5 DAYS Chapter 20

DAY 4

Tinakpan ni Denmeir ang mata ko dahil may sorpresa raw siya. Umakyat kami sa dal’wang baitang, nangingiti ako dahil kinikilig ako. Kung ano man ang sorpresa niya siguradong matutuwa ako.

Nang tanggalin niya ang takip sa mata ko ay awtomatikong nanginig ang katawan ko.

Nasa bus ako! No!

Napako ang mga paa ko at hindi makagalaw. Pinikit ko ang mga mata ko. Nakita ko lang doon ang huling nangyari noong namatay si Denveir.

"Open your eyes. I'm here I'll protect you and you're safe with me."

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at niyakap ako. Unti-unti ay kumakalma ako hanggang sa maramdaman ko ang paggalaw nito.

Umaandar na!

"Open your eyes. I promise that I'm here... I'm always here." Humalik siya sa noo ko. Naramdaman ko ang hininga niya sa may tainga ko. "Nandito lang ako.

Sasamahan kita at pro-protektahan walang mangyayaring masama sa iyo. Overcome your fear you should not live in the past. What's done is done. You're living in the present."

Kahit natatakot at nanginginig ang buo kong katawan, tama siya kailangan kong labanan ang takot ko dahil hanggang kailan ako matatakot?

Hanggang kailan ako mangangamba?

Nararapat na maging masaya ako dahil nagkaroon ako ng pangalawang buhay dahil kay Denveir.

Unti-unti kong minulat ang mata ko. Tumulo ang luha ko nang makita ko ang ayos ng bus. Maraming pulang lobo at may kulay puting kurtina. May nakalagay sa likod na mga letter.

Overcome your greatest fear and hold my hand.

Iyon ang bumungad sa akin. Mahigpit na hinawakan ni Denmeir ang kamay ko. Inilibot ko ang mata ko at nakita kong may mga nakalagay na sulat sa lobo.

'My buko pie, be happy.'

'Bus date?'

'Travel with me.'

'Come on, give me your sweetest smile.' 'Different memory, you and me.'

Napangiti ako nang mabasa ko 'yon. Hindi ko napapansin na unti-unti ng nawawala ang takot ko at napapalitan 'yon ng kilig at masayang pakiramdam.

'Ailey? Aileyk you.'

Napatawa ako nang makita ko 'yon. Grabe naman siya magpakilig. Nawili akong tingnan pa ang mga lobo kaya naman naglakad pa ako habang nakaalalay siya sa akin at hawak pa rin ang kamay ko.

'Don't cry, reserve it to our wedding day.' Napatitig ako sa lobong 'yon.

May balak siyang pakasalan ako? Totoo ba 'yan?

Napakurap-kurap ako para tingnang mabuti.

Totoo nga!

Natulala na ako. Tiningnan ko siya. Hindi ko masabi ang gusto kong itanong. Nagkamot siya ng noo at may sinusupil na ngiti sa labi. Nag-iinit ang pisngi ko kaya naman tumuloy na lang ako sa paglalakad.

'You're a pro singer.'

'100'

Natawa ako, parang ewan, siguro wala na siyang mailagay kaya 'yon na lang. Nakita kong nagkamot nanaman siya ng noo, nahihiya nanaman.

'One hundred percent love for you.'

Napaawang ang labi ko, hindi ko nanaman alam paano ba magsasalita. Gulat na gulat ako sa mga nababasa ko.

'Stay with me.'

'Be mine, Buko pie.'

Napalingon ako sa kaniya nang mabasa ang huling lobo.

Nagkamot nanaman siya ng noo. "Nahihiya ako, hayaan mo na 'yan 'wag mong sagutin wala kang kailangan sabihin—"

"Be mine, Mokong?"

Napaawang ang labi niya at nanlaki ang mata niya. "W-what did you say?"

Tinalikuran ko siya at akmang tatakbo, pero hinawakan niya ako sa braso.

