin noon, pero hindi na ngayong itinuro ni Denveir sa akin na magsalita at sabihin ang nilalaman ng puso— 'wag na 'yong ipagpabukas.
"'Wag ka nang umiyak." Natawa ako dahil wala siyang mahagilap na panyo. Damit niya ba naman ang pinangpunas sa luha ko, puti pa naman.
Galing!
"Wala akong panyo," tumawa siya. "May kaunting pawis 'yan pagpasensyahan mo na."
Nakakatawa talaga ang lalaking ito kahit kailan.
"Mabango ba ang pawis ko?" Pumorma ang ngisi sa labi niya.
"Mabango ka naman talaga." Natakpan ko ang bibig ko dahil sa sinabi ko.
Nakakahiya naman bakit ba nasabi ko 'yon? Lumapad tuloy ang pagkakangiti ng mokong. "Inaamoy mo pala ako," nanunukso niyang sabi. "Hindi naamoy ko lang." "Fudge. Kunwari ka pa."
Tinalikuran ko siya at tinakbuhan kaya hinabol niya
ako.
Nahihiya ako, eh, bakit ba?
"Inaamoy niya ako," pang-aasar pa rin niya nang makalapit.
"Tigilan mo nga ako."
"Ayaw ko. Hindi kita titigilan hangga't ‘di ko naaangkin ang puso mo."
Tumakbo ako nang mabilis dahil kinikilig na ako baka mahimatay ako rito. Pinipigilan ko ang kumakawalang ngiti sa labi ko. Naabutan niya ako at niyakap mula sa likuran. Hindi na ako nakagalaw.
Grabe naman 'to ano ba, 'wag kang malandi, Ailey.
'Ayan ka nanaman kaya ka pa umiiyak kapag iniwan na.
"Buko pie, my buko pie." Bulong niya sa akin kaya mas lalo akong hindi na magkandaugaga kung paano gagalaw.
Denmeir umayos ka. Magiging dahilan ka ng atake ko sa puso at maagang pagkamatay.
"Itulak kaya kita, Buko pie."
Nilingon ko siya agad. "Ano?"
"Para kapag patumba ka na sasaluhin ka ng pag-ibig ko." Inilagay niya ang kamay sa dibdib at malapad na ngumiti.
Tinakbuhan ko nanaman siya dahil mamamatay na ako sa sobrang kilig. Aatakihin na talaga ako sa puso dahil sa mga banat niya at mga ginagawa. Kahit ang corny niya hindi ko talaga maalis sa sarili na kiligin.
Nahuli niya nanaman ako. "Takbo ka nang takbo hindi ka naman makakatakas sa pagmamahal ko."
Nahampas ko siya sa braso. Hindi ko na talaga napigilan ang ngumiti.
"Tigilan mo nga 'yang mga pinagsasasabi mo."
Nanunukso siyang ngumiti. "Kinikilig ka lang, eh."
Inirapan ko siya. "Medyo."
"Medyo ka riyan ang sweet ko kaya."
"Oo na."
Hinawakan niya ang kamay ko, nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Alam mo ang saya ko." Nilingon ko siya kaya ganoon din siya. "Kasi kasama kita ngayon, Buko pie." Hinaplos niya ang buhok ko. "Nakakaganda ka ng araw."
"Ikaw rin naman."
"Really?"
"Oo."
97
Michelle R. Villaflores
"Hindi mo na ba ako iiwan pagkatapos ng limang araw?"
"Wala naman akong sinabing iiwan kita."
Hinawakan niya ang pisngi ko at humalik sa noo ko. "Sana nga hindi mo ako iwan, Buko pie kasi…" hindi niya tinuloy ang sinasabi niya kaya nakunot ko ang noo ko.
"Kasi?"
"Nahihiya ako hindi ko masabi saka na kapag nakapag-ipon na ako ng maraming lakas ng loob."
Yumakap ako sa braso niya na ikinagulat niya. Siya ang pangatlong lalaking hinawakan ko, si Roex, Denveir at siya.
Pakiramdam ko totoong couple kaming dalawa. Wala mang malinaw na ugnayan hindi ko man masabi na nahuhulog na ako masaya na ako sa ganito. Kaya ko ng harapin ang bukas na hindi na masiyadong umiiyak dahil sa pagkawala ni Denveir.
Si Denmeir 'yong lalaking hindi nahihiyang sabihing 'nahihiya ako' at ipinapakita niya ang tunay na siya. Ang ka-weirduhan niya sa pagkausap sa mga bagay-bagay pati itlog ay friend sila. That makes my heart jump.
"Kuya Denmeir!"
May tumakbong bata at yumakap sa tuhod niya binuhat niya naman. Sunod-sunod na tumakbo ang iba pang mga bata.
"Kuya!"
Hirap na hirap siyang binuhat ang mga bata.
Sumulyap siya sa akin at ngumiti.
"Kapag pumupunta kami rito ni Denveir daig pa ang piyesta dahil sa dami ng pagkain. Binili kasi namin
ang beach na ito dahil sa kanila, pinapaalis na kasi sila dati."
Napanganga ako sa sinabi niya.
Sa kanila ang beach na ito?
Akala ko naki-check in lang kami sa hotel kaya pala kapag may kailangan siya tatawagan niya lang si Mang Arnes.
"Isarado mo ang bibig mo, Buko pie, maraming langaw rito," nakangisi niyang sabi.
"Hindi nga? Sainyo ito? As in? Buong isla? Wow! Ang yaman niyo naman."
"Hindi ako, ang magulang namin."
"Humble ka pa."
"Totoo naman. Wala akong sariling pera hangga't hindi ako nakaka-graduate."
Tumunog ang phone niya kaya kinuha niya.
"TK? Kumusta? Sure… ipapa-reserve kita 'wag mo ng bayaran dami mo nang naitulong sa akin," tumawa siya. "'Wag na muna tayong mag-gig busy ako, eh. Alam kong ikaw rin… woah! Siguro may gusto ka sa kaniya?"
Dami niya pang sinabi sa phone kaya naman pinanood ko lang siya.
"Sino 'yon?"
"Lalaki 'yon, Buko pie, kabanda ko. Si Taxen Kil Baider."
Nanlaki ang mata ko at natutop ang bibig.
"S-sino?"
"Taxen Kil Baider."