5 DAYS Chapter 19

"'Yong apo ng may-ari ng university?" Tumango siya. "Magkaibigan kayo?"

"Oo. We're best friends."

Parang malalaglag na ang panga ko sa sinasabi niya. Nakita ko na noon si Taxon Ken Baider kapatid ni Taxen Kil Baider at nahihiya ako sa kanila. Nakausap ko rin ang pinsan nila na si Elleina Zeal Suarez, 'yong babaeng kaibigan ni Cecelia umiiyak ako noon dahil kay Denveir.

"Hindi ako nagmamalaki, huh? Madaldal lang talaga ako," ngumiwi siya.

"Hindi naman gano'n ang pagkakaintindi ko." "That's my buko pie," humalik siya sa noo ko. "Nahihiligan mo na ang humalik sa akin, ah?"

"Hindi ka naman tumatanggi kaya sinasamantala ko," tumawa siya.

Nakipaghabulan si Denmeir sa mga bata hindi ko maiwasang mapangiti dahil para siyang batang munti rin. Nadadapa na nga siya, pero tumatawa pa rin. Biglang lumapit sa akin ang bata.

"Taya."

Tumakbo rin ako at hinabol sila. Nakakatawa pa lang makipaghabulan, pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata. Tumakbo si Denmeir—hinabol ko, ang bilis tumakbo ng mokong kaya naman si Jelo ang hinabol ko, 'yong bata. Ang bilis rin tumakbo hindi ko maabutan.

"Faster, Buko pie," pang-aasar ni Denmeir.

Napangiti ako sa naisip at umupo. "Ayaw ko na pagod na ako." Naglakad siya palapit sa akin.

Sige pa lapit pa ng mataya ka. Nang makalapit siya ay tinapik ko ang braso.

"Taya," tumakbo na ako nang mabilis.

"Mandurugas ka!"

Sigaw ako nang sigaw nang habulin niya ako, walang minuto na hindi ako naging masaya. Maabutan niya na ako kaya mas bilisan ko pa. Ang malas ko nga lang dahil natalisod ako buti na lang nasalo niya ako. Nawala ang ngiti ko nang magkatitigan kaming dalawa, hawak niya ang baiwang ko at nakaliyad naman ako.

Huminto ang mundo at wala akong marinig kung hindi ang tibok ng puso ko. Ang nakikita ko lang ay ang mukha niya.

Paano na ako kapag na-inlove talaga ako sa kaniya?

Iiyak nanaman ba ako kapag nawala siya?

Ang negative na ng isip ko. Pakiramdam ko lahat ay iiwan ako nang walang paalam.

Inayos ni Denmeir ang pagkakatayo naming dalawa. "Taya ka," ngumisi siya at tumakbo na.

Napatitig na lang ako sa likod niyang tumatakbo. Hinihintay kong makabawi sa gulat at pinapakalma ang puso ko.

"Ayaw ko na, Mokong," ngumuso ako. "Mandurugas ka hindi na ako naniniwala sa iyo."

Nginitian ko na lang siya at umupo. Kinuha ko ang kahoy na nagkalat at nagsulat sa buhanginan.

Denmeir

Nanlaki ang mata ko. Binura ko agad 'yon. Bakit pangalan niya ang sinusulat ko? "Hey, anong sinulat mo?" "W-wala."

Kumuha rin siya ng tangkay ng kahoy at nagsulat.

Buko pie

Nakangiti niya iyong ginawa at nilagyan niya pa ng heart.

Buko pie <3 Mokong

Nanlaki ang mata ko. Binura ko ang sinulat niya. "'Wag kang feelingero."

Tumawa siya, bakit gano'n na lang ka-sexy 'yon para mapatitig ako sa kaniya?

"Let's change it." Nagsulat siya ulit.

Mokong <3 Buko pie

'Ayon nanaman ang puso ko na tumatalon sa tuwa.

"Sometimes, love is complicated. We fell in love to the person that shouldn't, but we never care. Basta mahal natin ang isang tao nakalimutan na natin ang lahat makasama lang siya." Tinitigan niya ang mukha ko at hinawakan ang pisngi ko. Ipinakita niya sa akin ang iba't ibang emosyon sa mga mata niya at ang malapad niyang ngiti.

"Sana ako na lang siya," malungkot niyang sabi. "Sana ako na lang ang nakasama mo sa bus kahit pa ikamatay ko okay lang. Handa akong mamatay mahalin mo lang."

Nag-iwas ako ng tingin dahil ang tindi ng emosyon, hindi ko kayang salubungin. Hindi ko ito kayang harapin.

Bakit niya pinapakita sa akin ang sobrang pagmamahal kung ilang araw niya lang akong nakilala? Ilang araw nga ba o matagal niya na rin akong kilala katulad ng kakambal niya?

Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin.

Tinitigan ko muna 'yon bago kunin.

"Kailangan mong sumakay ng bus ulit at harapin ang takot mo."

Sunod-sunod akong napailing, tumulo ang luha ko at nanginig ang katawan ko. Hindi ko kaya dahil takot na takot ako kahit ang umapak lang. Si Denveir ang naaalala ko, ang mukha niyang duguan, ang ingay ng mga taong nagsisigawan at ang masakit na dulot noon sa katawan ko, isip at puso.

"I'll be with you."

"Natatakot ako."

Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.

"Kasama mo ako wala kang dapat ikatakot."

Umiling ako nang paulit-ulit. "Hindi ko kaya."

"Kaya mo basta't kasama mo ako. Hindi kita iiwan at pababayaan. Maniwala ka sa akin."

Tumulo nang tumulo ang luha ko dahil naramdaman ko nanaman ang takot, sakit at lungkot noong iniligtas ako ni Denveir.

"Paano kung—"

"Mabangga ulit tayo? Mamatay ako?" Pagtutuloy niya sa sasabihin ko. "Kahit mangyari ulit 'yon lalaban ako dahil hindi kita kayang iwan."

"B-bakit mo sinasabi 'yan?"

"Dahil mahalaga ka sa akin."

Natigilan ako at pinakatitigan ang mukha niya. "M-mahalaga ako sa iyo?"

"Hindi ba halata?" Hinawakan niya ang pisngi ko at humalik sa noo ko.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.

Bakit silang dalawang magkapatid pa? Gano'n ba ako kaganda?

"B-bakit ako pa? Maghanap ka ng ibang babae."

Umiling siya. "Ikaw ang gusto ko, eh. Wala kang magagawa roon."

"Hindi ako makapaniwala akala ko pinagtri-tripan mo lang ako?"

Tumawa siya. "Grabe ka talaga sa akin. Minsan sasabihin mong mamatay na ako tapos ngayon pinagtri-tripan naman kita?" Humawak siya sa dibdib at umaktong nasasaktan. "Ouch! It hurts!"

Pabiro ko siyang hinampas sa braso. "Ewan ko sa iyo. Hanap ka ng ibang pagtri-tripan mo."

Hinawakan niya ang pisngi ko kaya nailang ako at nagbaba ng tingin, pero hinarap niya iyon sa kaniya. "Look at me." Nang magtama ang mata namin ay dumagundong nanaman ang puso ko. "I'm not lying to you."

Hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti.

"You mean the world to me, Buko pie. My only home."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.