"Jessie Lewis," pakilala ng isa pa.
"Kilala mo na ako," nakangiting sabi ni Norman na tinanguan ko naman.
"Mga kabanda ko sila," ngumisi si Denmeir. "TDNJ band."
"As in Taxen, Denmeir, Norman and Jessie band," sabi ni Jessie.
"I'm Ailey Espinar," pakilala ko kaya ngumiti sila at tumango.
"Let's rock 'n roll, Gonads!" Malakas na sigaw ni Norman.
Umakbay sa akin si Denmeir, naglakad kami papunta sa stage. Ang ingay ng mga babae, maaga pa naman, pero tutugtog sila.
"Girlfriend mo?"
Hinarang kami ng babae, tinaasan ako ng kilay.
Ngumiti si Denmeir at tumingin sa akin.
"Yes."
"Aww," umalingangaw ang lakas ng hinanakit ng mga babae. Pinisil ko ang braso niyang nakaakbay sa akin at bumulong.
"I'm not," bulong ko sa tainga niya.
"You are," kinindatan niya ako. Imbes na ako ang kiligin ay ang mga babae ang nagtilian.
Nilingon ko naman si TK na ngayon ay pinagkakaguluhan, lahat sila actually. Ang pogi niya, kulot ang buhok na bumabagay sa kaniya, malamlam ang mga mata, mapula ang manipis na labi at kapag ngumingiti ay kitang-kita mo ang dimples niya, pero para sa akin mas pogi ang katabi kong ito.
"'Sup, girls?" Tanong ni TK sa mga babaeng hindi na magkandaugaga kakatili, pero ang atensyon ni TK ay nasa babaeng maiksi ang buhok, ang cute niya.
"Arahmel! Stalker talaga kita," tumawa si TK at lumapit sa kaniya. Nahiya naman ang babae at namula.
Ang cute nila!
"Crush mo si TK?" Kunot noong tanong ni Denmeir.
"H-hindi, ah."
"Good. Dapat ako lang."
"Gonad D, bilis!" Tawag ni Norman kay Denmeir.
"Aakyat na kami sa stage." Inupo niya ako sa nasa unahang upuan. "Dito ka maupo," hinalikan niya ako sa noo bago umakyat kaya nahiya naman ako.
"Hey, messy crowd! 'Sup?" Sigaw ni TK sa audience. "We're going to sing, but we prepare only three songs for our beloved Denmeir," nagtawanan silang tatlo. Nahihiya namang nagkamot ng noo si Denmeir.
Bakit kaya? Akala ko gig nila.
"Inistorbo lang kami ng isang ito," sabi naman ni Norman at tumawa.
"Without further do, let's rock the world!" Malakas na sigaw ni TK.
Kagulo na ang lahat, papalubog na rin ang araw kaya siguradong magsasaya na ang lahat. Si Denmeir at TK ay may hawak na gitara. Si Norman ay drums na may kung ano-ano pa sa harap niya. Si Jessie ay piano. Sa tingin ko ang kakanta ay si TK.
"Gusto niyo bang marinig kumanta si Den?" Malakas na tanong ni TK.
"Oo! Woah!" Sigaw rin ng mga kababaihan.
Hindi pala siya kumakanta?
"Request granted!" Nakangising tiningnan ni TK si Denmeir, siya naman ay nagkakamot ng noo. "It's your turn, Gonad D."
"Yeah," mahina namang tinampal ni Denmeir ang dibdib ni TK na tinawanan lang nila.
Nang magsimula na ang tugtog ay hihimatayin na ako dahil parang alam ko ang kanta at kung si Denmeir ang kakanta baka sa hospital na ako magising nito dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
Kalma, Ailey.
Humugot ako nang malalim na hininga. Kinakabahan ako sa di malamang dahilan.
Hinahanap-hanap kita
By: Daniel Padilla
Adik sa 'yo
Nabingi ako sa lakas ng sigaw ng mga babae.
Tumayo na rin ako at nakisigaw, ang mga mata ni
Denmeir ay diretsong nakatingin sa akin at nakangiti.
Wait lang! Hinay lang kinikilig ako!
Ang angas ng pagkapostura niya habang hawak ang gitara at nilalapit ang bibig sa mic na nasa stand.
Gusto kong tumakbo nang bumaba si Denmeir. Gosh! Maldo Andwae!
Bago pa ako makatakbo ay nahawakan niya na ako. Nakakahiya naman, ang lahat ng tao ay nakatingin sa amin. Nakangisi naman ang mga kabanda niya.