"Ulitin mo," ngingiti-ngiting sabi niya.

"Wala," nakangiti akong umupo.

"Guni-guni mo lang 'yon, Denmeir. Grabe na, may sakit ka na ba sa utak kung anu-ano na naririnig mo?" Kinakausap niya ang sarili.

Baliw talaga.

Umupo siya sa tabi ko. Nawala ang takot ko sa bus kahit naaalala ko pa rin ang nangyari ay hindi na ako gano'n katakot. Siguro dahil nandito siya, nandito si Denmeir—sasamahan niya ako hanggang marating namin ang daan patungo sa kung saan.

Kinabahan ako nang biglang magpreno ang driver. Nakita siguro ni Denmeir ang reaksyon ko kaya hinawakan niya ang kamay ko at pinakalma ako. Hindi ko mapakalma ang sarili hanggang sa titigan niya ako.

"Can I kiss you?"

"Huh?"

Bago pa ako makapagsalita ulit ay hinalikan niya na ako kasabay nang muling pag-andar ng bus. Parang gumagawa siya ng memory namin sa bus para 'yon na ang maalala ko. Dampi lang ang ginawa niya, pero napalitan niyon ng kakaibang pakiramdam ang buong sistema ko.

My fear automatically disappear.

That kiss giving me a happy memory to look back inside this horrible bus. His kiss reminding me of a strong desire to love again—to love him without thinking of letting go.

Ang takot ko noon na kahit makakita lang ng bus ay nalusaw na. Masasabi kong kaya ko na ulit makipagpambuno sa bus para sumakay, tumayo habang nakahawak sa bakal at makipagsiksikan sa mga tao. Isang halik lang ang nakapagpabago sa puso kong natatakot magmahal. He let me think of how beautiful the world is. He let me realize of going outside to the four corner of my traumatic experience.

Pinakatitigan ko ang mukha niya na panay ang iwas sa tingin ko at nagkakamot ng noo.

Napangiti na lang ako. "Salamat, Denmeir."

Nilingon niya ako at ngumiti. "Thank you for the kiss? So, pwede pala kitang halikan at hindi lang 'yon nagpapasalamat ka pa."

Nanlaki ang mata ko. Nagbaba ako ng tingin. Akmang tatayo ako para tumakbo, pero hawak niya ang kamay ko.

"'Wag ka nang tumakbo wala ka namang kawala sa pagmamahal ko."

Nag-iwas ako ng tingin at inabala ang sariling tumingin sa labas. Kinikilig nanaman ako at parang hihimatayin na.

Maldo Andwae, Denmeir!

"Why are you smiling? Kinikilig ka 'no?" Pang-aasar niya sa akin na inirapan ko lang.

Kalma ka lang, heart.

Napabuntong hininga na lang ako. Nababaliw na ako sa kakaisip sa iyo, Denmeir. Nakakabaliw kasi ang kaguwapuhan mo at ang matatamis mong salita at gawa.

Huminto ang bus sa hindi ko malamang lugar. Sumilip ako sa bintana. Nanlaki ang mata ko nang makitang may stage roon at may mga nakalagay na set of instruments na sa tingin ko ay sa banda.

Nilingon ko si Denmeir na ngayon ay ngiting-ngiti.

"Let's go," hinawakan niya ang kamay ko hanggang sa makababa.

Napatakip ako sa tainga nang makita ang mga nagkakagulong babae.

Guwapo naman niya?

Nakangiti niyang kinaway ang isang kamay. Sumalubong sa amin ang isa pang lalaki na kasama ni Norman at sa likod niyon ay si Taxen Kil Baider.

"Den!" Nakipag-apiran siya sa mga lalaki.

"Hi, I'm TK," nakangiting sabi ni Taxen Kil at naglahad ng kamay sa akin.

Si Denmeir ang umabot ng kamay niya kaya tumawa ang tatlo.

"Girlfriend ko siya kaya back off," tinawanan lang siya ng mga kaibigan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.