5 DAYS Chapter 3

DAY 2

Maaga ulit ako gumising. Gano'n na lang ang inis ko nang makitang ang daming tao ang naghihintay ng bus.

May dumating na isang bus. Tumalsik agad ako dahil sa mga nagraragasaang mga lalaki. Hays!

Ano ba ‘yan!? Male-late ako kung 'di pa ako makakasakay, may quiz pa naman!

May dumating ulit, pero ang letter ay 'B' kaya hindi ako pwede ro'n iba ang daan no’n. Naghintay lang ulit ako, nilalamok na ako.

Nang may dumating na bus ay nakita ko sa bintana na nakasilip si… Mr. Nursing! Nakipagpambuno ako para lang makasakay.

"Aray!" sigaw no'ng babaeng inunahan ko. Hinawi ko ang mga tao at wala akong paki sa kanila basta nakita ko si Mr. Nursing. Umakyat ako at pinigilan ang ngiti nang makita siyang nagbabasa ng medical book. Siguro ang talino niya?

Unti-unti akong umusog. Kahit tumayo ako sa harap niya okay lang.

Sinilip ko ang libro, tama nga ako nursing siya kasi ang nakalagay ay Fundamental of Nursing.

Parehas pala kaming mahilig sa medical education. Saan kaya siya nag-aaral?

Sumisilip ako paminsan-minsan para tingnan ang ginagawa niya. Nasaan kaya ang I.D. niya?

11

Michelle R. Villaflores

Nakakahiya magtanong kung ano ang pangalan

niya.

Dumagsa nanaman ang mga tao kaya tuwang-tuwa akong sumiksik kay Mr. Nursing kahit na nakatayo lang ako. Ako lang siguro ang babaeng natutuwa kapag nasisiksik.

Bakit kaya 'di siya gentlemen? Char! Crush ko pa rin siya! Hanuraw? Crush? Ang landi mo, Ailey!

Pumwesto ang ibang lalaki sa likod ko. Nagulat ako nang tumayo si Mr. Nursing at walang pasabing kinabig ako sa inuupuan niya kanina. 'Di man lang siya nagsalita. Ngingiti-ngiti akong umupo sa upuan niya. Ayie! Kunwari lang pala na 'di siya gentlemen.

Tiningala ko siya. Nasa harapan ko na siya ngayon, nakatayo, nakahawak sa bakal at kunot ang noo.

Ang sungit, pero ang pogi! Ayie! Sana palagi ko siyang makasabay sa bus! Isang ngiti naman diyan, oh!

Gusto kong sabihin sa kaniya 'yong madalas kong linya sa nakasimangot, pero 'pag sa kaniya nahihiya ako!

Ang pogi niya sa uniform niyang puti. Mukha siyang malinis at angelito!

May sumakay na isang matandang babae at dahil maawain ako sa mga matatanda pinaupo ko siya sa upuan ko.

Para magkatabi kaming nakatayo ni Mr. Nursing! ‘Yon talaga ‘yon, ito ang mga da moves ng mga babaeng nagpapapansin sa crush nila. Baka sa sobrang kahibangan ko, ako pa ang manligaw.

Joke lang! May dignidad naman ako.

Sinulyapan ko siya nakatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo, pero no'ng tiningnan ko siya nag-iwas siya ng tingin.

Kunwari ka pa, huh?

May pumasok na magtitinda ng mani. Gusto ko pa naman no'n, pero wala akong pera. Bumili si Mr. Nursing ng nilagang mani. Lalo akong sumimangot, ang sarap no'n. Hays.

"Hmm," sabi niya nang kumain siya ng isa.

Nang-iinggit ba siya? Hindi naman siguro bakit close ba kami para gawin niya 'yon?

"Di ka ba manghihingi?" seryosong sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Kunwari. Ngumiti siya! Woah! Maldo Andwae! Maldo Andwae means 'I don't believe' in Korean. Parang biglang tumigil ang mundo.

One smile, you complete me.

Isang ngiti lang, para akong naka-jackpot sa lotto! Grabe ang tibok ng puso ko, parang anumang oras ay hihimatayin na ako! Siya ang may pinakamagandang ngiti.

"Oh," kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya ro'n ang plastik ng mani.

Tinitigan ko lang muna 'yon 'di ako makapaniwalang ibinibigay niya sa akin. Kinausap at nginitian pa niya ako. Pasimple kong nasampal ang sarili inaalam kung totoo ba ang mga pangyayaring ito.

Totoo! Hindi ako nananaginip lang!

"Peanuts are good to your health you can gain healthful fats, protein, and fiber. They also source of

potassium, phosphorous, magnesium, and B vitamins. Peanuts are rich in nutrients and low in carbohydrates."

He winked and gradually forming a wide smile.

Natulala na ako.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.