Itinuro niya ang ulo sunod ay ang hintuturo niya naman ang tinuro sa akin. Gusto ko siyang talikuran dahil sa kahihiyan. Ang ibang babae ay naiinggit, ang iba ay kinikilig, ang iba ay masama ang tingin at ang iba ay tumitili.
Hinila niya ako paakyat sa stage. "Sing with me, buko pie," nakangiti niyang bulong at hinarap sa bibig ko ang mic.
Noong kumanta ako sa beach ay okay lang dahil lasing ako pero ito nakakahiya naman lalo na at kinikilig ako.
Bahala na!
Nakita ko na lang ang sarili na hinawakan na ang mic at sinabayan ang kanta niya.
Natigilan ako nang kunin ni Denmeir ang kamay ko at pinagsalikop 'yon. Umalingawngaw ang tilian ng mga babae.
Nakakabingi ang lakas ng tugtog at nakakasira ng eardrums ang lakas ng kalabog ng puso ko. Masasabi kong sa ilang araw na kasama ko siya, sobrang saya ko. Pang-apat na araw pa lang, pero marami na kaming nagawang masasayang alaala.
Bigla tuloy akong natakot para bukas, ikalimang araw na. Paano kung mangyari ulit ang kinatatakutan ko? Pilit kong isinaksak sa isip ko na aksidente ang nangyari walang kinalaman ang panglimang araw.
Kumanta pa sila ng dalawang kanta hanggang sa matapos na ng tuluyan ang gig nila. Hindi na nawala pa ang pagkakangiti ko.
"Kil!" Lumapit ang kaninang babaeng maiksi ang buhok na tinawag niyang Arahmel at binigyan si TK ng panyo at tubig.
Ang sweet naman.
"Girlfriend niya ba 'yon?" Tanong ko kay Denmeir.
"Hindi. They're friends."
Napasimangot ako. "Bakit friend lang?"
"Love story natin ang intindihin mo 'wag sa iba. Girlfriend na kita, ‘di ba?"
Inirapan ko siya. "Hindi, pero kung makasabi ka kala mo girlfriend mo na ako."
"Do'n din ang punta natin."
"Gonad D, saan na kayo pupunta?" Tanong ni Norman.
"Hindi ko pa alam," tiningnan ni Denmeir si TK. "Gonad TK, ikaw?" Nagkibit balikat si TK. Lumapit naman si Jessie.
"Tara sa bahay, sama mo na si Ailey," yaya ni Jessie.
"Alangang iwan ko? Tara."
Sumakay kami sa bus. Kinantyawan naman nila si Denmeir dahil sa mga lobong nakita nila.
"Sweet ni Den nilalanggam na," malakas na tumawa si Jessie.
"Saan mo nakuha ang ideyang ito? Nakakasuka," nagkunwaring nasusuka si Norman at malakas na tumawa.
"Inggit lang kayo kasi wala kayong lovelife!" Asik ni Denmeir sa kanila at masama silang tiningnan.
"Hey, Arahmel, where are you going? Kasama ka." Hinila ni TK 'yong babae at isinakay din. Nakita ako ni TK na nakatingin sa nahihiyang babae kaya ngumiti siya.
"She's Arah Melita Abriol, call her Arah. She's my cousin's friend na naging kaibigan ko na rin."
Naglahad ako ng kamay kay Arah. Nahihiya niya namang inabot 'yon.
"I'm Ailey."
"Arah," ang cute niya.
"Buko pie, sit beside me." Tinapik ni Denmeir ang tabi niya kaya doon ako umupo.
Nakalimutan ko na ng tuluyan ang takot ko sa bus. Dahil 'yon kay Denmeir na tinuruan akong harapin ang takot at nalampasan ko nga.
"Hindi ka na takot?" Tanong ni Denmeir.
"Hindi na," malapad akong ngumiti.
"Buti naman dahil kung natatakot ka hahalikan ulit kita."
Pabiro ko siyang hinampas sa braso. "Subukan mo bukas wala ka ng labi."
"Bakit?" Kunot-noo niyang tanong at saka sumilay ang ngisi. "Kasi inuwi mo na ang labi ko dahil nagustuhan mo? Matamis?"
Nag-iinit ang pisngi ko kaya inirapan ko siya at nag-iwas ng tingin.
"’Di nakakatuwa." Kunwaring naiinis kong sabi. "Kasi nakaka-inlove."